news

Part 1: Annabelle Rama lambasts GMA-7 executive Wilma Galvante anew

by Eric Borromeo posted on April 22, 2009  STATS: 100135 Views | 1907 Comments

 

"Big rally itong gagawin ko. Ngayon pa lang nagre-recruit ako sa lahat ng mga Bisaya. Mga Bisaya nagmamahal sa akin, nagmamahal sa mga anak ko. Lahat ng mga fans ni Richard. Lahat ng mga fans ni JC [de Vera]. Lahat ng mga fans ng talents ko, puwede kayong mag-join. Kasi 'yang Wilma Galvante na 'yan, she's using her power, overusing her power as executive entertainment sa GMA. Hindi na siya dapat bibigyan ng title na 'yan. Ang title na sa kanya 'devil woman'!" says Annabelle Rama about the "big rally" that she is organizing in an effort to oust GMA-7 executive Annabelle Rama from her post.

Photo By: Noel Orsal

Nagpaunlak na magbigay ng interview via phone patch si Annabelle Rama sa radio program na Wow! Ang Showbiz! sa DWIZ noong Lunes, April 20. Ito ay upang mahingan ng paglilinaw ang talent manager tungkol sa nabanggit niyang "one-sided na report" ng Startalk noong Sabado, April 18, kung saan nakunan ng showbiz talk show ng pahayag ang abogado ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na si Atty. Sandra Olaso-Coronel. (Click here to read related story.)

Sa panayam ng Startalk kay Atty. Coronel, sinagot nito ang cease-and-desist letter na ipinadala ng legal counsel ni Annabelle na si Atty. Agnes Maranan upang ipatigil ang paglathala ng mga artikulo at komento tungkol kay Richard Gutierrez, anak at alaga ng talent manager.

Diretsang tanong ng main host ng radio program na si Ogie Diaz si Annabelle kung galit siya sa Startalk.

"Huwag lang pag-uusapan 'yang Kuya Germs [German Moreno], tapos na ako diyan, okay? Di napalaki ang isyu, dahil si Kuya Germs kausap ko lang kagabi [April 20], hindi raw siya makialam sa isyu naming dalawa ni Wilma [Galvante, SVP for Entertainment TV ng GMA-7], so wala siyang pakialam kay Wilma," umpisa ni Annabelle.

Patuloy niya, "Ako'y galit sa Startalk, kasi alam ko yung lawyer [na] nagpainterbyu diyan sa Startalk, hindi 'yon ano... Approved ni Wilma Galvante 'yon dahil, unang-una, taped interview 'yon, e, yung ginawa ng lawyer, e. Tapos nung sinisiraan niya si Richard, parang pambo-boycott na ginawa ng lawyer na yun kay Richard, approved yun ni Wilma, kasi si Wilma ang senior vice president executive sa entertainment. Entertainment, ibig sabihin, bago pa labas mga show sa GMA, approved niya. Approved niyang lahat 'yan.

"Saka yung mga kunu-kuno nagpadala ng negative comments about Richard sa PEP, gawa-gawa lahat ni Wilma 'yan! Meron siyang limang taong binabayaran, uupo lang sa computer para siraan-siraan si Richard! Ang ginawa ni Wilma saka yung grupo niya, demolition job, okay? Gusto niya mawala si Richard sa GMA para siya na mamahala sa GMA. Lahat ng mga talent under sa kanyang banner. Kasi siya—maraming nag-confirm sa akin—manager na rin siya. Kaya lahat ng mga talent kong mga sikat, sinusulot niya sa akin!"

BIG RALLY AGAINST WILMA. Patuloy ni Annabelle, mag-oorganize daw siya ng isang malaking raally laban sa lady executive ng GMA-7 para mag-resign sa kanyang puwesto.

"Naging gahaman sa pera, suwapang na siya sa pera ngayon! Kaya ako nanawagan, Ogie, sa lahat ng nakikinig sa akin sa radyo ngayon, kung gusto n'yong mag-join, nag-o-organize ako ng big rally against Wilma to step down, to resign. Sinong gusto n'yong sumali sa akin, tumawag lang sa 727-25-36. Ang tumawag, yung gusto lang sumali sa rally. Big rally ito gagawin ko para kay Wilma. Kasi dapat matanggal na si Wilma diyan sa GMA. Hindi siya nakakatulong sa network, nakakasira siya sa network!

