news

Part 1: Annabelle Rama lambasts GMA-7 executive Wilma Galvante anew

by Eric Borromeo posted on April 22, 2009  STATS: 100134 Views | 1907 Comments

 

"Big rally itong gagawin ko. Ngayon pa lang nagre-recruit ako sa lahat ng mga Bisaya. Mga Bisaya nagmamahal sa akin, nagmamahal sa mga anak ko. Lahat ng mga fans ni Richard. Lahat ng mga fans ni JC [de Vera]. Lahat ng mga fans ng talents ko, puwede kayong mag-join. Kasi 'yang Wilma Galvante na 'yan, she's using her power, overusing her power as executive entertainment sa GMA. Hindi na siya dapat bibigyan ng title na 'yan. Ang title na sa kanya 'devil woman'!" says Annabelle Rama about the "big rally" that she is organizing in an effort to oust GMA-7 executive Annabelle Rama from her post.

Photo By: Noel Orsal

Nagpaunlak na magbigay ng interview via phone patch si Annabelle Rama sa radio program na Wow! Ang Showbiz! sa DWIZ noong Lunes, April 20. Ito ay upang mahingan ng paglilinaw ang talent manager tungkol sa nabanggit niyang "one-sided na report" ng Startalk noong Sabado, April 18, kung saan nakunan ng showbiz talk show ng pahayag ang abogado ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na si Atty. Sandra Olaso-Coronel. (Click here to read related story.)

Sa panayam ng Startalk kay Atty. Coronel, sinagot nito ang cease-and-desist letter na ipinadala ng legal counsel ni Annabelle na si Atty. Agnes Maranan upang ipatigil ang paglathala ng mga artikulo at komento tungkol kay Richard Gutierrez, anak at alaga ng talent manager.

Diretsang tanong ng main host ng radio program na si Ogie Diaz si Annabelle kung galit siya sa Startalk.

"Huwag lang pag-uusapan 'yang Kuya Germs [German Moreno], tapos na ako diyan, okay? Di napalaki ang isyu, dahil si Kuya Germs kausap ko lang kagabi [April 20], hindi raw siya makialam sa isyu naming dalawa ni Wilma [Galvante, SVP for Entertainment TV ng GMA-7], so wala siyang pakialam kay Wilma," umpisa ni Annabelle.

Patuloy niya, "Ako'y galit sa Startalk, kasi alam ko yung lawyer [na] nagpainterbyu diyan sa Startalk, hindi 'yon ano... Approved ni Wilma Galvante 'yon dahil, unang-una, taped interview 'yon, e, yung ginawa ng lawyer, e. Tapos nung sinisiraan niya si Richard, parang pambo-boycott na ginawa ng lawyer na yun kay Richard, approved yun ni Wilma, kasi si Wilma ang senior vice president executive sa entertainment. Entertainment, ibig sabihin, bago pa labas mga show sa GMA, approved niya. Approved niyang lahat 'yan.

"Saka yung mga kunu-kuno nagpadala ng negative comments about Richard sa PEP, gawa-gawa lahat ni Wilma 'yan! Meron siyang limang taong binabayaran, uupo lang sa computer para siraan-siraan si Richard! Ang ginawa ni Wilma saka yung grupo niya, demolition job, okay? Gusto niya mawala si Richard sa GMA para siya na mamahala sa GMA. Lahat ng mga talent under sa kanyang banner. Kasi siya—maraming nag-confirm sa akin—manager na rin siya. Kaya lahat ng mga talent kong mga sikat, sinusulot niya sa akin!"

BIG RALLY AGAINST WILMA. Patuloy ni Annabelle, mag-oorganize daw siya ng isang malaking raally laban sa lady executive ng GMA-7 para mag-resign sa kanyang puwesto.

"Naging gahaman sa pera, suwapang na siya sa pera ngayon! Kaya ako nanawagan, Ogie, sa lahat ng nakikinig sa akin sa radyo ngayon, kung gusto n'yong mag-join, nag-o-organize ako ng big rally against Wilma to step down, to resign. Sinong gusto n'yong sumali sa akin, tumawag lang sa 727-25-36. Ang tumawag, yung gusto lang sumali sa rally. Big rally ito gagawin ko para kay Wilma. Kasi dapat matanggal na si Wilma diyan sa GMA. Hindi siya nakakatulong sa network, nakakasira siya sa network!

"Yung ginagawa niya sa alaga ko, lahat ng talents ko, nag-number one rating sa GMA, sinisira niya sa Internet, sinisira niya sa lahat ng mga shows niya, kaya ngayon, hindi na siya nakakatulong sa network. Nakakasira na siya, dapat siyang mag-step down. Mag-resign na.

