Karylle justifies why she did not get a "happy-birthday greeting" from ex-boyfriend Dingdong Dantes

Glen P. Sibonga
Tuesday, April 21, 2009 @ 04:55PM  |  168 views

"Nag-text naman siya noon. It just so happen na malapit na yung birthday ko. At saka alam mo yung feeling na malapit na ang birthday mo, parang okay na okay ka sa sarili mo. So, ang gusto kong gift sa sarili ko, gusto ko ng peace of mind. Hindi naman nangangahulugan na nag-aaway kami, but gusto ko lang iparating sa kanya na peace kami," explains Karylle why ex-boyfriend Dingdong Dantes did not greet her on her birthday.

Photo By: Noel Orsal













JERICHO & CHRISTIAN. Ano ang status ng relationship niya kina Jericho Rosales at Christian Bautista, na parehong nali-link sa kanya  ngayon?

"Honestly, I'm just friends with the two of them."

Open na ba siya na magkaroon ng suitors?

"Wala naman nagsasabi na suitors sila. Ayaw nilang sabihin na nanliligaw sila. Kasi pag may nanliligaw, may mababasted!" natatawang wika ni Karylle.

Pero sinasabi naman nila na special siya sa kanila?

"Hindi ko alam, kasi hindi naman nila sinasabi sa akin."

Si Jericho daw kasi, hindi man nanliligaw pero bigay daw nang bigay ng regalo. Ano ang reaksyon ni Karylle dito?

"Si Jericho kasi, mahilig kasi talaga siyang magbigay ng regalo. Minsan namimigay siya ng candy, pero sa aming lahat. So, ganun lang," paliwanag ng singer-actress.

Speaking of Jericho, totoo bang nakita silang sweet na sweet silang nagsasayaw?

"Hindi, a!" tanggi ni Karylle. "Hindi nga kami magkasama most of the time kasi kasama ko yung mga girl friends ko. Siyempre pag ganun, ang kasayaw mo naman mga girl friends mo, e. Nakakausap ko lang siya. Pero hindi kami nagsayaw."

Pero parang ang nasabi ni Jericho, nakapagsayaw raw silang dalawa?

"Parang hindi yata. Nagsayaw kami? Parang hindi naman. Ang alam ko, hindi naman. Ewan ko. Ako kaya yung kasayaw niya? Hindi ko maalala," tila naguguluhang sagot ni Karylle.

Excited na rin si Karylle na makatrabahong muli si Jericho. After kasi nilang maging special guests sa I Love Betty La Fea ay gagawa naman sila ng soap kasama rin si Kristine Hermosa.

"Yes, I'm excited. It's my first full-length primetime soap."

Balak din daw ni Jericho na magkaroon sila ng duet sa album ng aktor na ilalabas sa Star Records.

« Prev  1  2  3  Next »

Related Articles

505 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name