"Yung ginagawa niya sa alaga ko, lahat ng talents ko, nag-number one rating sa GMA, sinisira niya sa Internet, sinisira niya sa lahat ng mga shows niya, kaya ngayon, hindi na siya nakakatulong sa network. Nakakasira na siya, dapat siyang mag-step down. Mag-resign na.

"Big rally itong gagawin ko. Ngayon pa lang nagre-recruit ako sa lahat ng mga Bisaya. Mga Bisaya nagmamahal sa akin, nagmamahal sa mga anak ko. Lahat ng mga fans ni Richard. Lahat ng mga fans ni JC [de Vera]. Lahat ng mga fans ng talents ko, pwede kayong mag-join. Kasi 'yang Wilma Galvante na 'yan, she's using her power, overusing her power as executive entertainment sa GMA. Hindi na siya dapat bibigyan ng title na 'yan. Ang title na sa kanya 'devil woman'!

"Ako, Ogie, mabait na tao. Mabait akong Bisaya. Nirerespeto ko siya. Kaya binabastos niya ako, wala siyang respeto sa akin, I don't have to respect her. Masyado siyang mabastos. Masyado siyang corrupt sa GMA. Lahat itong sinasabi ko sa 'yo, wala akong pakialam [kung] makarating kay Wilma, magdemanda siya, haharapin ko siya! Siya'y corrupt sa GMA, mang-aagaw ng talent!

"Uulitin ko, lahat ng nakikinig ngayon sa akin sa radyo, lahat ng fans ni Richard pwede kayong mag-support sa akin sa gagawin kong rally. Lahat ng mga Bisayang kababayan ko, yung mga nagmamahal sa akin, pwede kayong mag-join sa akin para pabagsakin 'yang Wilma Galvante dahil hindi siya nakakatulong sa network.

"Lahat ng mga empleyado ng GMA na ayaw kay Wilma, pwede kayong mag-join. 'Wag kayong matatakot mag-join sa akin. Malalaglag 'yang bruha sa GMA talaga 'yan!

"Kasi hindi maganda ang ginawa niya kay Richard. Number one si Richard sa GMA. Number one ang Zorro, pilit niyang pabagsakin. Yung mga comment sa PEP... Yung PEP, i-ban n'yo na 'yan, ha? I-ban n'yo 'yang PEP, kasi puro kasinungalingan! Nakakasira siya sa kapwa artista, sisirain niya lahat ng mga artista. Puro fake 'yan, tao lahat ni Wilma ang gumagawa niyan! Hindi 'yan galing sa mga fans. Walang bastos na fans si Richard, kaya galing 'yan sa mga fans ni Wilma, kasing bastos rin niya!"

Hindi ba kinuha ng Startalk ang panig mo niya nung Sabado?

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

1907 Comments

  • 1067  kapamilyuck_suck

    04/23/2009 | 12:01 AM
    may rally talaga...lol natawa naman ako
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1066  messy11

    04/23/2009 | 12:01 AM
    naiinis ako sa bunganga ni ananbel pero nawala yung inis ko ng mabasa ko yung comment ni bisayang pataygutom... hehehe!! natawa kasi ako sa comment niya yung number 790 eh!!! hahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1065  balugababe

    04/23/2009 | 12:00 AM
    pansin ko halos lahat ABS talent ang featured article ng PEP ah.
    unusual itis hehehe
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1064  ABS_sorelosers

    04/23/2009 | 12:00 AM
    enumerate nga kayo ng talents ni WG if ever man na talent manager na sya?

    ang totoo niyan, si annabel ang inggit sa position ni WG.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1063  ohhh_yeah

    04/22/2009 | 11:59 PM
    Grabeh as Rufing is always saying!

    Wala akong masabi sa litanya ni Monster mom puro self and personal attack ang di niya alam buong channel 7 ang sinisira niya at dahil doon ipanikikita niya na sobrang Pride siya sobrang concieted...

    Kawawa naman tong babaeng ito masyadong masama ang ugali at ang masakit wala ng producer na matutuwa na makipag deal sa kanya at siguro pati TV networks di na mag aaksayang kunin ang kanyang mga alaga dahil pag nandun siya siguradong di matatahimik ang Network...

    so now Mr. Gozon why keep her and her ward ginulo niya po ang inyong esteemed Company at patuloy niya itong winawasak...

    Yun ay aking pananaw lang...

    Rhx from Dammam Saudi Arabia its 7:00Pm here...

