news

Annabelle Rama answers statement of PEP's lawyer

by Rose Garcia posted on April 20, 2009  STATS: 71216 Views | 684 Comments

 

"Alam mo, 'Day, yung mga nagne-negative comments ng PEP, very one sided. Pinapalabas nila, lahat ng fans, galit-galit kay Richard, kung saan-saan fans. Limang tao lang 'yan, Pia, nakaupo maghapon 'yan, type nang type, iba-ibang email, iba-ibang address, iba-ibang SIM card...  Alam ko na sinong grupo 'yan, kung sino ang nagmaniobra diyan para pabagsakin si Richard," says Annabelle Rama.

Photo By: Noel Orsal

Live na nag-guest sa Showbiz Central kahapon, April 19, ang ina ni Richard Gutierrez na si Annabelle Rama upang sagutin ang naging pahayag ng abogado ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na si Atty. Sandra Olaso-Coronel sa Startalk noong Sabado, April 18. Ito ay kaugnay ng cease-and-desist letter na ipinadala ng legal counsel ni Annabelle na si Atty. Agnes Maranan sa PEP noong April 14, upang ipatigil ang pagpa-publish ng anumang artikulo o komento tungkol kay Richard sa website na ito.

Bukod kay Annabelle, live ding na-interview ng Showbiz Central host na si Pia Guanio si Atty. Maranan at ang legal counsel ni Richard na si Atty. Angelica Santiago.


THE WITNESSES. Pero bago ang live interview ni Annabelle at ng mga abogado nila ni Richard, ipinakita muna ang taped interview sa tatlong witnesses ni Richard—sina Mark Reyes, Bubbles Paraiso, at Michael Flores—kaugnay ng P25-million libel suit na isinampa ng young actor laban sa PEP noong April 13. Ito ay dahil sa nalathalang artikulo rito sa PEP tungkol sa diumano'y "altercation" nina Richard at Michael sa birthday party ni Direk Mark noong madaling-araw ng March 29. (Click here to read related story.)

Narito ang kanilang mga pahayag:

Mark: "As far as I know, nag-umpisa ang party ng 9 p.m. Natapos ang party ng 3 a.m. Umuwi ang mga guests ko, as far as I know, walang nangyaring ganoon. I double checked Oceana [venue ng party] kung may nangyaring ganoon at kung may incident report, wala. I asked a lot of people, walang nakakita. As far as I'm concerned, I hosted a party that began and ended without any incident."

Bubbles: "Dumating po ako sa party kasama ko si Richard at si Raymond [Richard's twin brother]. Kasama ko po sila the whole night. Umalis po ako sa party, kasama ko pa rin po si Richard. So since magkasama po kami the whole night at wala akong na-witness, siguro naman po ibig sabihin nun, wala talagang nangyari."

Michael: "Wala lahat, e. Yung parking lot, yung nagkasigawan kami. Yung 'gun toting' na sinasabi nila, kasi medyo magulo yung part na yun.  Kasi, hindi mo alam kung si Richard ba ang tumutok sa akin, or ako ba ang tumutok kay Richard, or kaming dalawa ang nagtutukan.

"Masyadong malalim yung term na 'gun toting,' e. So, siyempre, baril na yung pinag-uusapan. Sana na lang talaga matapos na 'to. At yung sinasabi nilang ita-try nilang i-defend, na meron talagang nangyari na ipipilit nila, e, sana magpakita rin talaga. Dahil sobrang nakakahiya siya. Wala talagang nangyaring ganoon, e. Nakakalungkot na, e, alam mo yun? Masyado nang lumaki at sana matapos nang lahat."


(Sa artikulong nailathala rito sa PEP noong March 29, walang binanggit na "tutukan ng baril." Ayon sa Longman English Dictionary Online at dictionary.com, ang "gun toting" ay "carrying a gun" o pagdadala ng baril.)

