news

Annabelle Rama answers statement of PEP's lawyer

by Rose Garcia posted on April 20, 2009  STATS: 71210 Views | 684 Comments

 

"Alam mo, 'Day, yung mga nagne-negative comments ng PEP, very one sided. Pinapalabas nila, lahat ng fans, galit-galit kay Richard, kung saan-saan fans. Limang tao lang 'yan, Pia, nakaupo maghapon 'yan, type nang type, iba-ibang email, iba-ibang address, iba-ibang SIM card...  Alam ko na sinong grupo 'yan, kung sino ang nagmaniobra diyan para pabagsakin si Richard," says Annabelle Rama.

Photo By: Noel Orsal

Live na nag-guest sa Showbiz Central kahapon, April 19, ang ina ni Richard Gutierrez na si Annabelle Rama upang sagutin ang naging pahayag ng abogado ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na si Atty. Sandra Olaso-Coronel sa Startalk noong Sabado, April 18. Ito ay kaugnay ng cease-and-desist letter na ipinadala ng legal counsel ni Annabelle na si Atty. Agnes Maranan sa PEP noong April 14, upang ipatigil ang pagpa-publish ng anumang artikulo o komento tungkol kay Richard sa website na ito.

Bukod kay Annabelle, live ding na-interview ng Showbiz Central host na si Pia Guanio si Atty. Maranan at ang legal counsel ni Richard na si Atty. Angelica Santiago.


THE WITNESSES. Pero bago ang live interview ni Annabelle at ng mga abogado nila ni Richard, ipinakita muna ang taped interview sa tatlong witnesses ni Richard—sina Mark Reyes, Bubbles Paraiso, at Michael Flores—kaugnay ng P25-million libel suit na isinampa ng young actor laban sa PEP noong April 13. Ito ay dahil sa nalathalang artikulo rito sa PEP tungkol sa diumano'y "altercation" nina Richard at Michael sa birthday party ni Direk Mark noong madaling-araw ng March 29. (Click here to read related story.)

Narito ang kanilang mga pahayag:

Mark: "As far as I know, nag-umpisa ang party ng 9 p.m. Natapos ang party ng 3 a.m. Umuwi ang mga guests ko, as far as I know, walang nangyaring ganoon. I double checked Oceana [venue ng party] kung may nangyaring ganoon at kung may incident report, wala. I asked a lot of people, walang nakakita. As far as I'm concerned, I hosted a party that began and ended without any incident."

Bubbles: "Dumating po ako sa party kasama ko si Richard at si Raymond [Richard's twin brother]. Kasama ko po sila the whole night. Umalis po ako sa party, kasama ko pa rin po si Richard. So since magkasama po kami the whole night at wala akong na-witness, siguro naman po ibig sabihin nun, wala talagang nangyari."

Michael: "Wala lahat, e. Yung parking lot, yung nagkasigawan kami. Yung 'gun toting' na sinasabi nila, kasi medyo magulo yung part na yun.  Kasi, hindi mo alam kung si Richard ba ang tumutok sa akin, or ako ba ang tumutok kay Richard, or kaming dalawa ang nagtutukan.

"Masyadong malalim yung term na 'gun toting,' e. So, siyempre, baril na yung pinag-uusapan. Sana na lang talaga matapos na 'to. At yung sinasabi nilang ita-try nilang i-defend, na meron talagang nangyari na ipipilit nila, e, sana magpakita rin talaga. Dahil sobrang nakakahiya siya. Wala talagang nangyaring ganoon, e. Nakakalungkot na, e, alam mo yun? Masyado nang lumaki at sana matapos nang lahat."


(Sa artikulong nailathala rito sa PEP noong March 29, walang binanggit na "tutukan ng baril." Ayon sa Longman English Dictionary Online at dictionary.com, ang "gun toting" ay "carrying a gun" o pagdadala ng baril.)

