news

Part 1: Annabelle Rama lambasts GMA-7 executive Wilma Galvante anew

by Eric Borromeo posted on April 22, 2009  STATS: 100147 Views | 1907 Comments

 

"Big rally itong gagawin ko. Ngayon pa lang nagre-recruit ako sa lahat ng mga Bisaya. Mga Bisaya nagmamahal sa akin, nagmamahal sa mga anak ko. Lahat ng mga fans ni Richard. Lahat ng mga fans ni JC [de Vera]. Lahat ng mga fans ng talents ko, puwede kayong mag-join. Kasi 'yang Wilma Galvante na 'yan, she's using her power, overusing her power as executive entertainment sa GMA. Hindi na siya dapat bibigyan ng title na 'yan. Ang title na sa kanya 'devil woman'!" says Annabelle Rama about the "big rally" that she is organizing in an effort to oust GMA-7 executive Annabelle Rama from her post.

Photo By: Noel Orsal

Nagpaunlak na magbigay ng interview via phone patch si Annabelle Rama sa radio program na Wow! Ang Showbiz! sa DWIZ noong Lunes, April 20. Ito ay upang mahingan ng paglilinaw ang talent manager tungkol sa nabanggit niyang "one-sided na report" ng Startalk noong Sabado, April 18, kung saan nakunan ng showbiz talk show ng pahayag ang abogado ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na si Atty. Sandra Olaso-Coronel. (Click here to read related story.)

Sa panayam ng Startalk kay Atty. Coronel, sinagot nito ang cease-and-desist letter na ipinadala ng legal counsel ni Annabelle na si Atty. Agnes Maranan upang ipatigil ang paglathala ng mga artikulo at komento tungkol kay Richard Gutierrez, anak at alaga ng talent manager.

Diretsang tanong ng main host ng radio program na si Ogie Diaz si Annabelle kung galit siya sa Startalk.

"Huwag lang pag-uusapan 'yang Kuya Germs [German Moreno], tapos na ako diyan, okay? Di napalaki ang isyu, dahil si Kuya Germs kausap ko lang kagabi [April 20], hindi raw siya makialam sa isyu naming dalawa ni Wilma [Galvante, SVP for Entertainment TV ng GMA-7], so wala siyang pakialam kay Wilma," umpisa ni Annabelle.

Patuloy niya, "Ako'y galit sa Startalk, kasi alam ko yung lawyer [na] nagpainterbyu diyan sa Startalk, hindi 'yon ano... Approved ni Wilma Galvante 'yon dahil, unang-una, taped interview 'yon, e, yung ginawa ng lawyer, e. Tapos nung sinisiraan niya si Richard, parang pambo-boycott na ginawa ng lawyer na yun kay Richard, approved yun ni Wilma, kasi si Wilma ang senior vice president executive sa entertainment. Entertainment, ibig sabihin, bago pa labas mga show sa GMA, approved niya. Approved niyang lahat 'yan.

"Saka yung mga kunu-kuno nagpadala ng negative comments about Richard sa PEP, gawa-gawa lahat ni Wilma 'yan! Meron siyang limang taong binabayaran, uupo lang sa computer para siraan-siraan si Richard! Ang ginawa ni Wilma saka yung grupo niya, demolition job, okay? Gusto niya mawala si Richard sa GMA para siya na mamahala sa GMA. Lahat ng mga talent under sa kanyang banner. Kasi siya—maraming nag-confirm sa akin—manager na rin siya. Kaya lahat ng mga talent kong mga sikat, sinusulot niya sa akin!"

BIG RALLY AGAINST WILMA. Patuloy ni Annabelle, mag-oorganize daw siya ng isang malaking raally laban sa lady executive ng GMA-7 para mag-resign sa kanyang puwesto.

"Naging gahaman sa pera, suwapang na siya sa pera ngayon! Kaya ako nanawagan, Ogie, sa lahat ng nakikinig sa akin sa radyo ngayon, kung gusto n'yong mag-join, nag-o-organize ako ng big rally against Wilma to step down, to resign. Sinong gusto n'yong sumali sa akin, tumawag lang sa 727-25-36. Ang tumawag, yung gusto lang sumali sa rally. Big rally ito gagawin ko para kay Wilma. Kasi dapat matanggal na si Wilma diyan sa GMA. Hindi siya nakakatulong sa network, nakakasira siya sa network!

"Yung ginagawa niya sa alaga ko, lahat ng talents ko, nag-number one rating sa GMA, sinisira niya sa Internet, sinisira niya sa lahat ng mga shows niya, kaya ngayon, hindi na siya nakakatulong sa network. Nakakasira na siya, dapat siyang mag-step down. Mag-resign na.

