news

Part 1: Annabelle Rama lambasts GMA-7 executive Wilma Galvante anew

by Eric Borromeo posted on April 22, 2009  STATS: 100143 Views | 1907 Comments

 

"Big rally itong gagawin ko. Ngayon pa lang nagre-recruit ako sa lahat ng mga Bisaya. Mga Bisaya nagmamahal sa akin, nagmamahal sa mga anak ko. Lahat ng mga fans ni Richard. Lahat ng mga fans ni JC [de Vera]. Lahat ng mga fans ng talents ko, puwede kayong mag-join. Kasi 'yang Wilma Galvante na 'yan, she's using her power, overusing her power as executive entertainment sa GMA. Hindi na siya dapat bibigyan ng title na 'yan. Ang title na sa kanya 'devil woman'!" says Annabelle Rama about the "big rally" that she is organizing in an effort to oust GMA-7 executive Annabelle Rama from her post.

Photo By: Noel Orsal

Nagpaunlak na magbigay ng interview via phone patch si Annabelle Rama sa radio program na Wow! Ang Showbiz! sa DWIZ noong Lunes, April 20. Ito ay upang mahingan ng paglilinaw ang talent manager tungkol sa nabanggit niyang "one-sided na report" ng Startalk noong Sabado, April 18, kung saan nakunan ng showbiz talk show ng pahayag ang abogado ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na si Atty. Sandra Olaso-Coronel. (Click here to read related story.)

Sa panayam ng Startalk kay Atty. Coronel, sinagot nito ang cease-and-desist letter na ipinadala ng legal counsel ni Annabelle na si Atty. Agnes Maranan upang ipatigil ang paglathala ng mga artikulo at komento tungkol kay Richard Gutierrez, anak at alaga ng talent manager.

Diretsang tanong ng main host ng radio program na si Ogie Diaz si Annabelle kung galit siya sa Startalk.

"Huwag lang pag-uusapan 'yang Kuya Germs [German Moreno], tapos na ako diyan, okay? Di napalaki ang isyu, dahil si Kuya Germs kausap ko lang kagabi [April 20], hindi raw siya makialam sa isyu naming dalawa ni Wilma [Galvante, SVP for Entertainment TV ng GMA-7], so wala siyang pakialam kay Wilma," umpisa ni Annabelle.

Patuloy niya, "Ako'y galit sa Startalk, kasi alam ko yung lawyer [na] nagpainterbyu diyan sa Startalk, hindi 'yon ano... Approved ni Wilma Galvante 'yon dahil, unang-una, taped interview 'yon, e, yung ginawa ng lawyer, e. Tapos nung sinisiraan niya si Richard, parang pambo-boycott na ginawa ng lawyer na yun kay Richard, approved yun ni Wilma, kasi si Wilma ang senior vice president executive sa entertainment. Entertainment, ibig sabihin, bago pa labas mga show sa GMA, approved niya. Approved niyang lahat 'yan.

"Saka yung mga kunu-kuno nagpadala ng negative comments about Richard sa PEP, gawa-gawa lahat ni Wilma 'yan! Meron siyang limang taong binabayaran, uupo lang sa computer para siraan-siraan si Richard! Ang ginawa ni Wilma saka yung grupo niya, demolition job, okay? Gusto niya mawala si Richard sa GMA para siya na mamahala sa GMA. Lahat ng mga talent under sa kanyang banner. Kasi siya—maraming nag-confirm sa akin—manager na rin siya. Kaya lahat ng mga talent kong mga sikat, sinusulot niya sa akin!"

BIG RALLY AGAINST WILMA. Patuloy ni Annabelle, mag-oorganize daw siya ng isang malaking raally laban sa lady executive ng GMA-7 para mag-resign sa kanyang puwesto.

"Naging gahaman sa pera, suwapang na siya sa pera ngayon! Kaya ako nanawagan, Ogie, sa lahat ng nakikinig sa akin sa radyo ngayon, kung gusto n'yong mag-join, nag-o-organize ako ng big rally against Wilma to step down, to resign. Sinong gusto n'yong sumali sa akin, tumawag lang sa 727-25-36. Ang tumawag, yung gusto lang sumali sa rally. Big rally ito gagawin ko para kay Wilma. Kasi dapat matanggal na si Wilma diyan sa GMA. Hindi siya nakakatulong sa network, nakakasira siya sa network!

