news

Annabelle Rama answers statement of PEP's lawyer

by Rose Garcia posted on April 20, 2009  STATS: 71212 Views | 684 Comments

 

"Alam mo, 'Day, yung mga nagne-negative comments ng PEP, very one sided. Pinapalabas nila, lahat ng fans, galit-galit kay Richard, kung saan-saan fans. Limang tao lang 'yan, Pia, nakaupo maghapon 'yan, type nang type, iba-ibang email, iba-ibang address, iba-ibang SIM card...  Alam ko na sinong grupo 'yan, kung sino ang nagmaniobra diyan para pabagsakin si Richard," says Annabelle Rama.

Photo By: Noel Orsal

Live na nag-guest sa Showbiz Central kahapon, April 19, ang ina ni Richard Gutierrez na si Annabelle Rama upang sagutin ang naging pahayag ng abogado ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na si Atty. Sandra Olaso-Coronel sa Startalk noong Sabado, April 18. Ito ay kaugnay ng cease-and-desist letter na ipinadala ng legal counsel ni Annabelle na si Atty. Agnes Maranan sa PEP noong April 14, upang ipatigil ang pagpa-publish ng anumang artikulo o komento tungkol kay Richard sa website na ito.

Bukod kay Annabelle, live ding na-interview ng Showbiz Central host na si Pia Guanio si Atty. Maranan at ang legal counsel ni Richard na si Atty. Angelica Santiago.


THE WITNESSES. Pero bago ang live interview ni Annabelle at ng mga abogado nila ni Richard, ipinakita muna ang taped interview sa tatlong witnesses ni Richard—sina Mark Reyes, Bubbles Paraiso, at Michael Flores—kaugnay ng P25-million libel suit na isinampa ng young actor laban sa PEP noong April 13. Ito ay dahil sa nalathalang artikulo rito sa PEP tungkol sa diumano'y "altercation" nina Richard at Michael sa birthday party ni Direk Mark noong madaling-araw ng March 29. (Click here to read related story.)

Narito ang kanilang mga pahayag:

Mark: "As far as I know, nag-umpisa ang party ng 9 p.m. Natapos ang party ng 3 a.m. Umuwi ang mga guests ko, as far as I know, walang nangyaring ganoon. I double checked Oceana [venue ng party] kung may nangyaring ganoon at kung may incident report, wala. I asked a lot of people, walang nakakita. As far as I'm concerned, I hosted a party that began and ended without any incident."

Bubbles: "Dumating po ako sa party kasama ko si Richard at si Raymond [Richard's twin brother]. Kasama ko po sila the whole night. Umalis po ako sa party, kasama ko pa rin po si Richard. So since magkasama po kami the whole night at wala akong na-witness, siguro naman po ibig sabihin nun, wala talagang nangyari."

Michael: "Wala lahat, e. Yung parking lot, yung nagkasigawan kami. Yung 'gun toting' na sinasabi nila, kasi medyo magulo yung part na yun.  Kasi, hindi mo alam kung si Richard ba ang tumutok sa akin, or ako ba ang tumutok kay Richard, or kaming dalawa ang nagtutukan.

"Masyadong malalim yung term na 'gun toting,' e. So, siyempre, baril na yung pinag-uusapan. Sana na lang talaga matapos na 'to. At yung sinasabi nilang ita-try nilang i-defend, na meron talagang nangyari na ipipilit nila, e, sana magpakita rin talaga. Dahil sobrang nakakahiya siya. Wala talagang nangyaring ganoon, e. Nakakalungkot na, e, alam mo yun? Masyado nang lumaki at sana matapos nang lahat."


(Sa artikulong nailathala rito sa PEP noong March 29, walang binanggit na "tutukan ng baril." Ayon sa Longman English Dictionary Online at dictionary.com, ang "gun toting" ay "carrying a gun" o pagdadala ng baril.)

Mark: "I will wait for that [investigation]. I would want to find out who knew what. Because as a host who had the party, I would want to know kung talagang may nangyari. Because until they have not shown me anybody who would really say na, 'I saw what happened,' I will not believe it because, you know, it could be just hearsay. To our mind, to what, 200 of my guests, nothing happened."


Bubbles: "Nakakasira kasi ng isang reputasyon. Especially with someone in Richard's stature talaga na he worked so hard for his image, for his reputation and then, isang ganyan lang, masisira, hindi naman totoo.  So, kailangan talagang ipaglaban namin. To fight for what's right, to fight for the truth."


Michael: "Knowing Richard, sa personality noong tao, kahit papaano naman, nakatrabaho ko siya sa Kamandag. Ang bata pa niya. Kumbaga, kaya nga ganito na lang siya mag-react ngayon dahil pinagkakaingatan niya yung career niya. At naiintindihan ko rin yung family niya na all-out support. Kung sila nga all-out support, di ba?"

Mark: "I had a great time that time celebrating my birthday, and it's unfortunate this thing happened. Sana ma-clear 'to at magkaayusan, both PEP and sina Tita Annabelle at si Richard. It's really a small issue that just went out of proportion. Na sana talaga, maayos lahat ito and, you know, everybody move forward."

