Annabelle Rama answers statement of PEP's lawyer


 
"Alam mo, 'Day, yung mga nagne-negative comments ng PEP, very one sided. Pinapalabas nila, lahat ng fans, galit-galit kay Richard, kung saan-saan fans. Limang tao lang 'yan, Pia, nakaupo maghapon 'yan, type nang type, iba-ibang email, iba-ibang address, iba-ibang SIM card...  Alam ko na sinong grupo 'yan, kung sino ang nagmaniobra diyan para pabagsakin si Richard," says Annabelle Rama.

Annabelle Rama answers statement of PEP's lawyer

Rose Garcia

Rating

"Alam mo, 'Day, yung mga nagne-negative comments ng PEP, Pia, very one sided. Pinapalabas nila, lahat ng fans, galit-galit kay Richard, kung saan-saan fans. Limang tao lang 'yan, Pia, nakaupo maghapon 'yan, type nang type, iba-ibang email, iba-ibang address, iba-ibang SIM card...  Alam ko na sinong grupo 'yan, kung sino ang nagmaniobra diyan para pabagsakin si Richard.

 

"Hindi mo kayang pabagsakin ang anak ko dahil 'pag ang tao mabait at walang ginawang masama, hindi puwedeng bagsakin. Gusto mong i-boycott? Kayo ang i-boycott! Dapat i-ban mo 'yang PEP na 'yan. Kasi walang ginawa, nakakasira kayo sa industriya.

 

"Kaya itong movie industry, minsan nahihirapang umangat kasisira nila, sira sila nang sira. Hindi nakakatulong sa ating movie industry 'yan. Dapat kayong i-ban at hindi anak ko.  Yun lang ang masasabi ko, Attorney.

 

"At saka, Attorney, dahan-dahan ka magsalita. Gusto mo yatang mag-artista! Ako, hindi kita ima-manage. Hindi kita ima-manage, Attorney. Gusto mo lagi ka sa TV. Excuse me, 'Day, hindi ka dapat sa showbiz. So, huwag kang makialam," dire-diretsong pahayag ni Annabelle.

 

Kinuha rin ni Pia ang reaksiyon ni Annabelle tungkol sa hindi pa rin pagbibigay ng retraction ng PEP.

 

"Siyempre, Pia, gusto nila kasi, panindigan nila 'yan kasi ayaw nilang masira ang PEP, which is bad."

 

May imbestigasyon daw na ginagawa ang PEP?

 

"'Yan ang hindi ko maintindihan, e. Kung magaling siyang lawyer, alam mo namang walang nangyari at wala talagang nangyari. May imbestigasyon kayo? Sinong victim n'yo? Kasi, ang supposed to be victim na inilagay sa PEP, si Michael Flores na nagsalita na at nanumpa na walang nangyari. So, sinong victim n'yo? Kung magaling kang lawyer... Kung ako pa sa 'yo, Day, okey, ang gawin mo, pag-aralan mong mabuti ang kaso na isinampa ni Richard sa client n'yong PEP. Yun ang pag-aralan mo. Papaano ipaglababan na manalo ang kaso n'yo. Huwag ka nang magpa-TV, 'Day, na nangngangawa-ngawa ka sa TV, 'Day. Hindi bagay sa 'yo, Attorney, kung Attorney ka man, okay?"


WILMA IN THE PICTURE. Muli, may sasabihin sana si Pia ngunit hindi na naman niya ito natuloy dahil may isa pa raw isyu na gustong linawin si Annabelle—ang tungkol sa away nila ng GMA-7 executive na si Ms. Wilma Galvante.

 

"Isa pang gulo Pia, ika-clarify ko lang... Itong kay Wilma Galvante at saka sa akin. Dito nag-start ang gulo. In-offeran si JC ng offer na project, ang artista, ang manager has the right tumanggi pag hindi maganda ang project para sa talent niya. Kasi, inaalagaan ko ang career ng mga talents ko.

 

"Ang nangyari, tumanggi si JC, after four days, dumating ang sulat ng lawyer ng GMA nagdedemanda, idedemanda raw kami kung hindi tatanggapin ang project. Doon nag-start ang gulo naming dalawa ni Wilma. Dahil tumanggi raw ako ng project para kay JC, after that incident, after four days, meron nang demand letter galing sa lawyer ni Wilm na idedemanda daw kami. Doon nagsimula ang gulo, namin ni Wilma because of that project."

 

Dito ay sumingit na si Pia. Aniya, "Tita Annabelle, alam po natin na nasa korte na 'yan. We'd really like to go back to the issue. Nandito po ang dalawang lawyers ninyo...

 

Pero giit ni Annabelle, "Hindi, sinasabi ko lang naman, Pia, e! Kaya hindi ako nag-elaborate kay Wilma Galvante dahil nasa court na 'yan. In-explain ko lang sa taong-bayan na nanonood sa atin dito ngayon. Kung inaakala nilang ako ang nag-umpisa ng gulo, wala kaming inumpisahang gulo. 

 

"Kaya nagdemanda ako dahil after one month nanahimik ang beauty ko, pinu-promote ko yung Zorro araw-araw, ito na ang demanda ni Wilma sa akin. Ngayon, Pia, idinemanda niya ako, sinasagot ko naman siya. Kaya doon kami magtatapos sa korte, di ba, Pia?

 

Na sinagot naman ni Pia ng, "Yes, Tita Annabelle."

 

"Na-explain ko bang mabuti ang side namin, Pia?" tanong ulit ni Annabelle.

 

"Yes, Tita Annabelle," muling tugon ni Pia.

 

CEASE & DESIST. Pagkatapos nito ay tinawag na ni Pia ang legal counsel ni Richard na si Atty. Angelica Santiago at ang legal counsel ni Annabelle na si Atty. Agnes Maranan.

 

Tinanong ni Pia si Atty. Maranan kung ano ang masasabi nito sa tila pag-i-ignore ng PEP sa cease-and-desist letter para pigilan ang pagpapalabas ng artikulo sa PEP. (Click here and here to read PEP's reply.)

 

"Well, we had just sent the letter and we are now studying our options what to do," umpisa ng legal counsel ni Annabelle. "Plus, the fact that they continue to print... I think, they are still continuing to upload even the negative comments.

 

"Yung sinabi ni Annabelle, there are things that we need to respond, too. Doon sa sinabi kahapon nung lawyer ng PEP, as well as what were written in PEP yesterday in response to the letter which I have sent.

 


Join us on Facebook


Pages: « Prev  1  2  3  4  5  Next »

Related Articles
1 2

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.



Bookmark and Share
Email this link
684 Comments
page    1    2    3    4    5    6    7    8    9    10    11    12    13    14   
Follow us on Facebook Follow us on 4ter Subscribe on RSS Subscribe to Newsletter



Advertisement