news

Part 1: Annabelle Rama lambasts GMA-7 executive Wilma Galvante anew

by Eric Borromeo posted on April 22, 2009  STATS: 100207 Views | 1907 Comments

 

"Big rally itong gagawin ko. Ngayon pa lang nagre-recruit ako sa lahat ng mga Bisaya. Mga Bisaya nagmamahal sa akin, nagmamahal sa mga anak ko. Lahat ng mga fans ni Richard. Lahat ng mga fans ni JC [de Vera]. Lahat ng mga fans ng talents ko, puwede kayong mag-join. Kasi 'yang Wilma Galvante na 'yan, she's using her power, overusing her power as executive entertainment sa GMA. Hindi na siya dapat bibigyan ng title na 'yan. Ang title na sa kanya 'devil woman'!" says Annabelle Rama about the "big rally" that she is organizing in an effort to oust GMA-7 executive Annabelle Rama from her post.

Photo By: Noel Orsal

Nagpaunlak na magbigay ng interview via phone patch si Annabelle Rama sa radio program na Wow! Ang Showbiz! sa DWIZ noong Lunes, April 20. Ito ay upang mahingan ng paglilinaw ang talent manager tungkol sa nabanggit niyang "one-sided na report" ng Startalk noong Sabado, April 18, kung saan nakunan ng showbiz talk show ng pahayag ang abogado ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na si Atty. Sandra Olaso-Coronel. (Click here to read related story.)

Sa panayam ng Startalk kay Atty. Coronel, sinagot nito ang cease-and-desist letter na ipinadala ng legal counsel ni Annabelle na si Atty. Agnes Maranan upang ipatigil ang paglathala ng mga artikulo at komento tungkol kay Richard Gutierrez, anak at alaga ng talent manager.

Diretsang tanong ng main host ng radio program na si Ogie Diaz si Annabelle kung galit siya sa Startalk.

"Huwag lang pag-uusapan 'yang Kuya Germs [German Moreno], tapos na ako diyan, okay? Di napalaki ang isyu, dahil si Kuya Germs kausap ko lang kagabi [April 20], hindi raw siya makialam sa isyu naming dalawa ni Wilma [Galvante, SVP for Entertainment TV ng GMA-7], so wala siyang pakialam kay Wilma," umpisa ni Annabelle.

Patuloy niya, "Ako'y galit sa Startalk, kasi alam ko yung lawyer [na] nagpainterbyu diyan sa Startalk, hindi 'yon ano... Approved ni Wilma Galvante 'yon dahil, unang-una, taped interview 'yon, e, yung ginawa ng lawyer, e. Tapos nung sinisiraan niya si Richard, parang pambo-boycott na ginawa ng lawyer na yun kay Richard, approved yun ni Wilma, kasi si Wilma ang senior vice president executive sa entertainment. Entertainment, ibig sabihin, bago pa labas mga show sa GMA, approved niya. Approved niyang lahat 'yan.

"Saka yung mga kunu-kuno nagpadala ng negative comments about Richard sa PEP, gawa-gawa lahat ni Wilma 'yan! Meron siyang limang taong binabayaran, uupo lang sa computer para siraan-siraan si Richard! Ang ginawa ni Wilma saka yung grupo niya, demolition job, okay? Gusto niya mawala si Richard sa GMA para siya na mamahala sa GMA. Lahat ng mga talent under sa kanyang banner. Kasi siya—maraming nag-confirm sa akin—manager na rin siya. Kaya lahat ng mga talent kong mga sikat, sinusulot niya sa akin!"

BIG RALLY AGAINST WILMA. Patuloy ni Annabelle, mag-oorganize daw siya ng isang malaking raally laban sa lady executive ng GMA-7 para mag-resign sa kanyang puwesto.

"Naging gahaman sa pera, suwapang na siya sa pera ngayon! Kaya ako nanawagan, Ogie, sa lahat ng nakikinig sa akin sa radyo ngayon, kung gusto n'yong mag-join, nag-o-organize ako ng big rally against Wilma to step down, to resign. Sinong gusto n'yong sumali sa akin, tumawag lang sa 727-25-36. Ang tumawag, yung gusto lang sumali sa rally. Big rally ito gagawin ko para kay Wilma. Kasi dapat matanggal na si Wilma diyan sa GMA. Hindi siya nakakatulong sa network, nakakasira siya sa network!

"Yung ginagawa niya sa alaga ko, lahat ng talents ko, nag-number one rating sa GMA, sinisira niya sa Internet, sinisira niya sa lahat ng mga shows niya, kaya ngayon, hindi na siya nakakatulong sa network. Nakakasira na siya, dapat siyang mag-step down. Mag-resign na.

