news

Part 1: Annabelle Rama lambasts GMA-7 executive Wilma Galvante anew

by Eric Borromeo posted on April 22, 2009  STATS: 100176 Views | 1907 Comments

 

"Big rally itong gagawin ko. Ngayon pa lang nagre-recruit ako sa lahat ng mga Bisaya. Mga Bisaya nagmamahal sa akin, nagmamahal sa mga anak ko. Lahat ng mga fans ni Richard. Lahat ng mga fans ni JC [de Vera]. Lahat ng mga fans ng talents ko, puwede kayong mag-join. Kasi 'yang Wilma Galvante na 'yan, she's using her power, overusing her power as executive entertainment sa GMA. Hindi na siya dapat bibigyan ng title na 'yan. Ang title na sa kanya 'devil woman'!" says Annabelle Rama about the "big rally" that she is organizing in an effort to oust GMA-7 executive Annabelle Rama from her post.

Photo By: Noel Orsal

Nagpaunlak na magbigay ng interview via phone patch si Annabelle Rama sa radio program na Wow! Ang Showbiz! sa DWIZ noong Lunes, April 20. Ito ay upang mahingan ng paglilinaw ang talent manager tungkol sa nabanggit niyang "one-sided na report" ng Startalk noong Sabado, April 18, kung saan nakunan ng showbiz talk show ng pahayag ang abogado ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na si Atty. Sandra Olaso-Coronel. (Click here to read related story.)

Sa panayam ng Startalk kay Atty. Coronel, sinagot nito ang cease-and-desist letter na ipinadala ng legal counsel ni Annabelle na si Atty. Agnes Maranan upang ipatigil ang paglathala ng mga artikulo at komento tungkol kay Richard Gutierrez, anak at alaga ng talent manager.

Diretsang tanong ng main host ng radio program na si Ogie Diaz si Annabelle kung galit siya sa Startalk.

"Huwag lang pag-uusapan 'yang Kuya Germs [German Moreno], tapos na ako diyan, okay? Di napalaki ang isyu, dahil si Kuya Germs kausap ko lang kagabi [April 20], hindi raw siya makialam sa isyu naming dalawa ni Wilma [Galvante, SVP for Entertainment TV ng GMA-7], so wala siyang pakialam kay Wilma," umpisa ni Annabelle.

Patuloy niya, "Ako'y galit sa Startalk, kasi alam ko yung lawyer [na] nagpainterbyu diyan sa Startalk, hindi 'yon ano... Approved ni Wilma Galvante 'yon dahil, unang-una, taped interview 'yon, e, yung ginawa ng lawyer, e. Tapos nung sinisiraan niya si Richard, parang pambo-boycott na ginawa ng lawyer na yun kay Richard, approved yun ni Wilma, kasi si Wilma ang senior vice president executive sa entertainment. Entertainment, ibig sabihin, bago pa labas mga show sa GMA, approved niya. Approved niyang lahat 'yan.

"Saka yung mga kunu-kuno nagpadala ng negative comments about Richard sa PEP, gawa-gawa lahat ni Wilma 'yan! Meron siyang limang taong binabayaran, uupo lang sa computer para siraan-siraan si Richard! Ang ginawa ni Wilma saka yung grupo niya, demolition job, okay? Gusto niya mawala si Richard sa GMA para siya na mamahala sa GMA. Lahat ng mga talent under sa kanyang banner. Kasi siya—maraming nag-confirm sa akin—manager na rin siya. Kaya lahat ng mga talent kong mga sikat, sinusulot niya sa akin!"

BIG RALLY AGAINST WILMA. Patuloy ni Annabelle, mag-oorganize daw siya ng isang malaking raally laban sa lady executive ng GMA-7 para mag-resign sa kanyang puwesto.

"Naging gahaman sa pera, suwapang na siya sa pera ngayon! Kaya ako nanawagan, Ogie, sa lahat ng nakikinig sa akin sa radyo ngayon, kung gusto n'yong mag-join, nag-o-organize ako ng big rally against Wilma to step down, to resign. Sinong gusto n'yong sumali sa akin, tumawag lang sa 727-25-36. Ang tumawag, yung gusto lang sumali sa rally. Big rally ito gagawin ko para kay Wilma. Kasi dapat matanggal na si Wilma diyan sa GMA. Hindi siya nakakatulong sa network, nakakasira siya sa network!

"Yung ginagawa niya sa alaga ko, lahat ng talents ko, nag-number one rating sa GMA, sinisira niya sa Internet, sinisira niya sa lahat ng mga shows niya, kaya ngayon, hindi na siya nakakatulong sa network. Nakakasira na siya, dapat siyang mag-step down. Mag-resign na.