"Big rally itong gagawin ko. Ngayon pa lang nagre-recruit ako sa lahat ng mga Bisaya. Mga Bisaya nagmamahal sa akin, nagmamahal sa mga anak ko. Lahat ng mga fans ni Richard. Lahat ng mga fans ni JC [de Vera]. Lahat ng mga fans ng talents ko, pwede kayong mag-join. Kasi 'yang Wilma Galvante na 'yan, she's using her power, overusing her power as executive entertainment sa GMA. Hindi na siya dapat bibigyan ng title na 'yan. Ang title na sa kanya 'devil woman'!

"Ako, Ogie, mabait na tao. Mabait akong Bisaya. Nirerespeto ko siya. Kaya binabastos niya ako, wala siyang respeto sa akin, I don't have to respect her. Masyado siyang mabastos. Masyado siyang corrupt sa GMA. Lahat itong sinasabi ko sa 'yo, wala akong pakialam [kung] makarating kay Wilma, magdemanda siya, haharapin ko siya! Siya'y corrupt sa GMA, mang-aagaw ng talent!

"Uulitin ko, lahat ng nakikinig ngayon sa akin sa radyo, lahat ng fans ni Richard pwede kayong mag-support sa akin sa gagawin kong rally. Lahat ng mga Bisayang kababayan ko, yung mga nagmamahal sa akin, pwede kayong mag-join sa akin para pabagsakin 'yang Wilma Galvante dahil hindi siya nakakatulong sa network.

"Lahat ng mga empleyado ng GMA na ayaw kay Wilma, pwede kayong mag-join. 'Wag kayong matatakot mag-join sa akin. Malalaglag 'yang bruha sa GMA talaga 'yan!

"Kasi hindi maganda ang ginawa niya kay Richard. Number one si Richard sa GMA. Number one ang Zorro, pilit niyang pabagsakin. Yung mga comment sa PEP... Yung PEP, i-ban n'yo na 'yan, ha? I-ban n'yo 'yang PEP, kasi puro kasinungalingan! Nakakasira siya sa kapwa artista, sisirain niya lahat ng mga artista. Puro fake 'yan, tao lahat ni Wilma ang gumagawa niyan! Hindi 'yan galing sa mga fans. Walang bastos na fans si Richard, kaya galing 'yan sa mga fans ni Wilma, kasing bastos rin niya!"

Hindi ba kinuha ng Startalk ang panig mo niya nung Sabado?

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

1907 Comments

  • 287  hunterdouglas

    04/22/2009 | 07:47 PM
    Parang sinasaniban na si Anabel ng kapwa nya D..... Mahirap nang kontrolin, parang manglalamon nang buhay... Wala talagang preno ang bibig, walang pakialam kung sino man ang masagasaan nya, sobrang abusado na, porke mga edukado at maunawain yung mga nasa paligid nya na hindi na lang sya pinapansin o kaya binibigay na lang gusto para wag na lang humaba pa.. Ngayon sobrang evil na.. Sobrang sakit cguro ng ulo ngaun nila Atty. Gozon at Mr. Duavit..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 286  joana_jewel

    04/22/2009 | 07:47 PM
    hindi pa magpasalamat to na kahit sobrang kahihiyan na binibigay nya sa kapuso network ang mga anak nya,asawa, at mga talents nya e may trabajo pa rin hanggang ngayon!

    kung sino man makakita sa babaeng to pakibuhusan ng malamig na tubig para mahimasmasan naman
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 285  mcziemczie

    04/22/2009 | 07:46 PM
    sa lahat ng galit kay anabelle dito. PLEASE publish your TRUE name and address hindi puro lang kayo dakdak dito. sighh...

    Tingnan natin kung hindi kaya ma-subpoena!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 284  mickeypiper

    04/22/2009 | 07:46 PM
    O yung mga dating fans ni Angel ngayon anu nalaman nyo na ang totoo???????????????

    Hindi sinungaling c Angel, sana matauhan na kayo......
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 283  kritika

    04/22/2009 | 07:46 PM
    i already say my piece in hiligaynon miss rama so stop speculating that there are only 5 people in pep commenting on the issue,it just simply shows how ignorant u are!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 282  slms324

    04/22/2009 | 07:45 PM
    im_tryland


    wag ka ng nangagagatong pa rito, tuwang tuwa ka lang naman dahil kapamilya ka. kaya pwede ba ayusin mo naman ang comment mo

    lagyan mo kaya ng konting sense. kahit konti lang.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 281  sweetie_pie

