news

Annabelle Rama answers statement of PEP's lawyer

by Rose Garcia posted on April 20, 2009  STATS: 71196 Views | 684 Comments

 

"Alam mo, 'Day, yung mga nagne-negative comments ng PEP, very one sided. Pinapalabas nila, lahat ng fans, galit-galit kay Richard, kung saan-saan fans. Limang tao lang 'yan, Pia, nakaupo maghapon 'yan, type nang type, iba-ibang email, iba-ibang address, iba-ibang SIM card...  Alam ko na sinong grupo 'yan, kung sino ang nagmaniobra diyan para pabagsakin si Richard," says Annabelle Rama.

Photo By: Noel Orsal

Live na nag-guest sa Showbiz Central kahapon, April 19, ang ina ni Richard Gutierrez na si Annabelle Rama upang sagutin ang naging pahayag ng abogado ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na si Atty. Sandra Olaso-Coronel sa Startalk noong Sabado, April 18. Ito ay kaugnay ng cease-and-desist letter na ipinadala ng legal counsel ni Annabelle na si Atty. Agnes Maranan sa PEP noong April 14, upang ipatigil ang pagpa-publish ng anumang artikulo o komento tungkol kay Richard sa website na ito.

Bukod kay Annabelle, live ding na-interview ng Showbiz Central host na si Pia Guanio si Atty. Maranan at ang legal counsel ni Richard na si Atty. Angelica Santiago.


THE WITNESSES. Pero bago ang live interview ni Annabelle at ng mga abogado nila ni Richard, ipinakita muna ang taped interview sa tatlong witnesses ni Richard—sina Mark Reyes, Bubbles Paraiso, at Michael Flores—kaugnay ng P25-million libel suit na isinampa ng young actor laban sa PEP noong April 13. Ito ay dahil sa nalathalang artikulo rito sa PEP tungkol sa diumano'y "altercation" nina Richard at Michael sa birthday party ni Direk Mark noong madaling-araw ng March 29. (Click here to read related story.)

Narito ang kanilang mga pahayag:

Mark: "As far as I know, nag-umpisa ang party ng 9 p.m. Natapos ang party ng 3 a.m. Umuwi ang mga guests ko, as far as I know, walang nangyaring ganoon. I double checked Oceana [venue ng party] kung may nangyaring ganoon at kung may incident report, wala. I asked a lot of people, walang nakakita. As far as I'm concerned, I hosted a party that began and ended without any incident."

Bubbles: "Dumating po ako sa party kasama ko si Richard at si Raymond [Richard's twin brother]. Kasama ko po sila the whole night. Umalis po ako sa party, kasama ko pa rin po si Richard. So since magkasama po kami the whole night at wala akong na-witness, siguro naman po ibig sabihin nun, wala talagang nangyari."

Michael: "Wala lahat, e. Yung parking lot, yung nagkasigawan kami. Yung 'gun toting' na sinasabi nila, kasi medyo magulo yung part na yun.  Kasi, hindi mo alam kung si Richard ba ang tumutok sa akin, or ako ba ang tumutok kay Richard, or kaming dalawa ang nagtutukan.

"Masyadong malalim yung term na 'gun toting,' e. So, siyempre, baril na yung pinag-uusapan. Sana na lang talaga matapos na 'to. At yung sinasabi nilang ita-try nilang i-defend, na meron talagang nangyari na ipipilit nila, e, sana magpakita rin talaga. Dahil sobrang nakakahiya siya. Wala talagang nangyaring ganoon, e. Nakakalungkot na, e, alam mo yun? Masyado nang lumaki at sana matapos nang lahat."


(Sa artikulong nailathala rito sa PEP noong March 29, walang binanggit na "tutukan ng baril." Ayon sa Longman English Dictionary Online at dictionary.com, ang "gun toting" ay "carrying a gun" o pagdadala ng baril.)

Mark: "I will wait for that [investigation]. I would want to find out who knew what. Because as a host who had the party, I would want to know kung talagang may nangyari. Because until they have not shown me anybody who would really say na, 'I saw what happened,' I will not believe it because, you know, it could be just hearsay. To our mind, to what, 200 of my guests, nothing happened."


Bubbles: "Nakakasira kasi ng isang reputasyon. Especially with someone in Richard's stature talaga na he worked so hard for his image, for his reputation and then, isang ganyan lang, masisira, hindi naman totoo.  So, kailangan talagang ipaglaban namin. To fight for what's right, to fight for the truth."


Michael: "Knowing Richard, sa personality noong tao, kahit papaano naman, nakatrabaho ko siya sa Kamandag. Ang bata pa niya. Kumbaga, kaya nga ganito na lang siya mag-react ngayon dahil pinagkakaingatan niya yung career niya. At naiintindihan ko rin yung family niya na all-out support. Kung sila nga all-out support, di ba?"

