news

Part 1: Annabelle Rama lambasts GMA-7 executive Wilma Galvante anew

by Eric Borromeo posted on April 22, 2009  STATS: 100171 Views | 1907 Comments

 

"Big rally itong gagawin ko. Ngayon pa lang nagre-recruit ako sa lahat ng mga Bisaya. Mga Bisaya nagmamahal sa akin, nagmamahal sa mga anak ko. Lahat ng mga fans ni Richard. Lahat ng mga fans ni JC [de Vera]. Lahat ng mga fans ng talents ko, puwede kayong mag-join. Kasi 'yang Wilma Galvante na 'yan, she's using her power, overusing her power as executive entertainment sa GMA. Hindi na siya dapat bibigyan ng title na 'yan. Ang title na sa kanya 'devil woman'!" says Annabelle Rama about the "big rally" that she is organizing in an effort to oust GMA-7 executive Annabelle Rama from her post.

Photo By: Noel Orsal

Nagpaunlak na magbigay ng interview via phone patch si Annabelle Rama sa radio program na Wow! Ang Showbiz! sa DWIZ noong Lunes, April 20. Ito ay upang mahingan ng paglilinaw ang talent manager tungkol sa nabanggit niyang "one-sided na report" ng Startalk noong Sabado, April 18, kung saan nakunan ng showbiz talk show ng pahayag ang abogado ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na si Atty. Sandra Olaso-Coronel. (Click here to read related story.)

Sa panayam ng Startalk kay Atty. Coronel, sinagot nito ang cease-and-desist letter na ipinadala ng legal counsel ni Annabelle na si Atty. Agnes Maranan upang ipatigil ang paglathala ng mga artikulo at komento tungkol kay Richard Gutierrez, anak at alaga ng talent manager.

Diretsang tanong ng main host ng radio program na si Ogie Diaz si Annabelle kung galit siya sa Startalk.

"Huwag lang pag-uusapan 'yang Kuya Germs [German Moreno], tapos na ako diyan, okay? Di napalaki ang isyu, dahil si Kuya Germs kausap ko lang kagabi [April 20], hindi raw siya makialam sa isyu naming dalawa ni Wilma [Galvante, SVP for Entertainment TV ng GMA-7], so wala siyang pakialam kay Wilma," umpisa ni Annabelle.

Patuloy niya, "Ako'y galit sa Startalk, kasi alam ko yung lawyer [na] nagpainterbyu diyan sa Startalk, hindi 'yon ano... Approved ni Wilma Galvante 'yon dahil, unang-una, taped interview 'yon, e, yung ginawa ng lawyer, e. Tapos nung sinisiraan niya si Richard, parang pambo-boycott na ginawa ng lawyer na yun kay Richard, approved yun ni Wilma, kasi si Wilma ang senior vice president executive sa entertainment. Entertainment, ibig sabihin, bago pa labas mga show sa GMA, approved niya. Approved niyang lahat 'yan.

"Saka yung mga kunu-kuno nagpadala ng negative comments about Richard sa PEP, gawa-gawa lahat ni Wilma 'yan! Meron siyang limang taong binabayaran, uupo lang sa computer para siraan-siraan si Richard! Ang ginawa ni Wilma saka yung grupo niya, demolition job, okay? Gusto niya mawala si Richard sa GMA para siya na mamahala sa GMA. Lahat ng mga talent under sa kanyang banner. Kasi siya—maraming nag-confirm sa akin—manager na rin siya. Kaya lahat ng mga talent kong mga sikat, sinusulot niya sa akin!"

BIG RALLY AGAINST WILMA. Patuloy ni Annabelle, mag-oorganize daw siya ng isang malaking raally laban sa lady executive ng GMA-7 para mag-resign sa kanyang puwesto.

"Naging gahaman sa pera, suwapang na siya sa pera ngayon! Kaya ako nanawagan, Ogie, sa lahat ng nakikinig sa akin sa radyo ngayon, kung gusto n'yong mag-join, nag-o-organize ako ng big rally against Wilma to step down, to resign. Sinong gusto n'yong sumali sa akin, tumawag lang sa 727-25-36. Ang tumawag, yung gusto lang sumali sa rally. Big rally ito gagawin ko para kay Wilma. Kasi dapat matanggal na si Wilma diyan sa GMA. Hindi siya nakakatulong sa network, nakakasira siya sa network!

"Yung ginagawa niya sa alaga ko, lahat ng talents ko, nag-number one rating sa GMA, sinisira niya sa Internet, sinisira niya sa lahat ng mga shows niya, kaya ngayon, hindi na siya nakakatulong sa network. Nakakasira na siya, dapat siyang mag-step down. Mag-resign na.