Mark: "I will wait for that [investigation]. I would want to find out who knew what. Because as a host who had the party, I would want to know kung talagang may nangyari. Because until they have not shown me anybody who would really say na, 'I saw what happened,' I will not believe it because, you know, it could be just hearsay. To our mind, to what, 200 of my guests, nothing happened."


Bubbles: "Nakakasira kasi ng isang reputasyon. Especially with someone in Richard's stature talaga na he worked so hard for his image, for his reputation and then, isang ganyan lang, masisira, hindi naman totoo.  So, kailangan talagang ipaglaban namin. To fight for what's right, to fight for the truth."


Michael: "Knowing Richard, sa personality noong tao, kahit papaano naman, nakatrabaho ko siya sa Kamandag. Ang bata pa niya. Kumbaga, kaya nga ganito na lang siya mag-react ngayon dahil pinagkakaingatan niya yung career niya. At naiintindihan ko rin yung family niya na all-out support. Kung sila nga all-out support, di ba?"

Mark: "I had a great time that time celebrating my birthday, and it's unfortunate this thing happened. Sana ma-clear 'to at magkaayusan, both PEP and sina Tita Annabelle at si Richard. It's really a small issue that just went out of proportion. Na sana talaga, maayos lahat ito and, you know, everybody move forward."

Pagkatapos nito ay nakausap naman ni Pia live on the phone ang GMA Films President na si Ms. Annette Gozon-Abrogar, na isa sa mga guest sa naturang birthday party ni Direk Mark.

Narito ang kanilang naging usapan:

Pia: As one of the guests of the said birthday party, meron po ba kayong personal na nakita o narinig tungkol sa sinasabing insidente?

Annette: "Actually, I left the party at around 12 [midnight]. Yung sinasabing insidente na 'yan, wala na ako. But while I was there, everyone was friendly, calm, and everyone's just having a good time celebrating Direk Mark's birthday. So, yun ang nakita ko."

Pia: Did you get a chance to personally talk to Richard or Michael Flores that night?

Annette: "Actually si Richard, kinausap ko because when he came, everyone was very happy. Kaka-launch lang kasi ng Zorro at that time. So, ang pinag-usapan namin noon was how happy we are with the result of Zorro. Tapos, sinasabi niya nga kung paano yung mga efforts nila for the show. And we also talked about his upcoming movie project. So, he was very excited. His spirit was very positive that night. Si Michael Flores naman, I just saw him, he was there early. And he was sila with Bobby Andrews and they were just having a good time."

Pia: So, there's no indication that anybody was problematic?

Annette: "Actually, doon sa party nga, parang it was a very wholesome party. It wasn't even yung mga rowdy types of parties. Yung pinag-uusapan nga usually ng mga tao do'n, work. So, parang nagulat nga ako noong marinig ko yung nangyari."

Pia: Ano ang reaction n'yo ngayon sa buong isyu na ito na humantong pa sa demandahan?

Annette: "Actually, nagulat talaga ako noong narinig ko na may nasulat na ganoon, and I even asked my friends who were there until the end kung may nakita rin sila, pero wala. Parang so far, doon sa mga nakausap ko, wala naman silang gulong alam na nangyari that night.

"So, nagtaka talaga ako why there was something like that. But I guess, si Richard kasi is a very responsible person and I know for a fact, na talagang sobra siyang naka-focus sa career niya, that's his life. So I understand how he feels na he really want talaga to protect his name. Because siyempre, pangalan niya yung nakataya rito. And it's very important in showbiz to maintain a very good image and reputation. So, I guess it's his right to file a case, so lumabas naman ang totoo. And I think, everyone will benefit from that, because eventually, the truth will come out."

