news

Part 1: Annabelle Rama lambasts GMA-7 executive Wilma Galvante anew

by Eric Borromeo posted on April 22, 2009  STATS: 100125 Views | 1907 Comments

 

"Big rally itong gagawin ko. Ngayon pa lang nagre-recruit ako sa lahat ng mga Bisaya. Mga Bisaya nagmamahal sa akin, nagmamahal sa mga anak ko. Lahat ng mga fans ni Richard. Lahat ng mga fans ni JC [de Vera]. Lahat ng mga fans ng talents ko, puwede kayong mag-join. Kasi 'yang Wilma Galvante na 'yan, she's using her power, overusing her power as executive entertainment sa GMA. Hindi na siya dapat bibigyan ng title na 'yan. Ang title na sa kanya 'devil woman'!" says Annabelle Rama about the "big rally" that she is organizing in an effort to oust GMA-7 executive Annabelle Rama from her post.

Photo By: Noel Orsal

Nagpaunlak na magbigay ng interview via phone patch si Annabelle Rama sa radio program na Wow! Ang Showbiz! sa DWIZ noong Lunes, April 20. Ito ay upang mahingan ng paglilinaw ang talent manager tungkol sa nabanggit niyang "one-sided na report" ng Startalk noong Sabado, April 18, kung saan nakunan ng showbiz talk show ng pahayag ang abogado ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na si Atty. Sandra Olaso-Coronel. (Click here to read related story.)

Sa panayam ng Startalk kay Atty. Coronel, sinagot nito ang cease-and-desist letter na ipinadala ng legal counsel ni Annabelle na si Atty. Agnes Maranan upang ipatigil ang paglathala ng mga artikulo at komento tungkol kay Richard Gutierrez, anak at alaga ng talent manager.

Diretsang tanong ng main host ng radio program na si Ogie Diaz si Annabelle kung galit siya sa Startalk.

"Huwag lang pag-uusapan 'yang Kuya Germs [German Moreno], tapos na ako diyan, okay? Di napalaki ang isyu, dahil si Kuya Germs kausap ko lang kagabi [April 20], hindi raw siya makialam sa isyu naming dalawa ni Wilma [Galvante, SVP for Entertainment TV ng GMA-7], so wala siyang pakialam kay Wilma," umpisa ni Annabelle.

Patuloy niya, "Ako'y galit sa Startalk, kasi alam ko yung lawyer [na] nagpainterbyu diyan sa Startalk, hindi 'yon ano... Approved ni Wilma Galvante 'yon dahil, unang-una, taped interview 'yon, e, yung ginawa ng lawyer, e. Tapos nung sinisiraan niya si Richard, parang pambo-boycott na ginawa ng lawyer na yun kay Richard, approved yun ni Wilma, kasi si Wilma ang senior vice president executive sa entertainment. Entertainment, ibig sabihin, bago pa labas mga show sa GMA, approved niya. Approved niyang lahat 'yan.

"Saka yung mga kunu-kuno nagpadala ng negative comments about Richard sa PEP, gawa-gawa lahat ni Wilma 'yan! Meron siyang limang taong binabayaran, uupo lang sa computer para siraan-siraan si Richard! Ang ginawa ni Wilma saka yung grupo niya, demolition job, okay? Gusto niya mawala si Richard sa GMA para siya na mamahala sa GMA. Lahat ng mga talent under sa kanyang banner. Kasi siya—maraming nag-confirm sa akin—manager na rin siya. Kaya lahat ng mga talent kong mga sikat, sinusulot niya sa akin!"

BIG RALLY AGAINST WILMA. Patuloy ni Annabelle, mag-oorganize daw siya ng isang malaking raally laban sa lady executive ng GMA-7 para mag-resign sa kanyang puwesto.

"Naging gahaman sa pera, suwapang na siya sa pera ngayon! Kaya ako nanawagan, Ogie, sa lahat ng nakikinig sa akin sa radyo ngayon, kung gusto n'yong mag-join, nag-o-organize ako ng big rally against Wilma to step down, to resign. Sinong gusto n'yong sumali sa akin, tumawag lang sa 727-25-36. Ang tumawag, yung gusto lang sumali sa rally. Big rally ito gagawin ko para kay Wilma. Kasi dapat matanggal na si Wilma diyan sa GMA. Hindi siya nakakatulong sa network, nakakasira siya sa network!

