PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Singer Bugoy Drilon dismisses talk that success has gone to his head

Bugoy admits crush on Anne Curtis and Toni Gonzaga.
by Rommel R. Llanes
Published Apr 22, 2009
"Bakit naman po lalaki na ang ulo ko, e, hindi pa naman po talaga ako sikat?" says Pinoy Dream Academy Season 2 runner-up Bugoy Drilon.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Poratl) kagabi, April 21, ang itinanghal na First Runner-Up sa Pinoy Dream Academy (PDA) Season 2 na si Bugoy Drilon pagkatapos niyang kumanta sa presscon ng bagong serye ng ABS-CBN Only You, na pinagbibidahan nina Angel Locsin, Sam Milby, at Diether Ocampo.

Mariing itinanggi ni Bugoy ang lumabas na lumaki na diumano ang ulo niya mula nang sumikat siya.

"Hindi po totoo yun. Bakit naman po lalaki na ang ulo ko, e, hindi pa naman po talaga ako sikat?" sabi ni Bugoy.

Patuloy niya, "Kahit paano, alam ko naman po na kilala na rin naman ako ng mga tao dahil napanood nila ako dati sa PDA at ngayon ay napapanood nila ako dahil may sarili na akong album. Pero yung sabihing sikat, hindi po ako sikat.

"Kung halimbawang dumating po ang time na sumikat ako, hindi pa rin naman po ako magbabago. Sigurado po ako sa sarili ko na walang makikitang pagbabago sa akin ang mga tao. Mananatili pong nakatapat ang dalawang paa ko sa lupa. Promise po yun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

LOOK AT ME NOW... Matagal nang pangarap ni Bugoy na maging isang singer kaya naman sumali siya sa PDA. Pero muntik nang hindi siya matuloy dahil pinigil siyang sumali ng isang may mataas na katungkulan sa dating school na pinapasukan niya.

Sabi raw nito, walang karapatang sumali si Bugoy sa PDA dahil hindi naman daw ganoon kaganda ang kanyang boses at hindi naman daw siya guwapo.

Pero hayan at vindicated si Bugoy dahil naging runner-up siya sa PDA at isa na siya sa mga kilalang singers sa bansa.

"Yung mga sinabi niya po sa akin dati, yun ang nagbigay sa akin ng lakas ng loob. Yun ang naging challenge sa akin na kailangan patunayan ko sa sarili ko na kaya ko. Kaya nga po talagang pinaghusayan ko ang mga performance ko noon sa PDA," sabi ni Bugoy.

Wala na ba siyang sama ng loob sa nanlait sa kanya noon?

"Ni minsan naman po, hindi sumama ang loob ko sa kanya," sagot ng singer. "Naintindihan ko naman po siya na ayaw niya lang akong umalis sa school namin dahil scholar po ako. Hindi po talaga ako nagtanim ng sama ng loob sa kanya. Sabi ko nga po, naging challenge sa akin yung mga sinabi niya para galingan ko sa PDA."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukod sa pagiging singer, ano pa ba ang mga gusto niyang ma-achieve?

"Siyempre, gusto ko rin pong maging isang artista. Gusto ko rin pong magkaroon ng mga endorsement, tapos magkaroon din ng billboard. Lahat-lahat na po kung puwedeng ibigay sa akin."

SHOWBIZ CRUSHES. May lovelife ba siya?

"Wala pa po akong lovelife. Focus muna ako sa trabaho. Marami kasi akong binubuhay e. Sila muna ang lovelife ng buhay ko!" natatawa niyang sabi

Sino ba ang showbiz crush niya?

"Si Anne Curtis at Toni Gonzaga," sagot ni Bugoy. "Si Ate Anne, sobrang jolly siyang kasama. Si Ate Toni naman, super bait siya."

Hindi ba niya tini-text sina Anne at Toni?

"Hindi po. Hanggang crush lang. Hindi ko naman po puwedeng kunin ang mga numbers nila. Nakakahiya po," nakangiting sabi ni Bugoy.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Bakit naman po lalaki na ang ulo ko, e, hindi pa naman po talaga ako sikat?" says Pinoy Dream Academy Season 2 runner-up Bugoy Drilon.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results