news

Part 1: Annabelle Rama lambasts GMA-7 executive Wilma Galvante anew

by Eric Borromeo posted on April 22, 2009  STATS: 100166 Views | 1907 Comments

 

"Big rally itong gagawin ko. Ngayon pa lang nagre-recruit ako sa lahat ng mga Bisaya. Mga Bisaya nagmamahal sa akin, nagmamahal sa mga anak ko. Lahat ng mga fans ni Richard. Lahat ng mga fans ni JC [de Vera]. Lahat ng mga fans ng talents ko, puwede kayong mag-join. Kasi 'yang Wilma Galvante na 'yan, she's using her power, overusing her power as executive entertainment sa GMA. Hindi na siya dapat bibigyan ng title na 'yan. Ang title na sa kanya 'devil woman'!" says Annabelle Rama about the "big rally" that she is organizing in an effort to oust GMA-7 executive Annabelle Rama from her post.

Photo By: Noel Orsal

Nagpaunlak na magbigay ng interview via phone patch si Annabelle Rama sa radio program na Wow! Ang Showbiz! sa DWIZ noong Lunes, April 20. Ito ay upang mahingan ng paglilinaw ang talent manager tungkol sa nabanggit niyang "one-sided na report" ng Startalk noong Sabado, April 18, kung saan nakunan ng showbiz talk show ng pahayag ang abogado ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na si Atty. Sandra Olaso-Coronel. (Click here to read related story.)

Sa panayam ng Startalk kay Atty. Coronel, sinagot nito ang cease-and-desist letter na ipinadala ng legal counsel ni Annabelle na si Atty. Agnes Maranan upang ipatigil ang paglathala ng mga artikulo at komento tungkol kay Richard Gutierrez, anak at alaga ng talent manager.

Diretsang tanong ng main host ng radio program na si Ogie Diaz si Annabelle kung galit siya sa Startalk.

"Huwag lang pag-uusapan 'yang Kuya Germs [German Moreno], tapos na ako diyan, okay? Di napalaki ang isyu, dahil si Kuya Germs kausap ko lang kagabi [April 20], hindi raw siya makialam sa isyu naming dalawa ni Wilma [Galvante, SVP for Entertainment TV ng GMA-7], so wala siyang pakialam kay Wilma," umpisa ni Annabelle.

Patuloy niya, "Ako'y galit sa Startalk, kasi alam ko yung lawyer [na] nagpainterbyu diyan sa Startalk, hindi 'yon ano... Approved ni Wilma Galvante 'yon dahil, unang-una, taped interview 'yon, e, yung ginawa ng lawyer, e. Tapos nung sinisiraan niya si Richard, parang pambo-boycott na ginawa ng lawyer na yun kay Richard, approved yun ni Wilma, kasi si Wilma ang senior vice president executive sa entertainment. Entertainment, ibig sabihin, bago pa labas mga show sa GMA, approved niya. Approved niyang lahat 'yan.

"Saka yung mga kunu-kuno nagpadala ng negative comments about Richard sa PEP, gawa-gawa lahat ni Wilma 'yan! Meron siyang limang taong binabayaran, uupo lang sa computer para siraan-siraan si Richard! Ang ginawa ni Wilma saka yung grupo niya, demolition job, okay? Gusto niya mawala si Richard sa GMA para siya na mamahala sa GMA. Lahat ng mga talent under sa kanyang banner. Kasi siya—maraming nag-confirm sa akin—manager na rin siya. Kaya lahat ng mga talent kong mga sikat, sinusulot niya sa akin!"

BIG RALLY AGAINST WILMA. Patuloy ni Annabelle, mag-oorganize daw siya ng isang malaking raally laban sa lady executive ng GMA-7 para mag-resign sa kanyang puwesto.

"Naging gahaman sa pera, suwapang na siya sa pera ngayon! Kaya ako nanawagan, Ogie, sa lahat ng nakikinig sa akin sa radyo ngayon, kung gusto n'yong mag-join, nag-o-organize ako ng big rally against Wilma to step down, to resign. Sinong gusto n'yong sumali sa akin, tumawag lang sa 727-25-36. Ang tumawag, yung gusto lang sumali sa rally. Big rally ito gagawin ko para kay Wilma. Kasi dapat matanggal na si Wilma diyan sa GMA. Hindi siya nakakatulong sa network, nakakasira siya sa network!