Pagkatapos nito ay nakausap naman ni Pia live on the phone ang GMA Films President na si Ms. Annette Gozon-Abrogar, na isa sa mga guest sa naturang birthday party ni Direk Mark.

Narito ang kanilang naging usapan:

Pia: As one of the guests of the said birthday party, meron po ba kayong personal na nakita o narinig tungkol sa sinasabing insidente?

Annette: "Actually, I left the party at around 12 [midnight]. Yung sinasabing insidente na 'yan, wala na ako. But while I was there, everyone was friendly, calm, and everyone's just having a good time celebrating Direk Mark's birthday. So, yun ang nakita ko."

Pia: Did you get a chance to personally talk to Richard or Michael Flores that night?

Annette: "Actually si Richard, kinausap ko because when he came, everyone was very happy. Kaka-launch lang kasi ng Zorro at that time. So, ang pinag-usapan namin noon was how happy we are with the result of Zorro. Tapos, sinasabi niya nga kung paano yung mga efforts nila for the show. And we also talked about his upcoming movie project. So, he was very excited. His spirit was very positive that night. Si Michael Flores naman, I just saw him, he was there early. And he was sila with Bobby Andrews and they were just having a good time."

Pia: So, there's no indication that anybody was problematic?

Annette: "Actually, doon sa party nga, parang it was a very wholesome party. It wasn't even yung mga rowdy types of parties. Yung pinag-uusapan nga usually ng mga tao do'n, work. So, parang nagulat nga ako noong marinig ko yung nangyari."

Pia: Ano ang reaction n'yo ngayon sa buong isyu na ito na humantong pa sa demandahan?

Annette: "Actually, nagulat talaga ako noong narinig ko na may nasulat na ganoon, and I even asked my friends who were there until the end kung may nakita rin sila, pero wala. Parang so far, doon sa mga nakausap ko, wala naman silang gulong alam na nangyari that night.

"So, nagtaka talaga ako why there was something like that. But I guess, si Richard kasi is a very responsible person and I know for a fact, na talagang sobra siyang naka-focus sa career niya, that's his life. So I understand how he feels na he really want talaga to protect his name. Because siyempre, pangalan niya yung nakataya rito. And it's very important in showbiz to maintain a very good image and reputation. So, I guess it's his right to file a case, so lumabas naman ang totoo. And I think, everyone will benefit from that, because eventually, the truth will come out."

1  2  3  4  5  6  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

684 Comments

  • 124  eureka

    04/20/2009 | 09:26 PM
    take 2 naputol post ko e..

    last na to comment na to for now..

    sa side naman ni Annabelle, shempre anak nia si Richard kaya nung masaktan si Richard umiral ang pagiging Ina nito at bilang Ina handa itong makipaglaban maipagtanggol lang ang anak na sa akala nia ay naapi, aminin nio mga mother na jan sa tabi tabi kahit minsan madalas mali ang anak nio mega tanggol pa rin kayo.... so indi rin natin sia masisi, cguro lalo na nasaktan daw si Richard sa balitang yon imagine inaway away sia ni Annabelle para umamin kong may ganung insidente nga so dala marahil ng galit ni Chard at para patunayang walang ganung nangyari kaya sia nagdemanda though he is still nice naman to give PEP a chance to retract their story bago sia magdemanda.

    pero again sabi nga nang PEP kailangan muna nila ng masusing imbestigasyon kng may ganung nangyari or wala, tulad nga ng sinabi ko sa taas kanina, kung merong nangyari ska nila ulit ipopost ung detalyadong article at kwento di ba Mr. Bong Godin
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 123  fair08

    04/20/2009 | 09:25 PM
    arcangeldiva

    You are loosing the point kung ano ano na ang sinsabi mo which is totally irrelevant to the subject

    The fact is that no one should write or say untruthful stories about others, not even if you think that you're just trying to sell a stry to the mass media

    The best thing to do is to say sorry to the person that you hurt
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 122  IMaPeper2

    04/20/2009 | 09:25 PM
    Talagang inis na inis si Anabelle sa PePsters! Yun talaga ang motives niya na matigil ang mga PePsters sa pagbibigay ng mga kani-kanilang opinion.
    Hindi ba paninirang-puri din yung sinabi niya na si Galvante kuno ang may pakana noong article na yon? That's just wrong I think! Atsaka wala naman palang binanggit na so-called tutukan....toting pala. Mag-kaiba naman yon. Under investigation pa nga yung so-called incident na yon. Hindi ako sumusubaybay sa career ni Richard, pero hindi rin naman ako naniniwala dahil under investigation pa nga. Insulto naman sa mga readers yon if they think na kaagad na lang maniniwala sa report.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 121  i_see_dumb_people

    04/20/2009 | 09:23 PM
    oakley

    Please check the dictionary. Tote verb means lug or carry. Used in quot;gun totingquot; means carrying a gun.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 120  alakdanggubat

    04/20/2009 | 09:23 PM
    Kakatawa. Sabi ni Annabel may mga bayarang tao dito around lima na wala nang ginawa kundi siraan si Richard. Kaya ayun, andyan naman si fair08, wannabeme and others na obvious na wala namang ginawa kundi idepensa siya.

