news

Annabelle Rama answers statement of PEP's lawyer

by Rose Garcia posted on April 20, 2009  STATS: 71183 Views | 684 Comments

 

"Alam mo, 'Day, yung mga nagne-negative comments ng PEP, very one sided. Pinapalabas nila, lahat ng fans, galit-galit kay Richard, kung saan-saan fans. Limang tao lang 'yan, Pia, nakaupo maghapon 'yan, type nang type, iba-ibang email, iba-ibang address, iba-ibang SIM card...  Alam ko na sinong grupo 'yan, kung sino ang nagmaniobra diyan para pabagsakin si Richard," says Annabelle Rama.

Photo By: Noel Orsal

"Attorney, hindi mo kailangang pagbawalan si Richard na pumunta sa mall n'yo. Unang-una, ang mga fans ni Richard, pumupunta lang sa lahat ng SM mall, kaya doon kami nagsu-show sa SM malls. Yung Robinson, hindi ako papayag magsu-show ang mga alaga ko diyan, di ba? Wala naman kasing tao. Unang-una, wala naman kasing tao, napakainit pa. I'm sorry... I'm just telling the truth, okay? Napakainit pa!"

May sasabihin sana si Pia, pero tuluy-tuloy pa rin sa pagsasalita si Annabelle.

"Teka muna, Pia, isa pang isyu ko, okay? Mali yata ang pagkabasa ng lawyer nila yung sulat ng attorney ko. Mamaya, baon ko yung attorney ko para i-explain sa kanya. Siguro, bagong lawyer ka lang, 'Day, wala kang alam, okay?

"Yung sinabi mong isyu, hanggang ba naman sa YES! magazine, hanggang sa magazine na... Walang kinalaman sa isyu yun, bakit mo inilihis ang isyu dun, okay?

"Eto na, bawal kami sa YES!. Unang-una, 'Day, never akong nagmakaawa sa lahat ng magazine na i-feature ang mga anak ko. Kayo ang tawag nang tawag sa amin. Yung writer ng YES!, yung writer ng mga magazine, tawag nang tawag sa akin, kumukuha ng schedules ng mga alaga ko, sa mga anak ko

"Lately lang, last month lang, yung writer na si Anna Pingol, ang kulit-kulit! Gustong i-feature ang mga toys ni Richard, hindi ko nabigyan ng schedule dahil sobrang busy ni Richard, okay?

"Ngayon, kung ayaw n'yo kaming i-feature sa YES! magazine, okey na rin. Kasi dati, fan ako ng YES! magazine, ako ang unang bumibili. Pero right now, sa sarili ko lang opinion, Pia, hindi na siya credible. Bakit?  Huwag n'yo na akong i-publicize diyan na kasinungalingan, 'Day, 'no? Nagbigay lang ako, Jo-Ann, sa 'yo ng isang robe noong Pasko, bigyan mo ako kaagad ng Most Influential?

"Ano ba ang ginawa ko sa buhay ko? Hindi naman ako graduate ng college. High school graduate lang ako. Hindi ba nakakahiya yun, ilalagay mo ko dun? Tinalo ko pa sila Lucio Tan, sila Ben Chan, at kung sinu-sino!

"Ilagay mo diyan, Sharon Cuneta, Korina [Sanchez], Mel Tiangco, Dolphy... Yung talagang merong nagawa na sa industriya. Ako, wala akong nagawa, 'Day, wala akong award. Yun nga, e, isang pelikula lang ako. Yung Monster Mom, yun lang ang nagawa ko. Bakit ako inilagay diyan? Alam mo, isasauli ko 'yang award na 'yan kasi ayoko... Hindi ko pa natatanggap, pero ayaw ko. I-retract n'yo yun, ayaw kong maging most influential person sa showbiz. Hindi ako gano'n.

(Ang tinutukoy ni Annabelle na "Most Influential" ay ang listahan ng YES! ng "The 50 Most Powerful In Showbiz" ng YES!na lumabas sa April 2009 issue nito, kung saan pumuwesto siya sa No. 13 sa hanay ng mga executives—TV executives, talent managers, advertisers, writers, among others.)

