news

Part 1: Annabelle Rama lambasts GMA-7 executive Wilma Galvante anew

by Eric Borromeo posted on April 22, 2009  STATS: 100123 Views | 1907 Comments

 

"Big rally itong gagawin ko. Ngayon pa lang nagre-recruit ako sa lahat ng mga Bisaya. Mga Bisaya nagmamahal sa akin, nagmamahal sa mga anak ko. Lahat ng mga fans ni Richard. Lahat ng mga fans ni JC [de Vera]. Lahat ng mga fans ng talents ko, puwede kayong mag-join. Kasi 'yang Wilma Galvante na 'yan, she's using her power, overusing her power as executive entertainment sa GMA. Hindi na siya dapat bibigyan ng title na 'yan. Ang title na sa kanya 'devil woman'!" says Annabelle Rama about the "big rally" that she is organizing in an effort to oust GMA-7 executive Annabelle Rama from her post.

Photo By: Noel Orsal

Nagpaunlak na magbigay ng interview via phone patch si Annabelle Rama sa radio program na Wow! Ang Showbiz! sa DWIZ noong Lunes, April 20. Ito ay upang mahingan ng paglilinaw ang talent manager tungkol sa nabanggit niyang "one-sided na report" ng Startalk noong Sabado, April 18, kung saan nakunan ng showbiz talk show ng pahayag ang abogado ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na si Atty. Sandra Olaso-Coronel. (Click here to read related story.)

Sa panayam ng Startalk kay Atty. Coronel, sinagot nito ang cease-and-desist letter na ipinadala ng legal counsel ni Annabelle na si Atty. Agnes Maranan upang ipatigil ang paglathala ng mga artikulo at komento tungkol kay Richard Gutierrez, anak at alaga ng talent manager.

Diretsang tanong ng main host ng radio program na si Ogie Diaz si Annabelle kung galit siya sa Startalk.

"Huwag lang pag-uusapan 'yang Kuya Germs [German Moreno], tapos na ako diyan, okay? Di napalaki ang isyu, dahil si Kuya Germs kausap ko lang kagabi [April 20], hindi raw siya makialam sa isyu naming dalawa ni Wilma [Galvante, SVP for Entertainment TV ng GMA-7], so wala siyang pakialam kay Wilma," umpisa ni Annabelle.

Patuloy niya, "Ako'y galit sa Startalk, kasi alam ko yung lawyer [na] nagpainterbyu diyan sa Startalk, hindi 'yon ano... Approved ni Wilma Galvante 'yon dahil, unang-una, taped interview 'yon, e, yung ginawa ng lawyer, e. Tapos nung sinisiraan niya si Richard, parang pambo-boycott na ginawa ng lawyer na yun kay Richard, approved yun ni Wilma, kasi si Wilma ang senior vice president executive sa entertainment. Entertainment, ibig sabihin, bago pa labas mga show sa GMA, approved niya. Approved niyang lahat 'yan.

"Saka yung mga kunu-kuno nagpadala ng negative comments about Richard sa PEP, gawa-gawa lahat ni Wilma 'yan! Meron siyang limang taong binabayaran, uupo lang sa computer para siraan-siraan si Richard! Ang ginawa ni Wilma saka yung grupo niya, demolition job, okay? Gusto niya mawala si Richard sa GMA para siya na mamahala sa GMA. Lahat ng mga talent under sa kanyang banner. Kasi siya—maraming nag-confirm sa akin—manager na rin siya. Kaya lahat ng mga talent kong mga sikat, sinusulot niya sa akin!"

BIG RALLY AGAINST WILMA. Patuloy ni Annabelle, mag-oorganize daw siya ng isang malaking raally laban sa lady executive ng GMA-7 para mag-resign sa kanyang puwesto.