"Yung ginagawa niya sa alaga ko, lahat ng talents ko, nag-number one rating sa GMA, sinisira niya sa Internet, sinisira niya sa lahat ng mga shows niya, kaya ngayon, hindi na siya nakakatulong sa network. Nakakasira na siya, dapat siyang mag-step down. Mag-resign na.

"Big rally itong gagawin ko. Ngayon pa lang nagre-recruit ako sa lahat ng mga Bisaya. Mga Bisaya nagmamahal sa akin, nagmamahal sa mga anak ko. Lahat ng mga fans ni Richard. Lahat ng mga fans ni JC [de Vera]. Lahat ng mga fans ng talents ko, pwede kayong mag-join. Kasi 'yang Wilma Galvante na 'yan, she's using her power, overusing her power as executive entertainment sa GMA. Hindi na siya dapat bibigyan ng title na 'yan. Ang title na sa kanya 'devil woman'!

"Ako, Ogie, mabait na tao. Mabait akong Bisaya. Nirerespeto ko siya. Kaya binabastos niya ako, wala siyang respeto sa akin, I don't have to respect her. Masyado siyang mabastos. Masyado siyang corrupt sa GMA. Lahat itong sinasabi ko sa 'yo, wala akong pakialam [kung] makarating kay Wilma, magdemanda siya, haharapin ko siya! Siya'y corrupt sa GMA, mang-aagaw ng talent!

"Uulitin ko, lahat ng nakikinig ngayon sa akin sa radyo, lahat ng fans ni Richard pwede kayong mag-support sa akin sa gagawin kong rally. Lahat ng mga Bisayang kababayan ko, yung mga nagmamahal sa akin, pwede kayong mag-join sa akin para pabagsakin 'yang Wilma Galvante dahil hindi siya nakakatulong sa network.

"Lahat ng mga empleyado ng GMA na ayaw kay Wilma, pwede kayong mag-join. 'Wag kayong matatakot mag-join sa akin. Malalaglag 'yang bruha sa GMA talaga 'yan!

"Kasi hindi maganda ang ginawa niya kay Richard. Number one si Richard sa GMA. Number one ang Zorro, pilit niyang pabagsakin. Yung mga comment sa PEP... Yung PEP, i-ban n'yo na 'yan, ha? I-ban n'yo 'yang PEP, kasi puro kasinungalingan! Nakakasira siya sa kapwa artista, sisirain niya lahat ng mga artista. Puro fake 'yan, tao lahat ni Wilma ang gumagawa niyan! Hindi 'yan galing sa mga fans. Walang bastos na fans si Richard, kaya galing 'yan sa mga fans ni Wilma, kasing bastos rin niya!"

Hindi ba kinuha ng Startalk ang panig mo niya nung Sabado?

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

1907 Comments

  • 1247  iluvabsgma

    04/23/2009 | 02:09 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1246  vongatalaga

    04/23/2009 | 02:09 AM

    bakit magtitinda e merong 50M na naghihintay? huwag ninyong sabihin yan at baka malaman ni Mam Wilma ninyo. Magka-idea na magtinda ng kaldero para mabayaran ang 50M.

    hahahahhahahahhahahahahahhahahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1245  vongatalaga

    04/23/2009 | 02:07 AM

    dont worry shooter... winner na nga ang lolo ninyo... pinaguusapan.

    Newsmaker of the Year na. Thanks to all of you.

    hahahhahahahhahahahhahahhahahahhahaha!

    20 pages and growing.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1244  iluvabsgma

    04/23/2009 | 02:06 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1243  Shooter

    04/23/2009 | 02:06 AM
    double time sa comment ang alipores ni Jun Lalin at si Juna Lalin wahahahah

    Mga palamunin ng baliw
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1242  vivahotbabes

    04/23/2009 | 02:06 AM
    bumalik nalang kayo sa states magtinda kayo ulit ng kaldero! ibalik si ruffa sa brunie buy one take don sa king mga basura sa shobizzz!!!vongatalaga ayusin mo ung trabaho mo kundi sampal abot mo sa amo mo hala sige..ipagtanggol mo ung basura mong amo..kadiri...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1241  jaykamco

    04/23/2009 | 02:06 AM
    ay naku ANABEL hindi ako bayaran ni WILMA dito.. nakapag post lang ako nang comment ko for the 3rd time kasi hindi na talaga maganda ang ginagawa mo bilang isang alagad ng showbiz industry... lalo mo pinapagulo ang mundo ng showbiz.... ang dapat na gawin mo instead na mag ngawa ka ng ngawa sa radyo ng ka cheapan mo.. iluhod mo na lang sa simbahan at mag dasal na bigyan ka ng peace of mind at malinaw na pagiisip... yon ang tamang gawin mo.... ay life talaga...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1240  Shooter