"Alam mo, 'Day, yung mga nagne-negative comments ng PEP, Pia, very one sided. Pinapalabas nila, lahat ng fans, galit-galit kay Richard, kung saan-saan fans. Limang tao lang 'yan, Pia, nakaupo maghapon 'yan, type nang type, iba-ibang email, iba-ibang address, iba-ibang SIM card...  Alam ko na sinong grupo 'yan, kung sino ang nagmaniobra diyan para pabagsakin si Richard.

"Hindi mo kayang pabagsakin ang anak ko dahil 'pag ang tao mabait at walang ginawang masama, hindi puwedeng bagsakin. Gusto mong i-boycott? Kayo ang i-boycott! Dapat i-ban mo 'yang PEP na 'yan. Kasi walang ginawa, nakakasira kayo sa industriya.

"Kaya itong movie industry, minsan nahihirapang umangat kasisira nila, sira sila nang sira. Hindi nakakatulong sa ating movie industry 'yan. Dapat kayong i-ban at hindi anak ko.  Yun lang ang masasabi ko, Attorney.

"At saka, Attorney, dahan-dahan ka magsalita. Gusto mo yatang mag-artista! Ako, hindi kita ima-manage. Hindi kita ima-manage, Attorney. Gusto mo lagi ka sa TV. Excuse me, 'Day, hindi ka dapat sa showbiz. So, huwag kang makialam," dire-diretsong pahayag ni Annabelle.

Kinuha rin ni Pia ang reaksiyon ni Annabelle tungkol sa hindi pa rin pagbibigay ng retraction ng PEP.

« Prev  1  2  3  4  5  6  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

684 Comments

  • 564  mystery_poklat

    04/21/2009 | 05:28 PM
    grabe..nakakatawa naman yung si atty. maranan...
    di ko alam if bingi..o mali ng intindi sa sinabi ni pia kaya iba ang naging meaning.. insult to injury.. lalagyan daw ng asin ang sugat... bwahahaha.... literal na in salt ay ewan... yokong maging lawyer..hahaha


    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 563  lotuss

    04/21/2009 | 05:01 PM
    PAANO naman kasi i-reretract ng PEP yung news about RG GUN totting kung madidiin naman yung kasamahan nila sa panunulat? syempre bibigyan din ng PEP yung kasamahan nila ng PROTECTIONS diba? KAYA WALANG MAGANDA DITO kundi ilabas yung WITNESS ng PEP for the sake of PEPS READERS NA RIN.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 562  nicegregs_30

    04/21/2009 | 04:47 PM
    Cont,,Part 3
    Dahil sa pagbabawal nila na maglagay ng negative about this issue hndi ang PEP ang pinagbabawalan nila kundi ung mga PEP users or PEPsters, kaya marami nagrereact ng negative is because we find it ARROGANT para sabihn na wag na lang mag lagay ng comments kung hndi lang din nman maganda.Dapat ma realize ni Anabel na ung mga pa interbyu nya ng ganyan is hndi nakakatulong sa anak nya kundi mas lalo pa tuloy nagiging negative ang dating sa anak nya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 561  nicegregs_30

    04/21/2009 | 04:42 PM
    Cont,.PART 2
    I dont think n same level ng si richard nung peak ng kasikatan ni Sharon Cuneta or Nora Aunor even Aiza S. kaya i dont think na pag aaksayan ng panahon ng PEP na maghire ng 5 tao na ang tanging gagawin e mag sulat ng negative sa anak nya.I have nothing againts richard and i think he is 1 of the most admirable young stars,thats y im on their side with regrds sa premature uploading or maling pagrereport pero ang sabihn ng ina nya na bawal mag comment ng NEGATIVE sa anak nya e sobra nman yata. I think Ms. Rama is living in a Fantasy World and she wants to be the Queen. Duon gusto nya walang pede mag comment sa anak nya ng negative puro positive lang.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 560  gandabae16

