news

Part 1: Annabelle Rama lambasts GMA-7 executive Wilma Galvante anew

by Eric Borromeo posted on April 22, 2009  STATS: 100129 Views | 1907 Comments

 

"Big rally itong gagawin ko. Ngayon pa lang nagre-recruit ako sa lahat ng mga Bisaya. Mga Bisaya nagmamahal sa akin, nagmamahal sa mga anak ko. Lahat ng mga fans ni Richard. Lahat ng mga fans ni JC [de Vera]. Lahat ng mga fans ng talents ko, puwede kayong mag-join. Kasi 'yang Wilma Galvante na 'yan, she's using her power, overusing her power as executive entertainment sa GMA. Hindi na siya dapat bibigyan ng title na 'yan. Ang title na sa kanya 'devil woman'!" says Annabelle Rama about the "big rally" that she is organizing in an effort to oust GMA-7 executive Annabelle Rama from her post.

Photo By: Noel Orsal

Nagpaunlak na magbigay ng interview via phone patch si Annabelle Rama sa radio program na Wow! Ang Showbiz! sa DWIZ noong Lunes, April 20. Ito ay upang mahingan ng paglilinaw ang talent manager tungkol sa nabanggit niyang "one-sided na report" ng Startalk noong Sabado, April 18, kung saan nakunan ng showbiz talk show ng pahayag ang abogado ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na si Atty. Sandra Olaso-Coronel. (Click here to read related story.)

Sa panayam ng Startalk kay Atty. Coronel, sinagot nito ang cease-and-desist letter na ipinadala ng legal counsel ni Annabelle na si Atty. Agnes Maranan upang ipatigil ang paglathala ng mga artikulo at komento tungkol kay Richard Gutierrez, anak at alaga ng talent manager.

Diretsang tanong ng main host ng radio program na si Ogie Diaz si Annabelle kung galit siya sa Startalk.

"Huwag lang pag-uusapan 'yang Kuya Germs [German Moreno], tapos na ako diyan, okay? Di napalaki ang isyu, dahil si Kuya Germs kausap ko lang kagabi [April 20], hindi raw siya makialam sa isyu naming dalawa ni Wilma [Galvante, SVP for Entertainment TV ng GMA-7], so wala siyang pakialam kay Wilma," umpisa ni Annabelle.

Patuloy niya, "Ako'y galit sa Startalk, kasi alam ko yung lawyer [na] nagpainterbyu diyan sa Startalk, hindi 'yon ano... Approved ni Wilma Galvante 'yon dahil, unang-una, taped interview 'yon, e, yung ginawa ng lawyer, e. Tapos nung sinisiraan niya si Richard, parang pambo-boycott na ginawa ng lawyer na yun kay Richard, approved yun ni Wilma, kasi si Wilma ang senior vice president executive sa entertainment. Entertainment, ibig sabihin, bago pa labas mga show sa GMA, approved niya. Approved niyang lahat 'yan.

"Saka yung mga kunu-kuno nagpadala ng negative comments about Richard sa PEP, gawa-gawa lahat ni Wilma 'yan! Meron siyang limang taong binabayaran, uupo lang sa computer para siraan-siraan si Richard! Ang ginawa ni Wilma saka yung grupo niya, demolition job, okay? Gusto niya mawala si Richard sa GMA para siya na mamahala sa GMA. Lahat ng mga talent under sa kanyang banner. Kasi siya—maraming nag-confirm sa akin—manager na rin siya. Kaya lahat ng mga talent kong mga sikat, sinusulot niya sa akin!"

BIG RALLY AGAINST WILMA. Patuloy ni Annabelle, mag-oorganize daw siya ng isang malaking raally laban sa lady executive ng GMA-7 para mag-resign sa kanyang puwesto.

"Naging gahaman sa pera, suwapang na siya sa pera ngayon! Kaya ako nanawagan, Ogie, sa lahat ng nakikinig sa akin sa radyo ngayon, kung gusto n'yong mag-join, nag-o-organize ako ng big rally against Wilma to step down, to resign. Sinong gusto n'yong sumali sa akin, tumawag lang sa 727-25-36. Ang tumawag, yung gusto lang sumali sa rally. Big rally ito gagawin ko para kay Wilma. Kasi dapat matanggal na si Wilma diyan sa GMA. Hindi siya nakakatulong sa network, nakakasira siya sa network!

"Yung ginagawa niya sa alaga ko, lahat ng talents ko, nag-number one rating sa GMA, sinisira niya sa Internet, sinisira niya sa lahat ng mga shows niya, kaya ngayon, hindi na siya nakakatulong sa network. Nakakasira na siya, dapat siyang mag-step down. Mag-resign na.

