news

Part 1: Annabelle Rama lambasts GMA-7 executive Wilma Galvante anew

by Eric Borromeo posted on April 22, 2009  STATS: 100154 Views | 1907 Comments

 

"Big rally itong gagawin ko. Ngayon pa lang nagre-recruit ako sa lahat ng mga Bisaya. Mga Bisaya nagmamahal sa akin, nagmamahal sa mga anak ko. Lahat ng mga fans ni Richard. Lahat ng mga fans ni JC [de Vera]. Lahat ng mga fans ng talents ko, puwede kayong mag-join. Kasi 'yang Wilma Galvante na 'yan, she's using her power, overusing her power as executive entertainment sa GMA. Hindi na siya dapat bibigyan ng title na 'yan. Ang title na sa kanya 'devil woman'!" says Annabelle Rama about the "big rally" that she is organizing in an effort to oust GMA-7 executive Annabelle Rama from her post.

Photo By: Noel Orsal

Nagpaunlak na magbigay ng interview via phone patch si Annabelle Rama sa radio program na Wow! Ang Showbiz! sa DWIZ noong Lunes, April 20. Ito ay upang mahingan ng paglilinaw ang talent manager tungkol sa nabanggit niyang "one-sided na report" ng Startalk noong Sabado, April 18, kung saan nakunan ng showbiz talk show ng pahayag ang abogado ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na si Atty. Sandra Olaso-Coronel. (Click here to read related story.)

Sa panayam ng Startalk kay Atty. Coronel, sinagot nito ang cease-and-desist letter na ipinadala ng legal counsel ni Annabelle na si Atty. Agnes Maranan upang ipatigil ang paglathala ng mga artikulo at komento tungkol kay Richard Gutierrez, anak at alaga ng talent manager.

Diretsang tanong ng main host ng radio program na si Ogie Diaz si Annabelle kung galit siya sa Startalk.

"Huwag lang pag-uusapan 'yang Kuya Germs [German Moreno], tapos na ako diyan, okay? Di napalaki ang isyu, dahil si Kuya Germs kausap ko lang kagabi [April 20], hindi raw siya makialam sa isyu naming dalawa ni Wilma [Galvante, SVP for Entertainment TV ng GMA-7], so wala siyang pakialam kay Wilma," umpisa ni Annabelle.

Patuloy niya, "Ako'y galit sa Startalk, kasi alam ko yung lawyer [na] nagpainterbyu diyan sa Startalk, hindi 'yon ano... Approved ni Wilma Galvante 'yon dahil, unang-una, taped interview 'yon, e, yung ginawa ng lawyer, e. Tapos nung sinisiraan niya si Richard, parang pambo-boycott na ginawa ng lawyer na yun kay Richard, approved yun ni Wilma, kasi si Wilma ang senior vice president executive sa entertainment. Entertainment, ibig sabihin, bago pa labas mga show sa GMA, approved niya. Approved niyang lahat 'yan.

"Saka yung mga kunu-kuno nagpadala ng negative comments about Richard sa PEP, gawa-gawa lahat ni Wilma 'yan! Meron siyang limang taong binabayaran, uupo lang sa computer para siraan-siraan si Richard! Ang ginawa ni Wilma saka yung grupo niya, demolition job, okay? Gusto niya mawala si Richard sa GMA para siya na mamahala sa GMA. Lahat ng mga talent under sa kanyang banner. Kasi siya—maraming nag-confirm sa akin—manager na rin siya. Kaya lahat ng mga talent kong mga sikat, sinusulot niya sa akin!"

BIG RALLY AGAINST WILMA. Patuloy ni Annabelle, mag-oorganize daw siya ng isang malaking raally laban sa lady executive ng GMA-7 para mag-resign sa kanyang puwesto.

"Naging gahaman sa pera, suwapang na siya sa pera ngayon! Kaya ako nanawagan, Ogie, sa lahat ng nakikinig sa akin sa radyo ngayon, kung gusto n'yong mag-join, nag-o-organize ako ng big rally against Wilma to step down, to resign. Sinong gusto n'yong sumali sa akin, tumawag lang sa 727-25-36. Ang tumawag, yung gusto lang sumali sa rally. Big rally ito gagawin ko para kay Wilma. Kasi dapat matanggal na si Wilma diyan sa GMA. Hindi siya nakakatulong sa network, nakakasira siya sa network!

"Yung ginagawa niya sa alaga ko, lahat ng talents ko, nag-number one rating sa GMA, sinisira niya sa Internet, sinisira niya sa lahat ng mga shows niya, kaya ngayon, hindi na siya nakakatulong sa network. Nakakasira na siya, dapat siyang mag-step down. Mag-resign na.

