news

Part 1: Annabelle Rama lambasts GMA-7 executive Wilma Galvante anew

by Eric Borromeo posted on April 22, 2009  STATS: 100139 Views | 1907 Comments

 

"Big rally itong gagawin ko. Ngayon pa lang nagre-recruit ako sa lahat ng mga Bisaya. Mga Bisaya nagmamahal sa akin, nagmamahal sa mga anak ko. Lahat ng mga fans ni Richard. Lahat ng mga fans ni JC [de Vera]. Lahat ng mga fans ng talents ko, puwede kayong mag-join. Kasi 'yang Wilma Galvante na 'yan, she's using her power, overusing her power as executive entertainment sa GMA. Hindi na siya dapat bibigyan ng title na 'yan. Ang title na sa kanya 'devil woman'!" says Annabelle Rama about the "big rally" that she is organizing in an effort to oust GMA-7 executive Annabelle Rama from her post.

Photo By: Noel Orsal

Nagpaunlak na magbigay ng interview via phone patch si Annabelle Rama sa radio program na Wow! Ang Showbiz! sa DWIZ noong Lunes, April 20. Ito ay upang mahingan ng paglilinaw ang talent manager tungkol sa nabanggit niyang "one-sided na report" ng Startalk noong Sabado, April 18, kung saan nakunan ng showbiz talk show ng pahayag ang abogado ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na si Atty. Sandra Olaso-Coronel. (Click here to read related story.)

Sa panayam ng Startalk kay Atty. Coronel, sinagot nito ang cease-and-desist letter na ipinadala ng legal counsel ni Annabelle na si Atty. Agnes Maranan upang ipatigil ang paglathala ng mga artikulo at komento tungkol kay Richard Gutierrez, anak at alaga ng talent manager.

Diretsang tanong ng main host ng radio program na si Ogie Diaz si Annabelle kung galit siya sa Startalk.

"Huwag lang pag-uusapan 'yang Kuya Germs [German Moreno], tapos na ako diyan, okay? Di napalaki ang isyu, dahil si Kuya Germs kausap ko lang kagabi [April 20], hindi raw siya makialam sa isyu naming dalawa ni Wilma [Galvante, SVP for Entertainment TV ng GMA-7], so wala siyang pakialam kay Wilma," umpisa ni Annabelle.

Patuloy niya, "Ako'y galit sa Startalk, kasi alam ko yung lawyer [na] nagpainterbyu diyan sa Startalk, hindi 'yon ano... Approved ni Wilma Galvante 'yon dahil, unang-una, taped interview 'yon, e, yung ginawa ng lawyer, e. Tapos nung sinisiraan niya si Richard, parang pambo-boycott na ginawa ng lawyer na yun kay Richard, approved yun ni Wilma, kasi si Wilma ang senior vice president executive sa entertainment. Entertainment, ibig sabihin, bago pa labas mga show sa GMA, approved niya. Approved niyang lahat 'yan.

"Saka yung mga kunu-kuno nagpadala ng negative comments about Richard sa PEP, gawa-gawa lahat ni Wilma 'yan! Meron siyang limang taong binabayaran, uupo lang sa computer para siraan-siraan si Richard! Ang ginawa ni Wilma saka yung grupo niya, demolition job, okay? Gusto niya mawala si Richard sa GMA para siya na mamahala sa GMA. Lahat ng mga talent under sa kanyang banner. Kasi siya—maraming nag-confirm sa akin—manager na rin siya. Kaya lahat ng mga talent kong mga sikat, sinusulot niya sa akin!"

BIG RALLY AGAINST WILMA. Patuloy ni Annabelle, mag-oorganize daw siya ng isang malaking raally laban sa lady executive ng GMA-7 para mag-resign sa kanyang puwesto.

"Naging gahaman sa pera, suwapang na siya sa pera ngayon! Kaya ako nanawagan, Ogie, sa lahat ng nakikinig sa akin sa radyo ngayon, kung gusto n'yong mag-join, nag-o-organize ako ng big rally against Wilma to step down, to resign. Sinong gusto n'yong sumali sa akin, tumawag lang sa 727-25-36. Ang tumawag, yung gusto lang sumali sa rally. Big rally ito gagawin ko para kay Wilma. Kasi dapat matanggal na si Wilma diyan sa GMA. Hindi siya nakakatulong sa network, nakakasira siya sa network!

"Yung ginagawa niya sa alaga ko, lahat ng talents ko, nag-number one rating sa GMA, sinisira niya sa Internet, sinisira niya sa lahat ng mga shows niya, kaya ngayon, hindi na siya nakakatulong sa network. Nakakasira na siya, dapat siyang mag-step down. Mag-resign na.

