PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Part 2: Annabelle Rama cancels plan to organize "big rally" to oust Wilma Galvante from her post

Annabelle insists she is just protecting the interests of her talents.
by Eric Borromeo
Published Apr 23, 2009
"I-announce ko na ngayon, hindi na matutuloy yung rally na aking ino-organize. Kasi kagabi, si Richard, nagmakaawa sa akin, pati si Raymond, na 'wag nang ituloy ang rally kasi nasa court na ang kaso. Hayaan na ang court ang magdesisyon," says Annabelle Rama about the rally that she was supposed to organize to remove Ms. Wilma Galvante from her office.

Matapos magsalita si Annabelle Rama sa radio program na Wow! Ang Showbiz! sa DWIZ noong Lunes, April 20, inulan ng samu't saring komento mula sa listeners ang programa. Kaya muli'y ininterbyu ng radio host na si Ogie Diaz ang kontrobersiyal na Gutierrez matriarch noong Martes, April 22. (Click here to read and listen Annabelle's first interview.)

"I-explain ko lang, Ogie. Uulitin ko ulit, baka yung iba diyan hindi nanonood ng TV sa explanation ko," umpisa ni Annabelle. "Ako, hindi ako nag-start ng away. Never akong nang-aaway. Never akong nang-abuso ng tao. Ako'y tahimik lang.

"Ang nangyari talaga sa gulo na ito, uulitin ko ulit, baka hindi nanonood ng TV yung iba diyan na nakikinig sa 'yo diyan. Nag-umpisa itong gulo dahil kay JC de Vera. Si JC de Vera, inoperan ni Wilma Galvante [SVP for Entertainment TV of GMA-7]. Si Wilma, hindi siya nakikialam sa project ni Richard [Gutierrez, Annabelle's son and talent]. Ang mga project ni Richard, galing talaga sa network 'yang desisyon na bibigyan siya ng Zorro. Nasa kontrata talaga niya na bibigyan siya ng Captain Barbell, Kamandag... Nasa kontrata, kaya out din siya sa gulo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Itong gulo kay JC de Vera... Hindi ko naman papayagan, Ogie, na panghapon na nga yung ano, once a week na nga yung show [Obra, which later became SRO Cinemaserye Presents Ganti] na ino-offer sa kanya, support pa kay Marvin Agustin. Ang sabi ko, hindi naman magka-loveteam si Marvin saka si JC dahil halos lahat ng project ni JC, laging kasama naman si Marvin.


"Tumanggi ako sa project dahil hindi makakatulong sa career ni JC dahil si JC kasi, sa awa naman ng Diyos, sumisikat na. Natutulad siya kay Richard. So, sabi ko, kung pwede sana, tutal naman toprated naman yung mga show ni JC tulad nung Lalola, toprated 'yon. Tapos yung Obra niya, malakas din, solo siya doon. Lahat naman ng ginagawa ni JC, sa awa naman ng Diyos, successful naman. Tumanggi lang kami, kung pwedeng huwag muna siyang isasali diyan. Kasi ayoko naman na lagi na lang si Marvin ang kasama niya sa mga show," paliwanag ni Annabelle.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

MARVIN AGUSTIN-JC DE VERA "TANDEM." Tinanong ni Ogie si Annabelle kung tumanggi lang siya at hindi nagtaray.

"Telepono lang," sagot ng talent manager. "'Otep [Buncalan],' sabi kong gano'n, yung EP, 'hindi pa pala si JC bida diyan, si Marvin Agustin pala, 'dong. Tanggalin mo na muna si JC diyan, huwag mo na siyang isama diyan, kasi lagi na lang si Marvin ang kasama ni JC sa lahat ng project.'

"Wala akong against kay Marvin. Ayoko lang... Kasi ang path ng career ng alaga ko, iniingatan ko na nga, kasi tumaas na nga si JC, e. 'Pag tumaas na 'yan, ingatan mo na. Pataas na siya. Hindi na pwedeng bababa siya."

Hindi ba makakatulong si Marvin Agustin sa pag-angat lalo ni JC?

"Sa palagay ko, hindi," diretsang sagot ni Annabelle. "Kasi hindi pa niya naangat ang sarili rin niya. I have nothing against Marvin, okay? Kasi ang mga manager, gusto namin pag-angat ng isang talent, kailangang ingatan mo na. Kasi 'pag bumagsak ka ng isang beses, napakahirap iangat uli. Kaya iniingatan ko talagang mga talents ko."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

GRAVE-SLANDER CASE. "Kaya ang nangyari ngayon," patuloy niya, "after mga after one week, akala ko ba naman aayusin ni Wilma yung gulo. Ang ginawa ni Wilma nagpadala ng sulat galing sa lawyer ng GMA. Ang sulat, masyadong demanding, idedemanda kami, may damages. Bakit aabot sa demandahan ito? Kaya ako nagalit.

