news

Annabelle Rama answers statement of PEP's lawyer

by Rose Garcia posted on April 20, 2009  STATS: 71218 Views | 684 Comments

 

"Alam mo, 'Day, yung mga nagne-negative comments ng PEP, very one sided. Pinapalabas nila, lahat ng fans, galit-galit kay Richard, kung saan-saan fans. Limang tao lang 'yan, Pia, nakaupo maghapon 'yan, type nang type, iba-ibang email, iba-ibang address, iba-ibang SIM card...  Alam ko na sinong grupo 'yan, kung sino ang nagmaniobra diyan para pabagsakin si Richard," says Annabelle Rama.

Photo By: Noel Orsal

Live na nag-guest sa Showbiz Central kahapon, April 19, ang ina ni Richard Gutierrez na si Annabelle Rama upang sagutin ang naging pahayag ng abogado ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na si Atty. Sandra Olaso-Coronel sa Startalk noong Sabado, April 18. Ito ay kaugnay ng cease-and-desist letter na ipinadala ng legal counsel ni Annabelle na si Atty. Agnes Maranan sa PEP noong April 14, upang ipatigil ang pagpa-publish ng anumang artikulo o komento tungkol kay Richard sa website na ito.

Bukod kay Annabelle, live ding na-interview ng Showbiz Central host na si Pia Guanio si Atty. Maranan at ang legal counsel ni Richard na si Atty. Angelica Santiago.


THE WITNESSES. Pero bago ang live interview ni Annabelle at ng mga abogado nila ni Richard, ipinakita muna ang taped interview sa tatlong witnesses ni Richard—sina Mark Reyes, Bubbles Paraiso, at Michael Flores—kaugnay ng P25-million libel suit na isinampa ng young actor laban sa PEP noong April 13. Ito ay dahil sa nalathalang artikulo rito sa PEP tungkol sa diumano'y "altercation" nina Richard at Michael sa birthday party ni Direk Mark noong madaling-araw ng March 29. (Click here to read related story.)

Narito ang kanilang mga pahayag:

Mark: "As far as I know, nag-umpisa ang party ng 9 p.m. Natapos ang party ng 3 a.m. Umuwi ang mga guests ko, as far as I know, walang nangyaring ganoon. I double checked Oceana [venue ng party] kung may nangyaring ganoon at kung may incident report, wala. I asked a lot of people, walang nakakita. As far as I'm concerned, I hosted a party that began and ended without any incident."

Bubbles: "Dumating po ako sa party kasama ko si Richard at si Raymond [Richard's twin brother]. Kasama ko po sila the whole night. Umalis po ako sa party, kasama ko pa rin po si Richard. So since magkasama po kami the whole night at wala akong na-witness, siguro naman po ibig sabihin nun, wala talagang nangyari."

Michael: "Wala lahat, e. Yung parking lot, yung nagkasigawan kami. Yung 'gun toting' na sinasabi nila, kasi medyo magulo yung part na yun.  Kasi, hindi mo alam kung si Richard ba ang tumutok sa akin, or ako ba ang tumutok kay Richard, or kaming dalawa ang nagtutukan.

"Masyadong malalim yung term na 'gun toting,' e. So, siyempre, baril na yung pinag-uusapan. Sana na lang talaga matapos na 'to. At yung sinasabi nilang ita-try nilang i-defend, na meron talagang nangyari na ipipilit nila, e, sana magpakita rin talaga. Dahil sobrang nakakahiya siya. Wala talagang nangyaring ganoon, e. Nakakalungkot na, e, alam mo yun? Masyado nang lumaki at sana matapos nang lahat."


(Sa artikulong nailathala rito sa PEP noong March 29, walang binanggit na "tutukan ng baril." Ayon sa Longman English Dictionary Online at dictionary.com, ang "gun toting" ay "carrying a gun" o pagdadala ng baril.)

Mark: "I will wait for that [investigation]. I would want to find out who knew what. Because as a host who had the party, I would want to know kung talagang may nangyari. Because until they have not shown me anybody who would really say na, 'I saw what happened,' I will not believe it because, you know, it could be just hearsay. To our mind, to what, 200 of my guests, nothing happened."


Bubbles: "Nakakasira kasi ng isang reputasyon. Especially with someone in Richard's stature talaga na he worked so hard for his image, for his reputation and then, isang ganyan lang, masisira, hindi naman totoo.  So, kailangan talagang ipaglaban namin. To fight for what's right, to fight for the truth."


Michael: "Knowing Richard, sa personality noong tao, kahit papaano naman, nakatrabaho ko siya sa Kamandag. Ang bata pa niya. Kumbaga, kaya nga ganito na lang siya mag-react ngayon dahil pinagkakaingatan niya yung career niya. At naiintindihan ko rin yung family niya na all-out support. Kung sila nga all-out support, di ba?"

