news

Part 1: Annabelle Rama lambasts GMA-7 executive Wilma Galvante anew

by Eric Borromeo posted on April 22, 2009  STATS: 100145 Views | 1907 Comments

 

"Big rally itong gagawin ko. Ngayon pa lang nagre-recruit ako sa lahat ng mga Bisaya. Mga Bisaya nagmamahal sa akin, nagmamahal sa mga anak ko. Lahat ng mga fans ni Richard. Lahat ng mga fans ni JC [de Vera]. Lahat ng mga fans ng talents ko, puwede kayong mag-join. Kasi 'yang Wilma Galvante na 'yan, she's using her power, overusing her power as executive entertainment sa GMA. Hindi na siya dapat bibigyan ng title na 'yan. Ang title na sa kanya 'devil woman'!" says Annabelle Rama about the "big rally" that she is organizing in an effort to oust GMA-7 executive Annabelle Rama from her post.

Photo By: Noel Orsal

Nagpaunlak na magbigay ng interview via phone patch si Annabelle Rama sa radio program na Wow! Ang Showbiz! sa DWIZ noong Lunes, April 20. Ito ay upang mahingan ng paglilinaw ang talent manager tungkol sa nabanggit niyang "one-sided na report" ng Startalk noong Sabado, April 18, kung saan nakunan ng showbiz talk show ng pahayag ang abogado ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na si Atty. Sandra Olaso-Coronel. (Click here to read related story.)

Sa panayam ng Startalk kay Atty. Coronel, sinagot nito ang cease-and-desist letter na ipinadala ng legal counsel ni Annabelle na si Atty. Agnes Maranan upang ipatigil ang paglathala ng mga artikulo at komento tungkol kay Richard Gutierrez, anak at alaga ng talent manager.

Diretsang tanong ng main host ng radio program na si Ogie Diaz si Annabelle kung galit siya sa Startalk.

"Huwag lang pag-uusapan 'yang Kuya Germs [German Moreno], tapos na ako diyan, okay? Di napalaki ang isyu, dahil si Kuya Germs kausap ko lang kagabi [April 20], hindi raw siya makialam sa isyu naming dalawa ni Wilma [Galvante, SVP for Entertainment TV ng GMA-7], so wala siyang pakialam kay Wilma," umpisa ni Annabelle.

Patuloy niya, "Ako'y galit sa Startalk, kasi alam ko yung lawyer [na] nagpainterbyu diyan sa Startalk, hindi 'yon ano... Approved ni Wilma Galvante 'yon dahil, unang-una, taped interview 'yon, e, yung ginawa ng lawyer, e. Tapos nung sinisiraan niya si Richard, parang pambo-boycott na ginawa ng lawyer na yun kay Richard, approved yun ni Wilma, kasi si Wilma ang senior vice president executive sa entertainment. Entertainment, ibig sabihin, bago pa labas mga show sa GMA, approved niya. Approved niyang lahat 'yan.

"Saka yung mga kunu-kuno nagpadala ng negative comments about Richard sa PEP, gawa-gawa lahat ni Wilma 'yan! Meron siyang limang taong binabayaran, uupo lang sa computer para siraan-siraan si Richard! Ang ginawa ni Wilma saka yung grupo niya, demolition job, okay? Gusto niya mawala si Richard sa GMA para siya na mamahala sa GMA. Lahat ng mga talent under sa kanyang banner. Kasi siya—maraming nag-confirm sa akin—manager na rin siya. Kaya lahat ng mga talent kong mga sikat, sinusulot niya sa akin!"

BIG RALLY AGAINST WILMA. Patuloy ni Annabelle, mag-oorganize daw siya ng isang malaking raally laban sa lady executive ng GMA-7 para mag-resign sa kanyang puwesto.

"Naging gahaman sa pera, suwapang na siya sa pera ngayon! Kaya ako nanawagan, Ogie, sa lahat ng nakikinig sa akin sa radyo ngayon, kung gusto n'yong mag-join, nag-o-organize ako ng big rally against Wilma to step down, to resign. Sinong gusto n'yong sumali sa akin, tumawag lang sa 727-25-36. Ang tumawag, yung gusto lang sumali sa rally. Big rally ito gagawin ko para kay Wilma. Kasi dapat matanggal na si Wilma diyan sa GMA. Hindi siya nakakatulong sa network, nakakasira siya sa network!