"Yung ginagawa niya sa alaga ko, lahat ng talents ko, nag-number one rating sa GMA, sinisira niya sa Internet, sinisira niya sa lahat ng mga shows niya, kaya ngayon, hindi na siya nakakatulong sa network. Nakakasira na siya, dapat siyang mag-step down. Mag-resign na.

"Big rally itong gagawin ko. Ngayon pa lang nagre-recruit ako sa lahat ng mga Bisaya. Mga Bisaya nagmamahal sa akin, nagmamahal sa mga anak ko. Lahat ng mga fans ni Richard. Lahat ng mga fans ni JC [de Vera]. Lahat ng mga fans ng talents ko, pwede kayong mag-join. Kasi 'yang Wilma Galvante na 'yan, she's using her power, overusing her power as executive entertainment sa GMA. Hindi na siya dapat bibigyan ng title na 'yan. Ang title na sa kanya 'devil woman'!

"Ako, Ogie, mabait na tao. Mabait akong Bisaya. Nirerespeto ko siya. Kaya binabastos niya ako, wala siyang respeto sa akin, I don't have to respect her. Masyado siyang mabastos. Masyado siyang corrupt sa GMA. Lahat itong sinasabi ko sa 'yo, wala akong pakialam [kung] makarating kay Wilma, magdemanda siya, haharapin ko siya! Siya'y corrupt sa GMA, mang-aagaw ng talent!

"Uulitin ko, lahat ng nakikinig ngayon sa akin sa radyo, lahat ng fans ni Richard pwede kayong mag-support sa akin sa gagawin kong rally. Lahat ng mga Bisayang kababayan ko, yung mga nagmamahal sa akin, pwede kayong mag-join sa akin para pabagsakin 'yang Wilma Galvante dahil hindi siya nakakatulong sa network.

"Lahat ng mga empleyado ng GMA na ayaw kay Wilma, pwede kayong mag-join. 'Wag kayong matatakot mag-join sa akin. Malalaglag 'yang bruha sa GMA talaga 'yan!

"Kasi hindi maganda ang ginawa niya kay Richard. Number one si Richard sa GMA. Number one ang Zorro, pilit niyang pabagsakin. Yung mga comment sa PEP... Yung PEP, i-ban n'yo na 'yan, ha? I-ban n'yo 'yang PEP, kasi puro kasinungalingan! Nakakasira siya sa kapwa artista, sisirain niya lahat ng mga artista. Puro fake 'yan, tao lahat ni Wilma ang gumagawa niyan! Hindi 'yan galing sa mga fans. Walang bastos na fans si Richard, kaya galing 'yan sa mga fans ni Wilma, kasing bastos rin niya!"

Hindi ba kinuha ng Startalk ang panig mo niya nung Sabado?

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

1907 Comments

  • 407  444

    04/22/2009 | 08:19 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 406  hunterdouglas

    04/22/2009 | 08:18 PM
    pinasok pa si becky aguila, e diba nasulat dito sa pep, naikuwento ni wilma na si becky ay nagtext pa sa kanya to comfort her, dahil sa mga pinaggagawa nitong anabel na to sa kanya.. nakupo, bawat lumabas sa bibig ni anabel puro basura at pwedeng pwede syang idemanda...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 405  slms324

    04/22/2009 | 08:17 PM
    woody


    tumawag ka sa telepono para naman makuntento si annabel,


    go tawag ka na.


    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 404  jyllas

    04/22/2009 | 08:17 PM
    Sayang na paninindigan, kai nagiging palasak dahil out of context na sya.
    I just wish na yung mga anak nya kung me sense pa at asawa nya e pagsabihan na to refrain from too much badmouthing kc it only put into jeopardy the status quo kuno ng mga anak at alaga nya.
    I give 6months and after this we see no one among her talents on primetime TV or afternoon delights if she continue to do this.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 403  secret266

    04/22/2009 | 08:17 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 402  shenzi

    04/22/2009 | 08:17 PM
    Si WoDDY yata ang bayaran ni annabel sa pepster not the other way around.. sama sama kayo sa rally nyo..dfami ng problem ang pilipinas dapat sa family nyo iniexile
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 401  hotshot0017

    04/22/2009 | 08:17 PM
    sakit ng tyan ko katatawa...he he he...

