news

Part 1: Annabelle Rama lambasts GMA-7 executive Wilma Galvante anew

by Eric Borromeo posted on April 22, 2009  STATS: 100210 Views | 1907 Comments

 

"Big rally itong gagawin ko. Ngayon pa lang nagre-recruit ako sa lahat ng mga Bisaya. Mga Bisaya nagmamahal sa akin, nagmamahal sa mga anak ko. Lahat ng mga fans ni Richard. Lahat ng mga fans ni JC [de Vera]. Lahat ng mga fans ng talents ko, puwede kayong mag-join. Kasi 'yang Wilma Galvante na 'yan, she's using her power, overusing her power as executive entertainment sa GMA. Hindi na siya dapat bibigyan ng title na 'yan. Ang title na sa kanya 'devil woman'!" says Annabelle Rama about the "big rally" that she is organizing in an effort to oust GMA-7 executive Annabelle Rama from her post.

Photo By: Noel Orsal

Nagpaunlak na magbigay ng interview via phone patch si Annabelle Rama sa radio program na Wow! Ang Showbiz! sa DWIZ noong Lunes, April 20. Ito ay upang mahingan ng paglilinaw ang talent manager tungkol sa nabanggit niyang "one-sided na report" ng Startalk noong Sabado, April 18, kung saan nakunan ng showbiz talk show ng pahayag ang abogado ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na si Atty. Sandra Olaso-Coronel. (Click here to read related story.)

Sa panayam ng Startalk kay Atty. Coronel, sinagot nito ang cease-and-desist letter na ipinadala ng legal counsel ni Annabelle na si Atty. Agnes Maranan upang ipatigil ang paglathala ng mga artikulo at komento tungkol kay Richard Gutierrez, anak at alaga ng talent manager.

Diretsang tanong ng main host ng radio program na si Ogie Diaz si Annabelle kung galit siya sa Startalk.

"Huwag lang pag-uusapan 'yang Kuya Germs [German Moreno], tapos na ako diyan, okay? Di napalaki ang isyu, dahil si Kuya Germs kausap ko lang kagabi [April 20], hindi raw siya makialam sa isyu naming dalawa ni Wilma [Galvante, SVP for Entertainment TV ng GMA-7], so wala siyang pakialam kay Wilma," umpisa ni Annabelle.

Patuloy niya, "Ako'y galit sa Startalk, kasi alam ko yung lawyer [na] nagpainterbyu diyan sa Startalk, hindi 'yon ano... Approved ni Wilma Galvante 'yon dahil, unang-una, taped interview 'yon, e, yung ginawa ng lawyer, e. Tapos nung sinisiraan niya si Richard, parang pambo-boycott na ginawa ng lawyer na yun kay Richard, approved yun ni Wilma, kasi si Wilma ang senior vice president executive sa entertainment. Entertainment, ibig sabihin, bago pa labas mga show sa GMA, approved niya. Approved niyang lahat 'yan.

"Saka yung mga kunu-kuno nagpadala ng negative comments about Richard sa PEP, gawa-gawa lahat ni Wilma 'yan! Meron siyang limang taong binabayaran, uupo lang sa computer para siraan-siraan si Richard! Ang ginawa ni Wilma saka yung grupo niya, demolition job, okay? Gusto niya mawala si Richard sa GMA para siya na mamahala sa GMA. Lahat ng mga talent under sa kanyang banner. Kasi siya—maraming nag-confirm sa akin—manager na rin siya. Kaya lahat ng mga talent kong mga sikat, sinusulot niya sa akin!"

BIG RALLY AGAINST WILMA. Patuloy ni Annabelle, mag-oorganize daw siya ng isang malaking raally laban sa lady executive ng GMA-7 para mag-resign sa kanyang puwesto.

"Naging gahaman sa pera, suwapang na siya sa pera ngayon! Kaya ako nanawagan, Ogie, sa lahat ng nakikinig sa akin sa radyo ngayon, kung gusto n'yong mag-join, nag-o-organize ako ng big rally against Wilma to step down, to resign. Sinong gusto n'yong sumali sa akin, tumawag lang sa 727-25-36. Ang tumawag, yung gusto lang sumali sa rally. Big rally ito gagawin ko para kay Wilma. Kasi dapat matanggal na si Wilma diyan sa GMA. Hindi siya nakakatulong sa network, nakakasira siya sa network!

"Yung ginagawa niya sa alaga ko, lahat ng talents ko, nag-number one rating sa GMA, sinisira niya sa Internet, sinisira niya sa lahat ng mga shows niya, kaya ngayon, hindi na siya nakakatulong sa network. Nakakasira na siya, dapat siyang mag-step down. Mag-resign na.

"Big rally itong gagawin ko. Ngayon pa lang nagre-recruit ako sa lahat ng mga Bisaya. Mga Bisaya nagmamahal sa akin, nagmamahal sa mga anak ko. Lahat ng mga fans ni Richard. Lahat ng mga fans ni JC [de Vera]. Lahat ng mga fans ng talents ko, pwede kayong mag-join. Kasi 'yang Wilma Galvante na 'yan, she's using her power, overusing her power as executive entertainment sa GMA. Hindi na siya dapat bibigyan ng title na 'yan. Ang title na sa kanya 'devil woman'!

"Ako, Ogie, mabait na tao. Mabait akong Bisaya. Nirerespeto ko siya. Kaya binabastos niya ako, wala siyang respeto sa akin, I don't have to respect her. Masyado siyang mabastos. Masyado siyang corrupt sa GMA. Lahat itong sinasabi ko sa 'yo, wala akong pakialam [kung] makarating kay Wilma, magdemanda siya, haharapin ko siya! Siya'y corrupt sa GMA, mang-aagaw ng talent!

