| Register

Toni Gonzaga teams up with Derek Ramsay in episode of "Precious Hearts Romances"


"Dapat yung unang Maalaala Mo Kaya pa nga na ginawa ko, kaya lang, hindi natuloy. Hindi nagkaayos sa schedule. So, at least now, may chance na magkatrabaho na kami," says Toni Gonzaga about working with Derek Ramsay for the first time.

Toni Gonzaga teams up with Derek Ramsay in episode of "Precious Hearts Romances"

Rose Garcia

Rating

Matagal-tagal ding nabakante sa pag-arte sa telebisyon si Toni Gonzaga. Matagal nang natapos ang Maging Sino Ka Man Book 2 kaya parang pagbabalik na rin niya sa pag-arte sa telebisyon ang bagong series na gagawin niya sa ABS-CBN, ang Precious Hearts Romances Presents "Ang Lalaking Nagmahal sa Akin," kung saan sa unang pagkakataon ay makakatambal ni Toni si Derek Ramsay.

 

Ayon kay Toni, very thankful siya sa pagkuha sa kanya for the said episode of Precious Hearts Romances (PHR).

 

"Nagpapasamat ako, lalo na kay Direk Lauren Dyogi na kumonsider sa akin sa proyektong ito. Si Inay Cathy [Garcia-Molina] at si Direk Lauren pa rin ang business unit head nito... I'm really, really thankful," sabi ni Toni sa PEP (Philippine Entertainment Portal) sa story conference ng "Ang Lalaking Nagmahal Sa Akin" na ginanap sa Pinoy Dream Academy compound kahapon, April 21.

 

Nabasa na ba niya ang mismong libro na ito ng PHR?

 

"Alam ko na ang kuwento," sagot niya, "Actually, naibigay na sa akin ang script a month ago pa. And the story was already mentioned to me, a month ago rin. Ipinadala na sa akin ang kopya ng nobela at saka yung script. And yun nga, medyo comedy, light and romantic."

 

Habang ipini-present sa buong cast ang kuwento, hindi namin maiwasang ikumpara ito sa Hollywood film ni Jennifer Lopez na Maid in Manhattan. Ano ang masasabi rito ni Toni?

 

"Yun din nga ang naisip ko, actually," pag-amin ni Toni. "Kaya lang, this is the Pinoy version. Maid in Manhattan is Hollywood version. But this one, talagang makaka-relate yung ganitong pinagdadaanan [ang] mga Pinoy. Pang-Pinoy talaga."

 

Medyo natagalan bago nasundan ang pag-arteng muli ni Toni sa telebisyon. Was it really her choice?

 

"Hindi ko alam, medyo parang ganoon," sagot niya. "Kasi, I concentrated on other things; like singing and hosting at the same time. I did a movie last year. Tapos, may concert din, so medyo naghinay-hinay lang din. Pero hindi naman completely igi-give up ang acting kasi masarap umarte."

 

READING & COOKING. Mahilig ba siyang magbasa ng romantic novels?

 

"Ay, mahilig akong magbasa!" bulalas ni Toni. "Hindi lang romance book, mga self-help books. Right now, I'm into mga cook books dahil ano..."

 

Preparasyon na ba ito sa pag-aasawa niya?

 

"Hindi, hindi... Parang ano, masarap din palang magluto. Try-try na rin ako, pero hindi pa naman ako mag-aaral ng Culinary. Hindi pa naman ganoon."

 

Napagluto na ba niya ang boyfriend na si Paul Soriano?

 

"Napagluto? Oo, pero hindi pa yung luto talaga, bake lang ng cookies."

 

Kapag nagbabasa ba siya ng romance books, nai-imagine niya ang sarili niya sa bidang babae?

 

"Palagi naman, di ba? Kapag nagbabasa ka, nai-imagine mo yung sarili mo dun sa character. Lalo na rito sa Precious Hearts Romances, very relatable yung mga characters na nakasulat sa libro. Lahat talaga nakaka-relate."

 

Sa PHR, ang gagawing episode na "Ang Lalaking Nagmahal sa Akin" pa lang daw ang nababasa ni Toni among its thousands of novels, kaya wala pa siyang masabi kung anong book ang personal choice niya sanang gawin. Pero kung papamiliin daw siya, ito na raw siguro yung pinaka-favorite niyang book.

 

"Yung The Notebook. Ibang-iba talaga ang pagkakasulat ng libro na yun. Kaya lang nga, nagawa na siyang movie," banggit ni Toni.

 

WORKING WITH DEREK. First time magtatambal nina Toni at Derek. Although nagkasama sila noon sa Maging Sino Ka Man Book 2, hindi naman sila nagkaroon ng chance na magkaroon ng eksena.

 



Pages: 1  2  Next »


Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.



Bookmark and Share Share   Email this link
Show/Hide
Comments
58 Comments
page    1    2   
pagelocation: news

Advertisement