Masaya si Angelica Panganiban na nadagdagan na naman ang produktong ini-endorse niya. This time ay mag-e-endorse naman siya ng bagong brand ng alcoholic beverage, ang The Bar, kasama ng kapwa niya Kapamilya na si Jake Cuenca.
Ikinuwento ni Angelica kung paano sila nakuha ni Jake as the newest endorsers of the said alcoholic beverage. Aniya, "Ang alam ko, nag-survey kasi sila kung sino ang pupuwedeng endorsers ng product."
Dahil ba umiinom naman kasi sila talaga?
"Well, siguro nga, yun ang nagustuhan nila sa amin. Walang intrigang lumabas na nakita nila kami sa mga party, na nakikita nila kami na hindi maganda yung kaanyuan namin every time na lumalabas kami. So, yun siguro ang isang quality na nakita nila sa amin na nagustuhan nila. Kaya na naman siguro namin na dalhin ang sarili namin," saad ng young actress.
How was it working with Jake?
"Sobrang kumportable," mabilis na sagot ni Angelica. "Siguro dahil matagal na kami, hindi na kami dumadaan sa stage na para kaming nagpapa-showbiz sa isa't isa."
"Yes!" ang natatawang sagot ni Angelica nang sabihin namin na alam naman ng marami na nanligaw sa kanya si Jake noon.
Patuloy niya, "Wala lang, sobra kaming mas naging kaswal sa isa't isa. Mas naging kumportable talaga kami ngayon. Actually, kaya nga namin pag-usapan yun nang harap-harapan na natatawa na lang kami."
Ngayong nakikita at nakakasama niya si Jake, ano ang mas gusto niyang nakikita—yung noon o ngayon?
"Si Jake, yung maganda sa kanya, hindi siya nagbago. Kung ano siya noon at kung ano siya ngayon, hindi siya nagbago. Hindi nagbago ang pagkatao niya. Ako ang isa sa mga taong makakapagsabi na hindi lumaki ang ulo niya," saad ni Angelica.
Ano naman ang masasabi ng boyfriend niyang si Derek Ramsay tungkol sa kanila ni Jake?
"Wala, wala... Kilala n'yo naman si Derek, hindi siya ganoon," aniya.
AROUND THE WORLD WITH DEREK. On her relationship with Derek, okey na okey raw sila. Kagagaling nga lang nila sa pagbakakasyon sa Japan.
"Siyempre, nag-enjoy kami. Paikut-ikot, pasyal-pasyal, konting shopping, tapos umuwi na rin. Four days lang kami dun, e."
Ayon kay Angelika, bukod sa Japan, they've been to Malaysia, Singapore, Bali, Indonesia, Korea, Taiwan, Thailand. At ang pagta-travel ng magkasama ang isang bagay na nae-enjoy raw nilang dalawa.






Diyos ko naman Angel. Kahit man lang ma topic niyo man lang talagang hindi????
lalaspagin ka lang niyang si Derek!!! Tapos pag tuyo ka na...bye na!
si harrison ford at calista flockhart engaged na rin tagal din silang naging wishart eh. malay natin hindi naman sila lang ang ganyan
Baka umaasa pa rin si Angelica and why not? pag nainlove ba ng husto si Derek at palagay ko compatible sila sa lahat so bakit pa maghahanap si Derek?
Kung ang lalake contented sa isang babae hindi na yan maghahanap
love ko siya bilang scarlet n klban ni catherine..
Derek was humble person. She's polite even to house help as they had a party at my relative's house. Nag-o-OPO pa sya sa helper.