    04/21/2009 | 04:42 PM
    naku c bisaya tlaga....anong palagay mo sa aming mga pepster mga anino lang ng kung cno!!!...palibhasa kc bisaya ayaw mong tangapin sa sarili mo n malapit ng malaos yang anak mo ng dahil sa kagagwan mo, d mo b nahahalata n nilalampaso n cya ni DD ha!!!...2mapak k kc minsan sa lupa masyado kng matapobre remember malapit k ng maka miting ni san pedro kaya mag pakabait k nlng,...ok!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 559  nicegregs_30

    04/21/2009 | 04:33 PM
    For me sa aspetong premature uploading or di umanoy maling pag report, Im on the side of the Gutierrez Family,kac kahit nman may press freedom dapat responsable rin, kac ung mga artista na seryoso sa trabaho nila e inaalagaan ang kanilang pangalan,at tandaan natin na iyon ang trabaho nila,doon cla kumukuha ng pagkakakitaan so kung magkaron ng ganoong isyu pede na maapektuhan ung kabuhayan nila like ung mga endorsement nila,ciempre pag ganun maaring may mga sponsors na mag back out or i cancel ung endorser nila ciempre ayaw nila ung endorser na hndi maganda ang image at ciempre ung impression ng tao sa artista,marami pa nman sa tao ang judgmental. Pero on the side na pinagbabawalan nila ang PEP sa further posting ng NEGATIVE comments i'm on the side of PEP. Because alam nman natin na imposible na 5 tao lang talaga to,imaginine mo gagawin ng PEP un for just 1 person? and for what?pabagsakin cia? I dont think na ganun ang impact ni richard sa showbiz para pag aksayan pa ng panahon na sirain,i dont think na same
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 558  sasami

    04/21/2009 | 04:26 PM
    mis anabil nagkakamali ka maraming nagbabasa dto sa pep kahit saang sulok ng mundo.yan ang napapala sa mayabang.pamilyang ubod ng yabang.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 557  my_sayad

    04/21/2009 | 04:10 PM
    boycot gutierrez shows.

    pabayaan na rin natin na iboycott ng gutierrez ang robinsons, at ayawan ma-cover sa mga magazines at tanggihan ang mga endorsements. well, thats their loss.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 556  kapusucks

    04/21/2009 | 04:09 PM
    PEP
    Honestly nag enjoy ako sa article na eto.. nakikita ko kasi si tita annabelle na truelala sya magsalita yun nga lang talaga maingay at palengkera pero may point din naman keysa dun sa Lawyer na ang gulong mag explain :
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 555  my_sayad

    04/21/2009 | 04:07 PM
    pep, wag nyo ngang ilabas yang article nyo. e-cliffhanger nyo muna. bitinin nyo. masarap pang makitang nanggagalaiti sa galit si anabil. at hanggat di sya nag-aapologize sa mga pepsters, wag ilabas ang article about gun-totting. imagine 5 lang daw tayo. ilan bang daliri meron si anabil at hanggang lima lang ang alam nyang bilangin?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 554  chardmel_gutierrez

    04/21/2009 | 04:05 PM
    Go tita annabelle! pero sana bawas bawasan mo yung talas ng dila mo kc day sobrang foul ka magsalita minsan. but even though i dont like u that much, i really love your son. i will always support him no matter what. go chard im one of your faithful fan. di kita iiwan sa ere as long na hindi ka magbabago love you chard
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 553  wh3ng

    04/21/2009 | 04:04 PM
    Pia Guanio walang kwentang host!!! boring ka na ngang pakinggan di ka pa marunong magdala ng interview ... puro yes tita... opo tita nakakaimbiyerna ka! this is the 2nd time na ginawa mo yan sa pag iinterview mo kay Bisaya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 552  my_sayad

    04/21/2009 | 04:03 PM
    sa lahat ng nasa showbiz industry, si anabil nakamarka na sa utak ng marami...bungangera at palengkera.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 551  chardmel_gutierrez

