news

Part 1: Annabelle Rama lambasts GMA-7 executive Wilma Galvante anew

by Eric Borromeo posted on April 22, 2009  STATS: 100136 Views | 1907 Comments

 

"Big rally itong gagawin ko. Ngayon pa lang nagre-recruit ako sa lahat ng mga Bisaya. Mga Bisaya nagmamahal sa akin, nagmamahal sa mga anak ko. Lahat ng mga fans ni Richard. Lahat ng mga fans ni JC [de Vera]. Lahat ng mga fans ng talents ko, puwede kayong mag-join. Kasi 'yang Wilma Galvante na 'yan, she's using her power, overusing her power as executive entertainment sa GMA. Hindi na siya dapat bibigyan ng title na 'yan. Ang title na sa kanya 'devil woman'!" says Annabelle Rama about the "big rally" that she is organizing in an effort to oust GMA-7 executive Annabelle Rama from her post.

Photo By: Noel Orsal

Nagpaunlak na magbigay ng interview via phone patch si Annabelle Rama sa radio program na Wow! Ang Showbiz! sa DWIZ noong Lunes, April 20. Ito ay upang mahingan ng paglilinaw ang talent manager tungkol sa nabanggit niyang "one-sided na report" ng Startalk noong Sabado, April 18, kung saan nakunan ng showbiz talk show ng pahayag ang abogado ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na si Atty. Sandra Olaso-Coronel. (Click here to read related story.)

Sa panayam ng Startalk kay Atty. Coronel, sinagot nito ang cease-and-desist letter na ipinadala ng legal counsel ni Annabelle na si Atty. Agnes Maranan upang ipatigil ang paglathala ng mga artikulo at komento tungkol kay Richard Gutierrez, anak at alaga ng talent manager.

Diretsang tanong ng main host ng radio program na si Ogie Diaz si Annabelle kung galit siya sa Startalk.

"Huwag lang pag-uusapan 'yang Kuya Germs [German Moreno], tapos na ako diyan, okay? Di napalaki ang isyu, dahil si Kuya Germs kausap ko lang kagabi [April 20], hindi raw siya makialam sa isyu naming dalawa ni Wilma [Galvante, SVP for Entertainment TV ng GMA-7], so wala siyang pakialam kay Wilma," umpisa ni Annabelle.

Patuloy niya, "Ako'y galit sa Startalk, kasi alam ko yung lawyer [na] nagpainterbyu diyan sa Startalk, hindi 'yon ano... Approved ni Wilma Galvante 'yon dahil, unang-una, taped interview 'yon, e, yung ginawa ng lawyer, e. Tapos nung sinisiraan niya si Richard, parang pambo-boycott na ginawa ng lawyer na yun kay Richard, approved yun ni Wilma, kasi si Wilma ang senior vice president executive sa entertainment. Entertainment, ibig sabihin, bago pa labas mga show sa GMA, approved niya. Approved niyang lahat 'yan.

"Saka yung mga kunu-kuno nagpadala ng negative comments about Richard sa PEP, gawa-gawa lahat ni Wilma 'yan! Meron siyang limang taong binabayaran, uupo lang sa computer para siraan-siraan si Richard! Ang ginawa ni Wilma saka yung grupo niya, demolition job, okay? Gusto niya mawala si Richard sa GMA para siya na mamahala sa GMA. Lahat ng mga talent under sa kanyang banner. Kasi siya—maraming nag-confirm sa akin—manager na rin siya. Kaya lahat ng mga talent kong mga sikat, sinusulot niya sa akin!"

BIG RALLY AGAINST WILMA. Patuloy ni Annabelle, mag-oorganize daw siya ng isang malaking raally laban sa lady executive ng GMA-7 para mag-resign sa kanyang puwesto.

"Naging gahaman sa pera, suwapang na siya sa pera ngayon! Kaya ako nanawagan, Ogie, sa lahat ng nakikinig sa akin sa radyo ngayon, kung gusto n'yong mag-join, nag-o-organize ako ng big rally against Wilma to step down, to resign. Sinong gusto n'yong sumali sa akin, tumawag lang sa 727-25-36. Ang tumawag, yung gusto lang sumali sa rally. Big rally ito gagawin ko para kay Wilma. Kasi dapat matanggal na si Wilma diyan sa GMA. Hindi siya nakakatulong sa network, nakakasira siya sa network!

"Yung ginagawa niya sa alaga ko, lahat ng talents ko, nag-number one rating sa GMA, sinisira niya sa Internet, sinisira niya sa lahat ng mga shows niya, kaya ngayon, hindi na siya nakakatulong sa network. Nakakasira na siya, dapat siyang mag-step down. Mag-resign na.

"Big rally itong gagawin ko. Ngayon pa lang nagre-recruit ako sa lahat ng mga Bisaya. Mga Bisaya nagmamahal sa akin, nagmamahal sa mga anak ko. Lahat ng mga fans ni Richard. Lahat ng mga fans ni JC [de Vera]. Lahat ng mga fans ng talents ko, pwede kayong mag-join. Kasi 'yang Wilma Galvante na 'yan, she's using her power, overusing her power as executive entertainment sa GMA. Hindi na siya dapat bibigyan ng title na 'yan. Ang title na sa kanya 'devil woman'!