"Yung ginagawa niya sa alaga ko, lahat ng talents ko, nag-number one rating sa GMA, sinisira niya sa Internet, sinisira niya sa lahat ng mga shows niya, kaya ngayon, hindi na siya nakakatulong sa network. Nakakasira na siya, dapat siyang mag-step down. Mag-resign na.

"Big rally itong gagawin ko. Ngayon pa lang nagre-recruit ako sa lahat ng mga Bisaya. Mga Bisaya nagmamahal sa akin, nagmamahal sa mga anak ko. Lahat ng mga fans ni Richard. Lahat ng mga fans ni JC [de Vera]. Lahat ng mga fans ng talents ko, pwede kayong mag-join. Kasi 'yang Wilma Galvante na 'yan, she's using her power, overusing her power as executive entertainment sa GMA. Hindi na siya dapat bibigyan ng title na 'yan. Ang title na sa kanya 'devil woman'!

"Ako, Ogie, mabait na tao. Mabait akong Bisaya. Nirerespeto ko siya. Kaya binabastos niya ako, wala siyang respeto sa akin, I don't have to respect her. Masyado siyang mabastos. Masyado siyang corrupt sa GMA. Lahat itong sinasabi ko sa 'yo, wala akong pakialam [kung] makarating kay Wilma, magdemanda siya, haharapin ko siya! Siya'y corrupt sa GMA, mang-aagaw ng talent!

"Uulitin ko, lahat ng nakikinig ngayon sa akin sa radyo, lahat ng fans ni Richard pwede kayong mag-support sa akin sa gagawin kong rally. Lahat ng mga Bisayang kababayan ko, yung mga nagmamahal sa akin, pwede kayong mag-join sa akin para pabagsakin 'yang Wilma Galvante dahil hindi siya nakakatulong sa network.

"Lahat ng mga empleyado ng GMA na ayaw kay Wilma, pwede kayong mag-join. 'Wag kayong matatakot mag-join sa akin. Malalaglag 'yang bruha sa GMA talaga 'yan!

"Kasi hindi maganda ang ginawa niya kay Richard. Number one si Richard sa GMA. Number one ang Zorro, pilit niyang pabagsakin. Yung mga comment sa PEP... Yung PEP, i-ban n'yo na 'yan, ha? I-ban n'yo 'yang PEP, kasi puro kasinungalingan! Nakakasira siya sa kapwa artista, sisirain niya lahat ng mga artista. Puro fake 'yan, tao lahat ni Wilma ang gumagawa niyan! Hindi 'yan galing sa mga fans. Walang bastos na fans si Richard, kaya galing 'yan sa mga fans ni Wilma, kasing bastos rin niya!"

Hindi ba kinuha ng Startalk ang panig mo niya nung Sabado?

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

1907 Comments

  • 1467  jazper09

    04/23/2009 | 09:47 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1466  teresausa

    04/23/2009 | 09:46 AM
    na buang na ba si Annebel Rama... Maybe nabaliw na talaga. GMA should try to stop this girl.. sana paalisin na yan sa GMA siya lang ang pampagulo. Palipatin na yan sa ABS para doon naman maghagis ng lagim!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1465  brip_ko_hubo

    04/23/2009 | 09:46 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1464  sleepingchild

    04/23/2009 | 09:44 AM
    dapat ilagay sa iisang kwarto si madame annabelle at madame wilma dun nila tapusin ung mga gusot nila, hnd ung ang dami pang nadadamay at satsat.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1463  agako

    04/23/2009 | 09:43 AM
    kahit anong gawin nyo, lahat talaga ng mga issue ngayon laban sa mga gutierrez e may approval ni galvante. uulitin ko yang si wilma galvante is a beast in a sheeps cloth!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1462  blinktubey

    04/23/2009 | 09:43 AM
    Isa si WG ang dahilan kung bakit mataas palagi ang rating ng Siyete. MAtalino siya at alam niya ang ginagawa niya. Mas marumi pa nga magtabaho ang execs ng DOS eh, alam ng lahat yan. WG just need to fight like an eye for an eye. Of course walang malinis na pagtatrabaho sa showbiz kahit nga sa corporate world marumi din magtrabaho mga CEO's and high executives. you have to be ruthless in order to achieve the highest. WG is just doing her job..

    but this anabil, kung maalis man si WG gaya ng gusto niya, ano naman ang kaya niyang gawin para sa GMA? eh sarili lang nila ang iniisip nila. hindi pa sila loyal sa GMA, anytime lilipat sila sa DOS kapag di nasunod gusto nila. while WG is loyal sa GMA. hindi matitibag ang GMA kahit umalis ang mga guttierez, instead sila ang mawawalan ng trabaho at malalaos..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1461  jazper09

