news

Part 1: Annabelle Rama lambasts GMA-7 executive Wilma Galvante anew

by Eric Borromeo posted on April 22, 2009  STATS: 100137 Views | 1907 Comments

 

"Big rally itong gagawin ko. Ngayon pa lang nagre-recruit ako sa lahat ng mga Bisaya. Mga Bisaya nagmamahal sa akin, nagmamahal sa mga anak ko. Lahat ng mga fans ni Richard. Lahat ng mga fans ni JC [de Vera]. Lahat ng mga fans ng talents ko, puwede kayong mag-join. Kasi 'yang Wilma Galvante na 'yan, she's using her power, overusing her power as executive entertainment sa GMA. Hindi na siya dapat bibigyan ng title na 'yan. Ang title na sa kanya 'devil woman'!" says Annabelle Rama about the "big rally" that she is organizing in an effort to oust GMA-7 executive Annabelle Rama from her post.

Photo By: Noel Orsal

Nagpaunlak na magbigay ng interview via phone patch si Annabelle Rama sa radio program na Wow! Ang Showbiz! sa DWIZ noong Lunes, April 20. Ito ay upang mahingan ng paglilinaw ang talent manager tungkol sa nabanggit niyang "one-sided na report" ng Startalk noong Sabado, April 18, kung saan nakunan ng showbiz talk show ng pahayag ang abogado ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na si Atty. Sandra Olaso-Coronel. (Click here to read related story.)

Sa panayam ng Startalk kay Atty. Coronel, sinagot nito ang cease-and-desist letter na ipinadala ng legal counsel ni Annabelle na si Atty. Agnes Maranan upang ipatigil ang paglathala ng mga artikulo at komento tungkol kay Richard Gutierrez, anak at alaga ng talent manager.

Diretsang tanong ng main host ng radio program na si Ogie Diaz si Annabelle kung galit siya sa Startalk.

"Huwag lang pag-uusapan 'yang Kuya Germs [German Moreno], tapos na ako diyan, okay? Di napalaki ang isyu, dahil si Kuya Germs kausap ko lang kagabi [April 20], hindi raw siya makialam sa isyu naming dalawa ni Wilma [Galvante, SVP for Entertainment TV ng GMA-7], so wala siyang pakialam kay Wilma," umpisa ni Annabelle.

Patuloy niya, "Ako'y galit sa Startalk, kasi alam ko yung lawyer [na] nagpainterbyu diyan sa Startalk, hindi 'yon ano... Approved ni Wilma Galvante 'yon dahil, unang-una, taped interview 'yon, e, yung ginawa ng lawyer, e. Tapos nung sinisiraan niya si Richard, parang pambo-boycott na ginawa ng lawyer na yun kay Richard, approved yun ni Wilma, kasi si Wilma ang senior vice president executive sa entertainment. Entertainment, ibig sabihin, bago pa labas mga show sa GMA, approved niya. Approved niyang lahat 'yan.

"Saka yung mga kunu-kuno nagpadala ng negative comments about Richard sa PEP, gawa-gawa lahat ni Wilma 'yan! Meron siyang limang taong binabayaran, uupo lang sa computer para siraan-siraan si Richard! Ang ginawa ni Wilma saka yung grupo niya, demolition job, okay? Gusto niya mawala si Richard sa GMA para siya na mamahala sa GMA. Lahat ng mga talent under sa kanyang banner. Kasi siya—maraming nag-confirm sa akin—manager na rin siya. Kaya lahat ng mga talent kong mga sikat, sinusulot niya sa akin!"

BIG RALLY AGAINST WILMA. Patuloy ni Annabelle, mag-oorganize daw siya ng isang malaking raally laban sa lady executive ng GMA-7 para mag-resign sa kanyang puwesto.

"Naging gahaman sa pera, suwapang na siya sa pera ngayon! Kaya ako nanawagan, Ogie, sa lahat ng nakikinig sa akin sa radyo ngayon, kung gusto n'yong mag-join, nag-o-organize ako ng big rally against Wilma to step down, to resign. Sinong gusto n'yong sumali sa akin, tumawag lang sa 727-25-36. Ang tumawag, yung gusto lang sumali sa rally. Big rally ito gagawin ko para kay Wilma. Kasi dapat matanggal na si Wilma diyan sa GMA. Hindi siya nakakatulong sa network, nakakasira siya sa network!

