news

Part 1: Annabelle Rama lambasts GMA-7 executive Wilma Galvante anew

by Eric Borromeo posted on April 22, 2009  STATS: 100150 Views | 1907 Comments

 

"Big rally itong gagawin ko. Ngayon pa lang nagre-recruit ako sa lahat ng mga Bisaya. Mga Bisaya nagmamahal sa akin, nagmamahal sa mga anak ko. Lahat ng mga fans ni Richard. Lahat ng mga fans ni JC [de Vera]. Lahat ng mga fans ng talents ko, puwede kayong mag-join. Kasi 'yang Wilma Galvante na 'yan, she's using her power, overusing her power as executive entertainment sa GMA. Hindi na siya dapat bibigyan ng title na 'yan. Ang title na sa kanya 'devil woman'!" says Annabelle Rama about the "big rally" that she is organizing in an effort to oust GMA-7 executive Annabelle Rama from her post.

Photo By: Noel Orsal

Nagpaunlak na magbigay ng interview via phone patch si Annabelle Rama sa radio program na Wow! Ang Showbiz! sa DWIZ noong Lunes, April 20. Ito ay upang mahingan ng paglilinaw ang talent manager tungkol sa nabanggit niyang "one-sided na report" ng Startalk noong Sabado, April 18, kung saan nakunan ng showbiz talk show ng pahayag ang abogado ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na si Atty. Sandra Olaso-Coronel. (Click here to read related story.)

Sa panayam ng Startalk kay Atty. Coronel, sinagot nito ang cease-and-desist letter na ipinadala ng legal counsel ni Annabelle na si Atty. Agnes Maranan upang ipatigil ang paglathala ng mga artikulo at komento tungkol kay Richard Gutierrez, anak at alaga ng talent manager.

Diretsang tanong ng main host ng radio program na si Ogie Diaz si Annabelle kung galit siya sa Startalk.

"Huwag lang pag-uusapan 'yang Kuya Germs [German Moreno], tapos na ako diyan, okay? Di napalaki ang isyu, dahil si Kuya Germs kausap ko lang kagabi [April 20], hindi raw siya makialam sa isyu naming dalawa ni Wilma [Galvante, SVP for Entertainment TV ng GMA-7], so wala siyang pakialam kay Wilma," umpisa ni Annabelle.

Patuloy niya, "Ako'y galit sa Startalk, kasi alam ko yung lawyer [na] nagpainterbyu diyan sa Startalk, hindi 'yon ano... Approved ni Wilma Galvante 'yon dahil, unang-una, taped interview 'yon, e, yung ginawa ng lawyer, e. Tapos nung sinisiraan niya si Richard, parang pambo-boycott na ginawa ng lawyer na yun kay Richard, approved yun ni Wilma, kasi si Wilma ang senior vice president executive sa entertainment. Entertainment, ibig sabihin, bago pa labas mga show sa GMA, approved niya. Approved niyang lahat 'yan.

"Saka yung mga kunu-kuno nagpadala ng negative comments about Richard sa PEP, gawa-gawa lahat ni Wilma 'yan! Meron siyang limang taong binabayaran, uupo lang sa computer para siraan-siraan si Richard! Ang ginawa ni Wilma saka yung grupo niya, demolition job, okay? Gusto niya mawala si Richard sa GMA para siya na mamahala sa GMA. Lahat ng mga talent under sa kanyang banner. Kasi siya—maraming nag-confirm sa akin—manager na rin siya. Kaya lahat ng mga talent kong mga sikat, sinusulot niya sa akin!"

BIG RALLY AGAINST WILMA. Patuloy ni Annabelle, mag-oorganize daw siya ng isang malaking raally laban sa lady executive ng GMA-7 para mag-resign sa kanyang puwesto.

"Naging gahaman sa pera, suwapang na siya sa pera ngayon! Kaya ako nanawagan, Ogie, sa lahat ng nakikinig sa akin sa radyo ngayon, kung gusto n'yong mag-join, nag-o-organize ako ng big rally against Wilma to step down, to resign. Sinong gusto n'yong sumali sa akin, tumawag lang sa 727-25-36. Ang tumawag, yung gusto lang sumali sa rally. Big rally ito gagawin ko para kay Wilma. Kasi dapat matanggal na si Wilma diyan sa GMA. Hindi siya nakakatulong sa network, nakakasira siya sa network!

"Yung ginagawa niya sa alaga ko, lahat ng talents ko, nag-number one rating sa GMA, sinisira niya sa Internet, sinisira niya sa lahat ng mga shows niya, kaya ngayon, hindi na siya nakakatulong sa network. Nakakasira na siya, dapat siyang mag-step down. Mag-resign na.

