news

Part 1: Annabelle Rama lambasts GMA-7 executive Wilma Galvante anew

by Eric Borromeo posted on April 22, 2009  STATS: 100215 Views | 1907 Comments

 

"Big rally itong gagawin ko. Ngayon pa lang nagre-recruit ako sa lahat ng mga Bisaya. Mga Bisaya nagmamahal sa akin, nagmamahal sa mga anak ko. Lahat ng mga fans ni Richard. Lahat ng mga fans ni JC [de Vera]. Lahat ng mga fans ng talents ko, puwede kayong mag-join. Kasi 'yang Wilma Galvante na 'yan, she's using her power, overusing her power as executive entertainment sa GMA. Hindi na siya dapat bibigyan ng title na 'yan. Ang title na sa kanya 'devil woman'!" says Annabelle Rama about the "big rally" that she is organizing in an effort to oust GMA-7 executive Annabelle Rama from her post.

Photo By: Noel Orsal

Nagpaunlak na magbigay ng interview via phone patch si Annabelle Rama sa radio program na Wow! Ang Showbiz! sa DWIZ noong Lunes, April 20. Ito ay upang mahingan ng paglilinaw ang talent manager tungkol sa nabanggit niyang "one-sided na report" ng Startalk noong Sabado, April 18, kung saan nakunan ng showbiz talk show ng pahayag ang abogado ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na si Atty. Sandra Olaso-Coronel. (Click here to read related story.)

Sa panayam ng Startalk kay Atty. Coronel, sinagot nito ang cease-and-desist letter na ipinadala ng legal counsel ni Annabelle na si Atty. Agnes Maranan upang ipatigil ang paglathala ng mga artikulo at komento tungkol kay Richard Gutierrez, anak at alaga ng talent manager.

Diretsang tanong ng main host ng radio program na si Ogie Diaz si Annabelle kung galit siya sa Startalk.

"Huwag lang pag-uusapan 'yang Kuya Germs [German Moreno], tapos na ako diyan, okay? Di napalaki ang isyu, dahil si Kuya Germs kausap ko lang kagabi [April 20], hindi raw siya makialam sa isyu naming dalawa ni Wilma [Galvante, SVP for Entertainment TV ng GMA-7], so wala siyang pakialam kay Wilma," umpisa ni Annabelle.

Patuloy niya, "Ako'y galit sa Startalk, kasi alam ko yung lawyer [na] nagpainterbyu diyan sa Startalk, hindi 'yon ano... Approved ni Wilma Galvante 'yon dahil, unang-una, taped interview 'yon, e, yung ginawa ng lawyer, e. Tapos nung sinisiraan niya si Richard, parang pambo-boycott na ginawa ng lawyer na yun kay Richard, approved yun ni Wilma, kasi si Wilma ang senior vice president executive sa entertainment. Entertainment, ibig sabihin, bago pa labas mga show sa GMA, approved niya. Approved niyang lahat 'yan.

"Saka yung mga kunu-kuno nagpadala ng negative comments about Richard sa PEP, gawa-gawa lahat ni Wilma 'yan! Meron siyang limang taong binabayaran, uupo lang sa computer para siraan-siraan si Richard! Ang ginawa ni Wilma saka yung grupo niya, demolition job, okay? Gusto niya mawala si Richard sa GMA para siya na mamahala sa GMA. Lahat ng mga talent under sa kanyang banner. Kasi siya—maraming nag-confirm sa akin—manager na rin siya. Kaya lahat ng mga talent kong mga sikat, sinusulot niya sa akin!"

BIG RALLY AGAINST WILMA. Patuloy ni Annabelle, mag-oorganize daw siya ng isang malaking raally laban sa lady executive ng GMA-7 para mag-resign sa kanyang puwesto.

"Naging gahaman sa pera, suwapang na siya sa pera ngayon! Kaya ako nanawagan, Ogie, sa lahat ng nakikinig sa akin sa radyo ngayon, kung gusto n'yong mag-join, nag-o-organize ako ng big rally against Wilma to step down, to resign. Sinong gusto n'yong sumali sa akin, tumawag lang sa 727-25-36. Ang tumawag, yung gusto lang sumali sa rally. Big rally ito gagawin ko para kay Wilma. Kasi dapat matanggal na si Wilma diyan sa GMA. Hindi siya nakakatulong sa network, nakakasira siya sa network!

"Yung ginagawa niya sa alaga ko, lahat ng talents ko, nag-number one rating sa GMA, sinisira niya sa Internet, sinisira niya sa lahat ng mga shows niya, kaya ngayon, hindi na siya nakakatulong sa network. Nakakasira na siya, dapat siyang mag-step down. Mag-resign na.