1  2  3  4  5  6  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

684 Comments

  • 384  pakiss_muna

    04/21/2009 | 08:45 AM
    for your imformation international yung mga nag cocomment d2 sa pep

    kaya yung mga taong naipakita ni anabil sa live ng showbiz central yun ang tunay na bayaran at hindi kami.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 383  pakiss_muna

    04/21/2009 | 08:43 AM
    ayan simpatiya ng tao na nmn ang gusto ni anabil kala mo gusto ka ng lahat ng tao lalo na napapanuod ka on live?sabi ni michael may sigawan nga daw nangyari sa parking lot eh anu nmn alam ng mga taong nasa loob ng party kung maingay sila doon at may music pa ay naku retsard aljur and nuong kau ni brian revilla may nagyari din at nailinis nyo to protect retsard name ngayon siguro kung may nangyari man sa parking at that time sana lumabas ang totoo go pep ipaglaban nyo karapatan nyo sana matalo nyo mga gutierrez na napakagahaman sa pera.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 382  eva4you

    04/21/2009 | 08:42 AM
    quot;Alam mo, 'Day, yung mga nagne-negative comments ng PEP, Pia, very one sided. Pinapalabas nila, lahat ng fans, galit-galit kay Richard, kung saan-saan fans. Limang tao lang 'yan, Pia, nakaupo maghapon 'yan, type nang type, iba-ibang email, iba-ibang address, iba-ibang SIM card...

    ==
    I BEG TO DISAGREE!!! for your information i work in a call center and majority of us are gay people and during our leisure time, wherein all of us use COMPUTERS we always log in to PEP everynight during our shift just to kill the time and be entertained during those sleepy hours of our work... we read, laugh, cry and give a comment in every article and i assure you that all of our comments are never invented nor being manipulate by any individual... majority of our center log in to pep,, and we are not the only center who do that.. theres many centers who do dat as well so having a 600+ comments a day in a one article would be made possible..
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 381  eva4you

    04/21/2009 | 08:40 AM
    quot;Alam mo, 'Day, yung mga nagne-negative comments ng PEP, Pia, very one sided. Pinapalabas nila, lahat ng fans, galit-galit kay Richard, kung saan-saan fans. Limang tao lang 'yan, Pia, nakaupo maghapon 'yan, type nang type, iba-ibang email, iba-ibang address, iba-ibang SIM card... Alam ko na sinong grupo 'yan, kung sino ang nagmaniobra diyan para pabagsakin si Richard.


    ==
    I BEG TO DISAGREE!!! for your information i work in a call center and majority of us are gay people and during our leisure time, wherein all of us use COMPUTERS we always log in to PEP everynight during our shift just to kill the time and be entertained during those sleepy hours of our work... we read, laugh, cry and give a comment in every article and i assure you that all of our comments are never invented nor being manipulate by any individual... majority of our center log in to pep,, and we are not the only center who do that.. theres many centers who do not as well so having a 600+ comments a day in a
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 380  chingkay75

    04/21/2009 | 08:39 AM
    Hoy, Anabil di kami multo...totoong tao kami at di lng iilan...Iboycott ang zorroot na yan... Kng sikat si Retsard anong pangalan ng kanyang fans club at ilan ang members nito? Kng meron man.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 379  yukacute

    04/21/2009 | 08:39 AM
    sus bisaya para yun lang.e bakit si Ylmaz hindi mo dinimanda di ba masahol pa nangyari binugbog pa!dahil may power si ylmaz takot kayo! hay naku anabel alam na ng mga tao ugali mo kahit magdemanda ka pa sa pep thesame pa rin pagtingin namin sayo day
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 378  jayce

    04/21/2009 | 08:37 AM
    to break it all down:

    - PEP published an article na hindi pa totally naiimbistigahan.
    - RG: retract at sabihing hindi totoo
    - PEP removed the article and apologized for the irresponsible journalism
    - RG: wrong reason kasi di naman nangyari

    kung titignan: may point both, in RG's POV, he can prove na walang altercation and tutukan ng baril. PEP won't be able to prove that, but as an unbiased media institution, tama na i-push thru ang investigation whatever the outcome is, mali or tama sila [totoo o hindi ang issue]. PEP apologized for the right reasons. But the problem now is, wala ng makakapagpatunay kung meron o walang nangyari na tutukan. RG's word isn't believable kasi sya ang involved. definitely idedefend nya sarili nya. So it's up to PEP: nakasalalay ngayun sa outcome ng investigation yung quot;objective truthquot;. Yun lang naman ang ikinakatakot nina RG, kasi what if ang outcome eh may nangyari na ganun, pero ang totoo eh wala. sira ang pangalan nya, p
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 377  chingkay75

