PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Karylle justifies why she did not get a "happy-birthday greeting" from ex-boyfriend Dingdong Dantes

Karylle also talka about Jericho Rosales and Christian Bautista.
Published Apr 21, 2009
"Nag-text naman siya noon. It just so happen na malapit na yung birthday ko. At saka alam mo yung feeling na malapit na ang birthday mo, parang okay na okay ka sa sarili mo. So, ang gusto kong gift sa sarili ko, gusto ko ng peace of mind. Hindi naman nangangahulugan na nag-aaway kami, but gusto ko lang iparating sa kanya na peace kami," explains Karylle why ex-boyfriend Dingdong Dantes did not greet her on her birthday.

Happy and proud si Karylle na nakasama siya sa cast ng bagong show ng ABS-CBN na mapapanood tuwing Sabado, ang Komiks Presents Nasaan Ka, Maruja. First time niya ring makatrabaho ang karamihan sa cast nito, na kinabibilangan nina Kristine Hermosa, Derek Ramsay, John Estrada, Gloria Romero, Enchong Dee, Bing Pimentel, Menggie Cobarrubias, at Kitkat.

Sa presscon nga ng Nasaan Ka Maruja kaninang tanghali, April 21, ay inihayag ni Karylle na ang dami-daming blessings na dumating sa kanya simula nang lumipat siya mula GMA-7 papunta sa ABS-CBN. Bukod sa naturang teleserye ay masaya rin si Karylle dahil sa magandang pagtanggap ng mga tao sa kanyang bagong album na Time For Letting Go under Polyeast Records.

DINGDONG DANTES. Speaking of letting go, naghilom na ba ang sakit na dulot ng past relationship niya with Dingdong Dantes?

"Malapit na. Pero I think hindi mo naman masasabi kung completely naka-let go, or completely healed ka na. Pero alam ko malapit na malapit na," saad ni Karylle sa PEP (Philippine Entertainment Portal)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nilinaw rin ni Karylle ang lumabas na isyu tungkol sa pang-iisnab diumano ni Dingdong sa invitation niya for her birthday. Lumabas kasi noon na hindi man lang nag-text si Dingdong para batiin siya. (Click here to read related story.)

"Nag-text naman siya noon," sabi niya. "It just so happen na malapit na yung birthday ko. At saka alam mo yung feeling na malapit na ang birthday mo, parang okay na okay ka sa sarili mo. So, ang gusto kong gift sa sarili ko, gusto ko ng peace of mind. Hindi naman nangangahulugan na nag-aaway kami, but gusto ko lang iparating sa kanya na peace kami.

"Hindi naman kami nag-aaway. Kasi yun ang impression ng ibang tao, 'Bakit sila magpi-peace, nag-aaway ba sila?' Siyempre sa lahat ng ganitong interview, parang iisipin niya na may sama ng loob ako sa kanya or whatever. Gusto ko lang iparating sa kanya na peace kami. He knew naman na he was invited. Hindi naman niya ako inisnab or anything, nag-reply naman siya. Hindi nga lang niya ako binati."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bakit sa tingin niya hindi nagpunta si Dingdong sa birthday niya?

"Baka sa palagay niya weird kung pupunta siya," sagot ni Karylle.

Sa tingin ba niya ay gusto na rin ni Dingdong na magkaayos sila?

"Oo, I think so. Siguro in time."

Mas nakabuti ba na naghiwalay na sila noon?

"Well, hindi ko naman masasabi yung ganun. Marami namang magagandang naidulot yun. I always think na we were happy when we're together. Alam mo yun, no regrets. And whatever happens then and now, okay na."

Ready na ba siya to fall in love again?

"Hindi pa," sagot ni Karylle. "Gusto ko munang mag-focus sa career ko. Ayokong sayangin yung opportunities na dumarating. Mararamdaman ko naman kung right time na, basta dumating na yung right guy."

JERICHO & CHRISTIAN. Ano ang status ng relationship niya kina Jericho Rosales at Christian Bautista, na parehong nali-link sa kanya ngayon?

"Honestly, I'm just friends with the two of them."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Open na ba siya na magkaroon ng suitors?

"Wala naman nagsasabi na suitors sila. Ayaw nilang sabihin na nanliligaw sila. Kasi pag may nanliligaw, may mababasted!" natatawang wika ni Karylle.

Pero sinasabi naman nila na special siya sa kanila?

"Hindi ko alam, kasi hindi naman nila sinasabi sa akin."

Si Jericho daw kasi, hindi man nanliligaw pero bigay daw nang bigay ng regalo. Ano ang reaksyon ni Karylle dito?

"Si Jericho kasi, mahilig kasi talaga siyang magbigay ng regalo. Minsan namimigay siya ng candy, pero sa aming lahat. So, ganun lang," paliwanag ng singer-actress.

Speaking of Jericho, totoo bang nakita silang sweet na sweet silang nagsasayaw?

"Hindi, a!" tanggi ni Karylle. "Hindi nga kami magkasama most of the time kasi kasama ko yung mga girl friends ko. Siyempre pag ganun, ang kasayaw mo naman mga girl friends mo, e. Nakakausap ko lang siya. Pero hindi kami nagsayaw."

Pero parang ang nasabi ni Jericho, nakapagsayaw raw silang dalawa?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Parang hindi yata. Nagsayaw kami? Parang hindi naman. Ang alam ko, hindi naman. Ewan ko. Ako kaya yung kasayaw niya? Hindi ko maalala," tila naguguluhang sagot ni Karylle.

Excited na rin si Karylle na makatrabahong muli si Jericho. After kasi nilang maging special guests sa I Love Betty La Fea ay gagawa naman sila ng soap kasama rin si Kristine Hermosa.

"Yes, I'm excited. It's my first full-length primetime soap."

Balak din daw ni Jericho na magkaroon sila ng duet sa album ng aktor na ilalabas sa Star Records.

"Actually, nakaroon na kami ng duet sa Betty La Fea. And after that, we were talking about writing a song together."

Kumusta naman sila ni Christian?

"Magkaibigan kami, pero hindi rin siya nanliligaw."

Sino ba ang mas matimbang sa kanya, si Jericho o si Christian?

"Hindi ko masagot. Si Christian kasi naging close ko when I moved sa ABS. Kaibigan ko siya at kakilala ko, kasi konti lang yung kakilala ko nung lumipat ako... Si Tito Gary [Valenciano)] si Mama [Zsa Zsa Padilla]; tapos sa age group ko, siya [Christian] lang, tapos si Jed [Madela]. We just finished West Side Story that time, so talagang inaalagaan niya ako. Tapos unti-unti nakilala ko na yung mga tao [sa ABS-CBN].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Si Jericho naman, marami akong natutunan from him and I think vice versa. So, ganyan yung klase ng pagkakaibigan namin," pagwawakas ni Karylle.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Nag-text naman siya noon. It just so happen na malapit na yung birthday ko. At saka alam mo yung feeling na malapit na ang birthday mo, parang okay na okay ka sa sarili mo. So, ang gusto kong gift sa sarili ko, gusto ko ng peace of mind. Hindi naman nangangahulugan na nag-aaway kami, but gusto ko lang iparating sa kanya na peace kami," explains Karylle why ex-boyfriend Dingdong Dantes did not greet her on her birthday.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results