"Naging gahaman sa pera, suwapang na siya sa pera ngayon! Kaya ako nanawagan, Ogie, sa lahat ng nakikinig sa akin sa radyo ngayon, kung gusto n'yong mag-join, nag-o-organize ako ng big rally against Wilma to step down, to resign. Sinong gusto n'yong sumali sa akin, tumawag lang sa 727-25-36. Ang tumawag, yung gusto lang sumali sa rally. Big rally ito gagawin ko para kay Wilma. Kasi dapat matanggal na si Wilma diyan sa GMA. Hindi siya nakakatulong sa network, nakakasira siya sa network!

"Yung ginagawa niya sa alaga ko, lahat ng talents ko, nag-number one rating sa GMA, sinisira niya sa Internet, sinisira niya sa lahat ng mga shows niya, kaya ngayon, hindi na siya nakakatulong sa network. Nakakasira na siya, dapat siyang mag-step down. Mag-resign na.

"Big rally itong gagawin ko. Ngayon pa lang nagre-recruit ako sa lahat ng mga Bisaya. Mga Bisaya nagmamahal sa akin, nagmamahal sa mga anak ko. Lahat ng mga fans ni Richard. Lahat ng mga fans ni JC [de Vera]. Lahat ng mga fans ng talents ko, pwede kayong mag-join. Kasi 'yang Wilma Galvante na 'yan, she's using her power, overusing her power as executive entertainment sa GMA. Hindi na siya dapat bibigyan ng title na 'yan. Ang title na sa kanya 'devil woman'!

"Ako, Ogie, mabait na tao. Mabait akong Bisaya. Nirerespeto ko siya. Kaya binabastos niya ako, wala siyang respeto sa akin, I don't have to respect her. Masyado siyang mabastos. Masyado siyang corrupt sa GMA. Lahat itong sinasabi ko sa 'yo, wala akong pakialam [kung] makarating kay Wilma, magdemanda siya, haharapin ko siya! Siya'y corrupt sa GMA, mang-aagaw ng talent!

"Uulitin ko, lahat ng nakikinig ngayon sa akin sa radyo, lahat ng fans ni Richard pwede kayong mag-support sa akin sa gagawin kong rally. Lahat ng mga Bisayang kababayan ko, yung mga nagmamahal sa akin, pwede kayong mag-join sa akin para pabagsakin 'yang Wilma Galvante dahil hindi siya nakakatulong sa network.

"Lahat ng mga empleyado ng GMA na ayaw kay Wilma, pwede kayong mag-join. 'Wag kayong matatakot mag-join sa akin. Malalaglag 'yang bruha sa GMA talaga 'yan!

"Kasi hindi maganda ang ginawa niya kay Richard. Number one si Richard sa GMA. Number one ang Zorro, pilit niyang pabagsakin. Yung mga comment sa PEP... Yung PEP, i-ban n'yo na 'yan, ha? I-ban n'yo 'yang PEP, kasi puro kasinungalingan! Nakakasira siya sa kapwa artista, sisirain niya lahat ng mga artista. Puro fake 'yan, tao lahat ni Wilma ang gumagawa niyan! Hindi 'yan galing sa mga fans. Walang bastos na fans si Richard, kaya galing 'yan sa mga fans ni Wilma, kasing bastos rin niya!"

Hindi ba kinuha ng Startalk ang panig mo niya nung Sabado?

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

1907 Comments

  • 367  im_tryland

    04/22/2009 | 08:08 PM
    ang limang mauunang tumawag ay mananalo ng arinola at kaldero yan ang consolation prize...ang big winner mananalo ng mga gown ni raymund and ruffa...what are you waiting for...727-25-36
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 366  woody

    04/22/2009 | 08:08 PM
    tama ka tita ang daming alternick dito sa pEP.. namumod kasi si wilma ng libreng simcard... kaya ayan ang daming against sau at sa mga alaga mo.. truly, madly, deeply bayaran sila tita anabil..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 365  morgen

    04/22/2009 | 08:08 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 364  hunterdouglas

    04/22/2009 | 08:08 PM
    wala lang talgang sumama sa rally na ino-organize nya, hindi mangmang ang mga tao na katulad nya.. bisaya man yan o tagalog o anupaman, walang naniniwala sa kanya.. maghapon, magdamag syang manawagan ng rally walang matinong isip ang sasali dyan.. pwera na lang siguro kung babayaran nila..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 363  indian_wells