"Big rally itong gagawin ko. Ngayon pa lang nagre-recruit ako sa lahat ng mga Bisaya. Mga Bisaya nagmamahal sa akin, nagmamahal sa mga anak ko. Lahat ng mga fans ni Richard. Lahat ng mga fans ni JC [de Vera]. Lahat ng mga fans ng talents ko, pwede kayong mag-join. Kasi 'yang Wilma Galvante na 'yan, she's using her power, overusing her power as executive entertainment sa GMA. Hindi na siya dapat bibigyan ng title na 'yan. Ang title na sa kanya 'devil woman'!

"Ako, Ogie, mabait na tao. Mabait akong Bisaya. Nirerespeto ko siya. Kaya binabastos niya ako, wala siyang respeto sa akin, I don't have to respect her. Masyado siyang mabastos. Masyado siyang corrupt sa GMA. Lahat itong sinasabi ko sa 'yo, wala akong pakialam [kung] makarating kay Wilma, magdemanda siya, haharapin ko siya! Siya'y corrupt sa GMA, mang-aagaw ng talent!

"Uulitin ko, lahat ng nakikinig ngayon sa akin sa radyo, lahat ng fans ni Richard pwede kayong mag-support sa akin sa gagawin kong rally. Lahat ng mga Bisayang kababayan ko, yung mga nagmamahal sa akin, pwede kayong mag-join sa akin para pabagsakin 'yang Wilma Galvante dahil hindi siya nakakatulong sa network.

"Lahat ng mga empleyado ng GMA na ayaw kay Wilma, pwede kayong mag-join. 'Wag kayong matatakot mag-join sa akin. Malalaglag 'yang bruha sa GMA talaga 'yan!

"Kasi hindi maganda ang ginawa niya kay Richard. Number one si Richard sa GMA. Number one ang Zorro, pilit niyang pabagsakin. Yung mga comment sa PEP... Yung PEP, i-ban n'yo na 'yan, ha? I-ban n'yo 'yang PEP, kasi puro kasinungalingan! Nakakasira siya sa kapwa artista, sisirain niya lahat ng mga artista. Puro fake 'yan, tao lahat ni Wilma ang gumagawa niyan! Hindi 'yan galing sa mga fans. Walang bastos na fans si Richard, kaya galing 'yan sa mga fans ni Wilma, kasing bastos rin niya!"

Hindi ba kinuha ng Startalk ang panig mo niya nung Sabado?

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

1907 Comments

  • 1687  PEP_Webmaster

    04/23/2009 | 04:12 PM
    ohhh_yeah, tinanggal ko lang yung nag double post.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1686  ohhh_yeah

    04/23/2009 | 04:11 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1685  kapuso_ako_kahit_anong_mangyari

    04/23/2009 | 04:08 PM
    hahahaha!! tumawag ulit ako sa number ni Anabil...

    tinanong ko ung nakasagot kung un ba ang office ni anabil, uu daw... tinanaong ko kung makakarating ba ungmsg ko sakanya, ano daw ba ung msg ko... sabi ko...

    'sabihin mo sa amo na ang kapal ng muka nya para sabihing mga bayaran kming pepsters! sabihin mo sakanya, tumigil na xa, muka xang t-ang-a!'

    tas biglang sabi nung nakausap ko, sino ba tinatawagan mo? sabi ko, si anabil rama nga! tas sabi nya, wrong number, walang anabil rama dito! sabi ko, tigilan mo ko, ito ung binigay ynyang number sa radyo, tas ayun, binabaan ako!

    hahahahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1684  ruthieroces1

    04/23/2009 | 04:07 PM
    sana naman wag magpaka manhid ang gma bosses, at protektahan naman yung mga executives nila.sinisira nung anabil at network, hindi lang c wilma. walang proteksyon yung mga taong tinitira ni anabil at nung mga galamay nya. ilan na biktima nya, pati tahimik like marvin, dingdong, basta akala nila threat kay richard kinekwestyon kung bakit may project. sya kaya me ari ng gma. sana i release na lahat ng talent ni bisaya, para hindi na nanakot na i pu pull-out sa gma. pagbigyan nyo na pls! isama na c jc na walang b-lls! at yung mga gutierrez boys na walang talents like elvis, richie paul, yung bully na c bubbles paraiso isama na rin!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1683  ruthieroces1

    04/23/2009 | 03:59 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1682  cheekadorasback