    04/23/2009 | 09:43 AM
    TAMA NAMAN TALGA SI ANABIL!!!
    PATI SI ANGEL GANYAN DIN GINAWA NILA!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1460  brip_ko_hubo

    04/23/2009 | 09:39 AM
    gusto ko lang linawin mrs anabelle rama na hindi po ako bayaran ... nakakainis na kasi yung inaasal nyo bilang talent manager as a talent manager hindi ka dapat nag o over power sa network executive as simple as that ..tsaka tignan mo rin ang pag uugali mo humarap ka sa salamin ... nadadamay ang mga anak mo dito dahil sa masamang pag uugali at mga binubunganga mo sa media ... kaya tama lang talaga na lumayas ka na sampu ng mga kaanak at alipores mo sa gma 7 para tumahimik na at maging masaya na sa mahal naming kapuso network !
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1459  quantum_of_solis

    04/23/2009 | 09:37 AM
    i agree with some arguments of bisaya....

    I also agree na may mga pepster na bayaran....wag kayong mag bulagbulagan...

    Thats just my opinion...

    Anyway...wla akong pakialam sa mga talents nya,,,
    sad but true,,,kulang sa talent yung mga alaga nya...

    si michelle madrigal alng yung gusto ko....

    si richard parang bagay gumanap na vampire sa twilight....mukha kasi syang bampera...lols
    yung acting nya parang vampera...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1458  fagero

    04/23/2009 | 09:36 AM
    hay naku, matabil pa rin si anabil. kawawa naman ang mga anak nya, daming babae siya pa ang naging ina.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1457  starbright

    04/23/2009 | 09:36 AM
    Dati bilib ako sa kanya kasi super duper protective sya sa mga alaga nya. Pero ngayon, wala na talaga sya sa lugar. Haay nako antabil, bawasan mo naman ang powers ng bunganga mo day. Nakaka irita na kasi.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1456  starbright

    04/23/2009 | 09:33 AM
    Alam nyo kahit ganyan si antabil, enjoy pa din sana akong panoorin ang shows ng mga anak nya, pero sa mga pinagagawa nya ngayon, parang nakaka turn-off talaga. Wala ba talagang magawa ang mga kapamilya nya para kahit papano mabawasan ang angas ng babaeng ito? Haaay....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1455  ivztkd

    04/23/2009 | 09:32 AM
    kawawa nmn mga anak nito...napapahiya..ksalanan dn ni richard bakit xa nagpapadala, d sa lahat ng bagay tama ang mas nkakatanda or ang mga manager..napakalaking kahihiyan ito para sa pamilya nla.. i know chard has jz been manipulated by his monster mom..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1454  starbright

    04/23/2009 | 09:31 AM
    Hala, malapit na talaga bumigay ang turnilyo nya. Ayusin nyo...biliiiss.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1453  sylvester

    04/23/2009 | 09:31 AM
    FYI uli! walang fans ang ibang talents mo! ung fans ni richard malamang nabawasan na rin!! o baka naman ung mga sinasabi mong fans eh kwentong barbero uli???
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1452  sylvester

    04/23/2009 | 09:30 AM
    ay anabelle anong pinagsasabi mo? limang tao lang ang PEPSTERS? ay ay ay!! ni hindi pa nga ako nakakatapak ng GMA office tapos sasabihin mo alagad kame ni galvante? haler? ikaw pala ang mahilig gumawa ng kwentong barbero eh! FYI lang hindi number one ang anak mo! kakabore umarte parepareho ang expression ng face! di sya kagwapuhan huh! ang laki kaya ng tenga ng anak mo!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1451  scorpion1431

    04/23/2009 | 09:27 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1450  kapusali

    04/23/2009 | 09:25 AM
    TAMA yan ibgsak si wilma na puro demolition job ang gingawa sa mga talents ng dos!! buking kana ikaw talaga ang naninira kay angel at mga bayaran mo dito!! bilang na araw nyo mga devillll.....LOL!!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1449  madam_auring

    04/23/2009 | 09:24 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1448  ecargy

    04/23/2009 | 09:24 AM
    ...ako po bisaya..pero matino po ako at hinde katulad ni Anabel...Sana mawala na ang boung talent at angkan ni anabel s GMA...Cya at ang mga talent nya ang nagppbagsak s GMA. ASAP...Bago mahuli ang lahat...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About