    sino sino kaya dito yun 5 binayaran ni ms. wilma??? ha ha ha

    sakit sa kamay at mata nun..mag hapon ka mag cocomments ..he he he ...lols

    pa iba iba ng username..he he he....

    kaya pala bumabaha ng comments pag KAPUSO articles.. he he he...

    oi comment lang ng comment baka hindi ma ka quota..ha ha ha

    PEACE pepsters
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 400  arbys

    04/22/2009 | 08:16 PM
    madami ring maka wilma sa cavite.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 399  kritikongpinoy

    04/22/2009 | 08:16 PM
    my theory on this is simple.... this creature is out to destroy the whole GMA-7 and she is just using Wilma Glavante as pawn on her evil plan of sabotaging GMA-7. If you can still remember, she wants to transfer her son to the Kapamilya channle since last year and since she cannot do that because of their existing contract with the Kapuso channel which will end in 2010 yet, she is now resorting to this kind of game, a dirty tactic which is very elementarish if there is such a word and very obvious. She thinks that she can mislead all the people to this kind of ploy.... think again.... she is BUSTED!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 398  woody

    04/22/2009 | 08:15 PM
    tita kahit anong mangyari wag kaung papayag na paalisin ang mga alaga mo sa GMA. Kau ang naghahari jan kaya dapat lang walang magpapaalis sa inyo.. mabuhay ka tita
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 397  morgen

    04/22/2009 | 08:15 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 396  offshore

    04/22/2009 | 08:15 PM
    isa na ko sa lima

    ewan ko kung sino pa ang apat jan!

    LOL!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 395  cassandrafiona_1234

    04/22/2009 | 08:15 PM
    My dear lola anabel..at the top of my lungs i say to the tip of my toe..

    What The Thing Is Wrong With You?
    Sayang ang pagsimba nating dalawa araw araw kung di natin pra-praktisin and salitang Humility..mahuhumil ang prayers natin nito..

    hay naku..di tayo pakikinggan ni San Pedro..baka harangin tayo nang Holy Manok niya sa atin at tayo ay Tukain..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 394  nov_8

    04/22/2009 | 08:15 PM
    Nagwawala si Annabel kasi, di na siya makaPR kay Wilma para sa mga alaga niya.
    Di na siya makakaPR pa para ibigay sa mga alaga niya ang lahat ng magagandang project.

    Mga alaga niya puros magaganda ang rating. Maganda? Isang anak lang naman niya ang magandang rating, lahat ng anak niyang lalaki pati asawa niya pilit na isinisingit, pero sikat ba? Palibhasa mga walang trabaho yun mga anak niyang lalaki kaya pilit niya pinaeextra sa mga teleserye ni Chard.
    Kahit nga mukhang eng t naman.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 393  shenzi

    04/22/2009 | 08:14 PM
    Please lang Ms.Rama...no body pay us any amount of money..Nobody manipulates us..We are happy to read Peps's article and at the same time give our opinion..If in any way you dont like what your read it is no longer our concerns, we pepsters are entitled to what we believed...Ang hirap kasi sayo Masaydo kang MAyabang..hinay hinay lang may KARMA ang mundo!!!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 392  im_tryland

    04/22/2009 | 08:14 PM
    hala wag niyong biruin ng ganyan si tita annabel talagang hindi mag dadalawang isip na kontakin ang abbu sayyaf...isang tawag lang niya talagang gagawin ng abu sayyaf yan..kaya mathematician wilma matakot ka na..pati abu sayyaff kasama na dito
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 391  offshore

    04/22/2009 | 08:14 PM
    comedy na to.

    pinanindigan na talaga ang pagiging
    Monster MOm!

    mabuti na lang kahit naka GMA-PINOYTV ako hindi ko napapanood ZORRO!

    yey!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 390  kuwaitofw

    04/22/2009 | 08:14 PM
    312
    woody
    magbigay ka nga ng proof na sabi mo bayaran ang mga pepster dito.pakita mo ebidensiya mo na nagbibigay ng simcard si wlma.kakahiya ka dapat sayo magsama kayo ni annbelle sa mental hospital
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 389  indian_wells

    04/22/2009 | 08:13 PM
    totally na windang na si anabil.

    kahol anabil kahol.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 388  faye_05

    04/22/2009 | 08:13 PM
    aY KAMAG-ANAK MO RIN SI SATANAS
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About