news

Part 1: Annabelle Rama lambasts GMA-7 executive Wilma Galvante anew

by Eric Borromeo posted on April 22, 2009  STATS: 100131 Views | 1907 Comments

 

"Big rally itong gagawin ko. Ngayon pa lang nagre-recruit ako sa lahat ng mga Bisaya. Mga Bisaya nagmamahal sa akin, nagmamahal sa mga anak ko. Lahat ng mga fans ni Richard. Lahat ng mga fans ni JC [de Vera]. Lahat ng mga fans ng talents ko, puwede kayong mag-join. Kasi 'yang Wilma Galvante na 'yan, she's using her power, overusing her power as executive entertainment sa GMA. Hindi na siya dapat bibigyan ng title na 'yan. Ang title na sa kanya 'devil woman'!" says Annabelle Rama about the "big rally" that she is organizing in an effort to oust GMA-7 executive Annabelle Rama from her post.

Photo By: Noel Orsal

Nagpaunlak na magbigay ng interview via phone patch si Annabelle Rama sa radio program na Wow! Ang Showbiz! sa DWIZ noong Lunes, April 20. Ito ay upang mahingan ng paglilinaw ang talent manager tungkol sa nabanggit niyang "one-sided na report" ng Startalk noong Sabado, April 18, kung saan nakunan ng showbiz talk show ng pahayag ang abogado ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na si Atty. Sandra Olaso-Coronel. (Click here to read related story.)

Sa panayam ng Startalk kay Atty. Coronel, sinagot nito ang cease-and-desist letter na ipinadala ng legal counsel ni Annabelle na si Atty. Agnes Maranan upang ipatigil ang paglathala ng mga artikulo at komento tungkol kay Richard Gutierrez, anak at alaga ng talent manager.

Diretsang tanong ng main host ng radio program na si Ogie Diaz si Annabelle kung galit siya sa Startalk.

"Huwag lang pag-uusapan 'yang Kuya Germs [German Moreno], tapos na ako diyan, okay? Di napalaki ang isyu, dahil si Kuya Germs kausap ko lang kagabi [April 20], hindi raw siya makialam sa isyu naming dalawa ni Wilma [Galvante, SVP for Entertainment TV ng GMA-7], so wala siyang pakialam kay Wilma," umpisa ni Annabelle.

Patuloy niya, "Ako'y galit sa Startalk, kasi alam ko yung lawyer [na] nagpainterbyu diyan sa Startalk, hindi 'yon ano... Approved ni Wilma Galvante 'yon dahil, unang-una, taped interview 'yon, e, yung ginawa ng lawyer, e. Tapos nung sinisiraan niya si Richard, parang pambo-boycott na ginawa ng lawyer na yun kay Richard, approved yun ni Wilma, kasi si Wilma ang senior vice president executive sa entertainment. Entertainment, ibig sabihin, bago pa labas mga show sa GMA, approved niya. Approved niyang lahat 'yan.

"Saka yung mga kunu-kuno nagpadala ng negative comments about Richard sa PEP, gawa-gawa lahat ni Wilma 'yan! Meron siyang limang taong binabayaran, uupo lang sa computer para siraan-siraan si Richard! Ang ginawa ni Wilma saka yung grupo niya, demolition job, okay? Gusto niya mawala si Richard sa GMA para siya na mamahala sa GMA. Lahat ng mga talent under sa kanyang banner. Kasi siya—maraming nag-confirm sa akin—manager na rin siya. Kaya lahat ng mga talent kong mga sikat, sinusulot niya sa akin!"

BIG RALLY AGAINST WILMA. Patuloy ni Annabelle, mag-oorganize daw siya ng isang malaking raally laban sa lady executive ng GMA-7 para mag-resign sa kanyang puwesto.

"Naging gahaman sa pera, suwapang na siya sa pera ngayon! Kaya ako nanawagan, Ogie, sa lahat ng nakikinig sa akin sa radyo ngayon, kung gusto n'yong mag-join, nag-o-organize ako ng big rally against Wilma to step down, to resign. Sinong gusto n'yong sumali sa akin, tumawag lang sa 727-25-36. Ang tumawag, yung gusto lang sumali sa rally. Big rally ito gagawin ko para kay Wilma. Kasi dapat matanggal na si Wilma diyan sa GMA. Hindi siya nakakatulong sa network, nakakasira siya sa network!

