news

Annabelle Rama answers statement of PEP's lawyer

by Rose Garcia posted on April 20, 2009  STATS: 71178 Views | 684 Comments

 

"Alam mo, 'Day, yung mga nagne-negative comments ng PEP, very one sided. Pinapalabas nila, lahat ng fans, galit-galit kay Richard, kung saan-saan fans. Limang tao lang 'yan, Pia, nakaupo maghapon 'yan, type nang type, iba-ibang email, iba-ibang address, iba-ibang SIM card...  Alam ko na sinong grupo 'yan, kung sino ang nagmaniobra diyan para pabagsakin si Richard," says Annabelle Rama.

Photo By: Noel Orsal

Live na nag-guest sa Showbiz Central kahapon, April 19, ang ina ni Richard Gutierrez na si Annabelle Rama upang sagutin ang naging pahayag ng abogado ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na si Atty. Sandra Olaso-Coronel sa Startalk noong Sabado, April 18. Ito ay kaugnay ng cease-and-desist letter na ipinadala ng legal counsel ni Annabelle na si Atty. Agnes Maranan sa PEP noong April 14, upang ipatigil ang pagpa-publish ng anumang artikulo o komento tungkol kay Richard sa website na ito.

Bukod kay Annabelle, live ding na-interview ng Showbiz Central host na si Pia Guanio si Atty. Maranan at ang legal counsel ni Richard na si Atty. Angelica Santiago.


THE WITNESSES. Pero bago ang live interview ni Annabelle at ng mga abogado nila ni Richard, ipinakita muna ang taped interview sa tatlong witnesses ni Richard—sina Mark Reyes, Bubbles Paraiso, at Michael Flores—kaugnay ng P25-million libel suit na isinampa ng young actor laban sa PEP noong April 13. Ito ay dahil sa nalathalang artikulo rito sa PEP tungkol sa diumano'y "altercation" nina Richard at Michael sa birthday party ni Direk Mark noong madaling-araw ng March 29. (Click here to read related story.)

Narito ang kanilang mga pahayag:

Mark: "As far as I know, nag-umpisa ang party ng 9 p.m. Natapos ang party ng 3 a.m. Umuwi ang mga guests ko, as far as I know, walang nangyaring ganoon. I double checked Oceana [venue ng party] kung may nangyaring ganoon at kung may incident report, wala. I asked a lot of people, walang nakakita. As far as I'm concerned, I hosted a party that began and ended without any incident."

Bubbles: "Dumating po ako sa party kasama ko si Richard at si Raymond [Richard's twin brother]. Kasama ko po sila the whole night. Umalis po ako sa party, kasama ko pa rin po si Richard. So since magkasama po kami the whole night at wala akong na-witness, siguro naman po ibig sabihin nun, wala talagang nangyari."

Michael: "Wala lahat, e. Yung parking lot, yung nagkasigawan kami. Yung 'gun toting' na sinasabi nila, kasi medyo magulo yung part na yun.  Kasi, hindi mo alam kung si Richard ba ang tumutok sa akin, or ako ba ang tumutok kay Richard, or kaming dalawa ang nagtutukan.

"Masyadong malalim yung term na 'gun toting,' e. So, siyempre, baril na yung pinag-uusapan. Sana na lang talaga matapos na 'to. At yung sinasabi nilang ita-try nilang i-defend, na meron talagang nangyari na ipipilit nila, e, sana magpakita rin talaga. Dahil sobrang nakakahiya siya. Wala talagang nangyaring ganoon, e. Nakakalungkot na, e, alam mo yun? Masyado nang lumaki at sana matapos nang lahat."


(Sa artikulong nailathala rito sa PEP noong March 29, walang binanggit na "tutukan ng baril." Ayon sa Longman English Dictionary Online at dictionary.com, ang "gun toting" ay "carrying a gun" o pagdadala ng baril.)

Mark: "I will wait for that [investigation]. I would want to find out who knew what. Because as a host who had the party, I would want to know kung talagang may nangyari. Because until they have not shown me anybody who would really say na, 'I saw what happened,' I will not believe it because, you know, it could be just hearsay. To our mind, to what, 200 of my guests, nothing happened."


Bubbles: "Nakakasira kasi ng isang reputasyon. Especially with someone in Richard's stature talaga na he worked so hard for his image, for his reputation and then, isang ganyan lang, masisira, hindi naman totoo.  So, kailangan talagang ipaglaban namin. To fight for what's right, to fight for the truth."


