Director Cathy Garcia-Molina returns to work after her husband's  death last month

Rose Garcia
Thursday, April 23, 2009 @ 04:41PM  |  69 views

 

"Actually, hindi pa ako nagmo-mourn, hindi pa ako naggi-grieve. Para sa akin, wala pa rin yung full realization. In fact, noong una kong uwi sa bahay, sabi ko sa ate ko, 'Ate, wala na talaga akong asawang uuwi, 'no?' Parang noon lang... Well, parang hindi pa talaga nagsi-sink in. Parang slowly, iniisip mo nasa work lang siya at uuwi ulit," says director Cathy Garcia-Molina.

Photo By: Noel Orsal













Nagulat kami nang ipakilala ang cast at mga direktor ng upcoming series ng ABS-CBN na Precious Hearts Romances (PHR) sa presscon nito kahapon, April 22. Bukod kasi kay Direk Jerry Sineneng ay humarap din sa press ang "original" director nito na si Cathy Garcia-Molina.

Noon kasing press conference ng Precious Hearts Romances ay in-announce ng business unit head ng programa na si Laurenti Dyogi, na out muna si Direk Cathy sa show dahil sa biglaang pagkamatay ng kanyang mister na si Philip "Epoy" Molina. Magiging mahirap nga naman para sa direktor ang bumalik agad sa trabaho, lalo na't love story pa ang ididirek niya. (Click here to read related story.)

Tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Direk Cathy kung ano ang dahilan at ginawa pa rin niya ang isang episode ng PHR, ang "Betchay By Golly Wow" na bahagi ng "Bud Brothers" series. Ito ay tatampukan nina Mariel Rodriguez at Rafael Rosell.

"You know, parang nahirapan ako. It broke my heart to say no. But I asked him [Direk Lauren]... I think I needed time to grief, baka wala lang dun ang isip ko. So, nag-beg-off ako for the pilot. After noong nagte-taping na sila, naiinggit na ako kay Direk Jerry. Ako na mismo ang tumawag kay Direk Lauren.

"Sabi ko, 'Direk, nakakuha ka na ng director for episode 2?' Sabi niya, 'Kaya mo na ba?' Then, he called me up again, 'Wala pang director. Gusto mo pa rin?' Sabi ko, 'Sige po.' And it is helping me...helping me a lot. Being with people, doing love story. At least, namatay naman ang asawa ko na mahal namin ang isa't isa, so okey lang. Masama kung nangaliwa yun, mas mahirap yun," saad ni Direk Cathy.

AVID KOMIKS READER. Ayon kay Direk Cathy, avid komiks reader siya, lalo noong bata pa siya. Kaya naniniwala siyang magugustuhan ng viewers ang mga kuwentong hango sa libro ng PHR.

"Sa pocketbook nga, hindi masyado kasi ayoko ng walang picture. So, ito, sa totoo lang, it's my first time to read and I got hooked. I got to read kasi maraming dapat basahin. Binuo namin ang kuwento hanggang dulo. Mahirap lang kasi, there are words, there are scenes na mahirap isa-TV. So, medyo nagtatanong na nga sa akin, sabi niya, parang mini-porn na raw ang ginagawa namin!" natatawang kuwento niya.

Patuloy ni Direk Cathy, "Actually, nakakatuwa lang, kasi parang ang galing mag-titillate nitong si Ms. Rose Tan [author of the book]. Magaling siyang mag-visualize. Parang nai-imagine mo... Ay, lalo na ako, wala na akong ka-sex, 'no! So, nakaka-ano siya, it's part of the challenge. Sana maging faithful ako dun sa pocketbook, although pang-TV. There's really things you cannot show in television."

WORKING WITH AGA. Bukod sa "Bud Brothers" ng PHR, naka-schedule din si Direk Cathy na magdirek ng isang romantic movie under Star Cinema starring Aga Muhlach and Angel Locsin.

"Actually, may meeting kasi ako ngayon for Star Cinema. Sabi ko, parang hindi ko yata kakayanin munang mag-romcom [romantic-comdey], parang mas gusto ko yatang gumawa na mala-One More Chance feel. So, baka yun muna ang gawin namin nina Aga at Angel. May pagka-drama, pero hindi mawawala yung kilig. Hindi ka nga lang mababangko sa romantic comedy."

First week of May raw sana ang start ng shooting for the movie. Pero hindi pa raw ito sigurado.

Excited na ba siya to work with Aga?

"Excited and scared!" bulalas ni Direk Cathy. "Alam ni Morning [palayaw ni Aga] yun. Palagi kong sinasabi kay Morning, 'Morning, natatakot ako sa 'yo!' Tapos sabi niya, sa akin? 'Bakit? Mabait naman ako.' Yun nga, nothing with ugali. Pero kapag beterano ang kaharap mo..."

Nai-intimidate pa ba siya?

"Oo!" mabilis niyang sagot. "Naku, e, sila kasi, ilang years na sila at nakatrabaho na nila ang pinakabatikang directors sa bansa sa tanang buhay nila. E, parang ako, ang feeling ko, 'eto ako, nagsisimula pa lang na director. So, tinatanong ko, 'Paano ko kaya iko-correct si Aga? Papayag kaya siya?' Yung mga ganoon. Pero alam ko, ugali, wala akong problema kasi nagkasama na naman kami.

1  2  3  Next »

Related Articles

25 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name