Mark: "I will wait for that [investigation]. I would want to find out who knew what. Because as a host who had the party, I would want to know kung talagang may nangyari. Because until they have not shown me anybody who would really say na, 'I saw what happened,' I will not believe it because, you know, it could be just hearsay. To our mind, to what, 200 of my guests, nothing happened."


Bubbles: "Nakakasira kasi ng isang reputasyon. Especially with someone in Richard's stature talaga na he worked so hard for his image, for his reputation and then, isang ganyan lang, masisira, hindi naman totoo.  So, kailangan talagang ipaglaban namin. To fight for what's right, to fight for the truth."


Michael: "Knowing Richard, sa personality noong tao, kahit papaano naman, nakatrabaho ko siya sa Kamandag. Ang bata pa niya. Kumbaga, kaya nga ganito na lang siya mag-react ngayon dahil pinagkakaingatan niya yung career niya. At naiintindihan ko rin yung family niya na all-out support. Kung sila nga all-out support, di ba?"

Mark: "I had a great time that time celebrating my birthday, and it's unfortunate this thing happened. Sana ma-clear 'to at magkaayusan, both PEP and sina Tita Annabelle at si Richard. It's really a small issue that just went out of proportion. Na sana talaga, maayos lahat ito and, you know, everybody move forward."

Pagkatapos nito ay nakausap naman ni Pia live on the phone ang GMA Films President na si Ms. Annette Gozon-Abrogar, na isa sa mga guest sa naturang birthday party ni Direk Mark.

Narito ang kanilang naging usapan:

Pia: As one of the guests of the said birthday party, meron po ba kayong personal na nakita o narinig tungkol sa sinasabing insidente?

Annette: "Actually, I left the party at around 12 [midnight]. Yung sinasabing insidente na 'yan, wala na ako. But while I was there, everyone was friendly, calm, and everyone's just having a good time celebrating Direk Mark's birthday. So, yun ang nakita ko."

Pia: Did you get a chance to personally talk to Richard or Michael Flores that night?

Annette: "Actually si Richard, kinausap ko because when he came, everyone was very happy. Kaka-launch lang kasi ng Zorro at that time. So, ang pinag-usapan namin noon was how happy we are with the result of Zorro. Tapos, sinasabi niya nga kung paano yung mga efforts nila for the show. And we also talked about his upcoming movie project. So, he was very excited. His spirit was very positive that night. Si Michael Flores naman, I just saw him, he was there early. And he was sila with Bobby Andrews and they were just having a good time."

Pia: So, there's no indication that anybody was problematic?

Annette: "Actually, doon sa party nga, parang it was a very wholesome party. It wasn't even yung mga rowdy types of parties. Yung pinag-uusapan nga usually ng mga tao do'n, work. So, parang nagulat nga ako noong marinig ko yung nangyari."

Pia: Ano ang reaction n'yo ngayon sa buong isyu na ito na humantong pa sa demandahan?

Annette: "Actually, nagulat talaga ako noong narinig ko na may nasulat na ganoon, and I even asked my friends who were there until the end kung may nakita rin sila, pero wala. Parang so far, doon sa mga nakausap ko, wala naman silang gulong alam na nangyari that night.

"So, nagtaka talaga ako why there was something like that. But I guess, si Richard kasi is a very responsible person and I know for a fact, na talagang sobra siyang naka-focus sa career niya, that's his life. So I understand how he feels na he really want talaga to protect his name. Because siyempre, pangalan niya yung nakataya rito. And it's very important in showbiz to maintain a very good image and reputation. So, I guess it's his right to file a case, so lumabas naman ang totoo. And I think, everyone will benefit from that, because eventually, the truth will come out."