    04/22/2009 | 07:45 PM
    213
    bingo0112
    April 22, 2009
    19:36 PM syllaca06..ur talking about history, pero since binanggit mo, unagkatin natin..totoo un ne me ganung isyu pero walang mapanirang puri..pano magiging kasiraan ni Kris yung sinulat n me STD sya? Its a fact at kay Kris mismo galing un? Lahat ng nakasulat sa article na un katotohanan at walang imbento.
    ====definitely, there's nothing wrong with telling the truth, but you must be mindful of their intention and clearly, there intention is to put Kris A down or to subject her in humiliation to put her popularity down....to serve their very own and selfish purpose....now its okay with you, then fine....hehehhe
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 280  mcziemczie

    04/22/2009 | 07:44 PM
    Sa lahat ng AGAINST kay Anabelle. Bakit hindi niyo ipublish yung tunay ninyong pangalan at address? Takot ba kayong ma-demanda din? puro lang naman kayo dakdak dito, at least si Anabelle palaban! GO GIRL!!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 279  mickeypiper

    04/22/2009 | 07:44 PM
    MABUHAY ANG MGA BISAYA!!!!!!!!!!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 278  hatekapuso

    04/22/2009 | 07:44 PM
    Ang gulo nyo. Sana lang lumabas ang totoo sa kwento na ito. pero sikat talaga si AR kahit kelan dami comment dito. Dapat kasi wag maging quot;kupitera. quot; daw ha? Baka maliit sueldo kaya dapat may komisyon sa mga talent.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 277  kritika

    04/22/2009 | 07:44 PM
    oh my gulay,ako taga visayas region din and please lang ha i'll say it in hiligaynon para ma gets mo, indi tanan bisaya pareho sa imo miss annabel na kabastos gid ya, diin ka imo ya nag eskwela man? or wala ka ya gin tudluan gmrc sang parents mo? ur such a disgrace to the whole showbiz industry!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 276  pinaswheremyheartis

    04/22/2009 | 07:43 PM
    si Annabelle pagmaglabas ng saloobin ay prangka. pero may laman ang mga salita niya. kung susuriin ay tama siya about Wilma. like kay Marvin, Day, hindi pa nga tapos ang isang soap may next na naman at bida pa. fave ni wilma si Marvin na pandakikoy at hambog. Also di ba pinagpilitan ni Annabelle na kaya tinanggal niya si JC sa SRO dahil hindi naman siya bida? then sabi ni Wilma na parehong bida sina Marvin at JC? pero ngayong on going ang SRO...sino ba ang TOTOONG BIDA? di ba si Marvin? anong papel ni Geoff ngayon? so tama si Anabelle.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 275  kuwaitofw

    04/22/2009 | 07:42 PM
    sasabihin munanaman annabelel amp; ruffa na gawagawa lang ni wilma ang mga comments dito sa pep.kami mismo ang mag comment dahil nakakahiya ka.Kung ayaw ninyo sa pep gumawa kayo sarili website ninyo pamilya mayabang
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 274  accounts

    04/22/2009 | 07:41 PM
    Please ABS wag po nyo tanggapin c Anabelle pag lumipat sa inyo maawa po kayo sa aming mga TFC subscribers di cya magandang makita sa TV.please
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 273  mcziemczie

    04/22/2009 | 07:41 PM
    Kawawa naman GMA artiste VS. GMA demolition team. talo talo? ganun?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 272  pradalicious

    04/22/2009 | 07:41 PM
    may problema talaga ang GME..d yan magkaganun kon d totoo!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 271  PEP_Webmaster

    04/22/2009 | 07:41 PM
    r1c4..., wag po all caps. it is considered shouting. kindly revert to lowercase.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 270  jhoarivers

    04/22/2009 | 07:40 PM
    gusto yt ni annabel laht ng exposure s knya lng.. side lng nya ang mapapakinggan. isa kng DIKTADOR!
    wahehe!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 269  ninnaganda

    04/22/2009 | 07:40 PM
    Di na daw itutuloy ang rally dahil sa pakiusap ni Raymond at Richard?? bwahahahaha !!! ang sabihin mo, wala kasing sasama sa inyo!! Sus naman!! Who wants to be identified with foul-mouthed, hambug creatures like you!! Well, meron pala hehehe, yung mga alaga mong wala ng career !!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 268  kuwaitofw

    04/22/2009 | 07:39 PM
    nagalit kalang annabelle k wilma mula ng may birthday celebration ang gma para k dingdong amp; marian sa araneta colisium. nagkataon premier night ng movie ni richard.gusto mo wag magkaroon ng birthday party sa araneta.pati noon bench show nasapawan ni dingdong si richard nagreklamo kapa bakit di naging star of the night si richard.kawawa ka annabelle kailangan mo magpagamot sa mental hospital di na tama isip mo.kung ayaw mo sa gma umalis ka mula asama,4mong anak may project sa gma.magtayo kanalang sarili mong tv station.wag mong idamay mga bisaya sa kabaliwan mo.kakahiya ka
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About