    04/22/2009 | 08:07 PM
    siya ang magiging dahilan ng pag-bagsak ng karir ng mga alaga niya.


    buang na talaga si anabil. oi.

    walang nakuhang support kaya di natuloy ang rally.

    wala end na nga karir ng mga anak at alaga niya.

    such a disgrace mother and manager.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 362  sa_totoo_lang

    04/22/2009 | 08:07 PM
    Anabelle, hinay-hinay lang sa pagsasalita ... remember Metro Manila Film Festival 2004 scam? Sino ba ang involved sa pag-announce ng false winners.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 361  simplynora

    04/22/2009 | 08:07 PM
    May isa dito na parang nanakot...hahahaha...isama mo lahat internet cafe sa buong PILIPINAS!!!...OK lang..hahahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 360  secret266

    04/22/2009 | 08:07 PM
    ipagtanggol mo lang alaga mo anabel... tama ka dyan. cno pa magtatangol???? kundi ikaw na manager.

    ngayon binulgar na nya ang rison DAW kung bakit umalis si ANGEL sa GMA. ano kaya reaction ng pamunuan ng GMA dito? lolz!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 359  pepato

    04/22/2009 | 08:07 PM
    284 mcziemczie . . .

    GRABE TAKOT NA TAKOT NA KAMING LAHAT NA MGA PEPSTERS AS IN!!!

    LOL!!! LOL!!!LOL!!!

    =D
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 358  im_tryland

    04/22/2009 | 08:07 PM
    tawag na....may chance manalo ng kaldero at mga gown ni raymuna and ruffa....

    Sinong gusto n'yong sumali sa akin, tumawag lang sa 727-25-36. Ang tumawag, yung gusto lang sumali sa rally. Big rally ito gagawin ko para kay Wilma. Kasi dapat matanggal na si Wilma diyan sa GMA. Hindi siya nakakatulong sa network, nakakasira siya sa network!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 357  woody

    04/22/2009 | 08:06 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 356  heller08

    04/22/2009 | 08:06 PM
    ano ba yan si annabelle rama walang tigil sa pangungutra.. napanood ko interview nya sa Showbiz central pati ba naman virginity nya binaggit.. lol...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 355  sweetyspy

    04/22/2009 | 08:06 PM
    cassandrafion
    a 1234

    sistha, nman as in alwyas present tau ha...

    o db mas skat na ngayon c mam anabelle at mam wilma cla laging topic d2 sa pep...

    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 354  cutedimples

    04/22/2009 | 08:06 PM
    don't buy Richard endorsing products para tanggalin agad sya sa lahat ng endorsements...sampal kay anabel yun...Stop using richard endorsing products NOW!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 353  secret266

    04/22/2009 | 08:05 PM
    doon sa isa article nag comment ako kanina umaga... nasambit ko lang yong words na CELBRITY WILMA.... BANNED agad ako!!!!! ganyan na ba pep????
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 352  mcziemczie

    04/22/2009 | 08:05 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 351  indian_wells

    04/22/2009 | 08:05 PM
    ha ha ha.

    sumosubra na ang bunganga ni anabil.

    na buang na si anabil.

    sa mga ank niya, dalhin na ninyo si anabil.


    totoo po ako anabil. di lang kami lima dito. marami kami.

    wala cguro may nakuha na support si bisaya kaya di tuloy ang rally. lols.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 350  444

    04/22/2009 | 08:04 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 349  showbiz08

    04/22/2009 | 08:04 PM
    ang daming basura sa bakuran ng GMA ha. Yun lang. Light articles naman tayo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 348  mArImArFaNaTiC

    04/22/2009 | 08:04 PM
    hahaha lol!!!
    nag-eenjoy talaga ako magbasa dito pag about ky inday annabel ang topic..

    wa nman kasi ko care sa mga ngyayari sknila,

    day gudluck sa rally nu!! nyahaha

    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About