"Big rally itong gagawin ko. Ngayon pa lang nagre-recruit ako sa lahat ng mga Bisaya. Mga Bisaya nagmamahal sa akin, nagmamahal sa mga anak ko. Lahat ng mga fans ni Richard. Lahat ng mga fans ni JC [de Vera]. Lahat ng mga fans ng talents ko, pwede kayong mag-join. Kasi 'yang Wilma Galvante na 'yan, she's using her power, overusing her power as executive entertainment sa GMA. Hindi na siya dapat bibigyan ng title na 'yan. Ang title na sa kanya 'devil woman'!

"Ako, Ogie, mabait na tao. Mabait akong Bisaya. Nirerespeto ko siya. Kaya binabastos niya ako, wala siyang respeto sa akin, I don't have to respect her. Masyado siyang mabastos. Masyado siyang corrupt sa GMA. Lahat itong sinasabi ko sa 'yo, wala akong pakialam [kung] makarating kay Wilma, magdemanda siya, haharapin ko siya! Siya'y corrupt sa GMA, mang-aagaw ng talent!

"Uulitin ko, lahat ng nakikinig ngayon sa akin sa radyo, lahat ng fans ni Richard pwede kayong mag-support sa akin sa gagawin kong rally. Lahat ng mga Bisayang kababayan ko, yung mga nagmamahal sa akin, pwede kayong mag-join sa akin para pabagsakin 'yang Wilma Galvante dahil hindi siya nakakatulong sa network.

"Lahat ng mga empleyado ng GMA na ayaw kay Wilma, pwede kayong mag-join. 'Wag kayong matatakot mag-join sa akin. Malalaglag 'yang bruha sa GMA talaga 'yan!

"Kasi hindi maganda ang ginawa niya kay Richard. Number one si Richard sa GMA. Number one ang Zorro, pilit niyang pabagsakin. Yung mga comment sa PEP... Yung PEP, i-ban n'yo na 'yan, ha? I-ban n'yo 'yang PEP, kasi puro kasinungalingan! Nakakasira siya sa kapwa artista, sisirain niya lahat ng mga artista. Puro fake 'yan, tao lahat ni Wilma ang gumagawa niyan! Hindi 'yan galing sa mga fans. Walang bastos na fans si Richard, kaya galing 'yan sa mga fans ni Wilma, kasing bastos rin niya!"

Hindi ba kinuha ng Startalk ang panig mo niya nung Sabado?

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

1907 Comments

  • 1767  p1p2b3

    04/24/2009 | 07:04 AM
    At katulad nyan, sya rin ang may pakana na si Marian ang gawing Darna. Pwede ba? wala na ba kayong pwedeng gawing star, give chance to others bakit si Marian nanaman. Sya at sya na lang ba ang sikat dyan. Negosyo na lang ba at ang pagiging number one ang binibigyan nyo ng importansya. Kumbaga sa ulam para nyo kaming pinapakain ng parahong putahe agahan, panangahlian atbp. Pwede naman kayong kumuha ng inbang artista ah. Si Marian nanaman, nakakasuka na diba, Umay na umay na kami.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1766  p1p2b3

    04/24/2009 | 06:59 AM
    Nuong una ko pa lang makita si Ma'am Wilma naintriga na ako sa kanya, merong qualities on the way she acts, especially on the way she looks na may pagka-dictador. I saw her personally sa GMA, nag i-smile sya pero parang hindi sincere. Nakikita ko lahat ng pangalan nya sa mga programs as SVP for Entertainment. Sa kanya nag te thank you ang mga artista na parang kinakampanya, at may balak maging CEO ng GMA at palitan si Atty. Gozon. Ah basta napaplastikan ako sa kanya. pag hindi ito pinost ibig sabhin totoo ang mga bintang ni Bisaya.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1765  princessprocopia

    04/24/2009 | 06:41 AM
    what a retard. san ba hinuhugot nito ang yabang nya? her children are not exactly the `up here` like the Gutierrez family is imagining. sus. andaming ibang artista sa mga show ng anak nyo. mahiya naman kayo. Eddie Gutierrez, control your woman. grow a pair! sigawan mo na yan para magtigil.

    kung ganyan magsalita ang nanay ko on my behalf, i didis-own ko sya. then again, i have a mom who has breeding and class. so... swerte ako kahit hindi ako sikat.

    my pity goes to Eddie, Ruffa, the twins, and the rest of the brood.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1764  bistek

