Live na nag-guest sa Showbiz Central kahapon, April 19, ang ina ni Richard Gutierrez na si Annabelle Rama upang sagutin ang naging pahayag ng abogado ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na si Atty. Sandra Olaso-Coronel sa Startalk noong Sabado, April 18. Ito ay kaugnay ng cease-and-desist letter na ipinadala ng legal counsel ni Annabelle na si Atty. Agnes Maranan sa PEP noong April 14, upang ipatigil ang pagpa-publish ng anumang artikulo o komento tungkol kay Richard sa website na ito.
Bukod kay Annabelle, live ding na-interview ng Showbiz Central host na si Pia Guanio si Atty. Maranan at ang legal counsel ni Richard na si Atty. Angelica Santiago.
THE WITNESSES. Pero bago ang live interview ni Annabelle at ng mga abogado nila ni Richard, ipinakita muna ang taped interview sa tatlong witnesses ni Richard—sina Mark Reyes, Bubbles Paraiso, at Michael Flores—kaugnay ng P25-million libel suit na isinampa ng young actor laban sa PEP noong April 13. Ito ay dahil sa nalathalang artikulo rito sa PEP tungkol sa diumano'y "altercation" nina Richard at Michael sa birthday party ni Direk Mark noong madaling-araw ng March 29. (Click here to read related story.)
Narito ang kanilang mga pahayag:
Mark: "As far as I know, nag-umpisa ang party ng 9 p.m. Natapos ang party ng 3 a.m. Umuwi ang mga guests ko, as far as I know, walang nangyaring ganoon. I double checked Oceana [venue ng party] kung may nangyaring ganoon at kung may incident report, wala. I asked a lot of people, walang nakakita. As far as I'm concerned, I hosted a party that began and ended without any incident."
Bubbles: "Dumating po ako sa party kasama ko si Richard at si Raymond [Richard's twin brother]. Kasama ko po sila the whole night. Umalis po ako sa party, kasama ko pa rin po si Richard. So since magkasama po kami the whole night at wala akong na-witness, siguro naman po ibig sabihin nun, wala talagang nangyari."
Michael: "Wala lahat, e. Yung parking lot, yung nagkasigawan kami. Yung 'gun toting' na sinasabi nila, kasi medyo magulo yung part na yun. Kasi, hindi mo alam kung si Richard ba ang tumutok sa akin, or ako ba ang tumutok kay Richard, or kaming dalawa ang nagtutukan.
"Masyadong malalim yung term na 'gun toting,' e. So, siyempre, baril na yung pinag-uusapan. Sana na lang talaga matapos na 'to. At yung sinasabi nilang ita-try nilang i-defend, na meron talagang nangyari na ipipilit nila, e, sana magpakita rin talaga. Dahil sobrang nakakahiya siya. Wala talagang nangyaring ganoon, e. Nakakalungkot na, e, alam mo yun? Masyado nang lumaki at sana matapos nang lahat."
(Sa artikulong nailathala rito sa PEP noong March 29, walang binanggit na "tutukan ng baril." Ayon sa Longman English Dictionary Online at dictionary.com, ang "gun toting" ay "carrying a gun" o pagdadala ng baril.)
Mark: "I will wait for that [investigation]. I would want to find out who knew what. Because as a host who had the party, I would want to know kung talagang may nangyari. Because until they have not shown me anybody who would really say na, 'I saw what happened,' I will not believe it because, you know, it could be just hearsay. To our mind, to what, 200 of my guests, nothing happened."
Bubbles: "Nakakasira kasi ng isang reputasyon. Especially with someone in Richard's stature talaga na he worked so hard for his image, for his reputation and then, isang ganyan lang, masisira, hindi naman totoo. So, kailangan talagang ipaglaban namin. To fight for what's right, to fight for the truth."
Michael: "Knowing Richard, sa personality noong tao, kahit papaano naman, nakatrabaho ko siya sa Kamandag. Ang bata pa niya. Kumbaga, kaya nga ganito na lang siya mag-react ngayon dahil pinagkakaingatan niya yung career niya. At naiintindihan ko rin yung family niya na all-out support. Kung sila nga all-out support, di ba?"
Mark: "I had a great time that time celebrating my birthday, and it's unfortunate this thing happened. Sana ma-clear 'to at magkaayusan, both PEP and sina Tita Annabelle at si Richard. It's really a small issue that just went out of proportion. Na sana talaga, maayos lahat ito and, you know, everybody move forward."
Pagkatapos nito ay nakausap naman ni Pia live on the phone ang GMA Films President na si Ms. Annette Gozon-Abrogar, na isa sa mga guest sa naturang birthday party ni Direk Mark.
Narito ang kanilang naging usapan:
Pia: As one of the guests of the said birthday party, meron po ba kayong personal na nakita o narinig tungkol sa sinasabing insidente?
Annette: "Actually, I left the party at around 12 [midnight]. Yung sinasabing insidente na 'yan, wala na ako. But while I was there, everyone was friendly, calm, and everyone's just having a good time celebrating Direk Mark's birthday. So, yun ang nakita ko."
Pia: Did you get a chance to personally talk to Richard or Michael Flores that night?
Annette: "Actually si Richard, kinausap ko because when he came, everyone was very happy. Kaka-launch lang kasi ng Zorro at that time. So, ang pinag-usapan namin noon was how happy we are with the result of Zorro. Tapos, sinasabi niya nga kung paano yung mga efforts nila for the show. And we also talked about his upcoming movie project. So, he was very excited. His spirit was very positive that night. Si Michael Flores naman, I just saw him, he was there early. And he was sila with Bobby Andrews and they were just having a good time."
