PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Angel Locsin awards scholarships to four women on her birthday

Angel on Marian Rivera being the new Darna: "I'm happy for her."
by Kate Borbon
Published Apr 24, 2009
"Hindi ko masasabing pinakamasaya, pero I'm happy. Kasi kahit paano, nagkaroon ako ng oportunidad para ibahagi yung konting blessings na natatanggap ko," says Angel Locsin when asked if this was her happiest birthday. Angel turned 24 yesterday, April 23.

Halos wala pang tulog si Angel Locsin nang dumating siya sa selebrasyon ng kanyang kaarawan kahapon, April 23, kasama ang women's group na Gabriela sa Balay Kalinaw sa UP Diliman. Very meaningful para kay Angel na makasama ang Gabriela sa mismong araw ng kanyang kaarawan.

"Nakakatuwa rin," bungad ni Angel sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Sa konting panahong mabigyan mo sila kahit konting saya, magkaroon din ng chance na makatulong sa mga nangangilangan talaga. Yung may cause, hindi yung kiyeme-kiyeme lang. Yung may ipinaglalaban talaga and I'm proud na maging part ng Gabriela."

Wala ba siyang plano na magtayo ng sarili niyang foundation?

"Wala, e," sagot niya. "Gusto ko tulong-tulong lang. Matrabaho rin kasi. Iba rin yung may sariling foundation. Pero sa ngayon, I'm happy na ganito. Tutulong-tulong lang sa kung sino ang feel ko na tulungan at gusto rin nila na tumulong ako."

Sa naganap na selebrasyon ni Angel, kasama ang Gabriela, namahagi ang young actress ng scholarships para sa apat na deserving women.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Mahirap din ang naging proseso ng pagpili kasi marami rin talaga ang nagangailangan sa ngayon, at saka yung mga karapat-dapat. Binabasa talaga yung pangalan at may background check talaga. Pati yung sa educational, lahat yung team namin. Tapos nagpatulong kami sa Gabriela. Kasi ang hirap talaga. Ang hirap maghanap. Tapos, sinabi nila sa amin, sa tingin nila na maa-appreciate itong tulong namin."

Hindi naman kaya mainggit yung iba na hindi napili na mabigyan niya ng scholarship?

"Huwag naman sana. Kasi yun lang talaga yung hiningi kong kapalit ng endorsement ko sa ABE [International Business College] na bigyan ako ng scholarship. Meron naman akong TF, pero yung scholarship, ganun talaga ako. Kahit tanggalin ang TF ko, basta may scholarship. Hindi ganun kalaki ang TF ko, basta may scholarship."

Totoo nga ba na naging estudyante rin siya ng ABE?

"Naging, pero hindi ako naka...mga first sem," sabi niya. "Pumapasok ako noon. Pero sabi ko, parang hindi ko na kaya pumasok ng six days. Mga Click [defunct youth-oriented SHOW IN gma-7] days pa ako noon. Sinabi ko rin sa kanila yun, e. Tapos sabi nila, 'Oo nga, e. Alam din namin naging student ka dito.'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

BIRTHDAY ASALTO. Tulad last year sa taping ng Lobo—ang fantaserye niya with Piolo Pascual—inasalto rin si Angel ng cast, staff, and crew ng bago niyang teleserye sa ABS-CBN, ang Only You, noong taping nila sa Biñan, Laguna, last Wednesday, April 22.

Dumating ba ang boyfriend niya na si Luis Manzano?

"Pumunta siya," pagkumpirma ni Angel. "Actually, hindi na ako na-surprise kasi nagku-cooking-cooking kami. Tapos habang nagluluto ako, isa-isang nawawala ang mga tao. E, siyempre, nakakatunog na ako, di ba?

"Si Diet [Diether Ocampo, her leading man in Only You], may drama, 'Gel, lika na. Aalis na si Rema [Ostwani, Diether's girlfriend]. Magpapaalam na siya. Halika na.' Sabi ko sa kanya, 'Huh, echosero! Ikaw, palaka ka rin!'

"Tapos tinatagalan ko talaga ang kilos ko. Tapos, habang naglalakad ako... Tapos sila yung, 'Ikaw, expectorant ka rin! Super expecting ka rin!' Oo, na-preempt ko raw. Tapos, natatawa nga ako kasi kumanta sila ng 'Happy Birthday,' nakalimutan nilang i-switch on yung ilaw. So, patay yung ilaw. Sabi ko, 'Try n'yo kayang buksan ang ilaw para makita ko ang mga face ninyo at ma-surprise nga ako?' Kasi kumakanta sila, ang dilim-dilim.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Pero siyempre, na-touch naman ako, lalo na itong sa Only You. Ilang weeks pa lang kami nagkakasama. Tapos kahit medyo tight ang time namin, nag-allot talaga sila ng time," lahad ni Angel.