"Big rally itong gagawin ko. Ngayon pa lang nagre-recruit ako sa lahat ng mga Bisaya. Mga Bisaya nagmamahal sa akin, nagmamahal sa mga anak ko. Lahat ng mga fans ni Richard. Lahat ng mga fans ni JC [de Vera]. Lahat ng mga fans ng talents ko, pwede kayong mag-join. Kasi 'yang Wilma Galvante na 'yan, she's using her power, overusing her power as executive entertainment sa GMA. Hindi na siya dapat bibigyan ng title na 'yan. Ang title na sa kanya 'devil woman'!

"Ako, Ogie, mabait na tao. Mabait akong Bisaya. Nirerespeto ko siya. Kaya binabastos niya ako, wala siyang respeto sa akin, I don't have to respect her. Masyado siyang mabastos. Masyado siyang corrupt sa GMA. Lahat itong sinasabi ko sa 'yo, wala akong pakialam [kung] makarating kay Wilma, magdemanda siya, haharapin ko siya! Siya'y corrupt sa GMA, mang-aagaw ng talent!

"Uulitin ko, lahat ng nakikinig ngayon sa akin sa radyo, lahat ng fans ni Richard pwede kayong mag-support sa akin sa gagawin kong rally. Lahat ng mga Bisayang kababayan ko, yung mga nagmamahal sa akin, pwede kayong mag-join sa akin para pabagsakin 'yang Wilma Galvante dahil hindi siya nakakatulong sa network.

"Lahat ng mga empleyado ng GMA na ayaw kay Wilma, pwede kayong mag-join. 'Wag kayong matatakot mag-join sa akin. Malalaglag 'yang bruha sa GMA talaga 'yan!

"Kasi hindi maganda ang ginawa niya kay Richard. Number one si Richard sa GMA. Number one ang Zorro, pilit niyang pabagsakin. Yung mga comment sa PEP... Yung PEP, i-ban n'yo na 'yan, ha? I-ban n'yo 'yang PEP, kasi puro kasinungalingan! Nakakasira siya sa kapwa artista, sisirain niya lahat ng mga artista. Puro fake 'yan, tao lahat ni Wilma ang gumagawa niyan! Hindi 'yan galing sa mga fans. Walang bastos na fans si Richard, kaya galing 'yan sa mga fans ni Wilma, kasing bastos rin niya!"

Hindi ba kinuha ng Startalk ang panig mo niya nung Sabado?

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

1907 Comments

  • 347  arbys

    04/22/2009 | 08:04 PM
    wow praning na talaga si annabel bayaran daw ni wilma ang nagcocomment dito.at magrarally pa daw ang hitad.hindi importante ang pera pag nawala ka na sa mundo hindi mo iyan madadala. tandaan mo hindi palaging sikat ang anak mo. tatanda rin iyan.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 346  wh3ng

    04/22/2009 | 08:04 PM
    bakit sya ang nagsasabi na pinapabagsak ni Wilma ang GMA di ba dapat ang magsabi at nakakaalam non sila Atty Gozon, Annette at Duavit. masyadong makapal ang pagmumukha nitong annabelle na ito. Hindi po number 1 ang Zorro, at yung La Lola hindi rin naman naging consistent na number 1, at yung Luna Mystika magpasalamat kayo at wala pang teleserye that time si Marian. Gastusan mo ang rally hindi na pagtatanggol sa talents ang ginagawa mo kundi galit na yan at sobrang inis kay Wilma kaya gusto mo syang paalisin. Hindi mo matanggap na di ka pinapatulan ni Wilma. Go Ms. Wilma wag mong papatulan ang sira-ulong annabelle na yan wag kang bumaba sa level nia na nagdudunung-dungan e bibig lang naman ang ginagamit.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 345  joana_jewel

    04/22/2009 | 08:03 PM
    GUYS! pansinin nyo nga yung isang papansin na commentator dito nakakaawa na

    PALAGAY mo ba natatakot kaming mga pepster na malaman ni AR yung ip add namin dito?quot;!
    kaya nga may username e
    kasi d na kailangan pang ibandera namin dito yung mga pangalan namin
    may mangyayari ba kung ibigay namin yung address namin dito sa bahay?!

    sa dami ng pepster baka mamulubi si AR sa dami ng taong kakasuhan nya

    nakakaintindi ka ba ng freedom of speech?! kanya kanyang ipinyon lang yan


    ow! dont worry halos lahat ng commentators dito sa PEP magkakaiba man ng opinyon magkaka ibigan
    yung iba nag eyeball na
    magkaka kilala na personally
    pumunta ka kasi sa forum para malaman mo
    o kaya check mo yung mga Friendster account ng malaman mo na hindi FAKE yung mga commentators dito


    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 344  cutedimples

    04/22/2009 | 08:03 PM
    boykot Anabel's talent!!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 343  slms324

    04/22/2009 | 08:03 PM
    mcziemzie


    ano bang kinakatakot mo, eh kapapalit lang ng dati mong UN.