"Tapos isa pa, kaya ako nagalit kay Wilma, kasi after nung story conference nung Obra, imbes na pakawalan si JC, umuwi na, ikinulong naman niya sa kuwarto niya! Hindi ko na sasabihin sa masa kung ano ginawa ni Wilma kay JC sa kuwarto niya dahil nasa court na 'yan.

"Kaya idinemanda ko ngayon si Wilma [for grave slander], kasi nakialam siya sa mga talents ko. Hindi dapat niyang pakialaman ang talent ko dahil executive ka ng GMA entertainment, dapat hindi ka bumaba sa level ko. Kasi manager naman ako, e. Dapat sa kanya, para siyang tinitingala. Parang si Cory Vidanes sa ABS [CBN], sina Charo Santos. Hindi sila nakikialam ng mga talents ng manager, kaya wala silang gulo doon. (Click here to read related story.)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ang nangyari kay Wilma, nakikialam sa mga talent kaya nagkakagulo sa GMA. Tulad ni Angel [Locsin]. Sigawan niya si Angel sa kuwarto niya. Siniraan yung manager ni Angel sa kanya.

"Tapos, di tahimik na kami. Tahimik na kasi nakiusap sa akin si Atty. [Felipe] Gozon. 'Annabelle, patatahimikin ko na si Wilma, 'wag ka na rin magsasalita sa press.' So, tumahimik ako ngayon. Lahat ng mga press na nagtatanong sa akin, sabi ko, ceasefire. Ayoko, kasi nag-promise ako kay Atty. Gozon, hindi na ako magsasalita.

"After one month, dumating na yung demanda [damage suit] ni Wilma sa akin. Kaya ako nagalit. Dinemanda niya ako na bawal daw lumapit sa kanya. Bawal daw ako magpainterbyu sa radyo, sa TV. Bawal daw ako magpa-presscon. Ginawa akong pipi. Hindi raw ako magsalita. Paano ngayon 'yan?" (Click here to read related story.)

Na-grant na ba ng korte ang temporary restraining order (TRO) na hinihingi ni Ms. Galvante laban sa kanya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ang aming hearing, sa Friday [April 24]," sagot ni Annabelle. "Kaya ako nagpapainterbyu sa 'yo ngayon, saka sa TV last Sunday, kasi wala pang grant ang court. Kaya pagkakataon ko na dahil hindi pa naman granted yung ipinagbabawal niya sa akin, di ba? In-explain ko lang para malaman ng taong-bayan na wala akong kasalanan."

THE MANAGER. Ani Annabelle, "Hindi ako mayabang. Hindi ako nagde-demand. Wala akong idinemand. Wala akong yabang, Ogie, kaya ako tumatagal as manager. Matagal na ako as manager, tatlong taon pa lang ang anak ko, manager na ako. Sabi ko, kung masama akong manager, hindi ako magtatagal sa industriya, di ba?

"Ang karapatan ko lang, ipagtatatanggol ko ang mga talents ko na inaapi-api sila. Kasi kawawa naman sila. Hindi naman kaya ng mga nanay nila na ipagtanggol sila sa showbiz. Bale ako ang nanay ng mga talents ko ngayon. Siyempre, ayokong api-apihin ang mga talents ko.

"Kaya ako nasangkot sa gulo ngayon, kasi ipinagtatanggol ko si JC de Vera at saka si Heart Evangelista. Kung hindi ko ipagtatanggol ang mga talents ko, wala sana akong gulo ngayon, di ba?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

THE RALLY. So, tuloy pa ba yung binabalak niyang rally upang patalsikin si Ms. Galvante sa puwesto niya?

"I-announce ko na ngayon, hindi na matutuloy yung rally na aking ino-organize," sagot ni Annabelle. "Kasi kagabi, si Richard, nagmakaawa sa akin, pati si Raymond, na 'wag nang ituloy ang rally kasi nasa court na ang kaso. Hayaan na ang court ang magdesisyon. At saka sabi nila sa akin, 'Imbes na magra-rally ka, iano mo na lang lahat ng talents mo kung saan sila magtatrabaho, sa workshop, sa mga meeting mo.'

"Alam mo, napakabait talagang anak ni Richard. Wala siyang galit maski kanino. 'Richard, sinisiraan ka na nga ni Wilma, e, sa Internet ganyan-ganyan. Sinasabotahe ka nga!' 'Ma, hayaan mo na. Nand'yan naman ang Diyos, kaya ayokong magbabasa ng diyaryo para wala akong alam sa akin,' sabi niya. 'Wag kang magbasa ng diyaryo, Mommy, para wala ka ring kaaway. Nagbabasa ka ng diyaryo, naiinis ka, inaaway mong lahat.'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

PRESS FREEDOM. Pinipigilan n'yo raw ang press freedom, sabi ng PEP? tanong ni Ogie. Matatandaang pinadalhan ng legal counsel ni Annabelle na si Atty. Agnes Maranan ng cease-and-desist letter ang PEP upang ipatigil ang pagpa-publish ng mga artikulo at komento tungkol kay Richard. (Click here to read related story.)