"Ako, Ogie, mabait na tao. Mabait akong Bisaya. Nirerespeto ko siya. Kaya binabastos niya ako, wala siyang respeto sa akin, I don't have to respect her. Masyado siyang mabastos. Masyado siyang corrupt sa GMA. Lahat itong sinasabi ko sa 'yo, wala akong pakialam [kung] makarating kay Wilma, magdemanda siya, haharapin ko siya! Siya'y corrupt sa GMA, mang-aagaw ng talent!

"Uulitin ko, lahat ng nakikinig ngayon sa akin sa radyo, lahat ng fans ni Richard pwede kayong mag-support sa akin sa gagawin kong rally. Lahat ng mga Bisayang kababayan ko, yung mga nagmamahal sa akin, pwede kayong mag-join sa akin para pabagsakin 'yang Wilma Galvante dahil hindi siya nakakatulong sa network.

"Lahat ng mga empleyado ng GMA na ayaw kay Wilma, pwede kayong mag-join. 'Wag kayong matatakot mag-join sa akin. Malalaglag 'yang bruha sa GMA talaga 'yan!

"Kasi hindi maganda ang ginawa niya kay Richard. Number one si Richard sa GMA. Number one ang Zorro, pilit niyang pabagsakin. Yung mga comment sa PEP... Yung PEP, i-ban n'yo na 'yan, ha? I-ban n'yo 'yang PEP, kasi puro kasinungalingan! Nakakasira siya sa kapwa artista, sisirain niya lahat ng mga artista. Puro fake 'yan, tao lahat ni Wilma ang gumagawa niyan! Hindi 'yan galing sa mga fans. Walang bastos na fans si Richard, kaya galing 'yan sa mga fans ni Wilma, kasing bastos rin niya!"

Hindi ba kinuha ng Startalk ang panig mo niya nung Sabado?

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

1907 Comments

  • 127  reality

    04/22/2009 | 06:52 PM
    paging mr. gozon...mr duavit...nde ba kau naaalarma sa bunganga ni anabel..mismo sya nambababoy sa pangalan ng gma....na pinaghirapan nyong itaguyod...dapat na kayo umaksyon...para fair ..pa imbestigahan c wilma sa mga bintang ni anabel...at para matahimik na sa kakaputak si royal anabel...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 126  dadi37

    04/22/2009 | 06:52 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 125  cassandrafiona_1234

    04/22/2009 | 06:52 PM
    dadi37..hay naku tankeng tankeng gas ang babaunin ko..pag di tumalab..i will call the Terminator Part 3..bahala na Mcconnor ba yun to save the face of you know what i mean..

    etong mga ito..kung maka-alburoto eh daig pang puyos na kuyos..dapat magbigyan nang award itong dalawang golden girls na ito..

    mabigyan nga nang gloves ang magboksing kayo..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 124  vivahotbabes

    04/22/2009 | 06:52 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 123  bingo0112

    04/22/2009 | 06:51 PM
    showbiz08

    Naniniwala k sa sinasabi ni Anabil?

    Kund naniwala k sa alinmang sinabi nya d2 dapat maniwala ka dn sa mga sinabi nya dati, gaya ng:

    - itinanan ni Bong Revilla c Ruffa..nasa radyo sya nun interview ni Joe Taruc..umagang umga

    -hindi totoo n ikinasal c rufa sa US..nagalit pa sya kay Dolly Ann carvajal dahil sa sulat..

    - limang tao lang ang nagcocoment sa pep at lahat bayaran.. kung naniniwala ka ke anabil, pang-ilan k dun sa lima?

    -kasinungalingan lahat ng article d2 sa pep.. Naniniwala k dn d2?

    naghahanap lng c anabil ng kakampi kya lagi nyang isinasali c Angel..alam nating lahat na nakipag negotiate cla sa ABS ng patalikod..e2 ang ikinagalit n WG s knila,,nd ba e2 valid reason? kung me ganung sistema c GMA, bakit wlang comment c Lolit Solis? wla s karakter ni lolit ang matakot..Bakit walang problema ke Douglas Quijano at iba pang lehitimong talent managers?

    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 122  jo_logs

    04/22/2009 | 06:51 PM
    annabelle, nagko-comment ako rito pero hindi ako kilala ni ms. wilma galvante. walang nagbabayad sa akin.

    lahat ng kabastusan mo at ang pag-engage mo sa bribery o corruption, ibinibintang mo sa iba. paranoid ka na may ibang gumagawa ng ginagawa mo.

    you are using god's name in vain. mahiya ka naman sa diyos.

    kung sira-ulo ka man, ang makikipag-rally sa iyo ay sira-ulo rin. ang mga anak mo at mga alaga mo lang ang makikipag-rally sa iyo. pero walang tumawag sa iyo para mag-join, sinabihan ka na lang ng mga kampon mo na huwag na lang ituloy.