"Big rally itong gagawin ko. Ngayon pa lang nagre-recruit ako sa lahat ng mga Bisaya. Mga Bisaya nagmamahal sa akin, nagmamahal sa mga anak ko. Lahat ng mga fans ni Richard. Lahat ng mga fans ni JC [de Vera]. Lahat ng mga fans ng talents ko, pwede kayong mag-join. Kasi 'yang Wilma Galvante na 'yan, she's using her power, overusing her power as executive entertainment sa GMA. Hindi na siya dapat bibigyan ng title na 'yan. Ang title na sa kanya 'devil woman'!

"Ako, Ogie, mabait na tao. Mabait akong Bisaya. Nirerespeto ko siya. Kaya binabastos niya ako, wala siyang respeto sa akin, I don't have to respect her. Masyado siyang mabastos. Masyado siyang corrupt sa GMA. Lahat itong sinasabi ko sa 'yo, wala akong pakialam [kung] makarating kay Wilma, magdemanda siya, haharapin ko siya! Siya'y corrupt sa GMA, mang-aagaw ng talent!

"Uulitin ko, lahat ng nakikinig ngayon sa akin sa radyo, lahat ng fans ni Richard pwede kayong mag-support sa akin sa gagawin kong rally. Lahat ng mga Bisayang kababayan ko, yung mga nagmamahal sa akin, pwede kayong mag-join sa akin para pabagsakin 'yang Wilma Galvante dahil hindi siya nakakatulong sa network.

"Lahat ng mga empleyado ng GMA na ayaw kay Wilma, pwede kayong mag-join. 'Wag kayong matatakot mag-join sa akin. Malalaglag 'yang bruha sa GMA talaga 'yan!

"Kasi hindi maganda ang ginawa niya kay Richard. Number one si Richard sa GMA. Number one ang Zorro, pilit niyang pabagsakin. Yung mga comment sa PEP... Yung PEP, i-ban n'yo na 'yan, ha? I-ban n'yo 'yang PEP, kasi puro kasinungalingan! Nakakasira siya sa kapwa artista, sisirain niya lahat ng mga artista. Puro fake 'yan, tao lahat ni Wilma ang gumagawa niyan! Hindi 'yan galing sa mga fans. Walang bastos na fans si Richard, kaya galing 'yan sa mga fans ni Wilma, kasing bastos rin niya!"

Hindi ba kinuha ng Startalk ang panig mo niya nung Sabado?

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

1907 Comments

  • 1347  sleepingchild

    04/23/2009 | 05:44 AM
    nkaka hiya lang sila pareho ms. anabelle at wilma, matatanda na away pa ng away.
    bkt hnd nalang kyo magpasalamat sa meron kayo, maswerte kyo hnd kyo nagbubuhat maghapon at na22log sa matigas na higaan maswrte kyo meron kyo na isusuott na magagarbo, nkaka kain kyo more than 3x a day at mron kayong nasisilungan...

    yan man lang ma-isip nyo! nakaka hiya tlga kayo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1346  vongatalaga

    04/23/2009 | 05:23 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1345  twozerofive

    04/23/2009 | 05:21 AM
    mga cheap lang ang sasama sa rally...hahahhahahahh, kakatawa ka annabelle...magpatingin ka nga sa psychiatrist...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1344  vongatalaga

    04/23/2009 | 05:17 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1343  delights95

    04/23/2009 | 05:17 AM
    1085 ibig sabihin di bukal sa kalooban ni anabel ang magbigay dahil isinusumbat din.nagpapatunay talaga na masama ang ugali niya paano yung niregaluhan niya ng litson sa kabilang bakod tiyak na isusumbat din pagdi rin siya napagbigyan sa gusto niya
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1342  saling_pusa

    04/23/2009 | 05:09 AM
    Buti kung nakakatulog pa yang annabelle na yan sa dami ng problema. pati mga pepster sasabihin nyang gawa-gawa lang, ang tagal ko kayang nagregister dito. di ko kinaya bibig nya ha,sumasakit ulo ko twing napapakinggan ko sya, how much more ng family nya. Nag-iisa ka lang sa mundo Annabelle Rama, di bale ng maghirap sa buhay huwag ka lang ang maging nanay. Mayaman ka nga, asal hayop ka naman.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1341  pinaysausa

    04/23/2009 | 05:07 AM
    oh! my.. my! 'm not one of the quot;tao ni wilma galvantequot; hehehe!...so irritating na this lady annabelle na itech! kaya di na rin kmi watch ng zorro... we dont feel richard anymore.. becoz' of this so called... mother of him, huh!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1340  schmetterling2009

