Isa si Rio Locsin sa itinuturing na sex goddesses noong early '80s, kasama sina Alma Moreno at Lorna Tolentino.
Ilan sa mga pelikulang tinampukan niya noon ay ang mga sumusunod: Disgrasyada (1979); Salawahan (1979); Stepsisters (1979); Init (1979); Ina, Kapatid, Anak (1979); Bira, Darna, Bira! (1979); Aliw-iw (1979); Ang Kambal Sa Uma (1979); Manila By Night (1980); Gabi ng Lagim Ngayon (1980); Waikiki (1980); Haplos (1983), at Working Girls (1984).
Karamihan sa mga naging direktor ni Rio noon ay ang mga sikat at dekalibreng direktor gaya nina Lino Brocka, Ishmael Bernal, Joey Gosengfiao, Eddie Rodriguez, at iba pa. Kaya naman kilala rin siya sa pagiging mahusay na aktres.
"Magagaling talaga na direktor ang nagha-handle sa akin. Kasi nung panahon ko noon, kahit seksi-seksi ang mga ginagawa ko, kung walang nagtiyaga na nagturo sa akin na mga direktor, siguro hindi rin naman ako magpo-progress o made-develop. Pero yun na nga, nasa tulong ng mga direktor na magagaling, natuto ka. Hindi ka naiwan lang doon," lahad ni Rio, who plays a major role sa bagong afternoon soap ng ABS-CBN at TV remake ng pelikula na pinagbidahan niya noon, ang Kambal sa Uma.
Anu-ano ang mga unforgettable movies para sa kanya sa mga ginawa niya noon?
"Meron akong gustong movie, yung Unang Yakap," sabi niya sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Ang direktor ko, si Eddie Rodriguez; kasama ko si Alma Moreno. Gusto ko rin yung Manila By Night. Doon lang kami nagkasama-sama lahat ng medyo sexy stars noong araw. Yun pa lang, ibang klase na—si Cherie [Gil], si Alma, si Lorna. Ako yung blind na talaga namang napaka-bold. Pero hindi ko na yun gagawin."
Ipinalabas kamakailan sa Boracay ang first movie na ginawa nilang tatlo nina Alma at Lorna na Waikiki sa Boracay. Aware ba siya tungkol dito?
"In-invite ako ng Cinema One pumunta ng Bora. Kaya lang, hindi talaga kami puwedeng mag-break dito [Kambal Sa Uma] dahil every other day, nagte-taping kami. So, nag-beg off ako. Hindi ko talaga kakayanin."
FOREVER YOUNG. Sa kabila ng paglipas ng panahon, nananatiling young-looking pa rin si Rio, tulad din nina Alma at Lorna. Ano ang sikreto niya?
"Wow, salamat naman!" bulalas ni Rio. "Ano lang talaga, kuntento ako 'Tsaka no pressure from work. Wala akong pinuproblemang major.
"Ang mga anak ko, malalaki na. Graduate na ang mga anak ko, lahat sila. Yung bunso ko, graduating na. Napatapos ko na ang tatlong anak ko. Kumbaga, 'Hay, puwede na akong magbakasyon. Puwede na akong mag-retire."
Ano ang natapos ng mga anak niya?
"Yung panganay is AB Communication. She's 28. Yung second ko, 26. Yung youngest ko, turning 20. I'm 48 this year.
"Si Paula yung panganay. Yung pangalawa, si Java, International Languages majoring in Spanish. Yung bunso, Multimedia Arts sa St. Benilde. Kaya medyo puwede na akong magpahinga."
Paano niya name-maintain na maganda pa rin ang figure niya?





archangeldiva
Trophy pa rin ang basehan kung magaling kang umarte lalo sa panahon na credible pa ang mga award giving bodies sa Pinas.
yes, Prof Behn Cervantes...
Kahit sino pwedeng magsabi noon at pwedeng mag comment. Kahit nga hawak na ng nanalo ang trophy meron pang naghahabol dahil iba't iba ang criteria sa pagbibigay ng award.
Yun lang.
tearhere
April 24, 2009
08:03 AM
korek ka dyan. Sobrang ganda nito nung kabataan nya gwapo din ang napangasawa kaya ang gaganda ng mga anak
Pero okay na din yun,bka kung ano pa ngyari sa future nila kung nag-artista cla..Disente nman kse tong c Rio Locsin,tama yun isang comment d2,di sya nagpa-lipat lipat ng relasyon,2 lng tlga..I heard c Mr. Padim Israel eh pastor na din.
Beautiful DARNA