    04/23/2009 | 03:54 PM
    number 1 pa rin ba si Richard, kasi kung number 1, bakit wala na siyang commercial? sa head and shoulders, puro na lang si Angel, sa Bench billboards naman, puro si DingDong.... sa Fit and Rite, si Marian.

    i think its all in AR's head.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1681  sitsitali

    04/23/2009 | 03:49 PM
    e kung mga anti-annabelle naman ang mag-rally? baka kumain ng alikabok ang mga tinatawag nyang mag-rally against wilma. kaso kapag mas marami ang sumama sa anti-annabelle rally, sasabihin naman nyang binayaran lahat ito ni wilma... hahahaha... pathetic at desperate na nilalang itong si annabelle.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1680  sitsitali

    04/23/2009 | 03:47 PM
    insulto naman sa ating mga pepster ang sinasabi ni annabelle na mga bayaran ang mga nagkokomento sa kanya at sa kanyang anak at mga talent. anong klaseng kakitiran ng utak meron ang annabelle na ito. parang sya lang ang nagpapaikot sa entertainment industry.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1679  iuays

    04/23/2009 | 03:47 PM
    ang kulit naman neto di ba nya alam pede gamitin ito ni wilma para mapalakas ang kaso nya,,,
    cge go magsalita ka pa against wilam para manalo sya sa Kaso
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1678  onehundredpercentkapuso07

    04/23/2009 | 03:44 PM
    kung ako ay bisaya ikakahiya ko xa........

    buti na lng pure ibanag ako hehee...

    ang im proud of my root and my mohter's tounge!!!!!!

    proud to isabelaian's....go cabagan isabela haaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1677  cheekadorasback

    04/23/2009 | 03:42 PM
    strong yung accusations ni AR, dapat interviewhin din yung mga dinawit niya. talaga bang kinulong si Angel kaya lumipat? Talaga bang pati si Becky pinagmumura ni WG kaya lumipat? baka naman nakalipat na, e natural magagalit nga si WG. Tanungin niyo na rin si Christine Reyes, si Becky, si Valerie, etcetera, etcetera...

    Mga ka-PEP, wag masyadong gullible. ang daling gumawa ng kwento, kahit sino kayang gumawa ng kwento.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1676  ohhh_yeah

    04/23/2009 | 03:40 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1675  ohhh_yeah

    04/23/2009 | 03:40 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1674  ohhh_yeah

    04/23/2009 | 03:33 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1673  superpaparazzi

    04/23/2009 | 03:31 PM
    wag nyo apihin ang mga bisaya. ang pangulo natin ay tga iligan city. bisaya dn yun. lht ng tao may kanya kanyang talent. may kanya kanyang talino. mraming bisaya ang sumikat. maraming bisaya sa showbiz. sa lht ng sulok ng mundo. kya wag nmn mag underestimate ng ganun2 na lng. well, plaban tlga ang mga bisaya! epal nyo!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1672  onehundredpercentkapuso07

    04/23/2009 | 03:25 PM
    good for wilma to shut up coz!

    quot; its better to remain silent amp; be thot a fool dan to open ur mouth to prove itquot;

    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1671  katekate04

    04/23/2009 | 03:19 PM
    hahah katawa nman 2ng c anabelle ginawa png multo ung mga nagco2ment d2 s pep,ilang 5 kya ung nagco2ment d2?haha

    maxado ng malaki ang ulo ni anabelle pinagyayabang nya ung zorro nde nman consistent no.1 un,and cno kya ung cnasabi nyang mga alaga ni wilma,para nman napakagagaling umarte ng mga alaga nya..haha


    ska panu itutuloy ni anabelle ung rally,cno nman kaya sasama skanya,meron pa cguro kung mga kapamilya ayaen nya..haha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1670  tristanwit

    04/23/2009 | 03:10 PM
    LET'S SUPPORT MAM ANNABELLE!!!
    LET'S GO FOR THE RALLY!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1669  jigz207

    04/23/2009 | 03:07 PM
    lolz to dahlagi, may punto ka jan, yung iba wag din naman masyado mag comment ng sobra kay annabelle, kasi magigng pareho na lang din kayo di ba? Anyways, I think kahit papano naman may point si annabelle, mali lang talaga yung yung method nya ng pag express. And sobra din yung mga words na ginagamit nya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1668  shoujoy13

    04/23/2009 | 03:06 PM
    sabi siguro ni tonton at monching! buti nalang iba ang ina namin! ano kaya meron si anabil matabil at yan ang pinili nyang makasama? siguro, ayaw nila pilita ng palamunin!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About