"Big rally itong gagawin ko. Ngayon pa lang nagre-recruit ako sa lahat ng mga Bisaya. Mga Bisaya nagmamahal sa akin, nagmamahal sa mga anak ko. Lahat ng mga fans ni Richard. Lahat ng mga fans ni JC [de Vera]. Lahat ng mga fans ng talents ko, pwede kayong mag-join. Kasi 'yang Wilma Galvante na 'yan, she's using her power, overusing her power as executive entertainment sa GMA. Hindi na siya dapat bibigyan ng title na 'yan. Ang title na sa kanya 'devil woman'!

"Ako, Ogie, mabait na tao. Mabait akong Bisaya. Nirerespeto ko siya. Kaya binabastos niya ako, wala siyang respeto sa akin, I don't have to respect her. Masyado siyang mabastos. Masyado siyang corrupt sa GMA. Lahat itong sinasabi ko sa 'yo, wala akong pakialam [kung] makarating kay Wilma, magdemanda siya, haharapin ko siya! Siya'y corrupt sa GMA, mang-aagaw ng talent!

"Uulitin ko, lahat ng nakikinig ngayon sa akin sa radyo, lahat ng fans ni Richard pwede kayong mag-support sa akin sa gagawin kong rally. Lahat ng mga Bisayang kababayan ko, yung mga nagmamahal sa akin, pwede kayong mag-join sa akin para pabagsakin 'yang Wilma Galvante dahil hindi siya nakakatulong sa network.

"Lahat ng mga empleyado ng GMA na ayaw kay Wilma, pwede kayong mag-join. 'Wag kayong matatakot mag-join sa akin. Malalaglag 'yang bruha sa GMA talaga 'yan!

"Kasi hindi maganda ang ginawa niya kay Richard. Number one si Richard sa GMA. Number one ang Zorro, pilit niyang pabagsakin. Yung mga comment sa PEP... Yung PEP, i-ban n'yo na 'yan, ha? I-ban n'yo 'yang PEP, kasi puro kasinungalingan! Nakakasira siya sa kapwa artista, sisirain niya lahat ng mga artista. Puro fake 'yan, tao lahat ni Wilma ang gumagawa niyan! Hindi 'yan galing sa mga fans. Walang bastos na fans si Richard, kaya galing 'yan sa mga fans ni Wilma, kasing bastos rin niya!"

Hindi ba kinuha ng Startalk ang panig mo niya nung Sabado?

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

1907 Comments

  • 1787  arlene33

    04/24/2009 | 11:48 AM
    go annabel if u need funds sa pagpapalayas kay wilma g. d2 lang kami ask ka lang kahit nasa malayo ako at mahirap kitain ang dolyar willing ako magbigay, mapaalis lang yan c wilma sakit na yan ng ulo eversince ng mga artista at managers ng dahil sa komisyon....hmmmmm cge manggigil kayo kay annabel haha..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1786  pinay123

    04/24/2009 | 11:43 AM
    yeah right? paniwalaan nyo si anabelle dahil credible...suckers.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1785  arlene33

    04/24/2009 | 11:39 AM
    go ako sa pagpapalayas kay wilma galvante kaso nasa US ako haha december pa ako uuwi pano yan d rin ako makakasama haha pero go ako para sa pagpapalayas kay wilma masyado yan ginawan ng maraming kwento c angel para matabunan ang ginawa nya ito naman si bekekang d man lang pinagtanggol ang alaga nya bagkus inalis na lang anyway mas nakabuti naman at least walang masyadong gulo un nga lang c angel ang napasama anyway at least we all know meron dahilan un paglipat ni angel kaya mga gozon isip isip muna kayo kaya ba naglilipatan mga talent nyo dahil kay wilma g. hmmmm....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1784  kpamilya4ever

    04/24/2009 | 11:25 AM
    Dpt c wilma ang palayasin sa gma,npaka c0rrupt kz.msama ang ugali.may ras0n nman pla c angel pra umalis ng gma,murahin at sigaw2an kb nman.hay prng wlng pnag aralan kng umasta,executive pnmn.prng mgkalevel lg cla ni anabil. 0UST WILMA!..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1783  pepseeker

    04/24/2009 | 11:22 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1782  pepseeker

    04/24/2009 | 11:21 AM
    calling all muchachas
    may rally mamaya
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1781  BigBirdie1970

    04/24/2009 | 10:48 AM
    Si Angelface, sya yung matagal ng muchacha, as in tsimi-aa ni Annabil.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1780  angelface0808

    04/24/2009 | 10:23 AM
    I'll post more para matabunan ung mga negative comments dito.. Walang bayad to! Mahal per hour sa US...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1779  angelface0808