1  2  3  4  5  6  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

684 Comments

  • 344  timtam

    04/21/2009 | 06:36 AM
    di ako makarichard pero un sya na nga un naagrabyado sya pa un binabatilkos dito. Ang pep naman ngaun nililinis ang pangalan nila na ang gun toting pgdadala ng gun bat ngaun lang nila nilinaw un eh diba halos lahat dito ang alam tutukan ng baril ang meaning nun y ngaun lang nila iniba kc ito lang yan wala kc talaga clang ibedensya sa gawa gawa nilang story, ngaun lumulusot na cla, kung san san na nila pinapaikot. Un mga tao dito kung galit kayo ke annabelle dapat maisip nyo ang pingsimulan nito, un malicious article, tama lang un dinedemand ni richard na damages, dahil di lang pgkatao nya nasira, damay na din un credibility nya as an endorser and un pagiging role model nya nya nasisira na din, kahit naman cnong nanay matapos mong tulungan un anak mo na maabot nya un kasikatan then me maninira na lang ng ganito kahit ako baka mas grabe pa gawin ko kesa sa ginagawa ni annabel, ito lang yan eh, dapat tapusin na nila un imbestigasyon kung meron nga nangyari ang tagal naman lumabas, bat di nila malabas kasi wala
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 343  slms324

    04/21/2009 | 06:33 AM
    nadamay na rin ang startalk.


    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 342  curiouzray

    04/21/2009 | 06:31 AM
    C'mon, gimme a break! Nasa korte na ang kaso, itigil na ang puro trial by publicity ni anavil. Bilang na ang mga araw nila dito sa showbiz. Just Shut-up!

    Go GMA! Kapuso rules!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 341  marimaris8

    04/21/2009 | 06:26 AM
    pati ba naman pagka-devirginize niya pina-ngangalandakan pa! wala ba talagang makakapigil sa bunganga nito?

    she is inviting more lawsuits by saying walang alam si atty. coronel at sinungaling si jo-ann. pati gokongwei sama na rin.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 340  slms324

    04/21/2009 | 06:16 AM
    chika


    bakit si wilma G. ang andun sa kamukhang sex video ni angel? bakit kasali ba siya doon habang ginagawa ang sex video na un,


    kaya kumakalat ang mga sex video na yan, ay dahil sa kagagawan ng mga pinoy na mahilig sa mga mumurahing mga pirata.

    pumunta ka sa mga palengke ng makita mo kung gaano karami ang mga sex videos dun. nung kinokopya nila ang porno na yan, napansin nila na kamukha ni angel,

    kaya para mabenta sa mga kalye kasi ipinangalan sa name ni angel. ganyan din ang mga strategy nila para kumita ang mga nilalako nilang mga pinirata.


    wala ka na sa argumento iha.

    kung saan saan na napupunta yang pinagsasasabi mo.


    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 339  buboy_902

    04/21/2009 | 06:15 AM
    Annabelle, always remember that little knowledge is dangerous. Whatever knowledge you might have about Civil and Criminal Code does not make you an expert in law.

    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 338  lollipop

    04/21/2009 | 06:15 AM
    Annabel, I love you. Tama ginawa mo. Huwag mong ipaapi si RICHARD kay WELMA HIGANTE tulad nang ginawa nyang pang api nya ni ANGEL LOCSIN!!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 337  nygirl

    04/21/2009 | 06:13 AM
    i have nothing againts anabelle rama bcoz as a mother i understand what she's fighting for.kahit sinong magulang will go out of your way to defend your children.and as far as i know walang linabag na batas si annabelle in defending richard.its very plain and simple what they ask from pep and thats to retract the said false and fabricated statement and everything will be fine.but bcoz hindi gnawa nang pep ang hiningi nila so nag file ng charges si richard w/c i think it's the right thing to do.i'm not a fan of richard and i'm not a fan of annabelle either but its so unfair to put all the blame to annabelle w/out even weighing both sides of the story and in my own oppinion nagkamali at nagkulang ang pep dito.and tta anabelle i'm from elmhurst NY and from the rest of us here mga bisaya sa queens NY we're all supporting you all the way GO GO GO GO tita annabelle
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 336  shanangshane3

    04/21/2009 | 06:09 AM
    napanood ko ang interview nyong ito sa SC at talagang nandidiri me at naiinis sa mga pinagsasabi nya lalo na nung cnabing nyang araw-araw syang nasa simbahan...abay buti hindi sya nasusunog dun sa dami na ginagawa nya sa kapwa na hindi maganda....
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 335  josephineg

