Nagpaunlak na magbigay ng interview via phone patch si Annabelle Rama sa radio program na Wow! Ang Showbiz! sa DWIZ noong Lunes, April 20. Ito ay upang mahingan ng paglilinaw ang talent manager tungkol sa nabanggit niyang "one-sided na report" ng Startalk noong Sabado, April 18, kung saan nakunan ng showbiz talk show ng pahayag ang abogado ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na si Atty. Sandra Olaso-Coronel. (Click here to read related story.)
Sa panayam ng Startalk kay Atty. Coronel, sinagot nito ang cease-and-desist letter na ipinadala ng legal counsel ni Annabelle na si Atty. Agnes Maranan upang ipatigil ang paglathala ng mga artikulo at komento tungkol kay Richard Gutierrez, anak at alaga ng talent manager.
Diretsang tanong ng main host ng radio program na si Ogie Diaz si Annabelle kung galit siya sa Startalk.
"Huwag lang pag-uusapan 'yang Kuya Germs [German Moreno], tapos na ako diyan, okay? Di napalaki ang isyu, dahil si Kuya Germs kausap ko lang kagabi [April 20], hindi raw siya makialam sa isyu naming dalawa ni Wilma [Galvante, SVP for Entertainment TV ng GMA-7], so wala siyang pakialam kay Wilma," umpisa ni Annabelle.
Patuloy niya, "Ako'y galit sa Startalk, kasi alam ko yung lawyer [na] nagpainterbyu diyan sa Startalk, hindi 'yon ano... Approved ni Wilma Galvante 'yon dahil, unang-una, taped interview 'yon, e, yung ginawa ng lawyer, e. Tapos nung sinisiraan niya si Richard, parang pambo-boycott na ginawa ng lawyer na yun kay Richard, approved yun ni Wilma, kasi si Wilma ang senior vice president executive sa entertainment. Entertainment, ibig sabihin, bago pa labas mga show sa GMA, approved niya. Approved niyang lahat 'yan.
"Saka yung mga kunu-kuno nagpadala ng negative comments about Richard sa PEP, gawa-gawa lahat ni Wilma 'yan! Meron siyang limang taong binabayaran, uupo lang sa computer para siraan-siraan si Richard! Ang ginawa ni Wilma saka yung grupo niya, demolition job, okay? Gusto niya mawala si Richard sa GMA para siya na mamahala sa GMA. Lahat ng mga talent under sa kanyang banner. Kasi siya—maraming nag-confirm sa akin—manager na rin siya. Kaya lahat ng mga talent kong mga sikat, sinusulot niya sa akin!"
BIG RALLY AGAINST WILMA. Patuloy ni Annabelle, mag-oorganize daw siya ng isang malaking raally laban sa lady executive ng GMA-7 para mag-resign sa kanyang puwesto.
"Naging gahaman sa pera, suwapang na siya sa pera ngayon! Kaya ako nanawagan, Ogie, sa lahat ng nakikinig sa akin sa radyo ngayon, kung gusto n'yong mag-join, nag-o-organize ako ng big rally against Wilma to step down, to resign. Sinong gusto n'yong sumali sa akin, tumawag lang sa 727-25-36. Ang tumawag, yung gusto lang sumali sa rally. Big rally ito gagawin ko para kay Wilma. Kasi dapat matanggal na si Wilma diyan sa GMA. Hindi siya nakakatulong sa network, nakakasira siya sa network!
"Yung ginagawa niya sa alaga ko, lahat ng talents ko, nag-number one rating sa GMA, sinisira niya sa Internet, sinisira niya sa lahat ng mga shows niya, kaya ngayon, hindi na siya nakakatulong sa network. Nakakasira na siya, dapat siyang mag-step down. Mag-resign na.
"Big rally itong gagawin ko. Ngayon pa lang nagre-recruit ako sa lahat ng mga Bisaya. Mga Bisaya nagmamahal sa akin, nagmamahal sa mga anak ko. Lahat ng mga fans ni Richard. Lahat ng mga fans ni JC [de Vera]. Lahat ng mga fans ng talents ko, pwede kayong mag-join. Kasi 'yang Wilma Galvante na 'yan, she's using her power, overusing her power as executive entertainment sa GMA. Hindi na siya dapat bibigyan ng title na 'yan. Ang title na sa kanya 'devil woman'!
