"Hindi, kaya ako nagagalit, e," sagot ni Annabelle. "Pinababayaan niya yung lawyer [ng PEP] na mukhang butiki! Ngawa nang ngawa sa TV, sinisiraan si Richard. Pinagbabawalang tumuntong sa Robinson's. Pinagbawalang bumili ng magazine ng YES!. Well, lahat ng fans ni Richard, 'wag na kayong bumili ng YES!. I-ban n'yo na 'yang YES!. I-ban n'yo na 'yang PEP na 'yan."
FIGHTING FOR HER SON. Nakakaapekto ba kay Richard ang gulong ito?
"Si Richard, nagte-taping ngayon ng Zorro sa Bataan. Wala siyang pakialam sa gulo. Tuloy-tuloy ang taping niya. Ako lahat ang humaharap ng gulong ito. Ako ang manager. Ako ang nanay. Ako nasasaktan, hindi si Richard. Ako nanay, nasasaktan. Pinalaki ko anak ko maging mabuting anak. Hindi maging barumbado. Hindi manutok ng baril. Hindi ko pinalaki mga anak kong maging bastos katulad ni Wilma Galvante'ng traydor!
"Kailangan si Wilma magsimba araw-araw para ang sungay niya matatanggal sa katawan niya. Satanas 'yang Wilma na 'yan! Satanas 'yan!"
"Ogie, itong sinasabi ko lang sa radyo, wala akong pakialam, kumuha siya ng kopya, magdemanda siya, haharapin ko. I'm just telling the truth. Corrupt siya sa GMA!" dire-diretsong pahahayg ni Annabelle.
Meron ba siyang hawak na pruweba?
"Hindi na kailangan ang pruweba, Ogie. Ikaw, nakikita mo naman na corrupt siya, a! Hindi mo ba siya nakikitang corrupt? Nang-aagaw siya ng mga talent! Siniraan niya si JC, siniraan niya si Heart [Evangelista]. E, yung mga toprater ng GMA 'yan. Tatlong alaga ko, number one sa GMA, sinisiraan niya. Pilit niyang pababagsakin. Papasikatin niya mga trying hard niyang hawak na mga artista, wala namang talent! Puro mga bobo namang umarte! Gusto niyang pumalit sa puwesto ni Richard. Puwes, pasikatin niyang mga alaga niya. Bruha siya!" walang prenong sabi ng ina ni Richard.
Bago pa man natapos ni Ogie ang tanong kung may effort si Atty. Gozon na ayusin ang gulo nila ni Wilma, agad na sagot ni Annabelle: "Wala nang effort-effort! Ito, Ogie, inumpisahan niya ang gulo, tatapusin ko! Nagkakamali siya, kinalaban niya isang Bisaya. Kung kaya niya lahat ng mga manager tapak-tapakan, hindi niya ako kaya, Ogie. Walang Bisayang umaatras sa laban! Walang Bisayang takot! Walang Bisayang takot!
"Kaming mga Bisaya, mababait. 'Wag ko kaming umpisahan, hindi kami titigil!"
So, personally may galit ba siya sa Startalk o may partikular na tao lang sa Startalk?
"Ako mismo ang may galit sa kanila," sagot ni Annabelle. "Ako mismo. Kinumplain ko na kay Atty. [Felipe] Gozon. Kinumplain ko na kay [Jimmy] Duavit. At hindi ako titigil hangga't malaglag 'yang bruha sa GMA! Walanghiyang bruha na 'yan! Pati si JC, kinukulong sa kuwarto niya, sinisira-siraan ako, para mawala si JC sa akin. Di ba, panunulot ng mga devil 'yan?
"Mukha siyang pera masyado! Pati si JC, pati si Heart, kinulong niya sa kuwarto. Kaya nawala si Angel [Locsin] sa GMA 7, e. Kasi si Angel, kinulong niya sa kuwarto rin 'yan. Pinagmumura niya manager [Becky Aguila] ni Angel, kaya lumayas manager ni Angel sa GMA, e.
"'Yan ang real reason, nawala si Angel sa GMA. Sabi nila ingrata, hindi ingrata si Angel. Tama si Angel. Kailangang lumayas siya dahil walanghiya 'yang kanyang ano d'yan sa GMA, boss sa GMA. Walanghiya talaga 'yan!" ulit niya.
Ano ang next move niya?
"Hindi ko na dapat sasabihin ang next move ko, Ogie Diaz. Tama na yung mga pinagsasabi ko sa 'yo. Tamang-tama na 'yan!" saad ni Annabelle.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
1887 vivahotbabes
1886 slauress
1885 magentagurly
1884 xianmeg
please magingprofessional ka namn even once. pwedeng some of the faults are with miss wilma, but you are too noisy that even your own faults e lumalabas na sa mismong bunganga mo..
see how you react now! radyo po yan. hindi yan simpleng conversation with ogie diaz. naririnig ng marami yan. hindi mae-edit kasi it's live. huwag mo na masyado pababahin ang sarili mo...
so concerned here sa mga nangyayari sa showbiz. dapat mga talents lang ang gumagawa ng ingay, ngayon pati managers na...
1883 panibugho
1882 vongaulit
1881 malayKo
1880 malayKo
1879 shana_dee
yung una na hearing, may palusot siya.
sa second ano kaya? na-high blood siya?
sa 3rd hearing, ano kaya palusot ng broha? nagkasakit siya?
4th hearing? nagpa-sex change na ang vaklang anak niya na si g aymond?
5th hearing? dinala na siya sa mental hospital kaya? hahahaha
1878 foxypinay
1877 shoujoy13
1876 wildtaurus692000
1875 vivahotbabes
1874 sprintguy87
1873 shoujoy13
1872 shoujoy13
1871 v0ltes5
1870 engkanto
1869 fornia
1868 doreen08
more comments