    04/23/2009 | 02:05 AM
    Vongatalaga

    Dapat may award ka nyan from pep at kay anabil bwahahahah

    pagsampal sampalin ka mamya nyan wala kang nahikayat rito
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1239  lala_que

    04/23/2009 | 02:05 AM
    actually di na kailangan bayaran kami para sirain ka, kuro kuro na lang namin sira ang mga gutierrez sa bunganga mo eh. before im on your side kaya lang sobra sobra naman yata na ang ginagawa mo. leave to the courts na lang para kahit papaano mag karoon ka naman ng class.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1238  vongatalaga

    04/23/2009 | 02:04 AM

    methol.. ok lang yung magpaboycott kayo... kasi No. 1 na ang Zorro kahit may boycott.

    Mabuhay ang Zorro!!!!!

    hahahahhahahhahahahahahhahahahhahahah
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1237  bisayang_pataygutom

    04/23/2009 | 02:03 AM
    Oo, naman ambitious, isipin mo na lang kung si Einstein ksama mo sa bahay mo? yuckkkkk,ang baboy cguro sa bahay nyan, kung maayos yan sa itsura nyan, maayos din bahay nyan... sabagay complete opposite tlg sila Anabelle at Einstein, anong aspects? MENTALITY, ahihihihiii
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1236  vongatalaga

    04/23/2009 | 02:03 AM

    salamat shooter... you are part of how Annabelle wins!

    hhahahahahahhahahahahhahhahahahahahahhaha

    palakpakan nating lahat ng narito sa PEP... Mabuhay!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1235  mentholyptus

    04/23/2009 | 02:02 AM
    mag petition na tayo mga pepsters...I boycott na ang pamilya ni Aling Anabel...hehehe...tyak react na si vonga dito...di ka pa napapagod...isa laban sa lima...lol...unfair advantage naman..dibah...matulog na baka lumabas ang mga eyebugs...lol..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1234  vongatalaga

    04/23/2009 | 02:02 AM
    salamat hotbabes sa saging... god bless.

    salamat to all... 20 pages na ang still growing!

    Congrats to Annanelle... NEWSMAKER of the year.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1233  Shooter

    04/23/2009 | 02:02 AM
    20 pages na puro alipusta ang inabot ni Anabil.... Humanda ka vonga mamya sa sampal sampal syo ni amo mo kasi di ka nakakuha ng kakampi rito...

    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1232  lala_que

    04/23/2009 | 01:59 AM
    annabelle, di nakarating sa akin ang bayad para siraan ka at ni richard. malayo yata ang dubai para makaabot ang pera pero ang internet connection kami ang nagbabayad.
    marami ang nasisira ang ulo dito kasi maraming nawawalan ng trabaho, pero ikaw nasira ang ulo thinking na sikat ang anak mo. paano na ang sikat mong richard after this?

    bisaya, pengeng pera.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1231  vivahotbabes

    04/23/2009 | 01:59 AM
    hoy vongatalaga laki siguro sahod mo kay anabil no? ayusin mo ung trabaho mo ipagtanggol mo ng maayos ang amo baka kaw naman banatan ni starlet yan bawiin lahat ng binigay sayo!!monkey monkey anabil hahaha padalhan kita ng regalo 1 box ng banana para manahimik yang mabaho mong bunganga..mag boldstar ka nalang ulit day...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1230  vongatalaga

    04/23/2009 | 01:58 AM

    totoy, basahin maigi bago magreact.

    ayaw magpasulat kung imbento. yan ang dahilan. at may dahilan kaya ginagawa.

    mas masabaho ang mga sinabi mo sa linguwaheng ingles kesa kay annabelle. hindi ibig sabihing ingles mo sinabi ay magandang salita na.

    tumingin sa salamin... you might see that you are uneducated which leads to all the other words you said.

    yun lang....

    hahhahahhahahahahhahahhahahahahhahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1229  Shooter

    04/23/2009 | 01:57 AM
    vagong vihis na si vonga ah na ban na yata ang vongakaday wahahaha. magkano ba comment mo iha/iho naku sulitin mo yan kawawa ka mamya sa amo mong baliw baka sampal sampalin ka bwahahahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1228  iza_marian7

    04/23/2009 | 01:56 AM
    924
    U made me laugh!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About