news

Annabelle Rama answers statement of PEP's lawyer

by Rose Garcia posted on April 20, 2009  STATS: 71219 Views | 684 Comments

 

"Alam mo, 'Day, yung mga nagne-negative comments ng PEP, very one sided. Pinapalabas nila, lahat ng fans, galit-galit kay Richard, kung saan-saan fans. Limang tao lang 'yan, Pia, nakaupo maghapon 'yan, type nang type, iba-ibang email, iba-ibang address, iba-ibang SIM card...  Alam ko na sinong grupo 'yan, kung sino ang nagmaniobra diyan para pabagsakin si Richard," says Annabelle Rama.

Photo By: Noel Orsal

Live na nag-guest sa Showbiz Central kahapon, April 19, ang ina ni Richard Gutierrez na si Annabelle Rama upang sagutin ang naging pahayag ng abogado ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na si Atty. Sandra Olaso-Coronel sa Startalk noong Sabado, April 18. Ito ay kaugnay ng cease-and-desist letter na ipinadala ng legal counsel ni Annabelle na si Atty. Agnes Maranan sa PEP noong April 14, upang ipatigil ang pagpa-publish ng anumang artikulo o komento tungkol kay Richard sa website na ito.

Bukod kay Annabelle, live ding na-interview ng Showbiz Central host na si Pia Guanio si Atty. Maranan at ang legal counsel ni Richard na si Atty. Angelica Santiago.


THE WITNESSES. Pero bago ang live interview ni Annabelle at ng mga abogado nila ni Richard, ipinakita muna ang taped interview sa tatlong witnesses ni Richard—sina Mark Reyes, Bubbles Paraiso, at Michael Flores—kaugnay ng P25-million libel suit na isinampa ng young actor laban sa PEP noong April 13. Ito ay dahil sa nalathalang artikulo rito sa PEP tungkol sa diumano'y "altercation" nina Richard at Michael sa birthday party ni Direk Mark noong madaling-araw ng March 29. (Click here to read related story.)

Narito ang kanilang mga pahayag:

Mark: "As far as I know, nag-umpisa ang party ng 9 p.m. Natapos ang party ng 3 a.m. Umuwi ang mga guests ko, as far as I know, walang nangyaring ganoon. I double checked Oceana [venue ng party] kung may nangyaring ganoon at kung may incident report, wala. I asked a lot of people, walang nakakita. As far as I'm concerned, I hosted a party that began and ended without any incident."

Bubbles: "Dumating po ako sa party kasama ko si Richard at si Raymond [Richard's twin brother]. Kasama ko po sila the whole night. Umalis po ako sa party, kasama ko pa rin po si Richard. So since magkasama po kami the whole night at wala akong na-witness, siguro naman po ibig sabihin nun, wala talagang nangyari."

Michael: "Wala lahat, e. Yung parking lot, yung nagkasigawan kami. Yung 'gun toting' na sinasabi nila, kasi medyo magulo yung part na yun.  Kasi, hindi mo alam kung si Richard ba ang tumutok sa akin, or ako ba ang tumutok kay Richard, or kaming dalawa ang nagtutukan.

"Masyadong malalim yung term na 'gun toting,' e. So, siyempre, baril na yung pinag-uusapan. Sana na lang talaga matapos na 'to. At yung sinasabi nilang ita-try nilang i-defend, na meron talagang nangyari na ipipilit nila, e, sana magpakita rin talaga. Dahil sobrang nakakahiya siya. Wala talagang nangyaring ganoon, e. Nakakalungkot na, e, alam mo yun? Masyado nang lumaki at sana matapos nang lahat."


(Sa artikulong nailathala rito sa PEP noong March 29, walang binanggit na "tutukan ng baril." Ayon sa Longman English Dictionary Online at dictionary.com, ang "gun toting" ay "carrying a gun" o pagdadala ng baril.)

Mark: "I will wait for that [investigation]. I would want to find out who knew what. Because as a host who had the party, I would want to know kung talagang may nangyari. Because until they have not shown me anybody who would really say na, 'I saw what happened,' I will not believe it because, you know, it could be just hearsay. To our mind, to what, 200 of my guests, nothing happened."


Bubbles: "Nakakasira kasi ng isang reputasyon. Especially with someone in Richard's stature talaga na he worked so hard for his image, for his reputation and then, isang ganyan lang, masisira, hindi naman totoo.  So, kailangan talagang ipaglaban namin. To fight for what's right, to fight for the truth."


Michael: "Knowing Richard, sa personality noong tao, kahit papaano naman, nakatrabaho ko siya sa Kamandag. Ang bata pa niya. Kumbaga, kaya nga ganito na lang siya mag-react ngayon dahil pinagkakaingatan niya yung career niya. At naiintindihan ko rin yung family niya na all-out support. Kung sila nga all-out support, di ba?"