Mark: "I had a great time that time celebrating my birthday, and it's unfortunate this thing happened. Sana ma-clear 'to at magkaayusan, both PEP and sina Tita Annabelle at si Richard. It's really a small issue that just went out of proportion. Na sana talaga, maayos lahat ito and, you know, everybody move forward."

Pagkatapos nito ay nakausap naman ni Pia live on the phone ang GMA Films President na si Ms. Annette Gozon-Abrogar, na isa sa mga guest sa naturang birthday party ni Direk Mark.

Narito ang kanilang naging usapan:

Pia: As one of the guests of the said birthday party, meron po ba kayong personal na nakita o narinig tungkol sa sinasabing insidente?

Annette: "Actually, I left the party at around 12 [midnight]. Yung sinasabing insidente na 'yan, wala na ako. But while I was there, everyone was friendly, calm, and everyone's just having a good time celebrating Direk Mark's birthday. So, yun ang nakita ko."

Pia: Did you get a chance to personally talk to Richard or Michael Flores that night?

Annette: "Actually si Richard, kinausap ko because when he came, everyone was very happy. Kaka-launch lang kasi ng Zorro at that time. So, ang pinag-usapan namin noon was how happy we are with the result of Zorro. Tapos, sinasabi niya nga kung paano yung mga efforts nila for the show. And we also talked about his upcoming movie project. So, he was very excited. His spirit was very positive that night. Si Michael Flores naman, I just saw him, he was there early. And he was sila with Bobby Andrews and they were just having a good time."

Pia: So, there's no indication that anybody was problematic?

Annette: "Actually, doon sa party nga, parang it was a very wholesome party. It wasn't even yung mga rowdy types of parties. Yung pinag-uusapan nga usually ng mga tao do'n, work. So, parang nagulat nga ako noong marinig ko yung nangyari."

Pia: Ano ang reaction n'yo ngayon sa buong isyu na ito na humantong pa sa demandahan?

Annette: "Actually, nagulat talaga ako noong narinig ko na may nasulat na ganoon, and I even asked my friends who were there until the end kung may nakita rin sila, pero wala. Parang so far, doon sa mga nakausap ko, wala naman silang gulong alam na nangyari that night.

"So, nagtaka talaga ako why there was something like that. But I guess, si Richard kasi is a very responsible person and I know for a fact, na talagang sobra siyang naka-focus sa career niya, that's his life. So I understand how he feels na he really want talaga to protect his name. Because siyempre, pangalan niya yung nakataya rito. And it's very important in showbiz to maintain a very good image and reputation. So, I guess it's his right to file a case, so lumabas naman ang totoo. And I think, everyone will benefit from that, because eventually, the truth will come out."

1  2  3  4  5  6  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

684 Comments

  • 464  182395

    04/21/2009 | 11:47 AM
    tama lang naman na punahin ni Anabel yung mga pinagsasabi ng lawyer ng pep - bakit nga naman ganun ang reaction nya sa issue.. napaka unprofessional at para bang sya ang kinasuhan. Dapat sa loob lang ng teritoryo nila ang mga opinion nya kasi lumalabas tuloy na parang sya itong galit na galit sa sinampang kaso sa pep.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 463  johnmico

    04/21/2009 | 11:46 AM
    ANABELLE rama everbody doesn't like you,, infact a lot of people have a grudge against you,, kaya bunganga u,, lagyan u ng plastic para di ka na nakikialam... isturbo...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 462  holla_pinay

    04/21/2009 | 11:38 AM
    annabelle was so funny, kasi i watched startalk dahil hindi ako makalabas because of the snow. So, I know what pep's attorney talking about, parang hindi nya naintindihan kaya nagbubunganga sya sa Showbiz central, bakit hindi kaya sya magbunganga sa the buzz para masaya! Also, pep's attorney said, about quot;IFquot; sa TAGALOG quot;KUNGquot;...hindi naman nya sinabe na ibanned si richard sa mall, magazine or wat so ever.Nilagyan nya ng quot;kungquot; gusto nyang hindi na mag-artista or mapag-usapan pwdeng mangyari yun. This is only my opinion!
    -out na!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 461  pinay123

    04/21/2009 | 11:38 AM
    lima lang daw ang nagsusulat ng negative comments...anabelle rama, you can't accept the fact that a lot of people don't like you and unfortunately, this has transferred to your son.
    she really is beyond annoying at this point.
    please pep, do you have other articles? i have had it with this issue.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 460  jeezy_young

    04/21/2009 | 11:36 AM
    I dnt wonder y mayabang c retsard! Dhl s mayabang niang nanay n feeling number 1 anak nia! Wake up and smell the coffee.. Hnd kailangan mgng OA s pggng nanay. At hnd excuse n nanay ka kaya ka mggng bastos s ibang tao!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 459  johnmico