"Hindi totoo 'yon," mabilis na sagot ni Annabelle. "Ang press freedom, hindi bawal 'yon, kasi artista ang mga anak ko. Meron lang right sumulat sa mga anak ko, pero yung press freedom na 'yan hindi mo dapat abusuhin. Dahil meron kang freedom, sisiraan mo na lang yung tao? Dahil may freedom ka, mag-imbento ng istorya? Maski walang istorya, gagawa ka ng istorya. Hindi pwedeng gano'n.

"Tulad na lang nung PEP. Mag-imbento ka ng istorya na wala naman talagang nangyayari. Meron pa silang tutukan ng baril. Yun ang sinasabi ko. Yung freedom n'yo, 'wag n'yong abusuhin. Sa totoo lang ang isusulat n'yo. Wag n'yong lokohin ang taong bayan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ang ginawa ng PEP, niloloko n'yo yung mga readers ng PEP. Niloloko n'yo yung taong bayan na may tutukan, para lang makabenta sa diyaryo. Para lang maraming magsa-subscribe sa kanila, gagawa ka ng kuwento?" saad ni Annabelle.

(Nililinaw ng PEP na walang binanggit na "tutukan ng baril" sa artikulong lumabas dito noong March 29, na naging dahilan kaya nagsampa ng P25-million libel suit si Richard laban sa PEP. Ang nakasaad sa naturang artikulo ay "gun toting," na ang ibig sabihin—ayon sa Dictionary.comay "carrying a gun" o pagdadala ng baril sa Tagalog.)

Pwede pa bang isulat ng PEP si Richard?

"Pwedeng isulat ng PEP ang Richard, pero yung totoong sulat. Kasi right now, yung negative comments about Richard at family ko, hindi talaga galing sa mga fans 'yan. Kasi mga barumbado ang pagsulat, e. Hindi mga barumbado ang mga fans ni Richard. Alam ko 'yan, fake talaga 'yan. Limang grupo 'yan, walang ginawa, sumagot nang sumagot. Tapos pag totoong fans ni Richard, pag sumagot ng maganda, iba-block off nila. Hindi makakapasok. 'Yan, fake talaga 'yan," bintang ni Annabelle.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

STARTALK. Sa unang interview ni Ogie kay Annabelle ay sinabi niyang galit siya sa Startalk dahil hindi raw ito naging fair sa pagpapalabas ng interview ng abogado ng PEP na si Atty. Sandra Olaso-Coronel. Pero ayon naman sa Startalk ay naging fair sila. Ano ang reaksiyon dito ni Annabelle. (Click here to read related story.)

"Ang Startalk, 'yan talaga, alam ko, gawa-gawa ni Wilma 'yan. Kung nakikinig si Wilma sa akin ngayon, 'Wilma, gawa-gawa mo 'yan.' Kasi, unang-una, siya ang executive [sa] entertainment. Dapat 'yan, bago inilabas 'yan, dapat ipinakita kay Wilma dahil taped interview dahl hindi naman live. Dapat yung portion, hindi kasama sa kaso, dapat in-edit 'yon.

"Kasi ang pinag-usapan dito, yung kaso ng PEP. Ang PEP, gumawa ng kuwentong hindi totoo. Gumawa ng imbentong kuwento na sarili lang nila ang nakakaalam sa kuwentong 'yon. Yun ang ating ipinaglalaban diyan. Ginawa nung attorney ng PEP, na baguhang attorney na hindi pa yata nanalo sa mga kaso, hindi naiintindihan ang sulat ng lawyer ko sa PEP.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ang sagot ng lawyer ng PEP, naiba, naiba na ang kuwento. Napunta na sa mall, sa billboards, mali 'yon, e. Hindi naman 'yon ang ating usapan. Ang usapan, PEP. Gumawa kayo ng maling kuwento. Niloloko n'yo ang taong bayan. 'Yon ang gusto kong idiin sa kanila."

At kung may posibilidad na magkabati sila ni Ms. Galvante, agad na tugon ni Annabelle: "Yung pagbabati, wala yung pag-asa. Nasa court na kami, Ogie. Mahaba 'yang proseso. Ngayon pa lang, alam kong nakikinig yung lawyer ni Wilma ngayon. 'Dong, hindi ako aatras sa laban. Kayo nag-umpisa, tatapusin ko. Kung hindi sana ako idinemanda ng client mo, hindi sana lalaki ang gulo na ito.'

"Walang pag-asa na magbati-bati kami. Wala nang pag-asa. Bahala na ang korte sa ating dalawa," pagwawakas ni Annabelle.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"I-announce ko na ngayon, hindi na matutuloy yung rally na aking ino-organize. Kasi kagabi, si Richard, nagmakaawa sa akin, pati si Raymond, na 'wag nang ituloy ang rally kasi nasa court na ang kaso. Hayaan na ang court ang magdesisyon," says Annabelle Rama about the rally that she was supposed to organize to remove Ms. Wilma Galvante from her office.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results