"Big rally itong gagawin ko. Ngayon pa lang nagre-recruit ako sa lahat ng mga Bisaya. Mga Bisaya nagmamahal sa akin, nagmamahal sa mga anak ko. Lahat ng mga fans ni Richard. Lahat ng mga fans ni JC [de Vera]. Lahat ng mga fans ng talents ko, pwede kayong mag-join. Kasi 'yang Wilma Galvante na 'yan, she's using her power, overusing her power as executive entertainment sa GMA. Hindi na siya dapat bibigyan ng title na 'yan. Ang title na sa kanya 'devil woman'!

"Ako, Ogie, mabait na tao. Mabait akong Bisaya. Nirerespeto ko siya. Kaya binabastos niya ako, wala siyang respeto sa akin, I don't have to respect her. Masyado siyang mabastos. Masyado siyang corrupt sa GMA. Lahat itong sinasabi ko sa 'yo, wala akong pakialam [kung] makarating kay Wilma, magdemanda siya, haharapin ko siya! Siya'y corrupt sa GMA, mang-aagaw ng talent!

"Uulitin ko, lahat ng nakikinig ngayon sa akin sa radyo, lahat ng fans ni Richard pwede kayong mag-support sa akin sa gagawin kong rally. Lahat ng mga Bisayang kababayan ko, yung mga nagmamahal sa akin, pwede kayong mag-join sa akin para pabagsakin 'yang Wilma Galvante dahil hindi siya nakakatulong sa network.

"Lahat ng mga empleyado ng GMA na ayaw kay Wilma, pwede kayong mag-join. 'Wag kayong matatakot mag-join sa akin. Malalaglag 'yang bruha sa GMA talaga 'yan!

"Kasi hindi maganda ang ginawa niya kay Richard. Number one si Richard sa GMA. Number one ang Zorro, pilit niyang pabagsakin. Yung mga comment sa PEP... Yung PEP, i-ban n'yo na 'yan, ha? I-ban n'yo 'yang PEP, kasi puro kasinungalingan! Nakakasira siya sa kapwa artista, sisirain niya lahat ng mga artista. Puro fake 'yan, tao lahat ni Wilma ang gumagawa niyan! Hindi 'yan galing sa mga fans. Walang bastos na fans si Richard, kaya galing 'yan sa mga fans ni Wilma, kasing bastos rin niya!"

Hindi ba kinuha ng Startalk ang panig mo niya nung Sabado?

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

1907 Comments

  • 507  indian_wells

    04/22/2009 | 08:47 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 506  pirch

    04/22/2009 | 08:47 PM
    hahahaha nkakatawa n ang issue na to.....well in my opinion the reason why d n masyado ngrrate ang zorro is because, kahit pinagtatangol ni anabel si chard...ampangit nman ng way ng pagtatangol nya the she reacts nkakawalng gana.....ilipat n si richard sa channel 2 lahat ng talent ni anabel ilipat na... ang gulo gulo kc.......
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 505  2dona2

    04/22/2009 | 08:47 PM
    You are going overboard annabel, binibigyan mo lang ng maraming bala ang mga kalaban mo, anything you say will definitely be used against you, kung ako sa yo manahimik ka muna and let the course of justice run through, the truth will always prevail whether it be you or those against you, di namin alam, kayo sa sarili nyo lang ang higit na nakakaalam ng totoo, meanwhile, wag pairalin ang pagiging palengkera, dadamputin ka sa kangkungan nyan e, may atty ka, dapat ipinapayo niya na manahimik ka muna kasi nasa corte na yang mga kaso mo, day, ke ikaw o hindi ikaw ang agrabyado, malaking abala at gastos yang pinasok mo, mga anak ni bisaya, pagsabihan nyo ang nanay nyo, sobrang high blood, baka atakihin yan sa puso hala kayo dyan. stick to the issue sabi nga ni always poised ruffa, yung issue lang sa pep muna hane, yun naman ang ugat ng panggagalaiti mo e.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 504  wh3ng

    04/22/2009 | 08:47 PM
    Pinapanood ko ang La Lola not because of JC kung hindi dahil kay Rhian Ramos she's so pretty amp; i like the way she dressed-up at ang isa pa si Keempee de Leon galing ng acting hahaha si JC na kapal labi di dapat pinapansin.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 503  secret266

    04/22/2009 | 08:46 PM
    bakit kc pinapirma pa ng additional year contract ang ilang alaga ni anbel ng gma??? kc ayaw pakawalan ng GMA sina anbel. ngayon d nila maawat ang mga ginagawa kay WG na isa ding celbrty
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 502  halabira

    04/22/2009 | 08:46 PM
    kabayan!tayo na sa SM!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 501  thunder_1273

    04/22/2009 | 08:45 PM
    Ito ba ang magiging biyenan sana ni KC?...