    04/23/2009 | 04:58 AM
    nakuha ko ung point ni bisaya.ito kase pag nasa business ka talagang gagawin mo lahat gaya ng ginawa ni anabelle nagbibigay para may makuha ding kapalit eh syempre walang libre sa negosyo kong hindi lugi ka talaga.eh bakit naman kasi tanggap ng tanggap yang si wilma hindi ba siya nahihiya sa mga tinatanggap niya? gusto lang pala niya libre naawa naman ako kay wilma pobre pala yan eh.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1339  delights95

    04/23/2009 | 04:53 AM
    tandaan mo ang taong tahimik mas mapanganib at ang taong putak ng putak talunan sa bandang huli
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1338  delights95

    04/23/2009 | 04:49 AM
    bisaya, paano gawa-gawa ang mga negative comment sayo at kay richard eh ito nalang ang parang pinakadiaryo namin dito sa ibang bansa,tanggapin mo na talagang maraming galit sa yo at nadamay lang si Richard
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1337  marina28

    04/23/2009 | 04:48 AM
    Cancel na pala ang planong rally ni Anabelle against Wilma, hahaha. Wala sigurong pumatol sa kanyang kabuangan. Bagkos eh baka inulan pa sya ng phone call ng mga bwisit na sa mga pinaggagawa nya.

    Day Anabil, Bigyan mo naman ng kahihiyan kaming mga bisaya, baka sabihin nila kampi kami syo at parepareho tayong mga buang-buang.

    Basta, mga kababayans at mga ka-PEPs, let us Boycott Zorro!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1336  sweet_nina

    04/23/2009 | 04:44 AM
    lakas ng pag ka praning nitong si Annabelle dapat dito dahil na sa psychiatric ward. Lakas ng syakol
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1335  vivahotbabes

    04/23/2009 | 04:38 AM
    vongkaday ilan ba kayo dito ang sinuhulan ni starlet para ipagtanggol siya ha magkano ba binayad sa inyo tig isang lechon hahahaa wacko jacko anabil....dapat sayo imental hospital buhay ka pa sinusunog na ang kaluluwa mo starlet ka!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1334  kerocookie

    04/23/2009 | 04:36 AM
    bisaya ako pero di kita gusto tubong cagayan de oro ako...ikaw ang pinaka bastos n bisayang nakilala ko.ang mommy ko di naman ganyan n katulad mo.hoy mahiya ka sa balat mo di lahat ng bisaya mahal ka nakakahiya ka masyado ka namang bilib sa sarili mo....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1333  kerocookie

    04/23/2009 | 04:32 AM
    hoy anabel hindi kami bayaran taga hongkong kami pero kakampi kami ni wilma galvante kasi christian cya n katulad namin.ipreno mo ang bibig mo baka mamatay kana sa kasinungalingan mo.mag basa ka nga ng bible ng bumait ka naman sinisira mo ang reputasyon ng anak mo at ng buong pamilya mo.Pati yang alaga mong c jc sinira mo rin ang future nya lahat kami d2 sa hk may pinoy tv at kitang kita namin kung paano mo bastusin ang executive ng gma network wala kang respeto.ilipat mo n sa abs cbn ang anak mo damay mo n ang lahat ng alaga mo.mga walang kuwenta kayong tao at walang utang n loob...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1332  Brownsugar

    04/23/2009 | 04:27 AM
    baka bayaran ni Anabel c Vongatalaga, nakakailang comments na siya sa pagtatanggol kay Anabel, baka hindi pa siya natutulog kawawa naman,,,,pahinga ka muna baka ma-high blood ka rin, hindi ka mababayaran ni Anabil nang husto....hahahahahahahahahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1331  comentarista

    04/23/2009 | 04:27 AM
    eh.. mag rally ka kung gusto moh... wag idamay ang lahat ng bisaya, hindi lahat ng bisaya palaaway at mahal ka...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1330  ngu_wen

    04/23/2009 | 04:26 AM
    di talaga mapigil ang bibig ni Annabelle,grabe kung ano-ano na lang talaga ang mga ibinibintang nya. Sa mga ginagawa nya ngayon lalo syang matatalo sa kaso nya against Wilma.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1329  razjos

    04/23/2009 | 04:14 AM
    annabel i dont care ng away nyo ni wilma....just to let you know totoo ako indi binabayaran.dami kayang comments dito........
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1328  Brownsugar

    04/23/2009 | 04:13 AM
    Hi taga Germany ako, hindi ako bayaran ni Maám Wilma ha? kung babayaran ako, eh di tatanggapin ko hehehe.....Pero c Anabel, grabe pala ang bunganga, daldal niya, buti hindi nauuhaw sa kakadaldal na paulit ulit na lang. Grabeh kakahiya bunganga niya, in Tv or Radio pa, hindi good example sa mga kabataan....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About