Mark: "I had a great time that time celebrating my birthday, and it's unfortunate this thing happened. Sana ma-clear 'to at magkaayusan, both PEP and sina Tita Annabelle at si Richard. It's really a small issue that just went out of proportion. Na sana talaga, maayos lahat ito and, you know, everybody move forward."

Pagkatapos nito ay nakausap naman ni Pia live on the phone ang GMA Films President na si Ms. Annette Gozon-Abrogar, na isa sa mga guest sa naturang birthday party ni Direk Mark.

Narito ang kanilang naging usapan:

Pia: As one of the guests of the said birthday party, meron po ba kayong personal na nakita o narinig tungkol sa sinasabing insidente?

Annette: "Actually, I left the party at around 12 [midnight]. Yung sinasabing insidente na 'yan, wala na ako. But while I was there, everyone was friendly, calm, and everyone's just having a good time celebrating Direk Mark's birthday. So, yun ang nakita ko."

Pia: Did you get a chance to personally talk to Richard or Michael Flores that night?

Annette: "Actually si Richard, kinausap ko because when he came, everyone was very happy. Kaka-launch lang kasi ng Zorro at that time. So, ang pinag-usapan namin noon was how happy we are with the result of Zorro. Tapos, sinasabi niya nga kung paano yung mga efforts nila for the show. And we also talked about his upcoming movie project. So, he was very excited. His spirit was very positive that night. Si Michael Flores naman, I just saw him, he was there early. And he was sila with Bobby Andrews and they were just having a good time."

Pia: So, there's no indication that anybody was problematic?

Annette: "Actually, doon sa party nga, parang it was a very wholesome party. It wasn't even yung mga rowdy types of parties. Yung pinag-uusapan nga usually ng mga tao do'n, work. So, parang nagulat nga ako noong marinig ko yung nangyari."

Pia: Ano ang reaction n'yo ngayon sa buong isyu na ito na humantong pa sa demandahan?

Annette: "Actually, nagulat talaga ako noong narinig ko na may nasulat na ganoon, and I even asked my friends who were there until the end kung may nakita rin sila, pero wala. Parang so far, doon sa mga nakausap ko, wala naman silang gulong alam na nangyari that night.

"So, nagtaka talaga ako why there was something like that. But I guess, si Richard kasi is a very responsible person and I know for a fact, na talagang sobra siyang naka-focus sa career niya, that's his life. So I understand how he feels na he really want talaga to protect his name. Because siyempre, pangalan niya yung nakataya rito. And it's very important in showbiz to maintain a very good image and reputation. So, I guess it's his right to file a case, so lumabas naman ang totoo. And I think, everyone will benefit from that, because eventually, the truth will come out."

1  2  3  4  5  6  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

684 Comments

  • 324  kpsbu

    04/21/2009 | 05:24 AM
    1. Either PEP should show evidence soon or admit that nothing happened.
    2. PEP should follow Anabel's wishes and stop writing about Richard.
    3. Yung limang nagpapalit-palit ng account, sa ibang articles kayo mag-comment about Annabel and Richard. Parang si Marian at Angel Locsin, halos lahat ng article may comment tungkol sa kanila kahit na wala silang kinalaman sa article.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 323  echoserangdaga01

    04/21/2009 | 05:09 AM
    ms.anavil hindi po kami bayaran meron po kami kani-kaniyang pagiisip. we can say anything we want to say hindi kami po tulad ng mga tuta mo dyan sa pinas na sunod-sunuran lang. kayo ang nagpalaki ng issue na ito kaya comment lang kami to the max.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 322  pinaygirl4ever

    04/21/2009 | 05:00 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 321  lady_n_red

    04/21/2009 | 04:49 AM
    atorney anabil kawawa ka naman ang lakas ng tama mo... new york cubao...nyahahahaha!!

    day anabil, ikaw ang nakakasira sa career ng anak mo, patanda na rin si richard at matagal na rin sa showbiz pero engot pa rin sa acting.