    04/21/2009 | 08:36 AM
    Ang daming member ngayon ah....Di na familiar sa akin yong iba dito....Tugon na ba yan sa panawagan ni Anabil? Naku! Pabagsakin na yang mga Gutierrez na yan...Salot yan sa Showbiz!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 376  tearhere

    04/21/2009 | 08:29 AM
    Itong c Bubbles Paraiso may kapal ng mukha magsalita abt righteousness,did she ever reflect on what being righteous is all abt..Nung inapi-api nya c Jewel,did she ever wonder kung tama ba yun gnwa nila dun sa tao,na para bang kasalanan ni Jewel na magustuhan sya ni Richard..Colegiala naturingan itong c Bubbles Paraiso,pero ugali nya pam-pusali..mabait lng sa may pera at ma-implunwensya pero msma sa mga taong feeling nya maliit lng sa mundo..cge lng Bubbles,sipsip ka lng kay Bisaya,sna magka-tuluyan kau ni Richard sa gnagwa mong yan.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 375  alexangel

    04/21/2009 | 08:27 AM
    actually, di ko tinapos ang SC last synday because the mere fact that anabil is there live, it cheapens the show.

    people like anabil with her foul mouth should not be given any airtime on national tv. puro sarili lang niya magaling. at sinabi pa nya mas magaling daw sya sa lawyer ng pep. naman!

    please GMA, i am one of the loyal kapuso all over the world. please give us a favor by pulling out all anabil's talents from kapuso station. i mean all.

    i believe we fans have the right to demand because it us who made gma the number one tv network in the phils today.

    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 374  eklatbelat_ulit

    04/21/2009 | 08:24 AM
    hindi kami korte or pulis para mag confirm na hindi nga nangyari ang insident na to.. kami ay mga nagabasa lang naman at tumitingin kung paanong mag react ang mga nasasangkot.

    kung totoo man ito or hindi ay sila na lang ang nakaalam..

    BUT to us readers it is interesting how these personalities handle conflict and intrigue and negative issues. Ganyan naman ang showbiz.. alam naman nila yan dahil tagal na nila dyan.. sila minsan ang gumagawa at nagsisimula ng gulo and yet parang biglang napaka importante ngayon na totoo ang sabihin while if its in favor of them a lie is ok..
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 373  mini_moe

    04/21/2009 | 08:24 AM
    i'm not a fan of neither richard or annabel. i'm a new PEP member. i'm for real.

    annabel has a point as she defends her son/ward, it's just that she has the tendency to go overboard to the point that she offends some people's sensibilities. more often i find her antics funny, but i sometimes cringe when her language becomes so coarse.

    i respect jo-ann maglipon. i enjoy reading pep. i like her sensitivity and simplicity. maybe she may just find it in her heart to retract if there really was no incident that happened the way it was preposterously reported here in pep. just to put a dignified end to this issue.

    but i don't feel sympathetic towards wilma galvante. i find her merciless and autocratic typical of some big mafia bosses. may mafia kaya diyan sa corridors of power ng gma? her face alone gives me the creeps really.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 372  jayce

    04/21/2009 | 08:20 AM
    kapag positive ang sinasabi ng pepsters, quot;fansquot; sila. pero pag negative, quot;5 staff ng pepquot; na maghapong nakaupo sa computer at nagcocomment. yuck.

    pati ba naman startalk? bilihin na kaya nila ang GMA and PEP para puro positive comments na.

    kung talagang pinaghirapan ni RG ang name niya, sana walang aljur issue pati yung kay brian revilla dati. and come on, bubble paraiso as witness? duh, parang naririnig ko ang name ni mische?