Michael: "Knowing Richard, sa personality noong tao, kahit papaano naman, nakatrabaho ko siya sa Kamandag. Ang bata pa niya. Kumbaga, kaya nga ganito na lang siya mag-react ngayon dahil pinagkakaingatan niya yung career niya. At naiintindihan ko rin yung family niya na all-out support. Kung sila nga all-out support, di ba?"

Mark: "I had a great time that time celebrating my birthday, and it's unfortunate this thing happened. Sana ma-clear 'to at magkaayusan, both PEP and sina Tita Annabelle at si Richard. It's really a small issue that just went out of proportion. Na sana talaga, maayos lahat ito and, you know, everybody move forward."

Pagkatapos nito ay nakausap naman ni Pia live on the phone ang GMA Films President na si Ms. Annette Gozon-Abrogar, na isa sa mga guest sa naturang birthday party ni Direk Mark.

Narito ang kanilang naging usapan:

Pia: As one of the guests of the said birthday party, meron po ba kayong personal na nakita o narinig tungkol sa sinasabing insidente?

Annette: "Actually, I left the party at around 12 [midnight]. Yung sinasabing insidente na 'yan, wala na ako. But while I was there, everyone was friendly, calm, and everyone's just having a good time celebrating Direk Mark's birthday. So, yun ang nakita ko."

Pia: Did you get a chance to personally talk to Richard or Michael Flores that night?

Annette: "Actually si Richard, kinausap ko because when he came, everyone was very happy. Kaka-launch lang kasi ng Zorro at that time. So, ang pinag-usapan namin noon was how happy we are with the result of Zorro. Tapos, sinasabi niya nga kung paano yung mga efforts nila for the show. And we also talked about his upcoming movie project. So, he was very excited. His spirit was very positive that night. Si Michael Flores naman, I just saw him, he was there early. And he was sila with Bobby Andrews and they were just having a good time."

Pia: So, there's no indication that anybody was problematic?

Annette: "Actually, doon sa party nga, parang it was a very wholesome party. It wasn't even yung mga rowdy types of parties. Yung pinag-uusapan nga usually ng mga tao do'n, work. So, parang nagulat nga ako noong marinig ko yung nangyari."

Pia: Ano ang reaction n'yo ngayon sa buong isyu na ito na humantong pa sa demandahan?

Annette: "Actually, nagulat talaga ako noong narinig ko na may nasulat na ganoon, and I even asked my friends who were there until the end kung may nakita rin sila, pero wala. Parang so far, doon sa mga nakausap ko, wala naman silang gulong alam na nangyari that night.

"So, nagtaka talaga ako why there was something like that. But I guess, si Richard kasi is a very responsible person and I know for a fact, na talagang sobra siyang naka-focus sa career niya, that's his life. So I understand how he feels na he really want talaga to protect his name. Because siyempre, pangalan niya yung nakataya rito. And it's very important in showbiz to maintain a very good image and reputation. So, I guess it's his right to file a case, so lumabas naman ang totoo. And I think, everyone will benefit from that, because eventually, the truth will come out."

1  2  3  4  5  6  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

684 Comments

  • 244  firebird

    04/20/2009 | 11:37 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 243  adjang28

    04/20/2009 | 11:34 PM
    nagmumukha ng eng eng si FLG dahil sa pag name drop lagi sa kanya ng balahurang yan..

    siya ang pinaka powerful sa bakuran ng gma..

    kayang kaya niyang WALISIN ang kalat para di kahiya-hiya.....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 242  archangeldiva

    04/20/2009 | 11:33 PM
    as far as we are concerned okaley HINDI KAMI NILOLOKO NG PEP...

    ewan ko lang ang ibang familya dyan...

    nang-imbento ng panalo sa filmfest...

    nang-imbento na super engrandeng kasal DAW...

    eh sino ang ma hilig mang loko???

    your guess is as good as mine!

    gets mo??!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 241  oakley

    04/20/2009 | 11:30 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 240  adjang28

    04/20/2009 | 11:30 PM
    fake daw ang mga nagpo post dito pero NAAALARMA na si bisaya...

    kuntodo pagsasabi na number one daw anak niya.....oh well nanay siya eh

    yang si jun lalin ang i ban sa lahat ng newspaper puro praises sa gutierrez..