    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 342  pepato

    04/22/2009 | 08:03 PM
    234 mcziemczie . . .

    NYEH!!!

    LOL!!!! =D
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 341  cassandrafiona_1234

    04/22/2009 | 08:02 PM
    Eto si lola anabel ko..sabi ko sa kanya stop shouting to the top of her lugs ang Corrupt na iyan..Foul..

    Marinig ka nang mga Politiko..naku..wide mouth shut ka..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 340  morgen

    04/22/2009 | 08:02 PM
    261
    mcziemczie
    April 22, 2009
    19:55 PM

    POSIBLE na makuha ni ANABELLE lahat ng IP address ng DETRACTORS nya dito sa PEP kapag nanalo sya sa kaso....hmmmmm.....
    ---------------------

    ang tanong, alam ba niya ang salitang IP ADDRESS?? Di ba lawyer daw siya sabi niya?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 339  elmo_03

    04/22/2009 | 08:02 PM
    natatawa na ako kay Anabell Rama...hay maldita nga kaya si wilma?? hehehe
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 338  kritika

    04/22/2009 | 08:02 PM
    miss rama we work hard in other country to be able tp orovide to our family back home and theres no way bayaran kami,ok?who cares if she gets our ip address? thats ok, for her to realize we are not ghosts.. im here in san francisco, punta ka dito para malaman mo..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 337  mcziemczie

    04/22/2009 | 08:01 PM
    HINAY HINAY lang po sa pag-comment, dahil marami ditong LIBELOUS.

    Owners of cybercafes may be held liable for libelous statements posted or possibly viewed in their establishments.

    LOL! dami dito walang internet sa bahay! INGAT!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 336  labkokapuso

    04/22/2009 | 08:01 PM
    259
    kapuso4evermo
    re
    April 22, 2009
    19:55 PM Nakakapagod na talaga 'tong Annabelle na ito.

    Ang mga walang kwentang issue nya mula pa nakarang taon. Hindi pa rin natitigil hanggang ngayong taon.

    Ang masaklap lang dahil hanggang ngayon walang makapagpatigil sa walang kwentang mga pinagsasabi nya. And to think napag-aaksayahan talaga sya ng mga taong pag-usapan.

    Naa-associate mo tuloy ang mga pangyayari na ganito kagulo ang Pinas. Minsan, napapa-isip ka kung kaya pa kayang mapatino or mapatama ang ugali ng Pinoy dahil hanggang ngayon may isang Annabelle na walang makapagpatigil.

    Ang pangit lang na natotolerate ng Pinoy ang asal nyang ganyan. Na totally di mo kayang maipagmalaki sa buong mundo.

    Kelan kaya mapapatigil ang bunganga nya? At sino at sa anong paraan kaya matitigil ang Annabelle na ito? May chance pa kaya? Maaayos pa kaya ang showbiz?
    ---------------------------
    tama ka ..nakaksawa na c
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 335  welove_angel

    04/22/2009 | 08:01 PM
    hambog ba nimo anabel oi
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 334  pepato

    04/22/2009 | 08:01 PM
    234 mcziemczie . . .

    NGEK!!!

    LOL!!!

    =D
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 333  danica14

    04/22/2009 | 08:01 PM
    Ms. Wilma, quiet ka na lang, pabayaan mo na lang na si Ms. Annabel ang magngangawa. Kitang kita naman d2 sa away na 2 kung sino ang bastos. Ang pumatol kay Anabel ay mas......... PEACE!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 332  imyselfandi

    04/22/2009 | 08:01 PM
    after dito sa Zorro sigurado ka paba na may trabaho pa ang anak mo. Si Rupa host na lang Si Rimon Host once a week.

    Day ang gaba dili mag saba.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 331  cassandrafiona_1234

    04/22/2009 | 08:00 PM
    dadi37..tama ka diyan..sobra sa saya..
    Pang- Aliw Awards nga ang article na ito..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 330  slms324

    04/22/2009 | 07:59 PM
    mcziem


    kunin pa bkit me sinasabi ba rito na umaayaw. kunin niya para malaman niya na ang ibang mga pepsters rito ay totoong TAO...


    sa sinabi niyang lima, ikaw sabi mo naniniwala ka sa kanya.


    o eh di sige, eh di ikaw at ako ay IISA rin.?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 329  sweetyspy

    04/22/2009 | 07:59 PM
    ang pinakbest na gawin mga kapepz matulog na lng tau!!!

    bka bukas eh may bago ng article na itutuwa ntin....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 328  morgen

    04/22/2009 | 07:59 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About