news

Part 1: Annabelle Rama lambasts GMA-7 executive Wilma Galvante anew

by Eric Borromeo posted on April 22, 2009  STATS: 100174 Views | 1907 Comments

 

"Big rally itong gagawin ko. Ngayon pa lang nagre-recruit ako sa lahat ng mga Bisaya. Mga Bisaya nagmamahal sa akin, nagmamahal sa mga anak ko. Lahat ng mga fans ni Richard. Lahat ng mga fans ni JC [de Vera]. Lahat ng mga fans ng talents ko, puwede kayong mag-join. Kasi 'yang Wilma Galvante na 'yan, she's using her power, overusing her power as executive entertainment sa GMA. Hindi na siya dapat bibigyan ng title na 'yan. Ang title na sa kanya 'devil woman'!" says Annabelle Rama about the "big rally" that she is organizing in an effort to oust GMA-7 executive Annabelle Rama from her post.

Photo By: Noel Orsal

Nagpaunlak na magbigay ng interview via phone patch si Annabelle Rama sa radio program na Wow! Ang Showbiz! sa DWIZ noong Lunes, April 20. Ito ay upang mahingan ng paglilinaw ang talent manager tungkol sa nabanggit niyang "one-sided na report" ng Startalk noong Sabado, April 18, kung saan nakunan ng showbiz talk show ng pahayag ang abogado ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na si Atty. Sandra Olaso-Coronel. (Click here to read related story.)

Sa panayam ng Startalk kay Atty. Coronel, sinagot nito ang cease-and-desist letter na ipinadala ng legal counsel ni Annabelle na si Atty. Agnes Maranan upang ipatigil ang paglathala ng mga artikulo at komento tungkol kay Richard Gutierrez, anak at alaga ng talent manager.

Diretsang tanong ng main host ng radio program na si Ogie Diaz si Annabelle kung galit siya sa Startalk.

"Huwag lang pag-uusapan 'yang Kuya Germs [German Moreno], tapos na ako diyan, okay? Di napalaki ang isyu, dahil si Kuya Germs kausap ko lang kagabi [April 20], hindi raw siya makialam sa isyu naming dalawa ni Wilma [Galvante, SVP for Entertainment TV ng GMA-7], so wala siyang pakialam kay Wilma," umpisa ni Annabelle.

Patuloy niya, "Ako'y galit sa Startalk, kasi alam ko yung lawyer [na] nagpainterbyu diyan sa Startalk, hindi 'yon ano... Approved ni Wilma Galvante 'yon dahil, unang-una, taped interview 'yon, e, yung ginawa ng lawyer, e. Tapos nung sinisiraan niya si Richard, parang pambo-boycott na ginawa ng lawyer na yun kay Richard, approved yun ni Wilma, kasi si Wilma ang senior vice president executive sa entertainment. Entertainment, ibig sabihin, bago pa labas mga show sa GMA, approved niya. Approved niyang lahat 'yan.

"Saka yung mga kunu-kuno nagpadala ng negative comments about Richard sa PEP, gawa-gawa lahat ni Wilma 'yan! Meron siyang limang taong binabayaran, uupo lang sa computer para siraan-siraan si Richard! Ang ginawa ni Wilma saka yung grupo niya, demolition job, okay? Gusto niya mawala si Richard sa GMA para siya na mamahala sa GMA. Lahat ng mga talent under sa kanyang banner. Kasi siya—maraming nag-confirm sa akin—manager na rin siya. Kaya lahat ng mga talent kong mga sikat, sinusulot niya sa akin!"

BIG RALLY AGAINST WILMA. Patuloy ni Annabelle, mag-oorganize daw siya ng isang malaking raally laban sa lady executive ng GMA-7 para mag-resign sa kanyang puwesto.

"Naging gahaman sa pera, suwapang na siya sa pera ngayon! Kaya ako nanawagan, Ogie, sa lahat ng nakikinig sa akin sa radyo ngayon, kung gusto n'yong mag-join, nag-o-organize ako ng big rally against Wilma to step down, to resign. Sinong gusto n'yong sumali sa akin, tumawag lang sa 727-25-36. Ang tumawag, yung gusto lang sumali sa rally. Big rally ito gagawin ko para kay Wilma. Kasi dapat matanggal na si Wilma diyan sa GMA. Hindi siya nakakatulong sa network, nakakasira siya sa network!

"Yung ginagawa niya sa alaga ko, lahat ng talents ko, nag-number one rating sa GMA, sinisira niya sa Internet, sinisira niya sa lahat ng mga shows niya, kaya ngayon, hindi na siya nakakatulong sa network. Nakakasira na siya, dapat siyang mag-step down. Mag-resign na.

"Big rally itong gagawin ko. Ngayon pa lang nagre-recruit ako sa lahat ng mga Bisaya. Mga Bisaya nagmamahal sa akin, nagmamahal sa mga anak ko. Lahat ng mga fans ni Richard. Lahat ng mga fans ni JC [de Vera]. Lahat ng mga fans ng talents ko, pwede kayong mag-join. Kasi 'yang Wilma Galvante na 'yan, she's using her power, overusing her power as executive entertainment sa GMA. Hindi na siya dapat bibigyan ng title na 'yan. Ang title na sa kanya 'devil woman'!