    busog na busog sa libreng litson ni bisaya, wag syang magkamaling magsulat ng nega baka siya naman ang litsunin..

    hahahaha! kunsabagay baboy naman si jun lalin..bleh!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 239  chiklet13x

    04/20/2009 | 11:30 PM
    kung wala lang din mapapatunayan sa baril-barilan, magretract na ang pep. aanhin mo magmatigas kung sa bandang huli bayad ka. di naman siguro magmatigas ang guiterrez kung sincere ang pag-apologize. look for the long-term staying power of pep. sige kayo mawawalan kayo ng credibility dahil sa iskandalo pag pinahaba pa ito. pano na ang advertisers?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 238  tfcuser

    04/20/2009 | 11:26 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 237  adjang28

    04/20/2009 | 11:26 PM
    shana dee

    mag br ka sa mga na post ni sweet...

    sinasagot niya actually ng may humour yung nag-post ng nega sa kanya...

    walang makapag-post ng nega dahil sinasagot talaga ni john..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 236  tfcuser

    04/20/2009 | 11:24 PM
    moderator hwag mong e-delete ang comments ko.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 235  oakley

    04/20/2009 | 11:22 PM
    PEP kakainsert nyo ng definition nyo ng gun toting and kung ano ang sinulat nyo e mas nag-entail na ang witness nyo nakitang may baril sino at kanino at papaano itsura ng baril and papaano malalaman na baril nga?

    The more na mag-insert kayo ng salita o definitions nyo napapadiin lang kayo. TUlad nyan Rose Garcia sinusulat mo parati na hindi tutukan ng baril ang sinabi which means ang PEP nagstand na may usapang baril dito. Edi NBI papasok na ito. Tsk tsk tsk tsk ...... ang PEP talaga kakaiba. Reporter na reporter na one sided.

    Gawa kayo ng editorial page dun nyo sulat hinaing nyo at kuro kuro ng editors ng mga writers at feeling journalist pero for the meantime stick lagn kayo sa binabaliat nyo wag na mag-insert na depensa. tsk tsk tsk
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 234  chiklet13x

    04/20/2009 | 11:20 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 233  marimaris8

    04/20/2009 | 11:20 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 232  shana_dee

    04/20/2009 | 11:20 PM
    bakit BITIN ang interview article kay anabil?

    baka magalit si bisaya nyan at di nyu post ang whole interbyu sa kanya ni pia sa kanya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 231  tfcuser

    04/20/2009 | 11:18 PM
    SHANA DEE,

    i don't have any relationship sa mga gutierez.i am outside pinas while writing this.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 230  shellphone

    04/20/2009 | 11:14 PM
    MAg email kayo dun kay Jun Lalin sa tonite yan ang bayarang writer ng Gutierrez family
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 229  tfcuser

    04/20/2009 | 11:13 PM
    hahay... kaso nanaman.si atty. ang yayaman nyan.ANO KAYA ANG TOTOO DITO???

    I THINK HINDI TALAGA TOTOO NA MAY NANGYAYARING BARIL...BARIL DYAN.just my 2 cents.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 228  shana_dee

    04/20/2009 | 11:11 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 227  shellphone

    04/20/2009 | 11:09 PM
    Sa lahat ng mga fans ng anak ko, sa lahat ng mga fans ng mga alaga ko. Lahat ng mga fans ko! Alam ko, marami akong mga fans, mga nanay, tuloy-tuloy ang pagsuporta sa akin. Yun lang ang sasabihin ko sa inyo. Huwag kayong maniniwala sa mga fake na mga comments na tinitira si Richard, lahat 'yan ay fake! Limang tao lang ang gumagawa niyan. Kunwari mga fans na galing New York... New York , Cubao yun. Hindi yun New York sa Amerika!quot; saad ni Annabelle
    +++++
    Kapal ng muka ni Bisaya dami daw syang fans, cheap mo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 226  shana_dee

    04/20/2009 | 11:09 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 225  ABS_sorelosers

    04/20/2009 | 11:08 PM
    gusto pa i-filter ang negative comments? duh, gumawa kayo sarili niyong website na imo-moderate niyong mag-anak para good comments lang mabasa niyo though i doubt kung me interesadong magbasa non. kumusta na nga pala ang website ni ruffa? nakaka-ilang hits na ba?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About