"Yung ginagawa niya sa alaga ko, lahat ng talents ko, nag-number one rating sa GMA, sinisira niya sa Internet, sinisira niya sa lahat ng mga shows niya, kaya ngayon, hindi na siya nakakatulong sa network. Nakakasira na siya, dapat siyang mag-step down. Mag-resign na.

"Big rally itong gagawin ko. Ngayon pa lang nagre-recruit ako sa lahat ng mga Bisaya. Mga Bisaya nagmamahal sa akin, nagmamahal sa mga anak ko. Lahat ng mga fans ni Richard. Lahat ng mga fans ni JC [de Vera]. Lahat ng mga fans ng talents ko, pwede kayong mag-join. Kasi 'yang Wilma Galvante na 'yan, she's using her power, overusing her power as executive entertainment sa GMA. Hindi na siya dapat bibigyan ng title na 'yan. Ang title na sa kanya 'devil woman'!

"Ako, Ogie, mabait na tao. Mabait akong Bisaya. Nirerespeto ko siya. Kaya binabastos niya ako, wala siyang respeto sa akin, I don't have to respect her. Masyado siyang mabastos. Masyado siyang corrupt sa GMA. Lahat itong sinasabi ko sa 'yo, wala akong pakialam [kung] makarating kay Wilma, magdemanda siya, haharapin ko siya! Siya'y corrupt sa GMA, mang-aagaw ng talent!

"Uulitin ko, lahat ng nakikinig ngayon sa akin sa radyo, lahat ng fans ni Richard pwede kayong mag-support sa akin sa gagawin kong rally. Lahat ng mga Bisayang kababayan ko, yung mga nagmamahal sa akin, pwede kayong mag-join sa akin para pabagsakin 'yang Wilma Galvante dahil hindi siya nakakatulong sa network.

"Lahat ng mga empleyado ng GMA na ayaw kay Wilma, pwede kayong mag-join. 'Wag kayong matatakot mag-join sa akin. Malalaglag 'yang bruha sa GMA talaga 'yan!

"Kasi hindi maganda ang ginawa niya kay Richard. Number one si Richard sa GMA. Number one ang Zorro, pilit niyang pabagsakin. Yung mga comment sa PEP... Yung PEP, i-ban n'yo na 'yan, ha? I-ban n'yo 'yang PEP, kasi puro kasinungalingan! Nakakasira siya sa kapwa artista, sisirain niya lahat ng mga artista. Puro fake 'yan, tao lahat ni Wilma ang gumagawa niyan! Hindi 'yan galing sa mga fans. Walang bastos na fans si Richard, kaya galing 'yan sa mga fans ni Wilma, kasing bastos rin niya!"

Hindi ba kinuha ng Startalk ang panig mo niya nung Sabado?

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

1907 Comments

  • 1007  ohhh_yeah

    04/22/2009 | 11:32 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1006  snoot

    04/22/2009 | 11:32 PM
    naaawa aku sa iba nyang talents lalo na ky heart..sobra kana anabel..hindi kna nakakatuwa..papagulpi na kita sa gwardyang may batuta..nyahahaha..
    kumanta ba..ahahaha..seriously, pwede ba anabel ikaw ang lumayas sa GMA..isama mo c ritsard at iwan mo nlng c heart at jc..hindi kau kawalan sa GMA..tatahimik ang GMA kng wala ka! hmp!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1005  balugababe

    04/22/2009 | 11:32 PM
    ang tanong sino sino ang limang bayaran ni wilma dito at ano ang usernames nila? hahaha

    pano nyo pa suspend si bisaya eh di naman sya empleado ng GMA. pwede syang patahimikin muna dahil nasa korte na ang lahat so dapat tigil na sya sa kakadakdak kung may malasakit sya sa mga gozons at dapat si atty gozon na mismo ang umayos sa gulong to dahil sya lang ang pinapakinggan ni annabel.

    at siguro tingnan na rin ng GMA ang anggulong wilma galvante dahil di ibig sabihin na mataray si annabel eh walang bahid ng katotohanan ang sinasabi nya

    ewan! gulo gulo na! pati tuloy projects ng big stars nila naaantala. pero curious ako don sa kaso ni Angel ha? hmmmm
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1004  badiday

    04/22/2009 | 11:32 PM
    Pwede ba, mgresearh ka kung marunong kang mgbasa, para kna ring c annabel
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1003  buboy_902

    04/22/2009 | 11:32 PM
    Seriously, Annabelle should see these things with a fresh eye. Instead of antagonizing the PEP bloggers, she should use these comments as her statistical data to get the public perception.