"Big rally itong gagawin ko. Ngayon pa lang nagre-recruit ako sa lahat ng mga Bisaya. Mga Bisaya nagmamahal sa akin, nagmamahal sa mga anak ko. Lahat ng mga fans ni Richard. Lahat ng mga fans ni JC [de Vera]. Lahat ng mga fans ng talents ko, pwede kayong mag-join. Kasi 'yang Wilma Galvante na 'yan, she's using her power, overusing her power as executive entertainment sa GMA. Hindi na siya dapat bibigyan ng title na 'yan. Ang title na sa kanya 'devil woman'!

"Ako, Ogie, mabait na tao. Mabait akong Bisaya. Nirerespeto ko siya. Kaya binabastos niya ako, wala siyang respeto sa akin, I don't have to respect her. Masyado siyang mabastos. Masyado siyang corrupt sa GMA. Lahat itong sinasabi ko sa 'yo, wala akong pakialam [kung] makarating kay Wilma, magdemanda siya, haharapin ko siya! Siya'y corrupt sa GMA, mang-aagaw ng talent!

"Uulitin ko, lahat ng nakikinig ngayon sa akin sa radyo, lahat ng fans ni Richard pwede kayong mag-support sa akin sa gagawin kong rally. Lahat ng mga Bisayang kababayan ko, yung mga nagmamahal sa akin, pwede kayong mag-join sa akin para pabagsakin 'yang Wilma Galvante dahil hindi siya nakakatulong sa network.

"Lahat ng mga empleyado ng GMA na ayaw kay Wilma, pwede kayong mag-join. 'Wag kayong matatakot mag-join sa akin. Malalaglag 'yang bruha sa GMA talaga 'yan!

"Kasi hindi maganda ang ginawa niya kay Richard. Number one si Richard sa GMA. Number one ang Zorro, pilit niyang pabagsakin. Yung mga comment sa PEP... Yung PEP, i-ban n'yo na 'yan, ha? I-ban n'yo 'yang PEP, kasi puro kasinungalingan! Nakakasira siya sa kapwa artista, sisirain niya lahat ng mga artista. Puro fake 'yan, tao lahat ni Wilma ang gumagawa niyan! Hindi 'yan galing sa mga fans. Walang bastos na fans si Richard, kaya galing 'yan sa mga fans ni Wilma, kasing bastos rin niya!"

Hindi ba kinuha ng Startalk ang panig mo niya nung Sabado?

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

1907 Comments

  • 87  dospoako

    04/22/2009 | 06:41 PM
    quot;Kasi hindi maganda ang ginawa niya kay Richard. Number one si Richard sa GMA. Number one ang Zorro, pilit niyang pabagsakin. Yung mga comment sa PEP... Yung PEP, i-ban n'yo na 'yan, ha? I-ban n'yo 'yang PEP, kasi puro kasinungalingan! Nakakasira siya sa kapwa artista, sisirain niya lahat ng mga artista. Puro fake 'yan, tao lahat ni Wilma ang gumagawa niyan! Hindi 'yan galing sa mga fans. Walang bastos na fans si Richard, kaya galing 'yan sa mga fans ni Wilma, kasing bastos rin niya!quot;

    ---
    madam anabel, iban ang PEP?haha,pakana ni WG?..hahaha..naku nmn, isa n ko s ngssabi n hndi ako fan ni WG at hndi binabyaran..lolz.magppbayad? NEVA, wokowokok
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 86  bingo0112

    04/22/2009 | 06:41 PM
    di ba dati galit c anabil k ogie diaz dahil me komento e2 tungkol ke raymond at richard? kampi n pla cla ngaun..

    limang tao lng daw ang nagsusulat ng comment? pang-ilan kay ako dun..hmmm pang-anim cguro ahihihihi

    bayaran daw! paging pep, Maam Wilma, nd ko pa po natatanggap ang bayad ko!

    Rally? suport ng mga bisaya at fans? Me pera k nman anabil, magbayad k sa mga tambay sa atin, tyak madami kang makukuha at makakatulong k p.

    Mga Kapuso at pepsters, lets show our support to WG by sending flowers or cards to GMA. Its not enough to send our comments here denouncing the quot;witsquot; of anabil rama. By sending flowers or cards to WG, we can express our support, it can caught Gozon's and Duavit's attention, and its a proof that we do exist.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 85  chicka09

    04/22/2009 | 06:41 PM
    Hay naku Anabel ang masasabi ko lang puntahan mo ako rito sa Riyadh, KSA...kukurutin kita,,,hahaha!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 84  lalabs

    04/22/2009 | 06:40 PM
    BALIW NA SI ANABEL, ANU KAYA AKALA NIYA SA MGA BISAYA LAHAT GAYA NIYA PEDE NIYA I DRAG SA KAGAGAHAN NIYA. ANABEL ANG MGA TAO MAMBABASA MAN O FANS OR WHAT EVER, ME SARILI SILANG ISIP AT SA MGA PANGYAYARI MALALAMAN NG KAHIT SINO MAN KUNG SINO ANG MALI AT TAMA, KAYA PARA MAN LANG SA KAPAKANAN NG PAMILYA MO WAG NA SA MGA ALAGA MO,PLS SHUT UP UR MOUTH NAKAKAHIYA KA NA. LALO MO LANG PINAPAKITA SA MGA TAO KUNG ANUNG KLASE KA, WALA KA BANG PINAGARALAN????
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 83  shakshak

    04/22/2009 | 06:40 PM
    patay ka anabel.
    kulong ka ngayon!
    hahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 82  samath

    04/22/2009 | 06:40 PM
    i hope and pray manalo c wilma galvante.
    i'm not pro wilma nor anti anabil
    just want to have dis anabil a lesson
    masyado n syang mataas..
    konting panahon n lng babagsak din c richard..
    hindi kmi mga byaran d2 noh!

