news

Part 1: Annabelle Rama lambasts GMA-7 executive Wilma Galvante anew

by Eric Borromeo posted on April 22, 2009  STATS: 100194 Views | 1907 Comments

 

"Big rally itong gagawin ko. Ngayon pa lang nagre-recruit ako sa lahat ng mga Bisaya. Mga Bisaya nagmamahal sa akin, nagmamahal sa mga anak ko. Lahat ng mga fans ni Richard. Lahat ng mga fans ni JC [de Vera]. Lahat ng mga fans ng talents ko, puwede kayong mag-join. Kasi 'yang Wilma Galvante na 'yan, she's using her power, overusing her power as executive entertainment sa GMA. Hindi na siya dapat bibigyan ng title na 'yan. Ang title na sa kanya 'devil woman'!" says Annabelle Rama about the "big rally" that she is organizing in an effort to oust GMA-7 executive Annabelle Rama from her post.

Photo By: Noel Orsal

Nagpaunlak na magbigay ng interview via phone patch si Annabelle Rama sa radio program na Wow! Ang Showbiz! sa DWIZ noong Lunes, April 20. Ito ay upang mahingan ng paglilinaw ang talent manager tungkol sa nabanggit niyang "one-sided na report" ng Startalk noong Sabado, April 18, kung saan nakunan ng showbiz talk show ng pahayag ang abogado ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na si Atty. Sandra Olaso-Coronel. (Click here to read related story.)

Sa panayam ng Startalk kay Atty. Coronel, sinagot nito ang cease-and-desist letter na ipinadala ng legal counsel ni Annabelle na si Atty. Agnes Maranan upang ipatigil ang paglathala ng mga artikulo at komento tungkol kay Richard Gutierrez, anak at alaga ng talent manager.

Diretsang tanong ng main host ng radio program na si Ogie Diaz si Annabelle kung galit siya sa Startalk.

"Huwag lang pag-uusapan 'yang Kuya Germs [German Moreno], tapos na ako diyan, okay? Di napalaki ang isyu, dahil si Kuya Germs kausap ko lang kagabi [April 20], hindi raw siya makialam sa isyu naming dalawa ni Wilma [Galvante, SVP for Entertainment TV ng GMA-7], so wala siyang pakialam kay Wilma," umpisa ni Annabelle.

Patuloy niya, "Ako'y galit sa Startalk, kasi alam ko yung lawyer [na] nagpainterbyu diyan sa Startalk, hindi 'yon ano... Approved ni Wilma Galvante 'yon dahil, unang-una, taped interview 'yon, e, yung ginawa ng lawyer, e. Tapos nung sinisiraan niya si Richard, parang pambo-boycott na ginawa ng lawyer na yun kay Richard, approved yun ni Wilma, kasi si Wilma ang senior vice president executive sa entertainment. Entertainment, ibig sabihin, bago pa labas mga show sa GMA, approved niya. Approved niyang lahat 'yan.

"Saka yung mga kunu-kuno nagpadala ng negative comments about Richard sa PEP, gawa-gawa lahat ni Wilma 'yan! Meron siyang limang taong binabayaran, uupo lang sa computer para siraan-siraan si Richard! Ang ginawa ni Wilma saka yung grupo niya, demolition job, okay? Gusto niya mawala si Richard sa GMA para siya na mamahala sa GMA. Lahat ng mga talent under sa kanyang banner. Kasi siya—maraming nag-confirm sa akin—manager na rin siya. Kaya lahat ng mga talent kong mga sikat, sinusulot niya sa akin!"

BIG RALLY AGAINST WILMA. Patuloy ni Annabelle, mag-oorganize daw siya ng isang malaking raally laban sa lady executive ng GMA-7 para mag-resign sa kanyang puwesto.

"Naging gahaman sa pera, suwapang na siya sa pera ngayon! Kaya ako nanawagan, Ogie, sa lahat ng nakikinig sa akin sa radyo ngayon, kung gusto n'yong mag-join, nag-o-organize ako ng big rally against Wilma to step down, to resign. Sinong gusto n'yong sumali sa akin, tumawag lang sa 727-25-36. Ang tumawag, yung gusto lang sumali sa rally. Big rally ito gagawin ko para kay Wilma. Kasi dapat matanggal na si Wilma diyan sa GMA. Hindi siya nakakatulong sa network, nakakasira siya sa network!

"Yung ginagawa niya sa alaga ko, lahat ng talents ko, nag-number one rating sa GMA, sinisira niya sa Internet, sinisira niya sa lahat ng mga shows niya, kaya ngayon, hindi na siya nakakatulong sa network. Nakakasira na siya, dapat siyang mag-step down. Mag-resign na.

