Nagpaunlak na magbigay ng interview via phone patch si Annabelle Rama sa radio program na Wow! Ang Showbiz! sa DWIZ noong Lunes, April 20. Ito ay upang mahingan ng paglilinaw ang talent manager tungkol sa nabanggit niyang "one-sided na report" ng Startalk noong Sabado, April 18, kung saan nakunan ng showbiz talk show ng pahayag ang abogado ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na si Atty. Sandra Olaso-Coronel. (Click here to read related story.)
Sa panayam ng Startalk kay Atty. Coronel, sinagot nito ang cease-and-desist letter na ipinadala ng legal counsel ni Annabelle na si Atty. Agnes Maranan upang ipatigil ang paglathala ng mga artikulo at komento tungkol kay Richard Gutierrez, anak at alaga ng talent manager.
Diretsang tanong ng main host ng radio program na si Ogie Diaz si Annabelle kung galit siya sa Startalk.
"Huwag lang pag-uusapan 'yang Kuya Germs [German Moreno], tapos na ako diyan, okay? Di napalaki ang isyu, dahil si Kuya Germs kausap ko lang kagabi [April 20], hindi raw siya makialam sa isyu naming dalawa ni Wilma [Galvante, SVP for Entertainment TV ng GMA-7], so wala siyang pakialam kay Wilma," umpisa ni Annabelle.
Patuloy niya, "Ako'y galit sa Startalk, kasi alam ko yung lawyer [na] nagpainterbyu diyan sa Startalk, hindi 'yon ano... Approved ni Wilma Galvante 'yon dahil, unang-una, taped interview 'yon, e, yung ginawa ng lawyer, e. Tapos nung sinisiraan niya si Richard, parang pambo-boycott na ginawa ng lawyer na yun kay Richard, approved yun ni Wilma, kasi si Wilma ang senior vice president executive sa entertainment. Entertainment, ibig sabihin, bago pa labas mga show sa GMA, approved niya. Approved niyang lahat 'yan.
"Saka yung mga kunu-kuno nagpadala ng negative comments about Richard sa PEP, gawa-gawa lahat ni Wilma 'yan! Meron siyang limang taong binabayaran, uupo lang sa computer para siraan-siraan si Richard! Ang ginawa ni Wilma saka yung grupo niya, demolition job, okay? Gusto niya mawala si Richard sa GMA para siya na mamahala sa GMA. Lahat ng mga talent under sa kanyang banner. Kasi siya—maraming nag-confirm sa akin—manager na rin siya. Kaya lahat ng mga talent kong mga sikat, sinusulot niya sa akin!"
BIG RALLY AGAINST WILMA. Patuloy ni Annabelle, mag-oorganize daw siya ng isang malaking raally laban sa lady executive ng GMA-7 para mag-resign sa kanyang puwesto.
"Naging gahaman sa pera, suwapang na siya sa pera ngayon! Kaya ako nanawagan, Ogie, sa lahat ng nakikinig sa akin sa radyo ngayon, kung gusto n'yong mag-join, nag-o-organize ako ng big rally against Wilma to step down, to resign. Sinong gusto n'yong sumali sa akin, tumawag lang sa 727-25-36. Ang tumawag, yung gusto lang sumali sa rally. Big rally ito gagawin ko para kay Wilma. Kasi dapat matanggal na si Wilma diyan sa GMA. Hindi siya nakakatulong sa network, nakakasira siya sa network!
"Yung ginagawa niya sa alaga ko, lahat ng talents ko, nag-number one rating sa GMA, sinisira niya sa Internet, sinisira niya sa lahat ng mga shows niya, kaya ngayon, hindi na siya nakakatulong sa network. Nakakasira na siya, dapat siyang mag-step down. Mag-resign na.
"Big rally itong gagawin ko. Ngayon pa lang nagre-recruit ako sa lahat ng mga Bisaya. Mga Bisaya nagmamahal sa akin, nagmamahal sa mga anak ko. Lahat ng mga fans ni Richard. Lahat ng mga fans ni JC [de Vera]. Lahat ng mga fans ng talents ko, pwede kayong mag-join. Kasi 'yang Wilma Galvante na 'yan, she's using her power, overusing her power as executive entertainment sa GMA. Hindi na siya dapat bibigyan ng title na 'yan. Ang title na sa kanya 'devil woman'!