    We love PEP and we support PEP
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 81  dadi37

    04/22/2009 | 06:40 PM
    quot;Si Richard, nagte-taping ngayon ng Zorro sa Bataan. Wala siyang pakialam sa gulo. Tuloy-tuloy ang taping niya. Ako lahat ang humaharap ng gulong ito. Ako ang manager. Ako ang nanay. Ako nasasaktan, hindi si Richard. Ako nanay, nasasaktan. Pinalaki ko anak ko maging mabuting anak. Hindi maging barumbado. Hindi manutok ng baril. Hindi ko pinalaki mga anak kong maging bastos katulad ni Wilma Galvante'ng traydor!

    ---kaw anabelle pinalaki ka ba ng nanay mo ng maayos?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 80  strawberrycherry

    04/22/2009 | 06:40 PM
    yung away nilang dalawa, hindi na nakakatulong sa GMA
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 79  sundae1979

    04/22/2009 | 06:40 PM
    Flash Report! Anabel Rama Na Buang Na...read the article
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 78  showbiz08

    04/22/2009 | 06:40 PM
    Siguro for some, especially those loyal kapuso fans, bastos or walang breeding si Anabelle. Fine, i'll take it. But she only speak of the TRUTH. Ever wonder na halos lahat ng artista na medyo sikat na lumilipat sa ABS, e talagang sinisira? Toni? Angel? A lot more? Pare-pareho ang atake ng paninira sa kanila. Now anabel is enlightening us sa real deal. And the truth is-- si Wilma ang utak ng lahat ng yon. Wilma, you're such a LOWLY creature and you DON'T deserve your post. I totally understand if GMA stands behind her. Pinoprotektahan lang nila ang reputation ng network. But this lady, Wilma, is way too much.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 77  im_tryland

    04/22/2009 | 06:39 PM
    sino sino ba ang bayaran ni wilma dito...
    umamin na kayo......
    hala holucuast day kahapon...sige magrally na
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 76  shobizaddict

    04/22/2009 | 06:39 PM
    parang nai imagine ko, pag naghatol ang judge in favour of Wilma, pati yung judge, aawayin nya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 75  amiga

    04/22/2009 | 06:39 PM
    enday anabil, kalma lang enday ha?..kay ang wringkols nato day ba...unsaon na lang..cge na day kalma na...enday anabil ha? ay lab yo hurot day...from waldo..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 74  leo100275

    04/22/2009 | 06:39 PM
    sige lang anabil magalit ka pa ng magalit!

    isa lang naman ang hinihintay ni WG sa'yo yung atakihin sa puso dahil sa galit... tawanan ka lang ni WG! wahahaha...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 73  rpn9

    04/22/2009 | 06:39 PM
    dati pinagpipilitan kong kamukha ko si richard g. ngayun parang ayaw ko na kung sya ang nanay ko. LOL
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 72  dadi37

    04/22/2009 | 06:38 PM
    mga kapamilya, magdiwang na kayo nalalapit nang mapunta ang mga kampon ni anabelle sa inyo
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 71  leo100275

    04/22/2009 | 06:38 PM
    magra-rally daw?

    sigurado mga alaga lang nya kasama nya sa big rally nya!

    wahahaha...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 70  moonlight

    04/22/2009 | 06:37 PM
    Iba talagang pag-iisip nito. Ano kaya tingin nya sa sarili nya? Pinaghalo pa away niya sa PEP at kay Wilma. Dapat dagdagan ng lawyer ni Wilma kaso nila against Annabel.

    Pasalamat nga sya, pinapayagan pa ni Wilma as executive for TV ng GMA na magguest sya at live pa, kasi mas delikado yun.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 69  im_tryland

    04/22/2009 | 06:37 PM
    pero bilib ako sa picture niya diyan..kagagaling lang ata sa parlor..inperness mukha siyang fresh...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 68  leo100275

    04/22/2009 | 06:37 PM
    anabil ilang beses ba naming sasabihin sayo na hindi kami bayaran ng PEP o ni Ma'am Wilma.

    uulitin ko lang ulit na kung gusto mong malaman kung fake kami dito sa PEP eh mag PM ka lang po sa amin at ibibigay namin sayo ang mga numbers namin para ma-verify mo kung talagang fake kami o hindi.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About