    04/24/2009 | 06:31 AM
    Atty. Gozon patalsikin na ninyo ang buong angkan at mga alaga ni Annabel sa GMA.
    isang salot si Annabel sa GMA. hangat nan diyan si Bisaya sa GMA palagi lang kayo niyang tatakutin at babastusin tulad na nangyayari lay Ms. Galvante.

    huwag kayong patakot sa isang Annabell lang na ang hawak lang dati ay mga Bold Stars.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1763  sipsip

    04/24/2009 | 06:22 AM
    lola anabel, kung gusto mo makuha ang simpatiya ng tao, isara mo yang bunganga mo.
    Isa kang palengkera, walang breeding.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1762  m107029

    04/24/2009 | 06:19 AM
    Dapat din ipa-investigate ni Gozon un mga accusations kay Wilma para malaman na natin kung totoo ngang may nangyayari na ganito. Para mapaalis na un mga nakakasira sa GMA. But still I don't like Annabel!!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1761  m107029

    04/24/2009 | 06:15 AM
    vivahotbabes, hahaha! Natawa ako sa comment mo. Tama ka!!!lol
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1760  bistek

    04/24/2009 | 06:13 AM
    iboycott lahat ng anak at alaga ni Annabell.

    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1759  kamponnilopez

    04/24/2009 | 05:40 AM
    Naruto tama ka walang masama sa ginagawang pagtatanggol ni anavil sa mga talent nya pero ang ikinagagalit ng mga tao dito ay pagbibintang nya sa ibang tao ang sobrang pagmumura nya ang panggagamit sa ibang tao lumabas lang na totoo ang mga sinasabi nya at higit sa lahat ay ang pag tu-twist ng mga istorya.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1758  kamponnilopez

    04/24/2009 | 05:33 AM
    Arlene33,tama si vivahotbabes ang naniniwala kay anabil ay masahol pa kay anavil!!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1757  sleepingchild

    04/24/2009 | 05:08 AM
    lol u guys have a great sense of humor !?!? XD
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1756  marimaris8

    04/24/2009 | 04:14 AM
    dapat kay annabelle ideport sa mars at baka pag-nandoon na siya maging habitable na talaga ang red planet. doon niya itatag ang bandilang bonifacio. siya ang president, prime minister, dictator, queen, etc., etc. pag may naka-away pa siya dun, ewan ko na lang.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1755  marina28

    04/24/2009 | 04:07 AM
    Great idea VivaHotBabe! Pag hindi bumaba si Wilma eh wag na ring bumaba si Anabel sa taas ng billboard. Duon na lang sya sumabit forever and ever para matahimik na ang masayang mundo ng showbiz.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1754  marina28

    04/24/2009 | 04:05 AM
    magandang idea yan VivaHotBabes!!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1753  mentholyptus

    04/24/2009 | 04:02 AM
    PEP - next time kasi...itagalog nyo na lang...di naintindihan ang quot;gun totingquot;...tutukan daw ng baril...nyahehe...kakatuwa...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1752  vivahotbabes

    04/24/2009 | 03:38 AM
    inday anabil if i were u UMAKYAT KA SA BILLBOARD SA EDSA siguradong maraming pupunta manood sayo then pag may dumating na pulis sabihin mo baba ka lang kung baba rin si wilma sa pwesto niya.. hahahahahahahahahaa
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1751  vivahotbabes

    04/24/2009 | 03:33 AM
    hoy anabil masyado kang KSP kahit na mag rally ka hindi baba si wilma sa pwesto may suggest ako sayo umakyat ka sa billboard sa edsa at sabihin mo sa mga pulis baba ka lang kung mag resign si wilma sa pwesto hahahahhaha
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1750  naruto

    04/24/2009 | 03:30 AM
    pag nirelease ng gma ang talents ni annabelle naku lalong babagsak ang ratings ng gma..hehehe

    wala na nga kau artista, paulit ulit na nga lng sa teleserye ang mga talents ng gma paparelease nyo pa talents ni annabelle..lalo kaung magiging kawawa..
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1749  naruto

    04/24/2009 | 03:27 AM
    mas sikat pa si annabelle kay marian..hehehe

    go annabelle tama ang pinaglalaban mo..

    ang pep ayaw pa aminin na imbento lng nila ang story abt richard gutierrez..may ibedensya daw wala naman maipakita..hay naku pep laki siguro ng bayad sa inyo ni wilma..

    pep sinungaling kayo.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1748  prinsesapg

    04/24/2009 | 03:27 AM
    dis anabil is 2 much. boycott every talent she has para mabawasan kayabangan pamilya niya. wish GMA will release all her talents para mabawasan sakit ulo nila. palaos na anak niya.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About