"Ako, Ogie, mabait na tao. Mabait akong Bisaya. Nirerespeto ko siya. Kaya binabastos niya ako, wala siyang respeto sa akin, I don't have to respect her. Masyado siyang mabastos. Masyado siyang corrupt sa GMA. Lahat itong sinasabi ko sa 'yo, wala akong pakialam [kung] makarating kay Wilma, magdemanda siya, haharapin ko siya! Siya'y corrupt sa GMA, mang-aagaw ng talent!
"Uulitin ko, lahat ng nakikinig ngayon sa akin sa radyo, lahat ng fans ni Richard pwede kayong mag-support sa akin sa gagawin kong rally. Lahat ng mga Bisayang kababayan ko, yung mga nagmamahal sa akin, pwede kayong mag-join sa akin para pabagsakin 'yang Wilma Galvante dahil hindi siya nakakatulong sa network.
"Lahat ng mga empleyado ng GMA na ayaw kay Wilma, pwede kayong mag-join. 'Wag kayong matatakot mag-join sa akin. Malalaglag 'yang bruha sa GMA talaga 'yan!
"Kasi hindi maganda ang ginawa niya kay Richard. Number one si Richard sa GMA. Number one ang Zorro, pilit niyang pabagsakin. Yung mga comment sa PEP... Yung PEP, i-ban n'yo na 'yan, ha? I-ban n'yo 'yang PEP, kasi puro kasinungalingan! Nakakasira siya sa kapwa artista, sisirain niya lahat ng mga artista. Puro fake 'yan, tao lahat ni Wilma ang gumagawa niyan! Hindi 'yan galing sa mga fans. Walang bastos na fans si Richard, kaya galing 'yan sa mga fans ni Wilma, kasing bastos rin niya!"
Hindi ba kinuha ng Startalk ang panig mo niya nung Sabado?




CALLED OUT
ALL COMMENTS
1427 blinktubey
1426 kamponnilopez
mcziemczie
April 22, 2009
19:58 PM UYYYY bakit naman nasali si ANGEL dito?
LAHAT ng IP ADDRESS ninyo dito TRACEABLE! kaya naka-log lahat ng mapanira ninyong comment kay ANABELLE! Hintay na lang tayo ng subpoena mga pepster....sigghhh...
_____________________________________
isa pa `tong alimuom na to,sige padalhan nyo ko ng subphoena di ako natatakot sa boss mong BALIW!!
1425 blinktubey
1424 sanyang4483
1423 naruto15
1422 kapamilyang_kapuso
1421 karylle21
1420 kapamilya247
dapat kasi hindi hinahayaan ni gozon na mag manage si wilma galvante kasi nga naman mataas yung katungkulan niya eh posible nga na mas paboran yung mga alaga niya
1419 allen_lavi_kanda
1418 kapamilyang_kapuso
pero bakit d ako binabayaran para mag post d2?
hai naku inday anabil ikaw muna ang dapat unang pabagsakin bago c Wilma na tahimik lang, ikaw ang dakdak ng dakdak pasalamat ka at ikaw pa ang binigyan ng pagkakataon ng GMA para ma-interview!
Ni hindi nga ginamit n Wilma ang kanyang power to media by using the network.
hindi kami sasama s panawagan mo selfish ka masyado!
1417 chingkay75
1416 allen_lavi_kanda
1415 kapamilyang_kapuso
pang ilan kaya ako s lima????
cguro pang anim na kaya labas n ako n isa s mga bayaran daw n Wilma sabi n anabil!
kawawang nilalang.....
but I dont hate RG I always watch his ZORRO at lahat ng shows under GMA-7!
1414 kapuso_ako_kahit_anong_mangyari
1413 alexangel
nakakahiya sya.
day, kauwaw intawn day uy. mura kag buang!
1412 dulcinea
1411 alexangel
kung ako kay ms. wilma, sampahan ko ulit ng kaso etong si anabil. P100M dapat para pag natalo sila, balik na lang sila sa oagtitinda ng kaldero sa america.
please visayans like me unit. gusto ba nating maging laughing stock ang mga bisaya dahil kay anabil?
1410 melynavigilla
1409 churai
1408 kamponnilopez
April 22, 2009
18:39 PM sino sino ba ang bayaran ni wilma dito...
umamin na kayo......
hala holucuast day kahapon...sige magrally na
______________________________________
sino-sino din bang bayaran ni anavil ang nagsasabog ng alimuom dito?
1.Tryland
2.
3.
more comments