news

Part 1: Annabelle Rama lambasts GMA-7 executive Wilma Galvante anew

by Eric Borromeo posted on April 22, 2009  STATS: 100151 Views | 1907 Comments

 

"Big rally itong gagawin ko. Ngayon pa lang nagre-recruit ako sa lahat ng mga Bisaya. Mga Bisaya nagmamahal sa akin, nagmamahal sa mga anak ko. Lahat ng mga fans ni Richard. Lahat ng mga fans ni JC [de Vera]. Lahat ng mga fans ng talents ko, puwede kayong mag-join. Kasi 'yang Wilma Galvante na 'yan, she's using her power, overusing her power as executive entertainment sa GMA. Hindi na siya dapat bibigyan ng title na 'yan. Ang title na sa kanya 'devil woman'!" says Annabelle Rama about the "big rally" that she is organizing in an effort to oust GMA-7 executive Annabelle Rama from her post.

Photo By: Noel Orsal

Nagpaunlak na magbigay ng interview via phone patch si Annabelle Rama sa radio program na Wow! Ang Showbiz! sa DWIZ noong Lunes, April 20. Ito ay upang mahingan ng paglilinaw ang talent manager tungkol sa nabanggit niyang "one-sided na report" ng Startalk noong Sabado, April 18, kung saan nakunan ng showbiz talk show ng pahayag ang abogado ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na si Atty. Sandra Olaso-Coronel. (Click here to read related story.)

Sa panayam ng Startalk kay Atty. Coronel, sinagot nito ang cease-and-desist letter na ipinadala ng legal counsel ni Annabelle na si Atty. Agnes Maranan upang ipatigil ang paglathala ng mga artikulo at komento tungkol kay Richard Gutierrez, anak at alaga ng talent manager.

Diretsang tanong ng main host ng radio program na si Ogie Diaz si Annabelle kung galit siya sa Startalk.

"Huwag lang pag-uusapan 'yang Kuya Germs [German Moreno], tapos na ako diyan, okay? Di napalaki ang isyu, dahil si Kuya Germs kausap ko lang kagabi [April 20], hindi raw siya makialam sa isyu naming dalawa ni Wilma [Galvante, SVP for Entertainment TV ng GMA-7], so wala siyang pakialam kay Wilma," umpisa ni Annabelle.

Patuloy niya, "Ako'y galit sa Startalk, kasi alam ko yung lawyer [na] nagpainterbyu diyan sa Startalk, hindi 'yon ano... Approved ni Wilma Galvante 'yon dahil, unang-una, taped interview 'yon, e, yung ginawa ng lawyer, e. Tapos nung sinisiraan niya si Richard, parang pambo-boycott na ginawa ng lawyer na yun kay Richard, approved yun ni Wilma, kasi si Wilma ang senior vice president executive sa entertainment. Entertainment, ibig sabihin, bago pa labas mga show sa GMA, approved niya. Approved niyang lahat 'yan.

"Saka yung mga kunu-kuno nagpadala ng negative comments about Richard sa PEP, gawa-gawa lahat ni Wilma 'yan! Meron siyang limang taong binabayaran, uupo lang sa computer para siraan-siraan si Richard! Ang ginawa ni Wilma saka yung grupo niya, demolition job, okay? Gusto niya mawala si Richard sa GMA para siya na mamahala sa GMA. Lahat ng mga talent under sa kanyang banner. Kasi siya—maraming nag-confirm sa akin—manager na rin siya. Kaya lahat ng mga talent kong mga sikat, sinusulot niya sa akin!"

BIG RALLY AGAINST WILMA. Patuloy ni Annabelle, mag-oorganize daw siya ng isang malaking raally laban sa lady executive ng GMA-7 para mag-resign sa kanyang puwesto.

"Naging gahaman sa pera, suwapang na siya sa pera ngayon! Kaya ako nanawagan, Ogie, sa lahat ng nakikinig sa akin sa radyo ngayon, kung gusto n'yong mag-join, nag-o-organize ako ng big rally against Wilma to step down, to resign. Sinong gusto n'yong sumali sa akin, tumawag lang sa 727-25-36. Ang tumawag, yung gusto lang sumali sa rally. Big rally ito gagawin ko para kay Wilma. Kasi dapat matanggal na si Wilma diyan sa GMA. Hindi siya nakakatulong sa network, nakakasira siya sa network!