    Kapusong totoo...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1062  bzwifenmom24_7

    04/22/2009 | 11:58 PM
    Daanin nalang ito sa sabunutan. What a cat fight it would be!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1061  roughneck

    04/22/2009 | 11:57 PM
    anabil nakaka sira ka sa GMA kung ayaw mo kay Ms.Wilma hakutin mo na ang lahat ng talent mo.hindi kayo kawalan mas marami pang magagaling na talent ang GMA.aantayin namin ang pagbaksak mo malapit na yun.hahahahaha.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1060  tilty

    04/22/2009 | 11:57 PM
    takot si annabel lumipat sa abs kasi for sure d uobra sa mga baklang executiver ang attitude nyang yan, nakakatakot si annabel kaya for sure kahit sa channel 2 d nila tatanggapin ang bbaeng yan anita na si annabel
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1059  megaocho

    04/22/2009 | 11:57 PM
    monster mom, what you said wiil be against you. Wilma,pep.,robingson,atty.coronoel can sueyou for slander. Be careful, baka maubos ang pera mo sa pagfile ng kaso at bayad sa abodago. ALl i can say, I am not bayaran nor staff ni wilma or pep. I am avid fan of Mrian and I do not know anybody here. I am from California, USAgt;
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1058  bisayang_pataygutom

    04/22/2009 | 11:57 PM
    lolololol, STARQUEEN, u make my day, hahahaa. may i 2nd the motion???
    again, plis disappear for world peace and for the development of mental health, ahhihihihihiii....by the way? Miss Anabelle, how are you today?... what i mean is...how is ur mental health today?; hihihihiii
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1057  ohhh_yeah

    04/22/2009 | 11:57 PM
    Grabeh as Rufing is always saying!

    Wala akong masabi sa litanya ni Monster mom puro self and personal attack ang di niya alam buong channel 7 ang sinisira niya at dahil doon ipanikikita niya na sobrang Pride siya sobrang concieted...

    Kawawa naman tong babaeng ito masyadong masama ang ugali at ang masakit wala ng producer na matutuwa na makipag deal sa kanya at siguro pati TV networks di na mag aaksayang kunin ang kanyang mga alaga dahil pag nandun siya siguradong di matatahimik ang Network...

    so now Mr. Gozon why keep he and her ward ginulo niya po ang inyong esteemed Company at patuloy niya itong winawasak...

    Yun aya aking pananaw...

    Rhx from Dammam Saudi Arabia its 6:58Pm here...

    Kapusong totoo...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1056  sige_na_nga

    04/22/2009 | 11:56 PM
    naiinis sya kasi akala nya si retsard lang artista sa GMA hehe... naka singit lang sila ding dong at yung iba pikon na pikon na hoy self proclaimed bisaya na ikinahihiya naman ng mga bisaya pwede pa mag isip isip ka... pina dadali mo ang career ng mag anak mo... mga walang utang na loob... ang taas ng tingin sasarili bopols naman...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1055  vongatalaga

    04/22/2009 | 11:56 PM

    for the record, winner ang lola bisaya ninyo pag-dating sa mga kaso. Natalo niya si Lolit at Cristy. Mga batikan at matapang na kinakasuhan yan mga yan.

    Hold on to your money Wilma... here come Annabelle!

    hahhahahhahhahahahhahahahhaa
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1054  kapamilyuck_suck

    04/22/2009 | 11:56 PM
    kami ang magrarally pag pinaban mo ang pep bruha ka!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1053  surigee

    04/22/2009 | 11:56 PM
    tama si anabelle, siniraan at sinabihan din ni wilma si angel before. kaya masama talaga ang ugali niyang wilma na yan.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1052  kapamilyuck_suck

    04/22/2009 | 11:55 PM
    OA ni bisaya.. ahh.. sinong tinakot nya..kapiranggot lang naman mga fans ng anak nya!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1051  jeezy_young

    04/22/2009 | 11:55 PM
    ang sabihin m wala mkiki-alayado sau kundi mga bayaran m anabel!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1050  anicoth

    04/22/2009 | 11:55 PM
    Naku ngkakaalaman na. Sino kaya ang malalaglag sa dalawang to. Wag naman i-ban ang pep kasi boring ako dito pag ngkataon. Ito lang ang libangan ko dito sa switzerland. Pero agree ako na matatapang ang mga bisaya kasi bisaya din ako..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1049  balugababe

    04/22/2009 | 11:55 PM
    conflict of interest nga naman ang SVP ka na tapos talent manager pa...

    pero ms rama, giahak man ka uy. ceasefire muna bunganga mo dahil you're digging a deeper hole for yourself.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1048  starqueen

    04/22/2009 | 11:54 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About