"Big rally itong gagawin ko. Ngayon pa lang nagre-recruit ako sa lahat ng mga Bisaya. Mga Bisaya nagmamahal sa akin, nagmamahal sa mga anak ko. Lahat ng mga fans ni Richard. Lahat ng mga fans ni JC [de Vera]. Lahat ng mga fans ng talents ko, pwede kayong mag-join. Kasi 'yang Wilma Galvante na 'yan, she's using her power, overusing her power as executive entertainment sa GMA. Hindi na siya dapat bibigyan ng title na 'yan. Ang title na sa kanya 'devil woman'!

"Ako, Ogie, mabait na tao. Mabait akong Bisaya. Nirerespeto ko siya. Kaya binabastos niya ako, wala siyang respeto sa akin, I don't have to respect her. Masyado siyang mabastos. Masyado siyang corrupt sa GMA. Lahat itong sinasabi ko sa 'yo, wala akong pakialam [kung] makarating kay Wilma, magdemanda siya, haharapin ko siya! Siya'y corrupt sa GMA, mang-aagaw ng talent!

"Uulitin ko, lahat ng nakikinig ngayon sa akin sa radyo, lahat ng fans ni Richard pwede kayong mag-support sa akin sa gagawin kong rally. Lahat ng mga Bisayang kababayan ko, yung mga nagmamahal sa akin, pwede kayong mag-join sa akin para pabagsakin 'yang Wilma Galvante dahil hindi siya nakakatulong sa network.

"Lahat ng mga empleyado ng GMA na ayaw kay Wilma, pwede kayong mag-join. 'Wag kayong matatakot mag-join sa akin. Malalaglag 'yang bruha sa GMA talaga 'yan!

"Kasi hindi maganda ang ginawa niya kay Richard. Number one si Richard sa GMA. Number one ang Zorro, pilit niyang pabagsakin. Yung mga comment sa PEP... Yung PEP, i-ban n'yo na 'yan, ha? I-ban n'yo 'yang PEP, kasi puro kasinungalingan! Nakakasira siya sa kapwa artista, sisirain niya lahat ng mga artista. Puro fake 'yan, tao lahat ni Wilma ang gumagawa niyan! Hindi 'yan galing sa mga fans. Walang bastos na fans si Richard, kaya galing 'yan sa mga fans ni Wilma, kasing bastos rin niya!"

Hindi ba kinuha ng Startalk ang panig mo niya nung Sabado?

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

1907 Comments

  • 267  jhoarivers

    04/22/2009 | 07:38 PM
    ANABELLE, bilangin mo lht ng pepsters d2. basahin mo n rin pr lalo uminit ulo mo. wahehe!

    ung mga ns abroad n pepsters, uwi tyo ng pinas at ipakita kay anabel n totoo tyo! wahahaha!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 266  shobizaddict

    04/22/2009 | 07:38 PM
    palagay ko papayag lang ang ABS kunin ang mga alaga ni Anabelle pag share management sila ng Star Magic.

    at palagay ko rin, nanggigil nang husto si Anabelle kay Wilma, dahil sa future hindi na nya pwedeng gawin na lahat ng talents nya kasama sa show ni Richard dahil nagsalita na si Atty. Gozon dyan na pwedeng mag suggest pero management pa rin ang masusunod. kung baga nagkaroon ng lakas ng loob si Wilma.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 265  imyselfandi

    04/22/2009 | 07:37 PM
    Malaking kasiraan si Anabil sa GMA, dapat hindi hinayaan man lang ng executives ng GMa na ganyanin man lang sila ni anabil.

    Sa pep wag nyo na big yan ng pansin yang babaeng yan dahil kailangan na talaga ng tranquilizer para tumigil.

    Ihampas nyo sa mukha nya na hindi fake ang mga comments namin dito. hindi kami mga bayaran at lalo hindi kami personal nakilala ni W. Galvanti.

    Bka si anabil ang may bayaran dito na lima. Sinu sinu sila pwes si anabil lang ang nakakaalam. At may fans pa ba ang mga ank nya.

    Si heart at TJ Trinidad lang ang gusto ko sa mga talents nya. Mayabang ka Anabil number one ang mga anak mo number one sila in your dreams.

    Bisaya ako pero hindi ako nayayanig sa panawagan mo. Mag rally kang mag isa mo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 264  ninnaganda

    04/22/2009 | 07:37 PM
    In the interest of fairness hehehe okay naman ang ginawa ng startalk. The presented Richard's demanda then went on to get the side of PEP. What's wrong with that? Your camp, 'monster mom' annabel, had all the time in Showbiz Central, so what are you complaining about??
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 263  accounts

    04/22/2009 | 07:37 PM
    hay naku anabelle mura man ka napasmo aning imo interview.Enjoy kaau mi sa pep no.you have no right to say na ipaban ang pep.haller

