Enchong Dee focuses on showbiz career as he approaches graduation

Glen P. Sibonga
Tuesday, April 21, 2009 @ 05:35PM  |  62 views

 

"Dahil ga-graduate na ako, sabi ko, promise ko, since ibinigay nila [ABS-CBN at Star Magic] sa akin yung time ko sa school na hiningi ko, I'm gonna give my time to my work now. So, number one priority ko now is yung career ko. Siguro after two years, I'm gonna go back to my course, yung pinag-aralan ko," says Enchong Dee.

Photo By: Noel Orsal













Si Enchong Dee ang isa sa magandang halimbawa sa showbiz na sa kabila ng pag-aartista ay hindi pa rin isinantabi ang pag-aaral. Sa katunayan ay malapit na siyang magtapos ng kursong Developmental Science, Political Sciene major, sa Dela Salle University.

"Ga-graduate na ako sa June 20 sa PICC, yehey!" masayang bungad ni Enchong sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) during the presscon of Komiks Presents Nasaan Ka Maruja, na ginanap kaninang tanghali, April 21, sa 9501 restaurant ng ABS-CBN.

Bakit importante sa kanya ang education?

"Very important kasi hindi ako natatakot na pag wala na akong career sa showbiz, may babagsakan akong iba kasi naka-graduate naman ako," sagot niya.

CHAMPION SWIMMER. Hindi man siya graduating with honors, bibigyan pa rin daw siya ng parangal, Athlete of the Year, bilang champion sa swimming competitions ng Dela Salle U.

Very active nga si Enchong sa swimming kahit na nag-aaral siya at may showbiz career pa. Patunay nga nito ang maraming medals at awards na nakuha niya mula sa iba't ibang kumpetisyon.

"May humihingi na nga ng medals ko, e. Sabi ko, hindi ko ipinamimigay yun kasi remembrance ko yun. Pinaghirapan ko yun."

Ano yung pinaka-important na award na nakuha niya sa swimming?

"Siguro yung binigyan ako ng award as MVP sa UAAP [University Athletic Association of the Philippines]. Binigyan nila ako ng Student Athlete award. Kahit konti lang yung taong nakakaalam, I'm so happy kasi yun ang reward ko sa sarili ko, e."

Sa dami ng commitments niya, paano pa siya nakakapag-practice ng swimming?

"Well, every morning, I still go to school to practice. Pag may time, isinisingit ko pa rin."

Ano ang mas priority niya ngayon, ang swimming o ang pagso-showbiz?

"Dahil ga-graduate na ako, sabi ko, promise ko, since ibinigay nila [ABS-CBN at Star Magic] sa akin yung time ko sa school na hiningi ko, I'm gonna give my time to my work now. So, number one priority ko now is yung career ko. Siguro after two years, I'm gonna go back to my course, yung pinag-aralan ko."

HORROR EXPERIENCE. Happy si Enchong sa pagkakasama niya sa cast ng Komiks Presents Nasaan Ka Maruja, kung saan ginagampanan niya ang role ni Brian, ang kapatid ni Ross, played by Derek Ramsay. Siya ang tanging nakakaalam sa lihim ng kanyang kapatid.

"Very happy kasi kahit hindi ako laging napapanood every scene, pero yung bawat paglabas ko naman is very remarkable naman," sabi niya.

1  2  3  Next »

Related Articles

58 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name