    At balae ni Sharon?...


    tsk...tsk...

    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 500  dawhoyouare

    04/22/2009 | 08:45 PM
    Bakit namn napasok yung matagal ng tapos na issue nun kay Angel at Wilma?!ibang kaso namn yun,maliwanag na si Angel ang nag-malaki sa GMA.Isa nga sya sa walang utang na loob sa mga taong nagpayaman sa kanila,kagaya rin sya ni Anabelle.Ano ba mga buhay nila dati?!
    Kung ikaw marunong kang tumanaw at magpasalamat sa mga taong malaki ang naitulong sa buhay mo,pwede namn bigyan ng konsidirasyon yun kung nakagawa ng pagkakamali,wag mo ng tingnan yung mali ng taong yun,dapat yung malaking naitulong na pagbabago sa buhay mo,lalo pa nga at sinasabi mo na madasalin kang klase ng tao.
    Hindi lahat ng nakakabasa at nakakrinig sa balita,paniniwalaan ng tao.Dahil kung hindi sila nabigyan ng chance ng mga taong nakatulong sa kanila hindi sila kikilalanin ngayon.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 499  indian_wells

    04/22/2009 | 08:45 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 498  halabira

    04/22/2009 | 08:45 PM
    yabang ng abogado ng PEP,Gokongwei should teach her about humility,sya lang ba may karapatang magboycott kay RG sa lahat ng pag aari ng mga gokongwei?kaya mga kabayan,tumambay na lang tayo sa SM!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 497  woody

    04/22/2009 | 08:44 PM
    wilma naman pakapalan ba ng mukha ayaw pa magresign? ayaw na syo ng mga kapuso kitang-kita naman e. hate ka ng mga kapuso fans...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 496  indian_wells

    04/22/2009 | 08:44 PM
    426
    secret266
    April 22, 2009
    20:42 PM yon pala naging rison kung bakit umalis sa gma si angel? pero kung anu-ano mga pinag sasabi ni wilma noon about angel.... tsk tsk tsk
    __

    buang lang ang maniniwala sa bunganga ni anabil.
    talagang ingrata yun kaya lumipat.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 495  sweetgin

    04/22/2009 | 08:43 PM
    Grabe naman si Anabel, parang wala siyang pinag aralan kung magsalita ah. Nakakahiya siya. Ako hindi bayaran ni Wilma at ng PEP pero nagko comment din ako ng negative against her kasi naman nakaka turn off ang mga pinagsasabi niya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 494  IMaPeper2

    04/22/2009 | 08:43 PM
    Isa sa success ng PeP itong mga comments ng mga PePsters na nakakatuwa kasing basahin. Mas entertaining pa minsan sa posted article.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 493  indian_wells

    04/22/2009 | 08:43 PM
    dapat mag-salita na ang mga gozon,

    di maganda ang ginagawa ni anabil.
    napak-selfish niya. dahil may isang WG na komokontra sa gusto niya kinaka-away niya.

    bigyan ng leksyon si anabil
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 492  secret266

    04/22/2009 | 08:42 PM
    yon pala naging rison kung bakit umalis sa gma si angel? pero kung anu-ano mga pinag sasabi ni wilma noon about angel.... tsk tsk tsk
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 491  halabira

    04/22/2009 | 08:42 PM
    may pattern manira si wilma G. remember what happened to Anel locsin?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 490  shenzi

    04/22/2009 | 08:41 PM
    Annbel..what comes around goes around...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 489  i_see_dumb_people

    04/22/2009 | 08:41 PM
    Sabi ni annabelle kay wilma, quot;Naging gahaman sa pera, suwapang na sya sa pera ngayon!quot;

    Ang masasabi ko: Look who's talking!

    lol
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 488  dospoako

    04/22/2009 | 08:41 PM
    407
    twinky65
    April 22, 2009
    20:37 PM magrerecruit kami para magrally sa gma na lahat ng alaga mo ilipat sa kabila, at sana itikom na yan bibig mo wala laman ang utak mo, puro ka dakdak walang sense ang mga sinasabi, ang sabihin mo lahat ng alaga mo puro bopol umarte
    ---

    magrarally din kaming mga kapamilya n wag papasaukin sa bakuran si madam..lolz..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About