Mark: "I had a great time that time celebrating my birthday, and it's unfortunate this thing happened. Sana ma-clear 'to at magkaayusan, both PEP and sina Tita Annabelle at si Richard. It's really a small issue that just went out of proportion. Na sana talaga, maayos lahat ito and, you know, everybody move forward."

Pagkatapos nito ay nakausap naman ni Pia live on the phone ang GMA Films President na si Ms. Annette Gozon-Abrogar, na isa sa mga guest sa naturang birthday party ni Direk Mark.

Narito ang kanilang naging usapan:

Pia: As one of the guests of the said birthday party, meron po ba kayong personal na nakita o narinig tungkol sa sinasabing insidente?

Annette: "Actually, I left the party at around 12 [midnight]. Yung sinasabing insidente na 'yan, wala na ako. But while I was there, everyone was friendly, calm, and everyone's just having a good time celebrating Direk Mark's birthday. So, yun ang nakita ko."

Pia: Did you get a chance to personally talk to Richard or Michael Flores that night?

Annette: "Actually si Richard, kinausap ko because when he came, everyone was very happy. Kaka-launch lang kasi ng Zorro at that time. So, ang pinag-usapan namin noon was how happy we are with the result of Zorro. Tapos, sinasabi niya nga kung paano yung mga efforts nila for the show. And we also talked about his upcoming movie project. So, he was very excited. His spirit was very positive that night. Si Michael Flores naman, I just saw him, he was there early. And he was sila with Bobby Andrews and they were just having a good time."

Pia: So, there's no indication that anybody was problematic?

Annette: "Actually, doon sa party nga, parang it was a very wholesome party. It wasn't even yung mga rowdy types of parties. Yung pinag-uusapan nga usually ng mga tao do'n, work. So, parang nagulat nga ako noong marinig ko yung nangyari."

Pia: Ano ang reaction n'yo ngayon sa buong isyu na ito na humantong pa sa demandahan?

Annette: "Actually, nagulat talaga ako noong narinig ko na may nasulat na ganoon, and I even asked my friends who were there until the end kung may nakita rin sila, pero wala. Parang so far, doon sa mga nakausap ko, wala naman silang gulong alam na nangyari that night.

"So, nagtaka talaga ako why there was something like that. But I guess, si Richard kasi is a very responsible person and I know for a fact, na talagang sobra siyang naka-focus sa career niya, that's his life. So I understand how he feels na he really want talaga to protect his name. Because siyempre, pangalan niya yung nakataya rito. And it's very important in showbiz to maintain a very good image and reputation. So, I guess it's his right to file a case, so lumabas naman ang totoo. And I think, everyone will benefit from that, because eventually, the truth will come out."

1  2  3  4  5  6  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

684 Comments

  • 444  longhair4ever

    04/21/2009 | 11:03 AM
    hay DAHLAGI, maliit na ngayon ang mundo no thanks to the IT generation. Gets namin ang mga news jan. Pati radio stations gets namin bukod sa GMA PinoyTV, TFC pa. As if we never left. Bestwishes where ever u r!Mabuhay!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 443  sbarro

    04/21/2009 | 11:03 AM
    PEP labas nyo na kasi yung source nyo na nakakita sa incident...mahirap kasi puro negative comments na ang natatanggap ng G.family...hindi po ko bayaran nino man last comment ko nung panahan pa ni cristy fermin ...being a mother natural magiging over protective talaga si anabelle anak yon eh,kay richard namn natural react to death sya dahil career yon may matutuwa ba kung masisira ang sarili mong career...alalay lang sa masasakit po na comments on both rama at pep di namn natin sila mga personal na kakilala ...kung may witness o source ilabas na pagsalitain at pagtibayin nya...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 442  marian_4ever

    04/21/2009 | 11:02 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 441  sipsip

    04/21/2009 | 11:02 AM
    hehe, ito na siguro ang pinakajoker na posting ni hellokitty..hehe
    kung burahin pa 'to ng mods,masasabi ko lang na KJ sya.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 440  hellokittyhawaii

    04/21/2009 | 10:55 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 439  jo_logs

    04/21/2009 | 10:54 AM
    annabelle is using god's name in vain. kung nagsisimba man siya, obviously ay wala siyang natutunan sa teaching ni lord. mayabang, pala-mura, diktador, mapag-mataas, bastos, walang respeto sa mga desisyon ng ibang tao, hindi alam kung paanong tanggapin na nalalamangan ng iba ang anak niya o mga kampon niya, willing to play dirty para lang makakuha ng best actress award ang anak niyang si ruffa kahit si aiko melendez ang tunay na nanalo, at mukhang pera kaya ayaw sa kaniya ni yilmaz bektas.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 438  sweet_pinay