Pia: So, there's no indication that anybody was problematic?
Annette: "Actually, doon sa party nga, parang it was a very wholesome party. It wasn't even yung mga rowdy types of parties. Yung pinag-uusapan nga usually ng mga tao do'n, work. So, parang nagulat nga ako noong marinig ko yung nangyari."
Pia: Ano ang reaction n'yo ngayon sa buong isyu na ito na humantong pa sa demandahan?
Annette: "Actually, nagulat talaga ako noong narinig ko na may nasulat na ganoon, and I even asked my friends who were there until the end kung may nakita rin sila, pero wala. Parang so far, doon sa mga nakausap ko, wala naman silang gulong alam na nangyari that night.
"So, nagtaka talaga ako why there was something like that. But I guess, si Richard kasi is a very responsible person and I know for a fact, na talagang sobra siyang naka-focus sa career niya, that's his life. So I understand how he feels na he really want talaga to protect his name. Because siyempre, pangalan niya yung nakataya rito. And it's very important in showbiz to maintain a very good image and reputation. So, I guess it's his right to file a case, so lumabas naman ang totoo. And I think, everyone will benefit from that, because eventually, the truth will come out."




CALLED OUT
ALL COMMENTS
364 echoserangdaga01
ellen_nz
April 21, 2009
06:58 AM
si aling ruping po ba ito??? pero kapag ang lahat ng manager eh katulad ni anabil lalong wala po mangyayari sa showbiz industry and besides that gusto nya suwagin ang may mga katungkulan sa network? kung gusto mo sya na lang ang tawagan mo sa opisina nya at pangsabihan mo na huminahon ng konti at baka matuluyan na sya.
363 marimaris8
sabi ko na nga ba kagabi na wait and see tayo at tiyak maraming mag-popost na mga pro kay sister annabelle. nag-ilusyon din pala siyang mag-madre. ay buhay!
362 tearhere
361 smokin_hot
360 smokin_hot
359 hemodynamic
Maraming positive or pro matabil comments dito ngayon, Baka sila ay Lima rin na paiba iba rin usernames.
Hayyyyy
358 davidswife
pero hindi naman ganyan! may respeto ako sa mga anak ko at hindi ko naman sila hihiyain ng ganyan! yung sinabi ni annabel na may quot;baonquot; siyang fans...ang dating sakin eh off tangent na naman...wag mo na kasing buhatin ng buhatin ang bangko ng anak mo...hayaan mong ibang tao or sabi mo nga quot;fansquot; nya ang magbuhat ng bangko ninyong mag-ina...mas mabigat pa ang dating!
357 awesome_gma
356 ambitiousfroggy
i understand what you're saying. With all her good intensions na pag pantay pantayin ang pag assign ng trabaho, sa double status ni Wilma nagiging awkward tuloy ang position niya dahil hahanapan siya ng butas hanggat may sumisilip.
Regarding sa ABS, sa tingin mo ba agree ako doon sa ginagawa nila? hindi po.
355 slms324
sa ABS din naman kasi meron din naman kasi sila mga inaalagaan, tignan mo si willie hindi ba malakas siya ke charo, not exactly na manager niya si charo pero malakas na malakas siya, pati si ms.susan roces oh diba firend din siya ni charo. sa GMA, hindi naman din siguro sa mga talent.
pero ang kinaganda rin kasi niyan, pagka kunwari sinusunod mo ang mga boss mo, kunwari si wilma, sinabi niya eto ang right project para sau, kailangan mo pa bang magreklamo di dapat tinatanggap mo at marunong kang magpasalamat.
mas maganda kasi ang relation kung marunong kang sumunod din, kasi para sa ikagaganda ng karir mo.
sa lahat ng artista ngaun kapos na kapos sa mga projects, kung sino pa ang maraming projects sila pa ang reklamador.
so, wheres the logic?
354 ambitiousfroggy
did I say I hate her? hindi naman, medyo questionable lang ang practice na executive ka ng isang network and yet talent manager ka at the same time. Parang conflict of interest ba? Iyun lang lang, question of ethics
353 shutmymouth
352 balluganggalla
Btw, siguro eto na yung mga Bisaya na pinanawagan ni Anabil sa TV. Nag popost na sila!!!!!
351 slms324
tingin ko ang naghahandle rin ng career ni katrina ay isang executive.
so bakit mo hate si wilma, gayung hindi mo naman siya kilala?
kilala mo ba siya?
350 ellen_nz
and to PEP, I think positive comments are healthier to read than negative ones. I like reading good things about our country specially our showbiz personalities so we have something to be proud of naman. Thanks
349 ambitiousfroggy
I don't like Wilma Galvante too, entertainmnet executive siya ng GMA and yet may kwadra siya ng talents. for ethical reasons naman she has to give up one. Ang tanong, bakit pinayagan ito ng GMA?
348 slms324
wala ka naman pala dito sa pinas eh,
talamak ang pirata rito, anong proteksiyon ang gusto mong gawin ng GMA, gayung umalis na si angel? paano pa nila proprotekhan si angel gayung that time nakalipat na si angel.
bakit kailangan pa bang ipagtanggol ng GMA si angel gayung wala na sa sarili nilang bakuran ang pinasikat nila?
ang dapat na luminis na nun ay ang ABS, para saan pat naging kapamilya iyan kung hindi nila aalagaan.
and by the way iha, ang ABS nga pala ang nagpapakalat ng mga balitang iyan noon sila ang nauna.
347 ambitiousfroggy
Hmmmm.....
346 timtam
345 chika123
more comments