"Yung ginagawa niya sa alaga ko, lahat ng talents ko, nag-number one rating sa GMA, sinisira niya sa Internet, sinisira niya sa lahat ng mga shows niya, kaya ngayon, hindi na siya nakakatulong sa network. Nakakasira na siya, dapat siyang mag-step down. Mag-resign na.

"Big rally itong gagawin ko. Ngayon pa lang nagre-recruit ako sa lahat ng mga Bisaya. Mga Bisaya nagmamahal sa akin, nagmamahal sa mga anak ko. Lahat ng mga fans ni Richard. Lahat ng mga fans ni JC [de Vera]. Lahat ng mga fans ng talents ko, pwede kayong mag-join. Kasi 'yang Wilma Galvante na 'yan, she's using her power, overusing her power as executive entertainment sa GMA. Hindi na siya dapat bibigyan ng title na 'yan. Ang title na sa kanya 'devil woman'!

"Ako, Ogie, mabait na tao. Mabait akong Bisaya. Nirerespeto ko siya. Kaya binabastos niya ako, wala siyang respeto sa akin, I don't have to respect her. Masyado siyang mabastos. Masyado siyang corrupt sa GMA. Lahat itong sinasabi ko sa 'yo, wala akong pakialam [kung] makarating kay Wilma, magdemanda siya, haharapin ko siya! Siya'y corrupt sa GMA, mang-aagaw ng talent!

"Uulitin ko, lahat ng nakikinig ngayon sa akin sa radyo, lahat ng fans ni Richard pwede kayong mag-support sa akin sa gagawin kong rally. Lahat ng mga Bisayang kababayan ko, yung mga nagmamahal sa akin, pwede kayong mag-join sa akin para pabagsakin 'yang Wilma Galvante dahil hindi siya nakakatulong sa network.

"Lahat ng mga empleyado ng GMA na ayaw kay Wilma, pwede kayong mag-join. 'Wag kayong matatakot mag-join sa akin. Malalaglag 'yang bruha sa GMA talaga 'yan!

"Kasi hindi maganda ang ginawa niya kay Richard. Number one si Richard sa GMA. Number one ang Zorro, pilit niyang pabagsakin. Yung mga comment sa PEP... Yung PEP, i-ban n'yo na 'yan, ha? I-ban n'yo 'yang PEP, kasi puro kasinungalingan! Nakakasira siya sa kapwa artista, sisirain niya lahat ng mga artista. Puro fake 'yan, tao lahat ni Wilma ang gumagawa niyan! Hindi 'yan galing sa mga fans. Walang bastos na fans si Richard, kaya galing 'yan sa mga fans ni Wilma, kasing bastos rin niya!"

Hindi ba kinuha ng Startalk ang panig mo niya nung Sabado?

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

1907 Comments

  • 467  casi12

    04/22/2009 | 08:36 PM
    part I ang article na 'to. may kasunod pa po ba? nasaan po?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 466  sweetyspy

    04/22/2009 | 08:35 PM
    cassandra fion
    a 1234

    bkit san b work ang ating fren na c manilaphil at sya pngbibintangang isa sa byaran ng side ni mam wilma??
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 465  kritikongpinoy

    04/22/2009 | 08:34 PM
    uy yung mga supporters ng mga Gutierrez at ni AnaBELL, diba nanawagan siyang i-boycott nyo ang PEP, bakit andito pa rin kayo? matitigas ang mga ulo niya huh, sige kayo.... lagot kayo kay anaBELL....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 464  madeleine_ysabelle

    04/22/2009 | 08:34 PM
    annabelle rama,..huminto ka na nga sa kadadakdak mo,..nakakarindi ka na,para kang sirang plaka na sintonado,..my gosh,.ikaw itong kadimadimanda eh,..slanderous at libelous lahat ng lumalabas sa mabaho mong bunganga,.my dear,..get a life,..shut your filthy mouth-i-superglue mo..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 463  indian_wells