    GO PEP!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 262  bingo0112

    04/22/2009 | 07:36 PM
    syllaca06..ur talking about history, pero since binanggit mo, unagkatin natin..totoo un ne me ganung isyu pero walang mapanirang puri..pano magiging kasiraan ni Kris yung sinulat n me STD sya? Its a fact at kay Kris mismo galing un? Lahat ng nakasulat sa article na un katotohanan at walang imbento.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 261  r1c4r1v3r4

    04/22/2009 | 07:36 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 260  jessica507

    04/22/2009 | 07:35 PM
    hay... eto na naman po kami...akala ko tapos na..akala ko lang pala....hay uli..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 259  xoxobana

    04/22/2009 | 07:35 PM
    naku, nababaliw na ata itong babaeng to..sabihin ba namang 5 tao lang ang ngcocomment sa PEP...haaay, no explanation is enough for this lady, she is sick in the head and so her children. Doesn't she realize na sa ginagawa niya sya ang sumisira sa image ng mga anak niya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 258  123_orale

    04/22/2009 | 07:35 PM
    I think the Filipino who loves the showbiz business should ignore her- she is not only spoiling herself but spoiling her children. Please Annabele act according to your age
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 257  kapuso4evermore

    04/22/2009 | 07:34 PM
    Sige Annabelle, ngawa ka lang nga ngawa dyan.

    Sana lang malusutan mo ng maayos pag yang mga words na lumalabas sa'yo will be used against you in court.

    Dahil ikaw lang mismo ang nagbibigay ng paraan para lalo kang idiin.

    Akala naman ni Annabelle, makikipaglaro ang mga judges sa paraan nya.

    The more talk you have, the more mistakes you'll commit. Ewan ko sa'yo Annabelle.

    Ewan ko kung napagsasabihan ka ng mga anak mo, kahit papaano may isip naman ang mga anak mo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 256  ninnaganda

    04/22/2009 | 07:34 PM
    Bakit di ka pa kasi lumipat sa Dos! Tingnan natin tapang mo ke Madam Charo at iba pang mas mataray sa 'yo doon sa kabilang ibayo ! O baka naman ayaw na din ng Dos sa clan ninyo!Bwahahahaha! Sino kasi magti-tyaga sa mga ugali nyo?? Magaling lang manuhol, maganda at guapo nga mga anak mo puro bano sa acting at di marunong kumanta at sumayaw! Sus naman!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 255  screwed

    04/22/2009 | 07:33 PM
    you're a disgrace to them....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 254  bingo0112

    04/22/2009 | 07:32 PM
    sinisira ni WG c richard? kelan lang sinabi mo na natutuwa ka dhil nd pinepersonal ni WG ang away nyo..mangiyak ngiyak kp kc ang ganda ng press launch ng Zorro..kung lahat aprubado ni WG bakit hinahayaan nyang ipalabas ang mga interviews mo na lahat paninira kay WG?

    Ang problema kay Anabil,gusto nya maganda lahat ang sinasabi tungkol sa knila.Ok lang n sya ang mambastos wag lang sya ang babastusin.

    Sisihin ba c WG sa lahat, bka pati pagtaas ng singil ng Meralco, kay WG mo pa isisi.

    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 253  screwed

    04/22/2009 | 07:32 PM
    Oi! Annabelle, di lahat ng Bisaya eh katulad mong adelantado at walang pinag-aralan! May tamang proseso sa bawat reklamo. Idamay ba ang mga bisaya! Your a disgrace to them, no! Bad example!

    If your case is legitimate, di mo kailangang magngangangawa ng ganyan!

    Ang latang walang laman..... maingay!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 252  kritikongpinoy

    04/22/2009 | 07:32 PM
    To GMA-7:

    I've got 7 words for you -

    quot; PLEASE, LET GUTIERREZES AND HER WARDS GO! quot;
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 251  shobizaddict

    04/22/2009 | 07:32 PM
    hay naku dun sa mga nagtatanonong kung hindi ba pinagsasabihan ng pamilya niya si Anabelle, ang sagot dyan, walang makakapigil sa kanya. gagawin at gagawin nya lahat ng gusto nya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 250  ninnaganda

    04/22/2009 | 07:31 PM
    Linawin ko lang ha, ako ay ordinary pepster na sobrang inis sa angkan ni Annabel Rama na ang sasama ng ugali!! Salamat at hindi ko sila kamag-anak at baka mahawahan ako ng masamang energy mula sa clan na yan!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 249  buboy_902

    04/22/2009 | 07:30 PM
    I disagree with Annabelle's comments about Bisayas as warfreaks.

    My mom is a Bisaya but she does not have Annabelle's bad behavior. Maybe because my mom was raised properly by my grandparents; unlike Annabelle's upbringing.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 248  showbizzzboyyy

    04/22/2009 | 07:30 PM
    halleeerrrr. kalokah ka tanda....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About