"Yung ginagawa niya sa alaga ko, lahat ng talents ko, nag-number one rating sa GMA, sinisira niya sa Internet, sinisira niya sa lahat ng mga shows niya, kaya ngayon, hindi na siya nakakatulong sa network. Nakakasira na siya, dapat siyang mag-step down. Mag-resign na.

"Big rally itong gagawin ko. Ngayon pa lang nagre-recruit ako sa lahat ng mga Bisaya. Mga Bisaya nagmamahal sa akin, nagmamahal sa mga anak ko. Lahat ng mga fans ni Richard. Lahat ng mga fans ni JC [de Vera]. Lahat ng mga fans ng talents ko, pwede kayong mag-join. Kasi 'yang Wilma Galvante na 'yan, she's using her power, overusing her power as executive entertainment sa GMA. Hindi na siya dapat bibigyan ng title na 'yan. Ang title na sa kanya 'devil woman'!

"Ako, Ogie, mabait na tao. Mabait akong Bisaya. Nirerespeto ko siya. Kaya binabastos niya ako, wala siyang respeto sa akin, I don't have to respect her. Masyado siyang mabastos. Masyado siyang corrupt sa GMA. Lahat itong sinasabi ko sa 'yo, wala akong pakialam [kung] makarating kay Wilma, magdemanda siya, haharapin ko siya! Siya'y corrupt sa GMA, mang-aagaw ng talent!

"Uulitin ko, lahat ng nakikinig ngayon sa akin sa radyo, lahat ng fans ni Richard pwede kayong mag-support sa akin sa gagawin kong rally. Lahat ng mga Bisayang kababayan ko, yung mga nagmamahal sa akin, pwede kayong mag-join sa akin para pabagsakin 'yang Wilma Galvante dahil hindi siya nakakatulong sa network.

"Lahat ng mga empleyado ng GMA na ayaw kay Wilma, pwede kayong mag-join. 'Wag kayong matatakot mag-join sa akin. Malalaglag 'yang bruha sa GMA talaga 'yan!

"Kasi hindi maganda ang ginawa niya kay Richard. Number one si Richard sa GMA. Number one ang Zorro, pilit niyang pabagsakin. Yung mga comment sa PEP... Yung PEP, i-ban n'yo na 'yan, ha? I-ban n'yo 'yang PEP, kasi puro kasinungalingan! Nakakasira siya sa kapwa artista, sisirain niya lahat ng mga artista. Puro fake 'yan, tao lahat ni Wilma ang gumagawa niyan! Hindi 'yan galing sa mga fans. Walang bastos na fans si Richard, kaya galing 'yan sa mga fans ni Wilma, kasing bastos rin niya!"

Hindi ba kinuha ng Startalk ang panig mo niya nung Sabado?

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

1907 Comments

  • 1747  naruto

    04/24/2009 | 03:23 AM
    nakakpag taka lng lahat dito galit kay annabelle samantalang tama naman ang ipinaglalaban nya. talents nya ang naagrabyado ng pep at ni wilma..halatang halata tuloy na binabayaran talaga ung mga tao dito para siraan at pabagsakin mga talents ni annabelle. ganyan talaga ang mga strategy ng gma naninira para pabagsakin ang isang artista tulad ng ginawa kay angel, kris aquino at lahat ng mga lum ipat na artist sa abs. sama talaga ugali ni wilma.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1746  vivahotbabes

    04/24/2009 | 03:19 AM
    ang naniniwala kay anabil eh mas sira ulo pa sa kanya.monkey monkey anabil..wacko jacko anabil starlet..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1745  mochooro

    04/24/2009 | 02:59 AM
    good news. Darna ay si marian. black darna ay si monster mom and raymond baklita. agree baga kayo?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1744  arlene33