    04/21/2009 | 11:33 AM
    anabelle rama u r destroying d gud image and reputation of GMA 7. di ka kwalan sa GMA khit lumipat kau sa other network.Kaw lng ang nang-iisturbo sa GMA.. Kaya dapat lumayas ka,, sa mental hospital ka tumira,, baliw ka...hahahahah
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 458  dahlagi

    04/21/2009 | 11:31 AM
    naku sylvester kunwari ka pa na pinatay mo ang tv, if i know talagang nakatutok ang mga mata mo sa tv para marinig ang side ni annabelle. aminin....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 457  sylvester

    04/21/2009 | 11:28 AM
    btw, nabasa ko sa article ni kuya germ sa pilipino star ngayon, umiyak daw talaga c JC sa office ni wilma galvante!! nandun daw sya nung nangyari na un, ewan lang daw kung ung nangyari sa loob eh un din ang nasa affidavit ni JC na pinass nya sa court!! kaloka itong c JC! nahawa na kay anabil!! buti nalang nandun c K.germs at least may witness na nagsisinungaling sa pagkakalmado and in control itong c JC!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 456  chingkay75

    04/21/2009 | 11:27 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 455  sylvester

    04/21/2009 | 11:24 AM
    ay naku! last sunday sa showbiz central pinatay ko ang TV! nung time na c anabil na ang guest nangilabot ako, patay agad ng TV kakarindi boses nya!!! tsaka anabil ano ba gusto mo patunayan na hindi kame staff ng PEP!! limang tao kamo ang nagsusulat d2? subukan mo magregister ang hirap magregister d2 sa PEP para maging member ka! tapos sasabihin mo limang tao lang ang nasa likod nito? ang tiyaga kung ganun huh!! totoo ang PEPSTERS sa ayaw mo't gusto!! tsaka ayan ka nanaman nanunumbat ng regalo mo?? alam mo ikaw ang wlang kredibilidad at hindi ang media ok? wake up girl!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 454  gossiphungry

    04/21/2009 | 11:24 AM
    nakaka awa na lang tingnan si Annabel, honestly, awa ang nararamdaman ko para sa kanya... Choose your battle Annabel. Hindi lahat ng giyera sinusugod, in the end baka ikaw ang mapahamak.. iyan na nga yata ang nangyaayari.. instead na pumabor sa yo, naiirita na sa mga sinasabi mo... sabihan ba naman na mainit daw sa Robinsons hahaha pinapaliiit nya ang mundo nila sa showbiz...

    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 453  kapuso_ako_kahit_anong_mangyari

    04/21/2009 | 11:23 AM
    pep, nakakata-e na to... wala bang bagong article? penge nmang isa tungkol kay yanyan...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 452  queenkimz

    04/21/2009 | 11:18 AM
    ang taray talaga ni belat noh...hay naku super tawa ang mga big boss ng kabila dahil sa kwento mo...pero naman pinagsabihan ka na ni pating na tumahimik na ayaw mo pa rin at mega guesting pa....trulala may i enjoy ka sa pagpunta sa court dahil suot mo ang lahat ng kinang mo.pasalamat ka mataas pa rin ang kapitan....hayz...buti at nagsabi ka na tatahimik.sana tinago mo yung unang text sayo ha...evidence in court yan...yari ang lapu2x laban sa hito....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 451  eishah

    04/21/2009 | 11:16 AM
    ganahan kaayo akoang nanay kay annabelle kasi kahit ganyan bunganga nya totoong tao hindi plastik...transparent kaayo walang paligoy ligoy at pagtungkol sa pamilya na nya sugod talaga ahihihi
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 450  eishah

    04/21/2009 | 11:11 AM
    opss baka alisin o ma banned ako dito ahihihi pero tanong lang bakit kasi hindi nyo pa inilabas ang witness at naghatid ng balita na may gulo nga para matahimik na mukhang yan lang naman habol ni annabelle eh ang magsorry dahil mali at ilabas ang nagsabi sa inyo

    saka mukhang marami dito ang galit kay annabelle ahihihi o delete hmmmm...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 449  sipsip

    04/21/2009 | 11:11 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 448  tearhere

    04/21/2009 | 11:10 AM
    Okay lng PEP,I wud still visit and read u khit mag-retract pa kau..anyway,bago pa nman kau lumabas sa mundo eh ganyan na tlga ugali ni Rama,she has done a lot of nasty things that only she is capable of doing..her mouth is the dirtiest I have heard in my entire life..its worse than Lolit Solis.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 447  sipsip

    04/21/2009 | 11:09 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 446  hatekapuso

    04/21/2009 | 11:05 AM
    Kaaliw ka talaga Annabel. Anyway, Kung talagang may nangyari na gun toting daw, ilabas na lang ang witness. Kung wala, aminin na mali ang naisulat. Hindi kabawasan sa pagkatao ang umamin ng pagkakamali. Para matapos na ang gulo na ito. Pero in fairness, pag mga Gutierrez ang feature, quot;Hotquot; tlaga.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 445  hellokittyhawaii

    04/21/2009 | 11:03 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About