"Yung ginagawa niya sa alaga ko, lahat ng talents ko, nag-number one rating sa GMA, sinisira niya sa Internet, sinisira niya sa lahat ng mga shows niya, kaya ngayon, hindi na siya nakakatulong sa network. Nakakasira na siya, dapat siyang mag-step down. Mag-resign na.

"Big rally itong gagawin ko. Ngayon pa lang nagre-recruit ako sa lahat ng mga Bisaya. Mga Bisaya nagmamahal sa akin, nagmamahal sa mga anak ko. Lahat ng mga fans ni Richard. Lahat ng mga fans ni JC [de Vera]. Lahat ng mga fans ng talents ko, pwede kayong mag-join. Kasi 'yang Wilma Galvante na 'yan, she's using her power, overusing her power as executive entertainment sa GMA. Hindi na siya dapat bibigyan ng title na 'yan. Ang title na sa kanya 'devil woman'!

"Ako, Ogie, mabait na tao. Mabait akong Bisaya. Nirerespeto ko siya. Kaya binabastos niya ako, wala siyang respeto sa akin, I don't have to respect her. Masyado siyang mabastos. Masyado siyang corrupt sa GMA. Lahat itong sinasabi ko sa 'yo, wala akong pakialam [kung] makarating kay Wilma, magdemanda siya, haharapin ko siya! Siya'y corrupt sa GMA, mang-aagaw ng talent!

"Uulitin ko, lahat ng nakikinig ngayon sa akin sa radyo, lahat ng fans ni Richard pwede kayong mag-support sa akin sa gagawin kong rally. Lahat ng mga Bisayang kababayan ko, yung mga nagmamahal sa akin, pwede kayong mag-join sa akin para pabagsakin 'yang Wilma Galvante dahil hindi siya nakakatulong sa network.

"Lahat ng mga empleyado ng GMA na ayaw kay Wilma, pwede kayong mag-join. 'Wag kayong matatakot mag-join sa akin. Malalaglag 'yang bruha sa GMA talaga 'yan!

"Kasi hindi maganda ang ginawa niya kay Richard. Number one si Richard sa GMA. Number one ang Zorro, pilit niyang pabagsakin. Yung mga comment sa PEP... Yung PEP, i-ban n'yo na 'yan, ha? I-ban n'yo 'yang PEP, kasi puro kasinungalingan! Nakakasira siya sa kapwa artista, sisirain niya lahat ng mga artista. Puro fake 'yan, tao lahat ni Wilma ang gumagawa niyan! Hindi 'yan galing sa mga fans. Walang bastos na fans si Richard, kaya galing 'yan sa mga fans ni Wilma, kasing bastos rin niya!"

Hindi ba kinuha ng Startalk ang panig mo niya nung Sabado?

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

1907 Comments

  • 427  woody

    04/22/2009 | 08:25 PM
    tita..totoo yan mga bano umarte ang mga alaga ni wilma.. super bano mas magaling talaga sina jc, heart at richard...

    grabe tita biglang dumami kaagad ang mga comments against sau.. nagsikilos na ang mga bayaran ni wilma.. with matching pizza pa yan sila tita sabi ng source ko habang nagcocoments dito..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 426  heller08

    04/22/2009 | 08:24 PM
    ang gulong ito ay sobra pa sa Camara at senado ewww, siguro na fefeel nya na guilty sya kaya nananawagan na sa lahat ng bisaya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 425  slms324

    04/22/2009 | 08:24 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 424  i_see_dumb_people

    04/22/2009 | 08:24 PM
    ay grabe! It's like reading/listening to the rantings of a mad woman. Na-buang na ata si annabelle hehehe
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 423  trukis

    04/22/2009 | 08:23 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 422  cassandrafiona_1234

    04/22/2009 | 08:23 PM
    sweetspy..di ba tuloy ang rally..hooosshhh sayang letchugas na prutas..mag-spri-sprinkle sana ako nang glitters along the road..may i bring a lot of bling blings..

    dadi37 ayoko nang kaldero..i-upgrade naman natin nang kaunti..lagyan nang make-over..eto parang magandang pakinggan..

    Chanel Kettle..
    Gucci Paddle...
    Prada Plate..

    o diva bongga..

