Matapos ipalabas sa "P.O.V. (Points, Opinions and Violent Reactions)" segment ng The Buzz kahapon, April 19, ang VTR interview kay Richard Gutierrez tungkol sa pagsasampa niya ng P25-million class suit kontra sa PEP (Philippine Entertainment Portal), nagbigay ng pahayag ang kapatid ng young actor at incidentally ay co-host ng The Buzz na si Ruffa Gutierrez. Present din sa segment na yun ang kanyang co-hosts na sina Boy Abunda at Kris Aquino para magtanong kay Ruffa.
Narito ang kabuuan ng kanilang naging pag-uusap:
Boy: Umpisahan nga natin Ruffa, when that story came out on PEP, kung tama ang pagkakaunawa ko, there was a meeting between Jo-Ann Maglipon [editor-in chief of PEP] and your mom [Annabelle Rama]?
Ruffa: Actually, Kuya Boy, it was Jun Lalin (publicist of Royale Era) who called my mom about the news. Siyempre sinabi niya kay Mommy na may naka-post daw dun na si Richard at si Michael Flores nag-away daw dun sa birthday ni Mark Reyes, may baril na involved. So, unang reaction ni Mommy, tumawag kay Chard. Alam mo naman ang nanay ko, tili nang tili. 'Naku Chard, ano ba naman...' Hindi totoo. So, Chard said it wasn't true.
So, tinawagan kaagad ni Mommy si Jo-Ann Maglipon at sinabi, 'Jo-Ann...' Kasi we're family friends naman with Jo-Ann, e. Hindi naman iba ang PEP sa amin. Kumbaga, malapit ang relasyon namin... 'Jo-Ann, may naka-post sa Internet, sa website n'yo, na ganitong istorya. Mali lahat 'yan.'
"Bakit hindi n'yo naman kami tinawagan muna, di ba, to ask kung totoo or hindi? Puwede naman kaming tawagan... ako, si Raymond, my mom, Jun Lalin. Parang tayo sa The Buzz, di ba, kung may balita dito, I'll go out of my way and I call the celebrities. 'Uy, ano, totoo ba ito Geneva [Cruz], hiwalay na kayo ni KC [Montero]?' They can ask naman us first, di ba? So, dun kami unang nagtampo, Kuya Boy.
Boy: Yung conversation was over the phone?
Ruffa: Over the phone. Sabi ni Jo-Ann, 'Ha? Wala akong alam tungkol diyan. Let me find out.' So, after na... after 20 minutes, tinanggal na nila yung naka-post dun. But, siyempre, marami nang nakabasa na nun, including us, including the fans of Richard. Maraming nabahala. So, nagkaroon ng pag-uusap si Mommy at saka si Jo-Ann Maglipon.
Boy: Ano ito, live na pag-uusap?
Ruffa: I don't know. I think over the phone lang.
Boy: Hoping that there will be an amicable...
Ruffa: Yeah, and anuhin n'yo kung ano yung totoo. Sabi naman ni Jo-Ann that time, 'O sige, magkaroon tayo ng pag-uusap. Huwag n 'yo na lang ituloy yung demanda, mag-a-apologize kami.' So, we are all waiting. Nagkaroon ng presscon ang PEP to apologize. Nag-apologize sila for posting the article earlier. Hindi sila nag-apologize na mali ang isinulat ng writer nila, na imbento ang sulat ng writer nila.
So, yun ang hinihintay ni Chard. Hindi pa ho kami nagdemanda nun. Chard left for the States. Naghihintay kami na magkaroon ng mediation, ng settlement kasi malapit nga sa amin ang PEP. And gusto namin ng maayos na pag-uusap. Ayaw rin naman namin ng gulo. Who wants to go to court every day and magkaroon kami ng ganitong bad friction with PEP? So, umalis si Chard for the States, ten days. Wala pa ring nangyari. Wala naman silang sinabi. Hindi pa sila nag-retract.
Boy: And this was shown dito sa The Buzz whether Richard would go to court...
Ruffa: Yeah, and Richard didn't want to sue. He was just waiting na manggaling sa PEP yung move. Kasi sila naman ang nagsulat ng imbento, e.
Boy: So, when he came back, what made him go to court?
Ruffa: Na wala, wala. Because they said na hindi pa tapos yung imbestigasyon. At meron silang mga testigo na totoo yung nangyari. So, ngayon, ang gusto namin ilabas nila yung mga testigo.
Let's stick to the fact, di ba? Yung lawyer nila kahapon sa isang show, maraming sinasabi na paliguy-ligoy na. Ang fact lang dun, nagsulat sila ng imbentong story sa kapatid ko, and Richard was the victim here, and he wants to clear his name. Yun lang yun. Mag-stick tayo sa istorya.
Boy: Okay. The point is ang kaso ay nasa courts of law. And hopefully, maayos ito.
Ruffa: Hopefully, maayos.
Boy: Sabi mo nga, sino ba naman ang may gusto ng gulo araw-araw?
Ruffa: Yeah, and we're confident...
Boy: And you have a relationship with PEP.
Ruffa: Yeah, and we have a relationship with them. Nagsalita na rin sila Michael Flores, si Direk Mark Reyes, everyone involved, na walang totoong nangyari. So, we're waiting to hear their side.
Kris: Ano yung cease and desist?
Ruffa: Well, ang gusto kasi ng lawyer ni Chard habang ongoing yung case, huwag nang magsulat ang PEP about Chard. Kung puro imbento lang naman ang isusulat nila, huwag na silang magsulat. Chard doesn't need them naman.
Boy: Of course, ang reaction ng PEP ay hindi maganda dahil sa infringement on press freedom.
Ruffa: Okay lang yun, that's fine. We believe in that kung totoo ang isusulat nila, why not?
Boy: Okay. So, antabayan, abangan...
Ruffa: Basta, we're here to support my brother. Nandito po kami para suportahan si Chard.