"Ako, Ogie, mabait na tao. Mabait akong Bisaya. Nirerespeto ko siya. Kaya binabastos niya ako, wala siyang respeto sa akin, I don't have to respect her. Masyado siyang mabastos. Masyado siyang corrupt sa GMA. Lahat itong sinasabi ko sa 'yo, wala akong pakialam [kung] makarating kay Wilma, magdemanda siya, haharapin ko siya! Siya'y corrupt sa GMA, mang-aagaw ng talent!
"Uulitin ko, lahat ng nakikinig ngayon sa akin sa radyo, lahat ng fans ni Richard pwede kayong mag-support sa akin sa gagawin kong rally. Lahat ng mga Bisayang kababayan ko, yung mga nagmamahal sa akin, pwede kayong mag-join sa akin para pabagsakin 'yang Wilma Galvante dahil hindi siya nakakatulong sa network.
"Lahat ng mga empleyado ng GMA na ayaw kay Wilma, pwede kayong mag-join. 'Wag kayong matatakot mag-join sa akin. Malalaglag 'yang bruha sa GMA talaga 'yan!
"Kasi hindi maganda ang ginawa niya kay Richard. Number one si Richard sa GMA. Number one ang Zorro, pilit niyang pabagsakin. Yung mga comment sa PEP... Yung PEP, i-ban n'yo na 'yan, ha? I-ban n'yo 'yang PEP, kasi puro kasinungalingan! Nakakasira siya sa kapwa artista, sisirain niya lahat ng mga artista. Puro fake 'yan, tao lahat ni Wilma ang gumagawa niyan! Hindi 'yan galing sa mga fans. Walang bastos na fans si Richard, kaya galing 'yan sa mga fans ni Wilma, kasing bastos rin niya!"
Hindi ba kinuha ng Startalk ang panig mo niya nung Sabado?




CALLED OUT
ALL COMMENTS
1827 sweetposh
1826 vivahotbabes
1825 dadayko
di ako naniniwala dito nung una kaso nga, parang totoo.
sana naman lahat e chismis lang pero kung totoo man yung nangyari kay angel, pwede ngang sabihin nating simpleng cruelty ang pinapairal ni wilma galvante.
sana meron ditong magsabi sa amin na hindi totoo lahat ng mga naririnig namin
1824 dadayko
ang narinig ko ang marimar kay angel talaga.inaccept na nya pero magaaral lang sya.at request lang na konting sexy lang.pero kala ni wilma e yung magaaral sya pagbalik dito e lipat na sya sa abs.
kaya nagulat si angel ng nagpa-audition si wilma for marimar na nakuha ni marian. pero di nagcomplain si angel hanggang sa nalaman na lang nya, lahat ng projects na nakaline up para sa kanya e totally inaalis sa kanya.
no choice si angel pero need nya work dahil ang mga projects sa abs na inoffer sa kanya e tinanggihan nya nung una kasi di pa pumapayag ang gma na wag na syang ico-manage
1823 illbethere
1822 Ilovekapuso
1821 totallyfab
1820 thessmarie009
1819 fagero
1818 lovelypinay
1817 dahlagi
1816 ecravz
1815 22222
1814 yndy25
1813 arlene33
hakhak pano kami babayaran eh nasa abroad kami bwahahaha sarili at kusa kami sa pagbibigay comment d2 i dont care kung ano ipinaglalaban ni annabel basta go ako sa kanya sa pagpapatalsik kay wilma g haha maloka kau sa inis kay bisaya dahil d kayang bitawan ng mga gozon ang alaga ni bisaya bwahahaha....
1812 Ilovekapuso
1811 princessprocopia
LOL. funny.
1810 arlene33
read all ur comment here in pep doon masasalamin mo kung ano pag-uugali mo meron ka wag ka ipokrita sa pangsasabi ng masasama kay annabel na walang dignidad karamihan sa mga pula nyo sa kay bisaya eh mas masama pa sa mga pananalita ni bisaya cno ngayun nagmumukhang ewan dba kau haha kahit ano pa sabihin nyo alipores bayaran caregiver d2 sa abroad ang mahalaga d kami nagsasalita ng kasing baho ng lumalabas dyan sa bunganga nyo bwahaha let see kung cno mananalo my bet is wth annabel kc ang gozon nananahimik lang pero nasa panig yan ni annabel dahil noon pa marami ng umalingasaw sa mga pinaggagawa ni wilma g. basta go annabel nasa likod mo ko sa pagpapatalsik kay wilma hayaan na ang mga yan sumakit ang dibdib sa inis sau hak hak..
1809 m107029
1808 mindfairy
more comments