    Naaaliw lang ako.

    Comment lang from a a very real person who is so pissed at what I saw sa SC, being mouthed by Annabel. Grabe, sobra akong nahiya sa sarili ko na Pilipino ako at may kababayan akong ganito.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 119  oakley

    04/20/2009 | 09:22 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 118  eureka

    04/20/2009 | 09:22 PM
    last na to comment na to for now..

    sa side naman ni Annabelle, shempre anak nia si Richard kaya nung masaktan si Richard umiral ang pagiging Ina nito at bilang Ina handa itong makipaglaban maipagtanggol lang ang anak na sa akala nia ay naapi, aminin nio mga mother na jan sa tabi tabi kahit minsan madalas mali ang anak nio mega tanggol pa rin kayo.... so indi rin natin sia masisi, cguro lalo na nasaktan daw si Richard sa balitang yon imagine inaway away sia ni Annabelle para umamin kong may ganung insidente nga so dala marahil ng galit ni Chard at para patunayang walang ganung nangyari kaya sia nagdemanda though he is still nice naman to give PEP a chance to retract their story bago sia magdemanda.

    pero again sabi nga nang PEP kailangan muna nila ng masusing imbestigasyon kng may ganung nangyari or wala, tulad nga ng sinabi ko sa taas kanina, kung merong nangyari ska nila ulit ipopost ung detalyadong article at kwento di ba Mr. Bong Godinez? kung sa pag iimbestiga nman nila e nap
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 117  happyness

    04/20/2009 | 09:22 PM
    I am with you annabelle...this is one girl who is not afraid to voice her opinion and who doesn't initiate any conflict if u will analyze..she doesn't create trouble if not motivated to do so.. so i pray u can tackle all this things u are facing right now annabelle.. even if i am here in Canada i support u with my prayers.. Go Bisaya.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 116  oakley

    04/20/2009 | 09:21 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 115  archangeldiva

    04/20/2009 | 09:19 PM
    and please not all americans speak english properly...huwag na nating isama ang ibang lahi dahil hindi naman iyon ang major tongue nila...

    you don't have to go far...consult any ebglish 1 teacher in UP diliman, or UST or ateneo or La salle...kahit st benilde.

    gun toting is NOT pointing a gun
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 114  shiela_bonita

    04/20/2009 | 09:16 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 113  mia_pearl143

    04/20/2009 | 09:15 PM
    tama naman yung sinasabi nya mainit tsaka wla masyado tao sa robinson taka nga ako kasi sa robinson hindi bawal mag yosi sa loob..nakita ko kasi sa robinson cavite one time medyo mainit talaga..lalo na dun sa 3rd floor medyo mainit din...wla pa masyado tao..dun naman sa sabi nyang 5 lang ang tao dito nagcocoment sa pep hehe patawa sya..diri ko tita anabel sa mindanao..wla akong kinikilingan dito..kung san ang alam kong tama dun ako...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 112  oakley

    04/20/2009 | 09:15 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 111  archangeldiva

    04/20/2009 | 09:14 PM
    GUN TOTING is NOT GUN POINTING;

    please...if you don't speak english well do not pretend you know.

    GUN TOTING is nagdadala ng baril in tagalog.

    iba iyun sa nanutok ng baril...

    halleurrr....
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 110  oakley

    04/20/2009 | 09:11 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 109  archangeldiva

    04/20/2009 | 09:10 PM
    I hope GMA 7 will try to put a stop to this rama person who keeps on flaunting her power over you because Richard is number 1.

    Pleasre call her bluff...NOBODY IS INDISPENSIBLE...richard can easily be replaced...you already proved that with angel locsin.

    please GMA anabil rama is GIVING GMA A BAD REPUTATION...

    release her and her wards including her son

    DO US A FAVOR...we believe in you
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 108  eureka

    04/20/2009 | 09:09 PM
    ask ko lang kelan kaya balak ng PEP i publish yong sinasabi imbestigasyon nila?

    for sure yon lang naman ang makakapag end sa lahat ng ito e,

    or nag gagather pa ang PEP ng information then kapag nalaman nilang wala talagang ganung nangyari saka pa lang sila magreretract? yon kasi ang pagkaintindi ko sa paliwanag ni Ms. Jo-Ann e na nagsosori sia kasi na upload ang article na walang sapat na pag gather ng information sa both sides, kumbaga na excite ang writer mag click ng submit button.then kpag may issue talaga, saka dapat ipost kong wala namang nang yaring ganun saka sila magreretract..

    Hay ewan, back to work na nga muna ako...hahahaha
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 107  marhabasalahat

    04/20/2009 | 09:09 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 106  Discerning_Viewer

    04/20/2009 | 09:09 PM
    cna fair08 at wannabbee isa lang tao yan, palagay ko. kampon ni anabil lumabas ka jan...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 105  oakley

    04/20/2009 | 09:08 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About