    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 421  rmel_kapuso

    04/22/2009 | 08:23 PM
    nakakaloko na ito sa anabel ha....nasa tamang wisyo at pag-iisip pa ba ito? lahat na lang ng taong involve sa ikakasira na anak nya...iniuugnay nya kay Wilma?

    Baka naman matae lng anak nya sa salawal...ibintang pa nya kay Galvante...

    ah alam ko na....tawag dito mind-conditioning....kino condition nya isip ng masa para lumabas na masama c galvante...

    at isa pa...trial by publicity...kawawa naman c galvante...napaka professional nya kasi di na xa nagsasalita against AR....

    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 420  indian_wells

    04/22/2009 | 08:22 PM
    anabil, isa na ako sa lima na tinutokoy mo. slow down baka balik st luke ka
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 419  superlon

    04/22/2009 | 08:22 PM
    naisip ni annabel yan na limang tao llang tao kasi yan ang ginagawa nya.... nagbabayad cya ng limang tao para ipagtanggol ang pamilya nilang basura na sa lahat ng basura!!!!!

    kala mo kung sino.... CHE
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 418  lalola_1980

    04/22/2009 | 08:21 PM
    bayaran dw ni wilma ang 5 ngccomment dto..
    e sya kyA ilan ang binayaran na ngccomment dto pra pumabor sa kanya at lituhen mga pepster..
    WOODY ilan kayo?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 417  commentatore_01

    04/22/2009 | 08:21 PM
    Hala baka may nga totoo yang ugali ni Wilma?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 416  just_saying

    04/22/2009 | 08:21 PM
    patalsikin na yang wilma na yan! magsama kayo ni anabel! sinisira niya pareho reputasyon ng gma!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 415  woody

    04/22/2009 | 08:20 PM
    talaga tita ginawa rin nni wilma kay angel.. buti na lang nakalipat na si angel..

    may kakilala ako tita na umamin bayaran siya ni wilma.. binigyan siya ng 10 simcard. andito siya ngayon tita..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 414  sweetbird

    04/22/2009 | 08:20 PM
    wala na sa tamang isip si annabel, nabuang na , anabelle if you readthis bisaya ko sultihan kita, makabuang ang daghang gihuna huna , makabuang ang daghang kaaway, walang peace of mind at higit sa lahat makabuang ang daghang utang . Mao na kon ako sa imo wala kay makuha sa imong pagkamapahitas-on pag paubos malouy ra ang Ginoo nimo the best gift God will give to you is peaceful life and peace of mind. advice from Cebu city people , mga Visaya and sa place where you make tinda sa mga kaldero . HAVE peace of mind.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 413  indian_wells

    04/22/2009 | 08:20 PM
    I'm very glad there was infact, a consequence. I think a kind of people like anabil doesn'r belong anywhere.

    She's is disgus--tingggg! anabil doesn't belong in any polite society and certainly doesn't belong to any tv/radio stations that we would watch and listen to.

    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 412  offshore

    04/22/2009 | 08:20 PM
    ANGELINA: yaya! yaya! what do you call a mother like tita Anabil?

    YAYA: loser, Angelina loser ,

    hehehehehe
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 411  faye_05

    04/22/2009 | 08:19 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 410  superlon

    04/22/2009 | 08:19 PM
    hai naku annabel!!!

    kaya tinigil mo ang rally na yan ai dahil magastos yan...mga bisaya ai nasa visayas at mindanao aside sa pamasahe nila ai babayaran mo pa sila hai naku hindi nagiisip tong babaeng ito.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 409  riza0328

    04/22/2009 | 08:19 PM
    lilimang tao? limang tao na maraming usernames? goodness.. hirap nun ah.. so pepsters lilimang tao ang ba tyo? kada comment natin dito palit agad ng username?miss anabelle di po kami bayaran. marunong lang po kami magbasa ng mga nailalagay dito. at nagkataon na kami ay kapusong totoo kaya po kami nag kokomento.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 408  sweetyspy

    04/22/2009 | 08:19 PM
    cassandrafion
    a 1234

    ay sna eh maktlong yan sistah, kc as in kakawindang na c mam anabelle, 2loy pti mga kapepz ntin naiinis na s knya! me nga ndidismya na din sa mga slita nya sa tv.. sna quiet na lng sya at paubaya na lng sa lawyer nya mga problma db!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About