    04/21/2009 | 06:08 AM
    kainis ka anabil , ayaw na din manood anak ko ng zorro , lipat daw sa channel 5, anu bayan anabi pati pepster inaaway mo , eh lahat ng site me mga comment, you tube , etc.. dont worry di ako spirit ha , matagal na akong pepster, number 1 daw anak nya , tsee nuon yun kagagawan mo di na
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 334  slms324

    04/21/2009 | 06:03 AM
    pumapasok kami sa robinsons mall kahit saan, at malamig naman maganda sa loob niya.


    at maraming tao.


    so hindi ko malaman itong sinasabi ni annabel na walang tao at mainit.

    maganda ang SM maganda rin ang robinsons.


    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 333  chika123

    04/21/2009 | 06:03 AM
    kung si wilma galvante ang involve sa story na ito hindi na ako magtataka na sya rin siguro ang mastermind doon sa sex videos ni angel locsin na pinalabas at siniraan ng husto kaya hate na hate ng mga fans. kaya biglang lumubog ang career ni angel. mabuti na lang at si anabel ay hindi pumapayag na yapak yapakan ang mga alaga at anak nya. GO ANNABEL.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 332  chika123

    04/21/2009 | 06:00 AM
    kay anabel pa rin ako. bilid ako sa pagtatanggol ng mga anak nyo at alaga. katulad na lang doon sa ginawa nya kay heart at JC. at least meron syang concern hindi yung basta kumita lang.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 331  chika123

    04/21/2009 | 05:58 AM
    kasalan din ng PEP kaya nag uusok sa galit si annabel. kinanti mo yung mga anak nya. hehehehe
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 330  buboy_902

    04/21/2009 | 05:57 AM
    Annabelle burned bridges with the Gokungwei by saying bad things about Robinsons malls.

    She should learn when to shut her mouth.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 329  slms324

    04/21/2009 | 05:55 AM
    my god! anong sinasabi ni annabel na bayaran at papalit-palit ng e-mail at address at sim card.


    jusko paano magagawa ng limang tao lang ang more than 36,000 na members rito sa PEP.


    ano bang klaseng pag-iisip yan,

    ginawa pa yata kami ritong MULTO lahat,

    wag ka naman magsabi na hindi kami existing


    para mo naman sinasabi na PATAY kaming lahat rito, kandahirap kaya ng mga nanay naming isinilang kami then isang ANNABEL lang ang papatay sa amin.


    wala namang ganyanan, kinikilabutan tuloy ako. baka mamaya niyan eh me masama pang mangyari sa amin rito.

    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 328  echoserangdaga01

    04/21/2009 | 05:42 AM
    273
    bistek
    April 21, 2009
    05:25 AM

    hahaha i like that one. hindi yata napanood ang part na yan ah. sige panooron ko ulit ung record ko ng SC
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 327  roughneck

    04/21/2009 | 05:34 AM
    ababil bisaya hindi ako kasama sa limang reporter na sinasabi mo.ako ay isang masugid na taga subaybay sa pep.wala ka karapatan pigilan ang mga tao dito sa pep na mag comment karapatan namin sabihin kung ano man argumento ang gusto namin.pag bumaksak ang carrer ng anak at mga alaga mo tiyak mag bubunyi ang buong pilipinas at mga pinoy sa abroad.kaya better na maging humble kaysa maging mayabang baka magalit ang Diyos sayo.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 326  razjos

    04/21/2009 | 05:28 AM
    annabel just say whatever you want pero wag mo sabihin indi kami totoo....give me your address and i will write you,padalhan kita ng chanel na bag
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 325  bistek

    04/21/2009 | 05:25 AM
    tinanong ni Pia kung sino kasama niyang dalawang babae sa Showbiz Central. ang sagot ni Annabel kasama ko iyong attorney at lawyer ko.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About