    04/24/2009 | 10:22 AM
    I admire you Ms Anabelle kse mataas ang respeto ng mga anak mo sau and your husband- SOLID!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1778  angelface0808

    04/24/2009 | 10:19 AM
    San ba to?? Sa US ako eh! But I will support you Ms Anabelle! Dame mo kalaban sa PEP ah! Mga alagad ni Ms Wilma...no wonder non-stop ang mga comments nila. Per hour ang bayad e. I mean per posting pala! hehehe!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1777  dahlagi

    04/24/2009 | 10:09 AM
    hwag kayo magmalinis dahil pareho lang talaga kayo ni annabelle. ano rin kaya ang mga pamilya nyo? just wondering
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1776  dahlagi

    04/24/2009 | 10:08 AM
    hello sa mga katribo ni annabelle. grabe kayo kung makapagsalita sa kanya. but look at ur own language at basahin maigi dahil walang pinagkaiba sa kanya. di ba ayaw nyo ugali ni annabelle? eh pareho lang naman kayo. sobra pa nga yung mga posting nyo dito kaysa bibig ni annabelle. hmmmm mga katribo talaga.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1775  honeyred

    04/24/2009 | 09:37 AM
    hoy!! anabelle!! ikaw ang dapat at nararapat na twagin na devil woman!!!!!!!!!...sge ha..patunayan mo na peke kmi dito mga ng cocoment dito...makakarma ka din!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1774  honeyred

    04/24/2009 | 09:33 AM
    Ikaw anabele..kung may problema ka sa GMA...at dami mo reklamo..eh bket nakadikit kpa din???? umales na kayo sa GMA isama mo mga alaga mo!!!.un lng kung di ka talga satisfied sa gingawa ng GMA sa mga alaga mo..wla ka utang ng loob..sobra yabang mo ANABELe!!! kakagigil ka!!! pag npunta ka dito sa bulacan..dito sa lugar namin..babatuhin ka namin ng kamatisss!!! yan nababagay sayo..anabelee!!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1773  honeyred

    04/24/2009 | 09:29 AM
    LANGYA to anabelle na to..pati kmi ng co comment dito sa PEP..pagbintangan peke kmi...patunayan mo na peke kmi anabele..at saka ka magputak jan..bwisit na anabelee na to!! wag mo kmi galitin....lanya ka!!!! bwisit ka ha!!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1772  honeyred

    04/24/2009 | 09:25 AM
    langya ka anabele!!!! anu sinasabi mo peke kmi mga fans na nag co- comment dito sa pep!!!....di kmi peke oist sge..patunayan mo na peke kmi..kaw anabellee..bwisit yan bunganga..nakakasama ka sa mga anak pamilya mo sikat pa namn..hayss nku anabelle..pati ba namn kami ng cocomment dito idemanda mo na din..tingnan nten kung saan ka pulutin..lanya ka!!!!!..pati kmi mga fanss eh sisiraan mo...booohhhhhhh !!!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1771  jcyasme

    04/24/2009 | 08:05 AM
    Ano ba yan ! Annabelle, napakabastus mo talaga, talagang walang kangan pinag-aralan, mahiya ka naman para sa mga anak mo, bakit naman ang mga anak mo,hindi sila mag isip isip, o baka naman kamukha mu silang walang isip, pati tuloy ang mga ibang talent mo, mukhang nahahawa na sila sayo ~ Annabelle~ Sana sa pasimba-simba mo sa araw araw tumino ang kaisipan mo. ~ Kung mayron kang isip~ Ano kaya ang nararamdaman ng mga anak mo Annabelle, Hindi ba kaya sila nahihiya sa mga pinag gagawa mo? not unless pare-pareho lang kayo?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1770  patreng888

    04/24/2009 | 07:51 AM
    what to say.. punta ka na lang dito sa abu dhabi pahila ka sa camel.. kaso tatanggihan ka ng mga camel kasi galit sila sa mga mukhang pera at bungangera..simpleng hayop lang sila pero marunong silang umunawa..di gaya mo..shu hada
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1769  charchelle27

    04/24/2009 | 07:07 AM
    hay nko anabel why don't you just shut your big big mouth! sa totoo lang nakakatawa kna i like richard gutierrez but nkakawalan ng gana dahil syo! gosh ang kapal ng mukha mgsbi byaran dw ngcocomment dto fyi nsa states ako kya pno ako mbbayaran hehe...hay nko anabelle nkakaawa ka tlga you need to go to the nearest doctor for check up hehe
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1768  p1p2b3

    04/24/2009 | 07:07 AM
    Join ako kay Annabelle para matigil na ang rehimeng dictatura sa GMA, OUST WILMA NOW NA.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About