    04/22/2009 | 08:33 PM
    381
    secret266
    April 22, 2009
    20:30 PM ngayon lumalabas ang rison DAW kung bakit umalis si angel sa GMA. ANO KAYA MASASABI NG PAMUNUAN DITO NG gma SA nilabas ni ANABEL
    __

    buang lang ang maniniwala kay anabil.

    talagang ingrata yun.

    huwag mo ng sabayan si anabil, masyado ng malala ang sakit niya. tama na si anabil na lang. huwag mo ng dag-dagan.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 462  vivahotbabes

    04/22/2009 | 08:33 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 461  stranger09

    04/22/2009 | 08:33 PM
    nakita ko sa rally for truth sa Makati dati haha pero bagay kay annabelle rama

    moderate your greed
    exterminate your breed! hahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 460  Clara Pastor

    04/22/2009 | 08:33 PM
    di ba pinagmamalaki ni anabel kaibigan nya mga Gozon?bakit di na lng nya sabihin kay gozon mamili ka sa min ni wilma kung sino aalisin mo di tapos ang pagbubunganga ni rama,wala na yatang magawa sa buhay nya,manawagan pa lahat sa bisaya na iboycot si wilma,buwang na nga,pati startalk awayin ba?hawak daw ni wilma.ang mabuti pang gawin mi rama alisin mo na lahat alaga mo sa 7 lagay mo sila kahit saan,no.1 daw zorro mahiya ka nga sa balat mo?pati mga pepsters pakialaman ba?natural lng naman kahit sino dito magcomment noh?hindi lng naman alaga mo nabibigyan ng negative comment kahit sino?pati pep na libre na nga kaming nakakabasa ng libre pakialaman ba?sabihin mo sa mga nag-interview sa yo kung ayaw mong maraming comment wag ipasok sa pep,dahil you can not stop these comments?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 459  iamthestar

    04/22/2009 | 08:33 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 458  dyoy19

    04/22/2009 | 08:33 PM
    she needs help. therapy.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 457  i_see_dumb_people

    04/22/2009 | 08:32 PM
    adik sa kaso tong si annabelle lol. pwede na naman syang kasuhan for slander sa mga pinagsasabi nya!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 456  kritikongpinoy

    04/22/2009 | 08:32 PM
    Woody..... si Bubbles ka ba sa totoong buhay?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 455  calisa20

    04/22/2009 | 08:32 PM
    dapat talaga magbigay na si Mr. Gozon ng statement tungkol sa mga sinasabi ni Anabil. Hindi puwede yata iyong huwag na lang pansinin si Bisaya. Lalo lang tumibay ang kaso ni Wilama dito. Hindi yata ito pinipigilan ng lawyerniya
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 454  alaska_dor

    04/22/2009 | 08:32 PM
    Sasama ako kung rally yan para alisin si GMA, pero kung rally para alisin ang executive ng GMA7 di ako sasama, maliban lang kung may pa-raffle na kaldero.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 453  secret266

    04/22/2009 | 08:31 PM
    MAS MAGANDA gawin ng gma ilipat nalang ng posisyon si wilma para okay na situation. kc may mga hawak din na artista si wilma kaya nagiging ganito
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 452  indian_wells

    04/22/2009 | 08:31 PM
    cguro mag-babayad na ng 7M si anabil kay wilma kaya dito na lang niya babawiin sa pag-ngawa ng ngawa.

    poor little anabil.
    matatalo ka na kasi sa kaso kaya
    ganun ka na lang.

    desperada na talaga si anabil.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 451  dyoy19

    04/22/2009 | 08:31 PM
    i think she hit rock bottom. alam ba niya pinagsasabi nya. hay. may explanation dyina si sigmund freud.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 450  rmel_kapuso

    04/22/2009 | 08:31 PM
    At saka AR di kame talaga fans ni Richard.... mga tao kami na rational at marunong kumilala ng tuwid sa di tuwid....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 449  slms324

    04/22/2009 | 08:30 PM
    halabira


    tawagan mo si annabel sa binigay niyang number.

    go.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 448  shenzi

    04/22/2009 | 08:30 PM
    woddy ...anongh update sa rally????? pa update naman..at excuse me hindi kami bayarin ni wilnma,..happy kami dito sa middle east sa trabaho namin..ikaw kaya bayarin ni anabel????? adik ka yata eh!!! sira din tok tok mo
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About