"Ako, Ogie, mabait na tao. Mabait akong Bisaya. Nirerespeto ko siya. Kaya binabastos niya ako, wala siyang respeto sa akin, I don't have to respect her. Masyado siyang mabastos. Masyado siyang corrupt sa GMA. Lahat itong sinasabi ko sa 'yo, wala akong pakialam [kung] makarating kay Wilma, magdemanda siya, haharapin ko siya! Siya'y corrupt sa GMA, mang-aagaw ng talent!

"Uulitin ko, lahat ng nakikinig ngayon sa akin sa radyo, lahat ng fans ni Richard pwede kayong mag-support sa akin sa gagawin kong rally. Lahat ng mga Bisayang kababayan ko, yung mga nagmamahal sa akin, pwede kayong mag-join sa akin para pabagsakin 'yang Wilma Galvante dahil hindi siya nakakatulong sa network.

"Lahat ng mga empleyado ng GMA na ayaw kay Wilma, pwede kayong mag-join. 'Wag kayong matatakot mag-join sa akin. Malalaglag 'yang bruha sa GMA talaga 'yan!

"Kasi hindi maganda ang ginawa niya kay Richard. Number one si Richard sa GMA. Number one ang Zorro, pilit niyang pabagsakin. Yung mga comment sa PEP... Yung PEP, i-ban n'yo na 'yan, ha? I-ban n'yo 'yang PEP, kasi puro kasinungalingan! Nakakasira siya sa kapwa artista, sisirain niya lahat ng mga artista. Puro fake 'yan, tao lahat ni Wilma ang gumagawa niyan! Hindi 'yan galing sa mga fans. Walang bastos na fans si Richard, kaya galing 'yan sa mga fans ni Wilma, kasing bastos rin niya!"

Hindi ba kinuha ng Startalk ang panig mo niya nung Sabado?

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

1907 Comments

  • 727  maldito

    04/22/2009 | 09:56 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 726  calisa20

    04/22/2009 | 09:56 PM
    dahil sa sugo mo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 725  carla_gay

    04/22/2009 | 09:55 PM
    Jun Lalin is a paid reporter of the Gutierrez clan so obviously why bite the hands that feed you is HER motto in life.

    She will support the Gutierrez clan all the way because she is their puppy!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 724  ohhh_yeah

    04/22/2009 | 09:55 PM
    Ako pag sumuporta ako sa tao alam ko totoo siya at may credibility at mapagkakatiwalaan hindi basta basta laban lang ito ni WG laban din natin ito mga PEPsters kasi tayo ay bayaran daw e samantalang narito ako sa Dammam Saudi Arabia...

    Hello....

    How pathetic....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 723  vongakaday

    04/22/2009 | 09:54 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 722  calisa20

    04/22/2009 | 09:54 PM
    gusto kong makita ang Rally ni Anabil. Malaking gastos din ito sa kanya. Ilang tao kaya ang sisipot? ito kayang dalawa dito ay sasama sa rally niya? Siguro ang tatawag sa number na ibinigay niya ang unang tanong ay Magkano?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 721  kaideng

    04/22/2009 | 09:54 PM
    At dahil tila palaban talaga si Anabil...

    Let the ultimate judging begin...

    Ipaubaya natin sa Maykapal ang usaping ito...

    Ang sinungaling.... ang nang agrabyado... ang nang apak ng tao.... ang walang paggalang sa ibang tao...

    Bilang na ang mga araw....

    Langit na ang humusga...

    Dito lang titigil ang lahat ng ito
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 720  Shooter

    04/22/2009 | 09:53 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 719  pol_08

    04/22/2009 | 09:52 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 718  Shooter

    04/22/2009 | 09:52 PM
    Si JUNa Lalin lang yan at mga nabayaran ng joklang reporter yang nagkokomento pabor sa TITA anabel nila wahahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 717  calisa20

    04/22/2009 | 09:52 PM
    Anabil hindi kami aalis sa Pep dahilsa request ni Chard at sa request mo.masya ka. Lalo ngang dumadami ang registered pepsters dahil sa mga sugo ko. ikaw ang mababan at hindi ang Pep
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 716  sweetyspy

    04/22/2009 | 09:52 PM
    vongakaday

    mauna ka na sa rally, ngayon pa lng umpishan mo na!!!

    isama mo na din mga fans ng 1 na teleserye mo pra may maidagdag ka sa taong punta sa rally....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 715  allysantos

    04/22/2009 | 09:52 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 714  baby413

    04/22/2009 | 09:52 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 713  ohhh_yeah

    04/22/2009 | 09:52 PM
    Paging Mr. GOZON ang Mr. DUAVIT..

    Sir Don't let Ms. Anabel Rama do this to your esteemed Company.

    Actually sinira na niya ang pinaghirapan niyo...

    If I where you po I will just let her go madami pa po kayong talents at madami pa pong talents na sigurado akong madi-discover nyo...

    Hindi po sila kawalan..

    Rhx from Dammam Saudi KSA kapusong totoo...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 712  lakers

    04/22/2009 | 09:51 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 711  vongakaday

    04/22/2009 | 09:51 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 710  eifem27

    04/22/2009 | 09:51 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 709  carla_gay

    04/22/2009 | 09:51 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 708  gregsalac

    04/22/2009 | 09:50 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About