"Big rally itong gagawin ko. Ngayon pa lang nagre-recruit ako sa lahat ng mga Bisaya. Mga Bisaya nagmamahal sa akin, nagmamahal sa mga anak ko. Lahat ng mga fans ni Richard. Lahat ng mga fans ni JC [de Vera]. Lahat ng mga fans ng talents ko, pwede kayong mag-join. Kasi 'yang Wilma Galvante na 'yan, she's using her power, overusing her power as executive entertainment sa GMA. Hindi na siya dapat bibigyan ng title na 'yan. Ang title na sa kanya 'devil woman'!

"Ako, Ogie, mabait na tao. Mabait akong Bisaya. Nirerespeto ko siya. Kaya binabastos niya ako, wala siyang respeto sa akin, I don't have to respect her. Masyado siyang mabastos. Masyado siyang corrupt sa GMA. Lahat itong sinasabi ko sa 'yo, wala akong pakialam [kung] makarating kay Wilma, magdemanda siya, haharapin ko siya! Siya'y corrupt sa GMA, mang-aagaw ng talent!

"Uulitin ko, lahat ng nakikinig ngayon sa akin sa radyo, lahat ng fans ni Richard pwede kayong mag-support sa akin sa gagawin kong rally. Lahat ng mga Bisayang kababayan ko, yung mga nagmamahal sa akin, pwede kayong mag-join sa akin para pabagsakin 'yang Wilma Galvante dahil hindi siya nakakatulong sa network.

"Lahat ng mga empleyado ng GMA na ayaw kay Wilma, pwede kayong mag-join. 'Wag kayong matatakot mag-join sa akin. Malalaglag 'yang bruha sa GMA talaga 'yan!

"Kasi hindi maganda ang ginawa niya kay Richard. Number one si Richard sa GMA. Number one ang Zorro, pilit niyang pabagsakin. Yung mga comment sa PEP... Yung PEP, i-ban n'yo na 'yan, ha? I-ban n'yo 'yang PEP, kasi puro kasinungalingan! Nakakasira siya sa kapwa artista, sisirain niya lahat ng mga artista. Puro fake 'yan, tao lahat ni Wilma ang gumagawa niyan! Hindi 'yan galing sa mga fans. Walang bastos na fans si Richard, kaya galing 'yan sa mga fans ni Wilma, kasing bastos rin niya!"

Hindi ba kinuha ng Startalk ang panig mo niya nung Sabado?

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

1907 Comments

  • 1887  vivahotbabes

    04/30/2009 | 01:50 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1886  slauress

    04/29/2009 | 04:48 PM
    hay magentagurly ako din may nasagap aakong ganyan chismax so totoo pla kse ganyan din ginawa nya kay A.L. hay naku WG nakakasira ka ng reputasyon tapos kung insultuhin nyo si tita A eh ganun ganun nalang
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1885  magentagurly

    04/29/2009 | 11:28 AM
    funny kayong parang ginawa nyo nang all out vendetta against Ms. Annabelle and the Gutierrez clan. Hirap kasi pag di alam ang tutoo about any person. A very reliable birdie told me na talagang may vested interest si Wilma sa mga artista ng GMA na binibigyan nya ng show. And talaga siyang may favorotism -- shempre favorite nya yun maka ka cut siya, no! At ano kaya ding delikadesa yung kukulungin mo sa kuwarto and artist and you will try to dissuade him/her into just signing up with your network and leave or drop their managers? di ba ka traidoran yan?
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1884  xianmeg

    04/29/2009 | 09:20 AM
    oh my goodness! tama na miss annabelle rama... ako hindi tauhan ni miss wilma galvante, neither kakilala niya... pero the more words that come out from your mouth, the more it shows who is telling the truth now. naguguluhan ako dati kung sino na talaga ang nagsasabi ng totoo, pero the way you are showing in public, i don't know if you can get more support... magtawag ba ng mga kapwa bisaya... ganyan ba yan talaga.. na away ng isang bisaya,e, away na nang lahat ng bisaya?

    please magingprofessional ka namn even once. pwedeng some of the faults are with miss wilma, but you are too noisy that even your own faults e lumalabas na sa mismong bunganga mo..

    see how you react now! radyo po yan. hindi yan simpleng conversation with ogie diaz. naririnig ng marami yan. hindi mae-edit kasi it's live. huwag mo na masyado pababahin ang sarili mo...

    so concerned here sa mga nangyayari sa showbiz. dapat mga talents lang ang gumagawa ng ingay, ngayon pati managers na...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1883  panibugho

    04/28/2009 | 03:45 PM
    To Annabel Rama: will you stop acting like you're such a very important person in Philippine showbiz! Ang hirap kay Annabel masyadong nagre-reyna-reynahan sa showbiz, parang napakataas na nilang mga Gutierrez! hoy, hindi sa inyo umiikot ang mundo! at yang husband mo, minsan nakita ko yan sa Tagaytay, sa nagsarang Antonio's resto doon at may kasamang ibang chicks!! siguro hindi na makayanan ang katarayan mo!! hahaha! HUWAG KANG MAG-ASTANG REYNA! at nakakainis ka at buo mong pamilya!! matalo ka sana sa mga kaso mo!! u deserve to rot in jail or to pay millions in damages, hahaha! buti nga sayo! ang yabang mo kasi!!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1882  vongaulit

