Nagpaunlak na magbigay ng interview via phone patch si Annabelle Rama sa radio program na Wow! Ang Showbiz! sa DWIZ noong Lunes, April 20. Ito ay upang mahingan ng paglilinaw ang talent manager tungkol sa nabanggit niyang "one-sided na report" ng Startalk noong Sabado, April 18, kung saan nakunan ng showbiz talk show ng pahayag ang abogado ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na si Atty. Sandra Olaso-Coronel. (Click here to read related story.)
Sa panayam ng Startalk kay Atty. Coronel, sinagot nito ang cease-and-desist letter na ipinadala ng legal counsel ni Annabelle na si Atty. Agnes Maranan upang ipatigil ang paglathala ng mga artikulo at komento tungkol kay Richard Gutierrez, anak at alaga ng talent manager.
Diretsang tanong ng main host ng radio program na si Ogie Diaz si Annabelle kung galit siya sa Startalk.
"Huwag lang pag-uusapan 'yang Kuya Germs [German Moreno], tapos na ako diyan, okay? Di napalaki ang isyu, dahil si Kuya Germs kausap ko lang kagabi [April 20], hindi raw siya makialam sa isyu naming dalawa ni Wilma [Galvante, SVP for Entertainment TV ng GMA-7], so wala siyang pakialam kay Wilma," umpisa ni Annabelle.
Patuloy niya, "Ako'y galit sa Startalk, kasi alam ko yung lawyer [na] nagpainterbyu diyan sa Startalk, hindi 'yon ano... Approved ni Wilma Galvante 'yon dahil, unang-una, taped interview 'yon, e, yung ginawa ng lawyer, e. Tapos nung sinisiraan niya si Richard, parang pambo-boycott na ginawa ng lawyer na yun kay Richard, approved yun ni Wilma, kasi si Wilma ang senior vice president executive sa entertainment. Entertainment, ibig sabihin, bago pa labas mga show sa GMA, approved niya. Approved niyang lahat 'yan.
"Saka yung mga kunu-kuno nagpadala ng negative comments about Richard sa PEP, gawa-gawa lahat ni Wilma 'yan! Meron siyang limang taong binabayaran, uupo lang sa computer para siraan-siraan si Richard! Ang ginawa ni Wilma saka yung grupo niya, demolition job, okay? Gusto niya mawala si Richard sa GMA para siya na mamahala sa GMA. Lahat ng mga talent under sa kanyang banner. Kasi siya—maraming nag-confirm sa akin—manager na rin siya. Kaya lahat ng mga talent kong mga sikat, sinusulot niya sa akin!"
BIG RALLY AGAINST WILMA. Patuloy ni Annabelle, mag-oorganize daw siya ng isang malaking raally laban sa lady executive ng GMA-7 para mag-resign sa kanyang puwesto.
"Naging gahaman sa pera, suwapang na siya sa pera ngayon! Kaya ako nanawagan, Ogie, sa lahat ng nakikinig sa akin sa radyo ngayon, kung gusto n'yong mag-join, nag-o-organize ako ng big rally against Wilma to step down, to resign. Sinong gusto n'yong sumali sa akin, tumawag lang sa 727-25-36. Ang tumawag, yung gusto lang sumali sa rally. Big rally ito gagawin ko para kay Wilma. Kasi dapat matanggal na si Wilma diyan sa GMA. Hindi siya nakakatulong sa network, nakakasira siya sa network!
"Yung ginagawa niya sa alaga ko, lahat ng talents ko, nag-number one rating sa GMA, sinisira niya sa Internet, sinisira niya sa lahat ng mga shows niya, kaya ngayon, hindi na siya nakakatulong sa network. Nakakasira na siya, dapat siyang mag-step down. Mag-resign na.
"Big rally itong gagawin ko. Ngayon pa lang nagre-recruit ako sa lahat ng mga Bisaya. Mga Bisaya nagmamahal sa akin, nagmamahal sa mga anak ko. Lahat ng mga fans ni Richard. Lahat ng mga fans ni JC [de Vera]. Lahat ng mga fans ng talents ko, pwede kayong mag-join. Kasi 'yang Wilma Galvante na 'yan, she's using her power, overusing her power as executive entertainment sa GMA. Hindi na siya dapat bibigyan ng title na 'yan. Ang title na sa kanya 'devil woman'!
"Ako, Ogie, mabait na tao. Mabait akong Bisaya. Nirerespeto ko siya. Kaya binabastos niya ako, wala siyang respeto sa akin, I don't have to respect her. Masyado siyang mabastos. Masyado siyang corrupt sa GMA. Lahat itong sinasabi ko sa 'yo, wala akong pakialam [kung] makarating kay Wilma, magdemanda siya, haharapin ko siya! Siya'y corrupt sa GMA, mang-aagaw ng talent!