"Big rally itong gagawin ko. Ngayon pa lang nagre-recruit ako sa lahat ng mga Bisaya. Mga Bisaya nagmamahal sa akin, nagmamahal sa mga anak ko. Lahat ng mga fans ni Richard. Lahat ng mga fans ni JC [de Vera]. Lahat ng mga fans ng talents ko, pwede kayong mag-join. Kasi 'yang Wilma Galvante na 'yan, she's using her power, overusing her power as executive entertainment sa GMA. Hindi na siya dapat bibigyan ng title na 'yan. Ang title na sa kanya 'devil woman'!

"Ako, Ogie, mabait na tao. Mabait akong Bisaya. Nirerespeto ko siya. Kaya binabastos niya ako, wala siyang respeto sa akin, I don't have to respect her. Masyado siyang mabastos. Masyado siyang corrupt sa GMA. Lahat itong sinasabi ko sa 'yo, wala akong pakialam [kung] makarating kay Wilma, magdemanda siya, haharapin ko siya! Siya'y corrupt sa GMA, mang-aagaw ng talent!

"Uulitin ko, lahat ng nakikinig ngayon sa akin sa radyo, lahat ng fans ni Richard pwede kayong mag-support sa akin sa gagawin kong rally. Lahat ng mga Bisayang kababayan ko, yung mga nagmamahal sa akin, pwede kayong mag-join sa akin para pabagsakin 'yang Wilma Galvante dahil hindi siya nakakatulong sa network.

"Lahat ng mga empleyado ng GMA na ayaw kay Wilma, pwede kayong mag-join. 'Wag kayong matatakot mag-join sa akin. Malalaglag 'yang bruha sa GMA talaga 'yan!

"Kasi hindi maganda ang ginawa niya kay Richard. Number one si Richard sa GMA. Number one ang Zorro, pilit niyang pabagsakin. Yung mga comment sa PEP... Yung PEP, i-ban n'yo na 'yan, ha? I-ban n'yo 'yang PEP, kasi puro kasinungalingan! Nakakasira siya sa kapwa artista, sisirain niya lahat ng mga artista. Puro fake 'yan, tao lahat ni Wilma ang gumagawa niyan! Hindi 'yan galing sa mga fans. Walang bastos na fans si Richard, kaya galing 'yan sa mga fans ni Wilma, kasing bastos rin niya!"

Hindi ba kinuha ng Startalk ang panig mo niya nung Sabado?

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

1907 Comments

  • 1327  vongatalaga

    04/23/2009 | 04:08 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1326  ratratan

    04/23/2009 | 04:05 AM
    mabait talaga yan si rama sa yo, hanggat bigyan ka ng mga regalo o pera pero aasahan niya na me mga kapalit yan. dian na biglang lilitaw ang bungangerang yan pag hindi mo siya napaunlakan. ganyan yan
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1325  jessica507

    04/23/2009 | 04:05 AM
    Vonga...sa lahat yata ng sinabi mo, ngayon lang kita aayunan. Mukha ngang nawawala na ang main issue at kung saan saan na tayo napupunta..nandyang mainit sa Robinson,pangit ang abogado ng PEP, rally atbpa! Ano na ba ang latest sa gun toting incident na yan?...Naasar na kasi akong marinig lahat ng lumalabas sa bibig ni Annabel eh...at patunay lang na di rin ako maka Wilma!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1324  lady_n_red

    04/23/2009 | 04:04 AM
    hoy anabilbil, tumigil ka na sa kangangawa mo diyan, ikaw ang dapat i-ban sa tv or radio network dahil nakakasawa na ang pag-uugali mong balahura. ang lakas talaga ng pagka-praning ng anabilbil na ito sa pinagsasabing 5 tao lang ang pepsters na nagko-comment, dapat sa bisayang ito ay ipasok na sa mental hospital dahil habang tumatanda ay kinakawalang na ang utak!

    o sige sali ako sa rally mo, magkano ang ibabayad mo sa akin at padalhan mo ako ng round trip ticket LAX-MNL-LAX at ayoko ng economy flight ha!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1323  amang

    04/23/2009 | 04:03 AM
    bwset talaga toh.. dapat tanggalin na to sa GMA.. itapon na sa ABS yan..
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1322  vongatalaga

    04/23/2009 | 04:01 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1321  schmetterling2009

    04/23/2009 | 03:57 AM
    tingin ko lang mabait talaga yan si anabelle pag mabait ka rin sa kanya pero humanda ka pag inunahan mo siya di ka talaga titigilan kaya lagot kayo kay bisaya.go go bisaya....
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1320  Bambinapilipina

    04/23/2009 | 03:57 AM
    GMA needs to do something about this bungangera woman, I get that she's trying to stand up for her son and wards but you have limit yourself on when and how, so you don't look like a fool... Calling GMA big bosses, don't let Annabel Rama disrespect one of yours.... manhid na masyado tong babaeng to, sa lahat ng sinabi nya about Wilma, sya ang tinamaan pero she didn't realize it yet...heheheheh
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1319  nakupo

    04/23/2009 | 03:56 AM
    Hay naku talaga Anabil.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1318  curiouzray

    04/23/2009 | 03:56 AM
    C'mon, gimme a break anavil at mga kampon mo! Just shut-up!