    04/21/2009 | 04:02 PM
    PEP: kakaloka mga article nyo dito. ilabas nyo na kc ang dapat ilabas kung meron man. kung nagkamali ba kayo o hindi. nobodies perfect naman. marami pa nga yung false journalism na article kesa sa totoo eh. so hindi po nakakahiya kung if u admit na nagkamali kayo in public. just say sorry and that incident didnt really happened. then finish na. dont think of credibilty anymore or what so ever. kesa naman araw araw eh puro nalang demanda mababasa ko dito. and speaking of your lawyer po, talaga naman nawalan siya ng poise sa kakasalita nya nya sa startalk perang di siya lawyer. ilabas ang dapat ilabas ng matapos na to.ok pep sana naman po mabasa yung comment ko dit
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 550  slender

    04/21/2009 | 04:01 PM
    5 username in 1 person???isa ang totoo?nyahahaha..yon lang!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 549  wh3ng

    04/21/2009 | 03:59 PM
    mag research ka ng mabuti hindi no. 1 sa rating ang Zorro, ung mga nanonood nian walang choice kase unang-una ang Zorro, lagay mo sa late viewing ang Zorro kung may manonood pa baka tulugan lang nila anak mo. Hindi kami naiinis kay Richard naiinis kami sa iyo. Sana lang ang GMA wag ng i-renew ang contract ni JC isa pa itong walang b_yag iyakin nakakahiya. Tapos si Bubbles Paraiso sip_sip sa mga Gutierrez lagi na lang sawsaw hahaha. Lahat ng tao may freedom of speech mapa negative o positive man.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 548  wh3ng

    04/21/2009 | 03:54 PM
    Totoo man o hindi ang naisulat kaya nga tinatawag na tsismis di ba pasahan ng kwento... kahit kwentong barbero pa. Napakayabang mo naman para sabihin na mas magaling ka pang abogado wala ka lang lisensya, kung lahat ng abogado puro bibig ang gamit pwes magaling ka nga, pero mag aral ka munang gumamit at umintindi ng computer system para naman maka-relate at hindi ung sinasabi mo 5 lang ang totoo dito. Nanawagan ako sa mga Bisaya proud ba kayo na kalahi nio yang si Annabelle hahaha kung si MR sinasabihang palengkera mas no. 1 as in numero unong palengkera itong babaeng ito hay nakakasuyang pakinggan at tingnan si Annabelle sa tv.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 547  wh3ng

    04/21/2009 | 03:50 PM
    No. 1 big star daw sa GMA si Richard, kung hindi pa kay Marian Rivera ni hindi makakatikim ng Box Office movie si Chard MBGF nasa top ten ng chart ng BOM. sa totoo lang di kami nanonood ng teleserye ng anak mo, kapag Zorro ang palabas nag di-dinner na muna kame, kase mas sinusubaybayan namin ang AAB, TTB at ABHSAT boring naman ang Zorro costume lang ang maganda sinauna pa. Kung di mo kayang tumanggap ng criticism from the viewers tumigil kana sa showbiz, gusto mo puro papuri lang e puro bibig mo nga lang ang pinapaandar mo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 546  iza_marian7

    04/21/2009 | 03:44 PM
    We support PEP!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 545  shobizaddict

    04/21/2009 | 03:39 PM
    465
    flicker160269
    April 21, 2009
    15:18 PM

    --nag apologize ang PEP to Richard, Michael and Epi for publishing the news prematurely. hindi pumayag ang kampo ni Richard, gusto nila sabihin ng PEP na walang ganong nangyari. ang pagkakaintindi ko na punto ng PEP, bakit nila babawiin ang or ire retract kung sila mismo, i mean PEP, e hindi pa nga alam kung meron o walang nangyari.

    sa mga naibalita na, 200 katao ang umatend sa birthday ni Direk Mark, sabi mo 10 ang nagsabi na walang ganong pangyayari. so pano na yung 190 na umatend, 'wag nang tanungin? okay na yung 10?

    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About