"Uulitin ko, lahat ng nakikinig ngayon sa akin sa radyo, lahat ng fans ni Richard pwede kayong mag-support sa akin sa gagawin kong rally. Lahat ng mga Bisayang kababayan ko, yung mga nagmamahal sa akin, pwede kayong mag-join sa akin para pabagsakin 'yang Wilma Galvante dahil hindi siya nakakatulong sa network.

"Lahat ng mga empleyado ng GMA na ayaw kay Wilma, pwede kayong mag-join. 'Wag kayong matatakot mag-join sa akin. Malalaglag 'yang bruha sa GMA talaga 'yan!

"Kasi hindi maganda ang ginawa niya kay Richard. Number one si Richard sa GMA. Number one ang Zorro, pilit niyang pabagsakin. Yung mga comment sa PEP... Yung PEP, i-ban n'yo na 'yan, ha? I-ban n'yo 'yang PEP, kasi puro kasinungalingan! Nakakasira siya sa kapwa artista, sisirain niya lahat ng mga artista. Puro fake 'yan, tao lahat ni Wilma ang gumagawa niyan! Hindi 'yan galing sa mga fans. Walang bastos na fans si Richard, kaya galing 'yan sa mga fans ni Wilma, kasing bastos rin niya!"

Hindi ba kinuha ng Startalk ang panig mo niya nung Sabado?

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

1907 Comments

  • 1607  chingkay75

    04/23/2009 | 01:03 PM
    Skychiong alam ko kng kanino mo yan narinig...kay ANABIL. sya lng naman ang nagsasabi ng ganyan which is not reliable kasi questionable ang kanyang credibility.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1606  mary_mary

    04/23/2009 | 01:02 PM
    Dalhin na si Annabelle sa Psychiatric Ward lumalala na sya!!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1605  skychiong

    04/23/2009 | 12:51 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1604  avid_pep_reader

    04/23/2009 | 12:49 PM
    Annabelle, stop showing the real you...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1603  cutenikaye

    04/23/2009 | 12:49 PM
    Nako po. Idol ko na talaga si Anabel. Sana ganyan ako katapang. Go go Anabel.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1602  romantic_mocha

    04/23/2009 | 12:48 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1601  leslieann_17

    04/23/2009 | 12:48 PM
    bisaya pod ko anabil..dili ko binayaran ni wilma..ambot nimo kang bayhana ka.. imong anak liwat nimo pagka hambugero..gusto namo na c chard sa una pero nawala na amo gana sa iya..tungod pod na sa imoha...bayhana ka
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1600  skychiong

    04/23/2009 | 12:45 PM
    me narinig din ako na..me mga talagang binabayaran si welma para lang magcomment sa pep na lahat ikakasira ng ABS-CBN talents at ng mga talents ng GMA na ayaw nya...me mga writers din daw dito na palabasing negative ang title ng article pag ABS-CBN talent ang binabalita....sana hindi totoo
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1599  smithjack_22

    04/23/2009 | 12:45 PM
    Sure ako konti lang pupunta sa rally na yun babayaran pa nya para pumunta lang at di mapahiya

    Buti nalang walang masyadong Talent Manager na nakikialam kasi pabor sa kanila pag nawala na si Anabil sa GMA magkakaroon na ng trabaho mga alaga nila
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1598  skychiong

    04/23/2009 | 12:45 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1597  mariaangel1961

    04/23/2009 | 12:44 PM
    Minsan mas makakakuha ka ng simpatiya sa mga tao kapag nanahimik ka na lang. Kaso sa ginagawa ni Miss Rama e lalo lang siyang napapasama. Ayoko sanang paniwalaan ang mga naririnig ko pero dahil sa mga pinagsasabi niya e lumilitaw ang kanyang tunay na pagkatao.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1596  avid_pep_reader

    04/23/2009 | 12:42 PM
    Insanity = Annabelle
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1595  avid_pep_reader

    04/23/2009 | 12:41 PM
    This woman is CRAZY! Get some professional help... you have plenty of money so you can afford to have yourself check by the best psycologist in the Philippines...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1594  peacetayo

    04/23/2009 | 12:38 PM
    malala na sya .............un lang hehehehe
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1593  smithjack_22

    04/23/2009 | 12:37 PM
    Eh kung kami kaya ang magrally na patalsikin na lahat ng alaga ni Anabil sa GMA

    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1592  gmaforever15

    04/23/2009 | 12:34 PM
    magpalit na ang mga talents ni anbel ng manager ksi masisira yung career nyu hahaha
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1591  00chloe004

    04/23/2009 | 12:33 PM
    grabe naman yang c annabelle!

    sobra na xa ah! eh di mag-rally xa...

    feeling niya kasi mahal na mahal ng buong pilipinas ang pamilya nya when in reaLITY eh sukang-suka ang lahat sa pambu-bully niya....

    haaayyy naku... ma-karma ka sana....
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1590  skychiong

    04/23/2009 | 12:32 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1589  aceborn_gams

    04/23/2009 | 12:31 PM
    Anabil ikinahihiya ka ng mga bisayang katulad ko...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1588  motsanski

    04/23/2009 | 12:31 PM
    agako.

    baka naman di yung pagiging caps ng comment mo kaya di umubra, baka yung english mo kasi sumakit ulo ko intindihin...peace...=
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About