    Go GMA! Kapuso rules!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1317  marhabasalahat

    04/23/2009 | 03:54 AM
    Dear Pepster.

    Una sa tanan aduna koy dakong meeting karong umaabot Sabado didto sa dakong hawan sa akong balay...dont worry sa panihapon kay nag order na ko ug puso sa Lungsod sa Minglanilla Cebu ug inasal nga baboy...human sa kaon aduna tay dakong rally against ni wilma adto sa GMA... supportai ko ninyo kay dako ang akong gasto para ipalamoy ninyo..tawag lng sa akong mobile no. 0919666 666 666 sa tungang gabii...

    ang nagpalamoy ninyo,

    t i t a a n a b i l
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1316  marhabasalahat

    04/23/2009 | 03:52 AM
    Dear Pepster.

    Una sa tanan aduna koy dakong meeting karong umaabot Sabado didto sa dakong hawan sa akong balay...dont worry sa panihapon kay nag order na ko ug puso sa Lungsod sa Minglanilla Cebu ug inasal nga baboy...human sa kaon aduna tay dakong rally against ni wilma adto sa GMA... supportai ko ninyo kay dako ang akong gasto para ipalamoy ninyo..tawag lng sa akong mobile no. 0919666 666 666 sa tungang gabii...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1315  vongatalaga

    04/23/2009 | 03:48 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1314  yukor131

    04/23/2009 | 03:37 AM
    grabeeee ang daming nag comment sa article na to.
    I dont believe na 5 lang ang members ng pep at gawa gawa lang ni WG ang mga nag comment dito dahil year 2007 pa kasagsagan ng marimar nun ay nag po post na ako ng mga comment dito. Ito ang libangan namin ng mga mommy's na hindi nag work at nakatambay lang sa bahay.
    Pure din akung bisaya pero hindi ako favor sa pinag gagawa ni annabele rama. naintindihan ko sya bilang ina talagang ganyan ang mga nanay namumulok pag ang anak na ang tinitira pero dapat pigil pigilan nya rin ang bugso ng damdamin nya at ang bibig nya sa kadaldal kasi nakakasira sa mga anak nya, mga anak nya daw sosyal e sya naman e asal kalye.
    PLS naman bisaya wag mong sirain ang pinaghirapan ni richard. Jc is just your talent u can let him go bat richard is ur son. at sya lang ang sikat sa alaga mo, pwede na rin isama si heart pero si JC? ang dami nya pang lamonin para marating ang narating ni richard.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1313  chacanadaw

    04/23/2009 | 03:37 AM
    bakit di ka na lang mag hunger strike sa harap ng GMA..baka mapansin pa yang hinaing mo...ano ha?
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1312  chacanadaw

    04/23/2009 | 03:35 AM
    feeling ko lang pinaringgan mo sarili mo...parang Look who's talking! bounce back lang mga sinabi mo against WG...

    iniiwasan ko na mag comment dito kaya lang di ko matiis! nung mabasa ko...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1311  vivahotbabes

    04/23/2009 | 03:35 AM
    hindi natuloy ang rally kasi siya lang at si jun pig este lalin ang mag rally lalangawin lang sila sa harap ng gma hahaha the way anabil acts she still feel na nagtitinda parin siya ng kaldero sa palengke ngekkkk monkey monkey anabil wacko jacko anabil!!!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1310  vongatalaga

    04/23/2009 | 03:33 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1309  jessica507

    04/23/2009 | 03:31 AM
    ang ipinagtataka ko lang,bakit wala nang balita tungkol sa witness ng PEP..kung di pwedeng sabihin ang pangalan at least i update man lang!!ayaw din naman na bawiin ang istorya...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1308  vivahotbabes

    04/23/2009 | 03:29 AM
    hindi natuloy ang rally kasi walang tumawag sa kanya may tumawag nga nanloloko lang curious kung magkano ang suhol ni visaya..sabi nga ni ylmas kay ruffing quot;I PICK U UP IN THE GARBAGE I PUT U BACK IN THE GARBAGE HAHAHA at si anabil daw good seller sa mga anak niya alam ni ylmas na ibinugaw ni anabil si ruffing sa brunie
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About