    04/27/2009 | 11:48 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1881  malayKo

    04/27/2009 | 04:03 PM
    Ngikes...ang mga exec daw ng ABS walang ganitong isyu??? C'mon. Eh nangunguna na kaya ang pinuno nilang si Gabby. Mahusay lang magtakip. Itanong nio kay Kristine Hermosa yan.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1880  malayKo

    04/27/2009 | 03:52 PM
    Oh my... hahahah. Me limang taong binabayaran para manira lang ke RG. Sorry Anabil, think more and hard. Mahirap talagang maging mal edukada. Di alam mga sinasabi. Nagalit kalang naman sa PEP dahil sa mga comments dito sa PEP na mostly eh nega against RG. Sorry to say, mga common pipol lang most ng users dito like me na nagpapalipas oras pag nabuburyo na sa opisina or nalulungkot dito sa abroad. Pero definitely, RG your son is really mayabang! I saw him already and akala mo kung sino.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1879  shana_dee

    04/27/2009 | 01:45 PM
    hiyang-hiya na siguro yan si anabil. pero siyempre sa kapal ng mukha niya, siguradong a-appear p rin siya sa mga susunod na court hearings.

    yung una na hearing, may palusot siya.
    sa second ano kaya? na-high blood siya?
    sa 3rd hearing, ano kaya palusot ng broha? nagkasakit siya?
    4th hearing? nagpa-sex change na ang vaklang anak niya na si g aymond?
    5th hearing? dinala na siya sa mental hospital kaya? hahahaha
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1878  foxypinay

    04/27/2009 | 10:51 AM
    I used to like Anabelle Rama because I find her funny lalo na kapag nagtataray but I think things got to her head lalo kasi alam niyang natatakot niya ang ibang mga artista sa pagtataray niya. Pero lately nakaka-turn off na siya and her whole family. I stopped watching any shows that involves her and her family. Puro na lang sila lawsuits. Pati na ang mga comments dito sa PEP ay fake daw. Nasira na sila sa mga tao ngayon. I don't think a lot of people are behind her. Sana matalo sila sa lahat ng kaso nila para naman maturuan siya ng lesson. Talaga naman siyang nagsalita ng hindi dapat sabihin sa kahit kaninong tao. Proof and press conference niya. Anabelle, Ruffa and Richard....totoo itong comment ko! We are not going to watch any more shows involving any of your family members and your talents! It's about time na may magdemanda sa iyo to keep your mouth shut! You deserve it! Look at your daughter...gusto mong sa mayaman lang mapunta....binubugbog naman pala. Money is not everything!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1877  shoujoy13

    04/27/2009 | 05:51 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1876  wildtaurus692000

    04/26/2009 | 07:30 PM
    ...sorry po bago lang po ako dito....starmometer po kasi malimit ko bisitahin.....so ito po palang PEP eh pag aari din ng GMA...no wonder medyo nararamdaman namin na biased sila...medyo kiling sila sa GMA talents!!!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1875  vivahotbabes

    04/26/2009 | 05:13 PM
    all executives,talent managers, gma artist kampi kay wilma san na ung kampi ni anabil ung mga alaga niya lang. hahahha inday anabil mamundok ka nalang day tanim ka kamote! kung talagang mayaman yang mga gutierrez matagal ng bumili ng yate yan kasi yan ang dream nila inggit kay willie panay hiram ng yate ni willie can't affort sila bumili.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1874  sprintguy87

    04/26/2009 | 03:43 PM
    mag rarally si annabeil moneyger monster mom para siya ang maging presidente ng gma... heart sana di ka sasama....
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1873  shoujoy13

    04/26/2009 | 10:06 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1872  shoujoy13

    04/26/2009 | 09:59 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1871  v0ltes5

    04/26/2009 | 04:33 AM
    hindi na itutuloy ang rally kasi walang gusto mag join ... hahaha
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1870  engkanto

    04/25/2009 | 09:12 PM
    Go Tita Anabelle, you raly make my day. Asan na kaya si Eddie Gil Presidential Candidate dati na Bisaya dinganda siguro kung mag partner itong dalawa sa movie.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1869  fornia

    04/25/2009 | 04:46 PM
    ang totoo nyan gusto lng ni annabelle ang pwesto ni wilma...mataas ang ambisyon nyan..kahit cno kaya siraan, dahan dahan ka lng at baka dahil sa sobrang kataasan mo magtinda kayo ulit ng kaldero sa america...cge ikaw din baka magalit si lord ms anabel...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1868  doreen08

    04/25/2009 | 04:25 PM
    Youre the Devil a. rama... im a visaya but i will never waste my time to join your rally! nakakahiya ka kababayan pa naman kita.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About