"Hindi, kaya ako nagagalit, e," sagot ni Annabelle. "Pinababayaan niya yung lawyer [ng PEP] na mukhang butiki! Ngawa nang ngawa sa TV, sinisiraan si Richard. Pinagbabawalang tumuntong sa Robinson's. Pinagbawalang bumili ng magazine ng YES!. Well, lahat ng fans ni Richard, 'wag na kayong bumili ng YES!. I-ban n'yo na 'yang YES!. I-ban n'yo na 'yang PEP na 'yan."
FIGHTING FOR HER SON. Nakakaapekto ba kay Richard ang gulong ito?
"Si Richard, nagte-taping ngayon ng Zorro sa Bataan. Wala siyang pakialam sa gulo. Tuloy-tuloy ang taping niya. Ako lahat ang humaharap ng gulong ito. Ako ang manager. Ako ang nanay. Ako nasasaktan, hindi si Richard. Ako nanay, nasasaktan. Pinalaki ko anak ko maging mabuting anak. Hindi maging barumbado. Hindi manutok ng baril. Hindi ko pinalaki mga anak kong maging bastos katulad ni Wilma Galvante'ng traydor!
"Kailangan si Wilma magsimba araw-araw para ang sungay niya matatanggal sa katawan niya. Satanas 'yang Wilma na 'yan! Satanas 'yan!"
"Ogie, itong sinasabi ko lang sa radyo, wala akong pakialam, kumuha siya ng kopya, magdemanda siya, haharapin ko. I'm just telling the truth. Corrupt siya sa GMA!" dire-diretsong pahahayg ni Annabelle.
Meron ba siyang hawak na pruweba?
"Hindi na kailangan ang pruweba, Ogie. Ikaw, nakikita mo naman na corrupt siya, a! Hindi mo ba siya nakikitang corrupt? Nang-aagaw siya ng mga talent! Siniraan niya si JC, siniraan niya si Heart [Evangelista]. E, yung mga toprater ng GMA 'yan. Tatlong alaga ko, number one sa GMA, sinisiraan niya. Pilit niyang pababagsakin. Papasikatin niya mga trying hard niyang hawak na mga artista, wala namang talent! Puro mga bobo namang umarte! Gusto niyang pumalit sa puwesto ni Richard. Puwes, pasikatin niyang mga alaga niya. Bruha siya!" walang prenong sabi ng ina ni Richard.
Bago pa man natapos ni Ogie ang tanong kung may effort si Atty. Gozon na ayusin ang gulo nila ni Wilma, agad na sagot ni Annabelle: "Wala nang effort-effort! Ito, Ogie, inumpisahan niya ang gulo, tatapusin ko! Nagkakamali siya, kinalaban niya isang Bisaya. Kung kaya niya lahat ng mga manager tapak-tapakan, hindi niya ako kaya, Ogie. Walang Bisayang umaatras sa laban! Walang Bisayang takot! Walang Bisayang takot!
"Kaming mga Bisaya, mababait. 'Wag ko kaming umpisahan, hindi kami titigil!"
So, personally may galit ba siya sa Startalk o may partikular na tao lang sa Startalk?
"Ako mismo ang may galit sa kanila," sagot ni Annabelle. "Ako mismo. Kinumplain ko na kay Atty. [Felipe] Gozon. Kinumplain ko na kay [Jimmy] Duavit. At hindi ako titigil hangga't malaglag 'yang bruha sa GMA! Walanghiyang bruha na 'yan! Pati si JC, kinukulong sa kuwarto niya, sinisira-siraan ako, para mawala si JC sa akin. Di ba, panunulot ng mga devil 'yan?
"Mukha siyang pera masyado! Pati si JC, pati si Heart, kinulong niya sa kuwarto. Kaya nawala si Angel [Locsin] sa GMA 7, e. Kasi si Angel, kinulong niya sa kuwarto rin 'yan. Pinagmumura niya manager [Becky Aguila] ni Angel, kaya lumayas manager ni Angel sa GMA, e.
"'Yan ang real reason, nawala si Angel sa GMA. Sabi nila ingrata, hindi ingrata si Angel. Tama si Angel. Kailangang lumayas siya dahil walanghiya 'yang kanyang ano d'yan sa GMA, boss sa GMA. Walanghiya talaga 'yan!" ulit niya.
Ano ang next move niya?
"Hindi ko na dapat sasabihin ang next move ko, Ogie Diaz. Tama na yung mga pinagsasabi ko sa 'yo. Tamang-tama na 'yan!" saad ni Annabelle.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
1067 kapamilyuck_suck
1066 messy11
1065 balugababe
unusual itis hehehe
1064 ABS_sorelosers
ang totoo niyan, si annabel ang inggit sa position ni WG.
1063 ohhh_yeah
Wala akong masabi sa litanya ni Monster mom puro self and personal attack ang di niya alam buong channel 7 ang sinisira niya at dahil doon ipanikikita niya na sobrang Pride siya sobrang concieted...
Kawawa naman tong babaeng ito masyadong masama ang ugali at ang masakit wala ng producer na matutuwa na makipag deal sa kanya at siguro pati TV networks di na mag aaksayang kunin ang kanyang mga alaga dahil pag nandun siya siguradong di matatahimik ang Network...
so now Mr. Gozon why keep her and her ward ginulo niya po ang inyong esteemed Company at patuloy niya itong winawasak...
Yun ay aking pananaw lang...
Rhx from Dammam Saudi Arabia its 7:00Pm here...
Kapusong totoo...
1062 bzwifenmom24_7
1061 roughneck
1060 tilty
1059 megaocho
1058 bisayang_pataygutom
again, plis disappear for world peace and for the development of mental health, ahhihihihihiii....by the way? Miss Anabelle, how are you today?... what i mean is...how is ur mental health today?; hihihihiii
1057 ohhh_yeah
Wala akong masabi sa litanya ni Monster mom puro self and personal attack ang di niya alam buong channel 7 ang sinisira niya at dahil doon ipanikikita niya na sobrang Pride siya sobrang concieted...
Kawawa naman tong babaeng ito masyadong masama ang ugali at ang masakit wala ng producer na matutuwa na makipag deal sa kanya at siguro pati TV networks di na mag aaksayang kunin ang kanyang mga alaga dahil pag nandun siya siguradong di matatahimik ang Network...
so now Mr. Gozon why keep he and her ward ginulo niya po ang inyong esteemed Company at patuloy niya itong winawasak...
Yun aya aking pananaw...
Rhx from Dammam Saudi Arabia its 6:58Pm here...
Kapusong totoo...
1056 sige_na_nga
1055 vongatalaga
for the record, winner ang lola bisaya ninyo pag-dating sa mga kaso. Natalo niya si Lolit at Cristy. Mga batikan at matapang na kinakasuhan yan mga yan.
Hold on to your money Wilma... here come Annabelle!
hahhahahhahhahahahhahahahhaa
1054 kapamilyuck_suck
1053 surigee
1052 kapamilyuck_suck
1051 jeezy_young
1050 anicoth
1049 balugababe
pero ms rama, giahak man ka uy. ceasefire muna bunganga mo dahil you're digging a deeper hole for yourself.
1048 starqueen
more comments