    i commend annabelle for being a mom: fighting for her family no matter what. pero sana naman yung family nya, tone her down.

    hopefully, mabasa nila to. LOL.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 371  arlene33

    04/21/2009 | 08:19 AM
    basta isa lang masasabi ko panalo c bisaya sa kasong to bwahahaha kaya pep or joann maglipon ipunin mo na ang 25million im sure magiging kagaya yan ni lolit solis ni retract ng nasa korte na at babasahan na ng hatol haha well, kung hindi naman kayamanan sa angkan ng gutierrez 25million lang naman ang madadagdag i believe it wasnt true kc ng nainterview c anette gozon wala syang nakita na kahit man lang pressure or something kahit un mga taong naiwan sa party and besides un mga involve sinabi ng walang nangyari cge hintay kayo sa kalalabasan ng kaso..naku pep isipin malaki ang 25million haha:-
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 370  bataanmatamit

    04/21/2009 | 08:17 AM
    hehehehe Bisaya, napaka sinungaling mo! Papaano kami magiging lima lang? Nakaka-awa ka sa totoo lang. Yan pag uugali mong yan, ewan ko kung sinong magulang ang papabor sa kagaspangan ng ugali mo.

    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 369  kapuso_ako_kahit_anong_mangyari

    04/21/2009 | 08:16 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 368  jayce

    04/21/2009 | 08:15 AM
    if sya ay magiging attorney, lalong maghihirap ang pinas. hehe. ang maipilit yun ang dapat. di naman pwde yun.

    anyway, nalito ako dun sa quot;negative commentsquot;. tama ang ginawa ng PEP na i-enlighten si annabelle sa web culture. ang dami nyang anak, PEP pa ang kailangan mag-enlighten sa kanya. mali ang pagkakaintindi nya kasi mali din ang pinaniniwalaan nya. masyado niyang nilalait yung atty ng PEP eh in the first place, mukhang pineperahan lang din sila nung atty nila: point is, hindi rin ba enlightened ang lawyer nila sa web culture?

    altho PEP ang host ng site na ito, mapapatunayan ko naman na totoo akong tao at hindi ako lima or 100. Na talagang taga-canada ako at hindi gawa-gawa lang. oo, i spend time dito sa PEP site, pero hindi naman ako nagcocomment lang, nagbabasa ako. kaya ako nakaka-comment. in fact, dito nga lang ako sa issue na to nagstart magcocomment. AT SABI NGA, may IP Address naman.

    ang galing lang din, kapag positive ang sinasabi ng pepsters,
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 367  dahlagi

    04/21/2009 | 08:13 AM
    timtam, tama lahat sinabi mo. kaya annabelle, andito lang kami par puortahan kayo ni richard. yung totoo lang naman eh.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 366  casi12

    04/21/2009 | 08:10 AM
    'watta FISHWIFE! yun na!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 365  neutralizer23

    04/21/2009 | 08:09 AM
    para sa akin mali talaga ang ginawa ng PEP.. Media should be responsible for whatever information they should be giving to the public.. we all know how annabelle reacts to negative comments she hear about her specially sa pamilya at alaga nya.. It's just normal..kahit naman sino maghuhurementado kung anak na nya or kapamilya ang inaapakan.. You would not even want someone to destroy your reputation kahit pa sabihin natin marami ng eskandalo kinasangkutan yung family nila. How about those people na hinahangaan sila..hindi naman lahat ng pinoy sing kitid ng utak ng karamihan ng readers ng PEP. Para sakin, mali talaga ang yung magparatang ka ng mga bagay na wala namang katotohanan. Especially na maraming pinoy na engot na naniniwala agad sa mga kung ano lang ang nababasa nila or naririnig. kahit simpleng issue pa man yun as long as d maganda, maari p ding makasira sa pagkatao ng kahit sinuman... Try to put yourselves in annabelle's shoes.. kayo din, for sure, ipagtatanggol nyo pa din yung mga mahal nyo na inaagr
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About