    04/24/2009 | 02:55 AM
    read between the lines na c wilma galvante talaga ang dahilan kung bakit nag-alsa balutan c bakekang kasama ang kanyang mga alaga and now ginagawa na naman nya kay annabel cguro c wilma is wishing for annabel na mag-alsa balutan kagaya ni becky para nga naman wala ng kokontra sa gusto nya naku gising na mga gozon at ng mawala na ang corrupt dyan sa bakuran nyo sayang baka lahat ng mga nagnunumber one sa inyo eh laging napipirata kayo rin kc d naalagaan ng maayos.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1743  ambot

    04/24/2009 | 02:35 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1742  arlene33

    04/24/2009 | 02:33 AM
    anyway problema talaga ng mga stars at manager sa GMA c wilma galvante sya rin dahilan kung bakit ang managwer ni angel angdecide ipull-out ang kanyang alaga dahil ask for kumisyon para lang mapayagan na makausap ang gozon dahil c bakekang is asking for another raise sa talent fee kc nga naman ang alaga nya kayod kalabaw walang pahinga samantalang c richard same cla ng work triple ang bayad kaso itong c wilma galvante was asking for 10percent komisyon na d sinang-ayunan ni bakekang well..c wilma ang nagpapabagsak sa GMA un lang.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1741  m107029

    04/24/2009 | 01:50 AM
    Ay, mali ang nasulat ko. Send it here sa NJ ang ibig kong sabihin. Sorry nagmamadali ako magtype eh.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1740  m107029

    04/24/2009 | 01:47 AM
    Walang nagmamahal sayo annabel!!! Loka-loka!!! D ako bayaran if you would like to pay me para mag-side ako sayo. That would be good. Send it to here sa NJ. I'll give you my name and complete address pwede mo to padala bank to bank. I would love to earn extra.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1739  anaheim5

    04/24/2009 | 01:46 AM
    i do hope ms. anabelle you'll look back how some of your kids get to where they are right now... if there's no right project and promotion wala sila ngayon sa limelight... sana you can look back to be thankful to them...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1738  m107029

    04/24/2009 | 01:40 AM
    Do know that the prevalence of your children to have schizophrenia for having one schizophrenic parent is 12? Now annabel, seek help before its too late. You're already presenting with sign and symptoms.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1737  cutenikaye

    04/24/2009 | 01:37 AM
    Ayaw hunahunaa ning mga comments sa uban kay wa mana sila sa imong situasyon. Kung tinood man nga daghan kag nahatag sos magyawyaw jud ko ug kadaghan.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1736  cutenikaye

    04/24/2009 | 01:35 AM
    Anabel padayon kay gusto nako makita ni Heart Evangelista intawon idol nako na siya kay guapa jud kaayo bataa nya decente pa jud manubag!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1735  m107029

    04/24/2009 | 01:35 AM
    Annabel, Are you hearing voices? Is it telling you to do something? Come on tell me more about it...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1734  m107029

    04/24/2009 | 01:32 AM
    Annabel is having a delusion. Paranoia ang tawag dyan thinking that other people are here to get you or trying to tarnish your family's reputation. I know you also have delusion of grandeur thinking you are the greatest in this world!!! Are you also having any hallucinations? Maybe you need to see a shrink psychiatrist!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1733  kulasin

    04/24/2009 | 12:42 AM
    bumalik na lang uli kayo sa amerika at magtinda na lang uli kayo ng KALDERO...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1732  kulasin

    04/24/2009 | 12:41 AM
    naku Day Anabil, masama na yan, magpatingin ka na sa psychiatrist, may gawak na ang utak mo, pati mga pepster pinagdidiskitahan mo na rin....LUKARET ka na talaga...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1731  vivahotbabes

    04/24/2009 | 12:36 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1730  luvs77

    04/24/2009 | 12:18 AM
    naka2tawa ka talaga anabil desperate kana talaga pati kaming mga pepster dinadamay mo. kng binabayaran kmi uwi nlang ako ng pinas at mag post ng comment sa pep keysa magpaka hirap d2 sa ibang bansa.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1729  frdrick

    04/24/2009 | 12:06 AM
    ay perya pala hahahahahah
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1728  frdrick

    04/24/2009 | 12:05 AM
    go go go anabil ebil... gawing munu pang porya ang gme hahahahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About