Edu Manzano spearheads "Ako Mismo" movement

Trisha Alvarez
Thursday, April 23, 2009 @ 11:50AM  |  24040 views

"If you decide to run, you cannot choose. Or kung sino ang makakasama mo, halimbawa, [from] provincial board member to Congress. Ang importante is your willingness to serve. Sana lahat ng kasama mo, iisa ang layunin ninyo," replies Edu Manzano when asked of he is willing to run on the same ticket as Senator Bong Revilla.

Photo By: Noel Orsal













"I think we should also be thankful to Jinggoy Estrada. Jinggoy is number one in the survey, di ba? And he is also showing na ang artista, puwede ring gumawa ng magandang pangalan sa Senado. Tingnan mo siya, nagtatrabaho siya," saad ni Edu.

BIG FISH. Ibinalita naman ng OMB Chariman na nahuli nila kamakailan ang isang big fish sa mga namimirata ng mga pelikulang Pinoy at foreign.

"Ang tagal na naming hinahanap ito. Kasi ito, paikut-ikot. Pinasok namin siya sa De Jesus St. sa Baler. Siya si Lawrence Gatchalian alyas Lawrence Tiu. Dito lang sa may Pugadlawin.  

"Nahuli namin ang kanyang factory. Tingnan mo ang Meralco billing niya, P140,000 and P143,000! Pero ang front ng bahay niya, mataas na bakod. Papasok ka, kakanan, kakaliwa ka

"Nahuli namin siya kasi si Usec. Bebot Villar ng PASG [Presidential Anti-Smuggling Group], sila ang first line of defense. Kasi itong mga makina, galing sa abroad. Hindi naman gawa dito, e. So, ang first line of defense mo talaga, dapat yung Customs at yung PASG.

"E, lately, yung PASG kasi, hindi nila alam kung anong klaseng makina 'yan, e. Kaya kailangan silang bigyan ng tulong ng OMB. So, kung meron silang nakikitang misdeclaration na spare parts, tools... Pero yun pala, makina, so baklas-baklas. Kaya  tumatawag ang PASG.

"So, I guess, yung latest success nung OMB is because of the inter-agency cooperation. Magaling si Usec. Villar. 'Tsaka maganda, kasi alam mo, sila dapat ang mauna dahil anti-smuggling, di ba? So, bago nila ma-smuggle. Kapag nandito na, saka namin naging problema."

WEDDING RUMOR. Samantala, usap-usapan din ang pagpapakasal diumano ni Edu sa co-host niya sa Umagang Kay Ganda na si Pinky Webb

"May plano, e, noon," sabi ni Edu. "No, actually we thought about it. Pero doon lang muna. Parang apat ang ginagawa niyang [Pinky] shows. Peak ito ng career niya. Bata pa naman siya. She will be turning 39 on April 11."

Ibig bang sabihin pagbibigyan muna ni Edu si Pinky na i-enjoy ang magandang takbo ng career nito sa television?

"Well, oo, nakita namin yun, e," sabi niya. "While we don't say na eto ang pinaka-peak, kita mo talaga. 'Tsaka, aaminin mo rin, magpi-54 na ako sa September 14. Sinong  mag-aakala na mabibigyan pa ako ng break na ganito? Grabe!

"At hindi lang yun, yung iba, relegated to support yung ibang mga roles. Yung iba, nagpabaya rin. Or yung iba, hindi naging focus sa kanilang  buhay o paggawa ng pelikula at TV shows.

"Suwerte, 'no? At iniisip ko, ano bang nagawa mo? Malaking bagay yung OMB and also malaking bagay yung maturity level ko. Mas naging understanding ako. Kaya kapag nakita ko talaga yung tao sa PGKNB, I have truly an interest sa kanila, e."

Lumabas sa ilang reports na engaged na sina Senator Mar Roxas at Korina Sanchez. Engaged na rin ba sila ni Pinky?

"Naks! Huwag na... Pabor ako sa long engagement," bitin na sagot ni Edu.

« Prev  1  2  3  

Related Articles

20 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name