Masasabi ba niya na ito na ang pinakamasayang birthday niya?

"Hindi ko masasabing pinakamasaya, pero I'm happy. Kasi kahit paano, nagkaroon ako ng oportunidad para ibahagi yung konting blessings na natatanggap ko."

Speaking of Only You, marami ang nakapansin na mas may chemistry sila ni Sam kesa sa kanila ni Piolo sa Lobo. Agree ba si Angel dito?

"Ay, hindi ko lang alam. Ayoko namang i-compare kasi iba rin naman yung charisma ni Piolo, iba rin si Sam, na hindi namin ine-expect. Hindi namin ine-expect na magkakaroon kami ng chemistry. Tapos biglang, nagkakasagutan kami sa mga eksena. May rapport kami. Nakakatuwa."

VINDICATED? May mga nagsasabi na very positive ang pasok ng Only You sa buhay ni Angel ngayon. Wala nang mabibigat na intriga, happy ang lovelife niya, at nanalo pa siya ng P1 million sa Pinoy Bingo Night, ang game show na hinu-host ni Kris Aquino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"E, kasi nung Lobo, tensiyonado na nga ang show namin, tapos intriga-intriga pa," saad niya.

Sinasabi rin ng ilang showbiz observers na "vindicated" na siya this year sa ginawa niyang paglipat sa ABS-CBN mula sa GMA-7. Ano ang reaksiyon niya rito.

"Ganun ba yun?" nakangiting sagot ni Angel.

Sa mga interview ni Annabelle Rama ay madalas niyang banggitin ang pangalan ni Angel kung paano ang naging treatment diumano sa kanya noon ng GMA-7 executive na si Ms. Wilma Galvante. Matatandaang kinasuhan ni Ms. Galvante si Annabelle ng damage suit, samantalang sinampahan naman ni Annabelle si Ms. Galvante ng grave slander.

"Tita Annabelle? Positive naman? Biglang natakot ako!" natatawang sabi ni Angel.

Ayon kay Annabelle, na-experience din daw ni Angel kung paano "ikulong" sa kuwarto ni Ms. Galvante tulad ng alaga ni Annabelle na si JC de Vera.

Sa interview ni Ogie Diaz kay Annabelle sa Wow! Ang Showbiz! noong April 20, sinabi ng talent manager na: "Kaya nawala si Angel sa GMA 7, e. Kasi si Angel, kinulong niya sa kuwarto rin 'yan. Pinagmumura niya manager [Becky Aguila] ni Angel, kaya lumayas manager ni Angel sa GMA, e."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ano ang rekasiyon dito ni Angel?

"Hala, e, di lalong nagalit sa akin? Sana huwag namang madagdagan ang galilt sa akin [ni Ms. Galvante]!" natatawang sabi ni Angel.

"Enough na yun. Enough na," habol niya.

DARNA. Kahapon, April 23, ay pormal nang in-announce ang pagkakapili kay Marian Rivera bilang bagong Darna. Matatandaang ginampanan din ni Angel ang naturang Pinay superhero role noong 2005 na nasa Kapuso network pa siya.

Totoo ba na inalok siya na mag-Darna ulit sa GMA-7?

"Hindi ko alam. Wala namang nakarating. May mga bali-balita, pero wala namang seryoso talaga," sagot ni Angel.

Ano ang na-feel niya nang makarating sa kanya ang balita?

"Natuwa lang," sambit niya. "Pero alam ko naman nandito ako sa ABS-CBN. Alam kong malabong mangyari yun, di ba? 'Tsaka imposible yun. Happy ako siyempre. Pero wala, ganun talaga ang buhay."

Ano naman ang masasabi niya na si Marian na ang humalili sa kanya bilang bagong Darna?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"I'm happy for her," maikling sagot ni Angel.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Hindi ko masasabing pinakamasaya, pero I'm happy. Kasi kahit paano, nagkaroon ako ng oportunidad para ibahagi yung konting blessings na natatanggap ko," says Angel Locsin when asked if this was her happiest birthday. Angel turned 24 yesterday, April 23.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results