    grabe naman ang mga executives ng gma7 kung pagtiya-tiyagaan pa nila ang annabelle na ito. si annabelle ang nakakasira ng network. atty. felipe and annette gozon, mr. duavit, wala ba kayong paninindigan? hindi niyo ba patatalsikin ang annabelle na iyan? mas maganda pang i-release niyo na lang ang mga alaga ni annabelle kaysa sirain lalo ni annabelle ang reputation ng gma7.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 121  sundae1979

    04/22/2009 | 06:51 PM
    bingo00112 ur suggestion is right, well i can send a postcard too..do u have an address pls.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 120  madam01

    04/22/2009 | 06:51 PM
    gosh...walang preno..masama talangang bigyan ng microphone si bisaya...

    on angel's case - naniniwala ako... there must be reasons kung bakit umalis ng gma si angel...bakit ka naman aalis sa isang network kung ikaw ang pinakasikat kundi dahil talagang may dahilan...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 119  faye_05

    04/22/2009 | 06:51 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 118  prettyandstraight

    04/22/2009 | 06:50 PM
    ano ba yan almost everyday may pasabog si mommy annabelle parang nakunbinse na ako na may problem talaga itong si ms galvante kasi di na talaga takot si mommy annabelle if magdemanda si wilma parang ang dami niyang alam tungkol sa lady executive if totoo ito kawawa naman yong ibang manager inaagawan ng talent pag sikat na dapat walang ganon magagalit si bro di ba santino?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 117  samath

    04/22/2009 | 06:50 PM
    im proud of my mom unlike this woman na ito!
    i will not tolerate her to say this kind of things..

    at kayo nmng mga anak alam nyo nmn n gnyan kataklesa yang si anabil sna hwg nyo ng pinaiintirview ng live..
    para nmn n eedit nakakahiya kc on your part...
    kc kapamilya nyo sya!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 116  im_tryland

    04/22/2009 | 06:49 PM
    basta curious ako sa limang bayaran na yan...sino kaya yang limang yan....mathematician ng gme
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 115  moonlight

    04/22/2009 | 06:49 PM
    FYI showbiz08, dati po sabi ni Annabel, when asked about Angel's transfer and if Richard will transfer too na 'may utang na loob kami, takot kaming mga bisaya sa karma' na obviously nagpaparinig kay Angel. Kaya wag mo ng kampihan si Annabel at paulit-ulit na sabihin na she speaks the truth porket pabor sa idol mo ang sinasabi nya ngayon.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 114  sweetyspy

    04/22/2009 | 06:49 PM
    Ito lng ang masasabi ko....
    kakaloka ang isang 2, sna lng ha mapatunayan nya lht ng sinasabi niya!!si angel locsin at ang manager nya nasali dn sa knyang speech kuno, nman mam anabelle nanahimik na yng mga tao sa kabila.. mya pgumpishan na nman 2 ng issue.... alm mo plng mukhng pera cla at d ka kontento sa knya eh d sna noon pa nilipat mo na mga anak mo....gnon lng un kasimple.ang pep kmo papasara!! d mo b naisip na e2 na lng kaligyhan nmin.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 113  marhabasalahat

    04/22/2009 | 06:49 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 112  cassandrafiona_1234

    04/22/2009 | 06:48 PM
    tryland..namen..pero if you watch SC naku..ewan ko itsura ni lola anabel ko nakalimutang mag-paparlor..sana may i use siya ng Alterna para flowing hair siya..huwag naka-pusod..sobra talbog ang biyuti ni wilma sa ganda ni lola anbel ko..

    bilib ako sa stamina nang tongue and esophagus nito..premium power..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 111  kagandahantalaga

    04/22/2009 | 06:48 PM
    im not pro wilma or anabel.. pero napapansin ko lang, madaming taga 7 ang umalis na and pumuntang 2.. maybe may mali sa pamamalakad.. masyado kasi mapolitika rin ang showbiz...you need to be chummy chummy with the higher officials para dami project... sa channel 2 naman wala namang makaganyan sa mga executives dun.. or if ever may mangaway di nila pinapatulan...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 110  dadi37

    04/22/2009 | 06:48 PM
    dospoako.............no choice ka pagnasa dos na sila dahil for sure di naman sa unittv at tv5 nya dadalhin ang mga alaga nya
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 109  hyrax08

    04/22/2009 | 06:47 PM
    naku, lumuwag na tlga ang turnilyo. tsk3x! ewan q kung ano na dapat gawin sa taong to. dapat makelam na c mr. gozon at duavit.ipahiya na yang anabel na yan. ewan q lang kung di yan manahimik. di number one ang zorro. totoy bato ang number 1 kaya... imbento ka jan
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 108  im_tryland

    04/22/2009 | 06:47 PM
    Nang sumunod na araw, April 21, ay nakausap uli ng Wow! Ang Showbiz si Annabelle. Sinabi ng talent manager na hindi na niya itutuloy ang plano niyang rally laban kay Ms. Galvante dahil na rin daw sa pakiusap ng kanyang mga anak na sina Richard at Raymond Gutierrez.

    ay hindi naman pala tuloy.....tatlo na lang sana aandar na barko...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About