    Annabelle should use these technological tools to re-think her position because it all boils down to what the public thinks about her and her talents.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1002  faithsarrio

    04/22/2009 | 11:31 PM
    It's a no brainer that without Galvante, GMA wouldn't attain number 1 status they enjoy today. Galvante is one smart lady who has an eye for talent. She can make ordinary unknown star famous similar to what she did with Marian Rivera.

    Good riddance Richard Gutierrez. I can't wait the time when he leaves GMA. I'm sure his career will quickly go down the drain on ABSCBN.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1001  gma7whereyoubelong

    04/22/2009 | 11:31 PM
    personally i don't like wilma galvante...i want her to resign from gma7....but anabelle's tirade is too much..her children should stop her she is a disgrace to their family
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1000  vongatalaga

    04/22/2009 | 11:31 PM

    zorro is no. 1 now. why would a businessman in his right mind dump a hot selling item?

    annabelle is with gma to protect it. wilma on the other hand has her own agenda.

    lets start the rally... im sure starqueen will come.

    ahhahhahahahhahahhahahhahahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 999  starqueen

    04/22/2009 | 11:31 PM
    carla dear - i think vonga is ruffa...
    what do you think? it defintely is not jun lalin - he cant speak english...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 998  paulinbai

    04/22/2009 | 11:28 PM
    anabel should think me global recession ngayon...

    baka makasabay ang mga talents natin
    ang datung....

    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 997  firebird

    04/22/2009 | 11:28 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 996  ahnn0709

    04/22/2009 | 11:28 PM
    Pero kunsakali man matuloy ang rally ni bisaya, sasali ako. hehehe! Basta babayaran nya talent fee ko. Syempre, hirap yata kumita ng pera sa UK. Per oras ang singil ko. Pwede na Ģ60 an hour, syempre double pay. Parang bank holiday pay as agency. hehehe! Tsaka sagutin nya airline ticket ko huh? Return ticket syempre. wahahaha!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 995  starqueen

    04/22/2009 | 11:28 PM
    vonga - you can ban yourself from this place.. it would help world peace and improve everyone's mental health.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 994  faithsarrio

    04/22/2009 | 11:27 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 993  gma7whereyoubelong

    04/22/2009 | 11:27 PM
    the reason why she didn't push through with the rally eh dahil walang tumawag...hehehe
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 992  vongatalaga

    04/22/2009 | 11:27 PM

    starqueen... read again. pep is just doing their job.

    carefully with your choice of words. i thought you are literate enough to understand what you read and what you are in for.

    you are threatening. dont cammouflage.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 991  paulinbai

    04/22/2009 | 11:27 PM
    i suggest i give-up na lang yan si richard ng gma.

    wala namang choice si anabel sa mga talents niya... its GMA's win not her. Knowing GMA na hindi mahilig sa canned star at kahit matagal yang sumikat at kahit san man yan naggaling basta me' talent -- GMA will bank on them. Unlike ABS,ayaw ni sister malou na magpapasikat pa sila, canned na at magpropromo na lang sa package ng isang artista. Chos!

    and sure ABS CBN will not bite anabel's offer pagnagkataon. Charo maybe political at pwedeng sakyan yan pero TF will just be of mediocre level...

    panu na lang ang mas stable na male artista nila like piolo, jerico,jake, diet, at marami pang-iba -- you mean, charo will settle for less...impossible

    comes JC...sorry .. bubbles, sorry walang status for a lead role, and to ms. heart, of course kawawa ang batang ito na kamove-on na, move na naman.

    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 990  ohhh_yeah

    04/22/2009 | 11:27 PM
    Kaloka kayo mga ka-Pepsters...

    At Kaka-Inis naman itong Showbiz Monster Mom na Ito!

    Anyway its 6:22 PM na dito sa Dammam KSA...

    I need to relax ayoko na ng mapolute ang mind ko sa basurang bunganga ni Ms Ana-Evil...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 989  antonia_jpy

    04/22/2009 | 11:27 PM
    buang ning bayhana ni, ako bisaya di ko mo supurta sa imo day uwaw uwaw ka lang sa mga bisaya, ayaw mi apil apil sa imong ka buangan
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 988  guaide

    04/22/2009 | 11:26 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About