    04/21/2009 | 10:54 AM
    kawawa yang si JC kasi gawin ng manager nya lahat na masira siya sa GMA coz nakita nya na mas magaling pa si JC mg-act compared to richard...kaya gusto nyang walang show si JC. sana lang yong ibang talent ni anabil mg-isip muna kayo bago nyo kunin si anabil na manager coz syempre unahin nya anak nya kaysa sa inyo.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 437  agassi

    04/21/2009 | 10:50 AM
    sa mga galit kay anabil... tingnan ko lang kung ano reaction nyo pag nag retract ang PEP or matalo sa kaso... may time pa PEP para umatras... wala kayong panalo sa kaso na ito...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 436  dahlagi

    04/21/2009 | 10:49 AM
    longhair korek ka sa sinabi mo na nasa 24oras na. ibig sabihin sikat na ang mga gutirrez dahil sa atin. ok pepster, post ng post ha para lalo sumikat ang mga gutierrez. remember, good or bad is still publicity at libre pa. imagine buong mundo ang pepster. sikat na talaga ang gutierrez family.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 435  percom

    04/21/2009 | 10:49 AM
    ilabas na kasi yung imbestigation na yan ng matapos na. masyado ng long overdue yung imbestigation. mukha tuloy wala talagang nangyari.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 434  kapuso_ako_kahit_anong_mangyari

    04/21/2009 | 10:44 AM
    ako, kapuso talaga ako, walang bahid ng kashake o kapamilya PERO nabbwisit na ko sa GMA dahil hinahayaan nila si bisaya na gawin ang lahat ng gustong gawin ng bruha!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 433  marimaris8

    04/21/2009 | 10:41 AM
    queen annabelle, este stewardess ay sor annabelle pala. fyi, si atty. coronel ay naging bar examiner together w/ raymund fortun ba yon. di ko lang alam anong year. kaya tagilid ka na pag kumuha ka ng bar exam. gusto mo pa namang maging abugaga.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 432  agassi

    04/21/2009 | 10:40 AM
    nako PEP kung talagang may witness ilabas na nyo otherwise talo kayo sa kaso nyo dito... madali lang naman ang gagawin mag retract na para lahat happy...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 431  longhair4ever

    04/21/2009 | 10:39 AM
    KaPepsters we should pat ourselves on the back--we made it to 24Oras! It seemed like AR is napipikon na sa mga comments natin haha! What can she do?
    It seemed her world is crumbling, and is getting out of her control. Nagcancel din da ang US trip niya so she can protect RG daw. Si RG lang ba? How about JC?--chopped liver na lang siya? Aber? We ought to give her and her minions their own little island so she can rule. Mag martial law siya sa gusto niya. PEP!!! Thankyou!! PEPsters hooray! Job well done!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 430  ako_ito_eh_bakit_ba

    04/21/2009 | 10:35 AM
    o sige ha mga day magbantay kau sa pep wag kalimutan tawagan ako day ha kung may niga nga comment sa ako day ha...later na bayad ninyo day...hehehehhe kakatuwa isipin kung totoo man....
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 429  PinkButterfly

    04/21/2009 | 10:32 AM
    mukhang dumami na rin d2 tagapagtanggol ni anabil... sigurado ako, iyan ay 5 staff din nya nag sumasagot sa mga nega comments... ha...ha... at least now patas na ha... wag na magreklamo...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 428  dahlagi

    04/21/2009 | 10:30 AM
    mag resign ka na flawfinder. dont say it do it. bagay sa yo duon sa monastero o di kaya sa park mag work dahil tahimik duon.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 427  tearhere

    04/21/2009 | 10:28 AM
    Kapuso ako,pero I agree w/ one comment..ang gulo sa GMA ngyon,and its all becoz of anabel rama..khit san nman mapunta yan may gulo tlga,kse sya yun tipo ng tao na ayaw napupuna at gus2 eh puro mgnda lng ang marinig..para sa knya,sya lng ang may karapatan magsalita ng gus2 nyang sbhin pero ang iba wla..nangilabot ako when she said that she hears a mass everyday and prays the rosary everyday..sna lng pipol lyk anabel rama stops using God's name in vain..pati ba nman Diyos eh gamitin mo magmuka ka lng tama sa buong mundo..wla nman yan sa dami ng dasal mo kundi sa dami ng buti mo sa kapwa mo..at yun totoong madasalin eh hndi ina-annouce sa mundo na nagdadasal cla..kitang-kita nman sa asal at salita mo na sa bibig ka lng nagdadasal.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 426  magana_ak

    04/21/2009 | 10:27 AM
    how i wish na matapos na ang issue na to,,para both parties makatulog na nang mahimbing sa gabi...

    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 425  chingkay75

    04/21/2009 | 10:25 AM
    ako rin napanood ko yong interview sa SC kay Anabil...nakakatawa na ang mga banat nya, she's insane already. Dapat sa mental sya mag explain.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About