    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 320  mico1208

    04/21/2009 | 04:32 AM
    ayoko ng basahin lahat ng sinabi ni anevil d2....lalo lng ako magngingit ngit sa galit sa kanya......manang anevil di po kami mga multo may mga kaluluwa kami pero buhay pa...wala kang karapatang pagbawalan kami kung ano nasa loobin nmin!!!

    go go pep!!!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 319  faithsarrio

    04/21/2009 | 04:28 AM
    From Quebec, Canada here. Anabelle is so uneducated. I feel sorry for Ylmas. Good for him that Ruffa and he did not work out. No one can take this monster mother in law. I feel sorry too for Richard's future wife.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 318  blackdiamond0206

    04/21/2009 | 04:19 AM
    nakakatawa c Pia Guanio... playing safe sa issue ni Wilma hahaha talot xa xempre boss nya eh haaha
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 317  totoy_15

    04/21/2009 | 04:17 AM
    To all of you who cares about this Anabil Rama, matanda na ‘sya, Her time in this world is almost up. In fact if I remember right, she almost croaked
    a few months ago. If and when she passes, and comes in the presence of her maker, what will she say when asked what she’s done whilst on earth : ‘Naku ‘dung ,tumigil ka nga ‘dyan, baka pagsampal-sampalin kita, dahil daku ang mansyon ko sa loob, baka idemanda pa kita ‘dung’. Moderate the greed, ‘aint nothing wrong with a little greed as long as it doesn’t infringe on anyone else’s rights and dignity.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 316  commentdinako

    04/21/2009 | 04:15 AM
    Grabe itong si annabel, hindi ba nahihiya yun mga anak nya pag ganito attitude nya...lagi nalang siya ang tama...may tama sa utak!hehehe!
    hindi rin po ako taga new york, cubao at lalong di ako taga new york, USA kasi taga Edmonton, Alberta, Canada po ako! hehehe! punta ka dito annabel hindi mainit, promise! kasi sobrang lamig...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 315  liefdes545leven

    04/21/2009 | 04:13 AM
    haay naku anabel ikaw ang ngawa ng ngawa sa tv na walang katotohanan. hindi ako bayaran. ang katotohanan kaya kami nag nega comment dahil ayaw namin sa inyo. sobrang gulo na!!!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 314  whoRyou2ask_me78

    04/21/2009 | 04:11 AM
    Tawa ako ng tawa na-e-entertain talaga ako ng PEP.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 313  guccimama

    04/21/2009 | 03:49 AM
    Kawawa naman ang beauty ko, pang- cubao lang pala....LOLZ!!!!

    quot; sa mga fans koquot;...heheheh

    I'm a mom and bisaya but sorry Annabel, hindi kita ina-idolized....
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 312  lupine

    04/21/2009 | 03:47 AM
    hi kapeps, i am pepster number 5
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 311  calisa20

    04/21/2009 | 03:40 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 310  iluvabsgma

    04/21/2009 | 03:39 AM
    tong ananabelle na to, ikaw at ang mga anak mo ang mahilig sa gulo. ikaw ang ngawa ng ngawa. feeling mo lahat ng tao inaargabyado ang pamilya mo. pigilan ba ang pepster sa pagkokomentaryo? i boycott ang pamilyang yan!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 309  angelyou12

    04/21/2009 | 03:37 AM
    kakasawa na to ha,..sige na kase lumipat ka na sa 2 rchrad,..kase gagawa kayo ng movie ni BEA ALONSO,.i know!!mas sikat pa si annabel kesa sa mga talents nya e,..
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 308  smokin_hot

    04/21/2009 | 03:34 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 307  kapuso4evermore

    04/21/2009 | 03:34 AM
    Di mo alam if matatawa ka or what sa pinagsasabi ni Annabelle.

    Kasi kung matatawa ka, iisipin nya, natutuwa ang tao sa kanya. Which is hindi naman tolerable ang mga pinaggagawa nya.

    May mga statement syang sinasabi na my gosh sobrang insensitive nya, like ang bait-bait ng anak nya, kesyo di pumapatol, pero di man lang sya natamaan sa mga sinabi nya. Kakatawa lang kasi sobrang opposite yung mga lumalabas sa bibig nya sa nakikita ng tao. Ang daming nyang sinabi na kung tutuusin, pinatatamaan nya ang sarili nya.

    Eto, dinamay na naman ang startalk, yes mag etc. Feeling naagrabyado na naman kaya sinusupalpal etong mga media.

    Nakakatawa at nakakaawa tuloy si Pia kasi napipilitang mag-nod everytime Annabelle ask for affirmation. It's like parang na-manipulate sya sa bagsik ni Annabelle. Parang nakabawas ng konti sa pagiging objective nya. Ni hindi nga maka-hirit si Pia.

    Nakakasawa na talaga ang walang kwentang gulong ito. Esp knowing na wala
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 306  bullets69

    04/21/2009 | 03:26 AM
    miss anabil bakit mo pinapatigil ang mga pepster sa pagcocoment,hindi ito gawa-gawa lang dahil talagang marami ang
    galit sa yo gusto mo puro possitive lahat. patigilin mo na lang sa pag-artista si RG at balik na lang kayo sa pagtitinda ng kaldero sa amerika magagamit mopa ang pagkapalengkera mo
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 305  kapuso_down_under

    04/21/2009 | 03:14 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About