"Uulitin ko, lahat ng nakikinig ngayon sa akin sa radyo, lahat ng fans ni Richard pwede kayong mag-support sa akin sa gagawin kong rally. Lahat ng mga Bisayang kababayan ko, yung mga nagmamahal sa akin, pwede kayong mag-join sa akin para pabagsakin 'yang Wilma Galvante dahil hindi siya nakakatulong sa network.
"Lahat ng mga empleyado ng GMA na ayaw kay Wilma, pwede kayong mag-join. 'Wag kayong matatakot mag-join sa akin. Malalaglag 'yang bruha sa GMA talaga 'yan!
"Kasi hindi maganda ang ginawa niya kay Richard. Number one si Richard sa GMA. Number one ang Zorro, pilit niyang pabagsakin. Yung mga comment sa PEP... Yung PEP, i-ban n'yo na 'yan, ha? I-ban n'yo 'yang PEP, kasi puro kasinungalingan! Nakakasira siya sa kapwa artista, sisirain niya lahat ng mga artista. Puro fake 'yan, tao lahat ni Wilma ang gumagawa niyan! Hindi 'yan galing sa mga fans. Walang bastos na fans si Richard, kaya galing 'yan sa mga fans ni Wilma, kasing bastos rin niya!"
Hindi ba kinuha ng Startalk ang panig mo niya nung Sabado?




CALLED OUT
ALL COMMENTS
227 mssingapore
226 lesbie
225 Starbelle
224 sweetyspy
korek ka jan!!!
223 reality
shobizaddict
April 22, 2009
19:17 PM teka muna, kung lahat ng interviews, taped or otherwise, approved ni Wilma e di pati yung interview nya kay Pia pati dun sa 2 lawyers nya sya din nag approve?
....KOREK....kaya ako nde ako kumbinsido sa mga mapanirang ngawa ni anabel...sa mismong dila nya din sya nahuhuli...sa mga mapanirang paratang nya...duda din nga ako sa kakasabi nya na may limang pep d2 na connected kay wilma ..eh baka sya pa nga ito ngayon ang may mga bayaran ....tsk!anu ba yan pati ako nahahawa sa pagiging paranoid mo anabel...
222 flyingcarpet
221 pinaibarbie
im shocked, she spoke for angel. i knew it.alam lahat ni anabil ang strategy for destroying a talent kapag ayaw na ni wilma, kaya si anabil inunahan hehe.
220 starqueen
219 shobizaddict
1 walang tumawag sa phone
2 binawalan ng mga anak dahil alam nila na wala namang pupunta.
218 im_tryland
217 commentatore_01
216 182395
215 archangeldiva
the wheel of justice is taking to slow to grind and stop the machinations of this woman WHO THINKS SHE CAN MANIPULATE EVRYTHING TO HER ADVANTAGE.
I am half cebuana and half cavitena..honestly she gives the name visayan a bad connotation.
she is shameless and disrespectful to anybody who CAN NOT GIVE HER WHAT SHE WANTS.
tinigil mo yung rally dahil sa paki-usap ng mga anak mo???? am sure...walang gustong sumali sa yo.
sooner than later the karmic law will come and get you and your minions.
we just know it will happen soon
214 r1c4r1v3r4
213 lesbie
212 im_tryland
I'll ban people who resort to personal insults directed at the person or persons related to the article and the comments.
you may express your displeasure, but please, let's be sensitive.
ayan may babala na...tao rin po sila..
pero mas maganda kung idaan na lang sa boxing..kaya lang lugi si wilma kasi hindi lang si annabel ang susuntok,,nasa kaliwa si raymund,,nasa kanan si ruffa
211 real_scores
BESIDES, ang sasama LANG sa 'yo ang KAPAREHO mo!!!!
Puro KASINUNGALINGAN ka naman e. Galvante's work is to have a show na kikita ang GMA 7. Dapat magRATE. SO bakit niya SISIRAAN si Chard HABANG UMEERE pa ang Zorro? AAPEKTO yun sa work niya as the
SENIOR Vice Prexy ng Entertainment.
ALAM mo, HINDI kailangang BAYARAN ang mga tao para MAGCOMMENT against you!
IKAW mismo, GUMAGAWA ng mga bagay na KARAPAT-DAPAT Kumentuhan ng pangit!
MARAMI kami dito sa PEP,Kapamilya man O Kapuso,
na HINDI DAPAT bayaran AT HINDI TUMATANGGAP ng BAYAD
para PUNAHIN ang mga MALING style mo at BASTOS na ugali.Haaayz!!!!!!!!!
210 r1c4r1v3r4
HINDI KA BA NAGBABASA..INDI NGA NILA KINORNER SI JC EH...C JC ANG UMAKYAT AT NAG IIYAK KC KALA NYA LA NA SIYA CONTRACT.
209 sweetyspy
excuse mam anabelle but im not 1 of them....
208 sundae1979
more comments